15 | With Mr. Hot-Male-Organism
FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP
*
*
*
"That 12-month agreement sounds like a movie plot."
Bahagya siyang natawa. "That's what my mother thought so, too."
Tumuwid ng upo si Ryland at biglang nagseryoso. "Your husband has his reasons, hindi pwedeng wala. Siguro ay totoo ngang hindi pa niya alam kung ano at kung saan nagsimula, but I'm sure he will eventually realize it. And that 12-month agreement you made was actually a mature thing to do. It was like a breathing moment for both of you, it wasn't really a bad idea."
Kinuha niya ang kopita saka dinala sa bibig. Matapos sumimsim ay ibinaba niya iyon saka siya nagpakawala ng malungkot na ngiti.
"I want him to find himself and look for the reasons, pero ang totoo... kaya ko ini-mungkahi ang preposition na iyon ay para mapahaba ko pa ang panahong kasal ako sa kaniya. That night, when we spoke about separation, I saw the determination in his eyes and it scared the hell out of me. I didn't want to lose him, I didn't know what I would do without him. I wanted to stay married to him—dahil kung hindi rin lang siya ay hindi na ako magpapakasal sa iba. I just simply want to... defer his decision. At kung gagawin niya ang hiniling ko sa kaniya na hanapin ang rason ng biglang pagkawala ng pagmamahal niya sa akin, ay baka maayos pa namin sa huli ang pagsasama namin."
Ryland remained quiet as he listened to her opening up about her feelings and thoughts. Noon ay sina Cruz at Loyda lang ang nakaka-usap niya tungkol sa bagay na iyon, Hindi niya inakalang magsasabi rin siya sa ibang tao. Doon pa sa lalaking kaka-kilala pa lang niya.
Pero naging madali ang pagsasabi niya kay Ryland dahil tulad niya'y hindi rin naging maganda ang takbo ng relasyon nito sa dating asawa. Tulad niya ay dumaan din ito sa sakit na dulot ng paghihiwalay. So she knew that Ryland understood her better than anyone else.
"'Yan ang paniniwala ko noon," dagdag pa niya sa naunang mga sinabi na ikina-salubong muli ng mga kilay ni Ryland.
She continued, "I thought I wouldn't be able to survive it. Pero kalaunan ay nawala ang sakit, nawala ang sama ng loob. At ngayon ay... hindi ko alam kung gugustuhin ko pang maibalik sa dati ang lahat."
"Sinasabi mo bang handa ka nang tanggapin ang mga nangyari at hiwalayan ang asawa mo?"
"Gusto kong... tapusin ang labin-dalawang buwang palugit ko sa kaniya. Saka na ako magde-desisyon kapag natapos na ang panahong iyon."
"You still love him, don't you?"
Malungkot siyang ngumiti. "You can't easily unlove someone you've shared a decade with. Pero sa nakalipas na mga linggo ay natututunan ko na ring unahin ang sarili ko. Sa halip na isipin ko siya at ang nangyari sa amin, ay inuuna kong intindihin ang kapakanan ko."
***
See you on my VIP group!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro