Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16 | Playing Around




FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP



*

*

*





        Limang buwan na ang nakararaan simula nang umalis si Camiya sa bahay nilang mag-asawa, at isang buwan na ang nakalilipas simula nang makilala nito si Ryland. Naniniwala si Cruz na walang romantikong damdamin si Camiya para sa batang doktor, subalit hindi imposibleng mangyari iyon sa nalalapit na panahon; kung ang pagbabasehan ng dalaga ay ang pagbabagong napapansin sa kaibigan.

            And Cruz had no problem should her friend find someone that would make her happy and would love her unconditionally. Ang problema ni Cruz ay ang maaaring maging tingin ng mga tao kay Camiya sa pakikipaglapit nito sa doktor habang kasal pa kay Heathe Flaviero.

            "Ni-tanong ako ni Mama kagabi kung kumusta kayo ni Heathe," sabi ni Cruz na muling nagpaangat ng tingin ni Camiya. "Nakita ka raw niya noong isang araw na may kasamang ibang lalaki sa isang restaurant malapit sa ospital na pag-aari ng Papa mo. My mother went to her doctor for her annual check-up at nakita niya kayo."

            Iyon ang pinag-aalala ni Cruz; ang pag-usapan ng ibang tao ang kaibigan niya. Hindi alam ng mga nakakakilala sa kanila ang tungkol sa hiwalayan nina Camiya at Heathe, maliban sa kanila at sa mga magulang ni Cami, kaya nag-aalala si Cruz na hindi maintindihan ng ibang tao ang mga nangyayari at masira ang pagkatao ng kaibigan sa tingin ng mga ito.

            "Sinabi kong kaibigan siya ng Papa mo."

            Camiya shrugged nonchalantly. "Which is true, dahil totoong kaibigan naman ni Papa ang pamilya ni Ryland. What's wrong? Why do you look so bothered?'

            "Dahil nag-aalala ako na may masabing hindi maganda sa'yo ang ibang tao. Kilala ka bilang anak ng may-ari ng pinaka-malaking ospital dito sa bayan natin, at kilala kayong mag-asawa ng halos kalahating porsyento ng mamamayan ng Villa Vicente. Ano ang iisipin ng ibang tao kapag nakita kayong madalas na magkasama ni Dr. Ryland Oswald?"

            "Wala silang iisiping masama," balewalang sagot ni Camiya bago ibinabang muli ang  pansin sa binabasang magazine. "Besides, hindi naman kami madalas magkita nang kami lang. Minsan, kasama rin si Mama, o silang dalawa ni Papa. Minsan naman ay ang mama niya. Madalang kaming magkita ni Ryland na kaming dalawa lang. And don't worry, hindi ako lumalabas sa gabi para makipagkita sa kaniya—alam ko rin kung hanggang saan umaabot ang imahinasyon ng ibang tao."

            Nakahinga ng maluwag si Cruz.

            "Don't get me wrong, Cami. Siyempre gusto ko ring maging masaya ka at hindi magmukmok dito sa bahay niyo, and I like how you are slowly getting back to your normal self. Nag-aalala lang ako sa iisipin ng ibang tao lalo at alam ng lahat na kasal ka kay Heathe Flaviero."

            Sandaling sinulyapan ni Camiya ang kaibigan at ningitian bago muling ibinaba ang tingin sa magazine. "Thank you for your concern, Cruz. Don't worry, I will handle the situation when worse comes to worst."

            "Pfft," si Loyda naman na muling nagpalingon sa dalawa. Ipinatong nito ang hawak na magazine sa ibabaw ng mesa saka pa-ismid na nagsalita. "Bakit si Camiya na lang lagi ang mag-a-adjust at mag-aalala tungkol sa mga bagay na ito, Cruz? Bakit hindi naman si Heathe? Don't you know na ilang babae na rin ang kinita ni Heathe during the 6-month period? Ngayong buwan lang hindi nakita ang lalaking iyon dito sa Villa Vicente na may kasamang ibang babae, ah? Bakit hindi rin siya mag-ingat nang sagayon ay hindi napag-uusapan itong si Camiya?"


***


See you on VIP!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro