Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 | The 'Boring' Wife




FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP


*

*

*


            The woman, who was wearing a pink business suit, white pants, and black high-heeled shoes walked gracefully towards the salon. Sa malapitan ay mas glamoroso ito tingnan, but she was quite intimidating, katulad ng ilang mga business associates ng Flaviero Organics na nakilala niya.

So, this is what Heathe likes now, huh... she thought painfully. Nagsawa na ang asawa niya sa isang submissive partner at naghanap ng babaeng kayang pataubin ang ilang mga lalaki. Someone business-like. Someone intimidating. Someone who looked powerful.

Nagbawi siya ng tingin at niyuko ang sarili. Hindi niya maiwasang i-kompara ang sarili sa babaeng iyon.

"Camiya, what's wrong?"

Nag-angat siya ng tingin nang marinig si Cruz. Naka-lusot ang ulo nito sa pinto at kunot-noong nakatingin sa kaniya.

"N—Nothing," aniya sabay iling. Isang sulyap pa ang iginawad niya sa babae bago sana pumasok sa kotse nang matigilan siya.

Dahil ang babae ay nahinto at nakalingon sa direksyon niya; curiosity was on her gorgeous face.

Nakipagtitigan siya rito.

Did she know her?

Well, kung ito ang bagong ka-relasyon ng asawa niya, ay hindi imposibleng hindi siya nito makilala.

Karelasyon... Tila pinipilas ang dibdib niya sa sakit na dulot ng salitang iyon.

"Your name is Camiya?" the woman asked. And boy, her husky voice sounded so sexy; iyong tipong naririnig niya sa radyo tuwing hating gabi.

Lalo siyang nagtaka nang dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya, at huminto lang ng ilang dipa.

"You have a pretty, yet unusual name, and I don't think mayroon kang kapangalan dito sa Villa Vicente. Is your name Camiya Flaviero?"

Ang akma niyang pagsagot ay natabunan nang biglang nagsalita si Loyda na napalabas rin sa kotse nito.

"Her name is Camiya Santi."

The woman smiled showing a perfect set of white teeth. "Then you are the Camiya Santi-Flaviero I heard of." Ang mga mata nito'y humagod sa kabuuan niya, na sandali niyang ikina-ilang.

She was wearing a signature blouse and pants, but she couldn't help but feel like a beggar in front of the exquisite woman. Gusto niya itong sitahin sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya, subalit bago pa man niya iyon nagawa ay nagsalita na itong muli.

"You look pretty—pretty boring that is. No wonder why." Umismid ito saka tumalikod na bago pa man siya naka-sagot.


***


See you on my VIP GROUP!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro