Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 | Moving On Was Never Easy


FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP

*

*

*


"Whoa, whoa, whoa—who was that hot-male-organism?"

Natawa si Camiya nang marinig ang tanong ni Loyda nang makalapit ito kasunod si Cruz.

"Hot-male-organism?" ulit niya sa sinabi ng kaibigan bago ito dinampian ng halik sa pisngi. "Ginawa mo pang parte ng Kingdom of Bacteria ang tao."

Si Loyda na nakasunod pa rin ang tingin kay Ryland na hawak-hawak sa braso ng mama niya habang humahakbang patungo sa living room ay sumagot. "He's a good-looking guy, hindi ako magtataka kapag may nagsabing nabuo siya sa isang lab kaya nagmukhang perpekto."

Si Cruz ay lumapit at humalik din sa pisngi niya. Nginitian siya nito at binati muna bago sumagot sa sinabi ni Loyda. "Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na ang kapapanood ng mga sci-fi films, Loyda. Tingnan mo kung ano ang epekto sa state of mind mo."

Umikot lang ang mga mata nito sa sinabi ni Cruz bago ibinalik ang pansin sa kaniya. "So, who is he, frennie?"

"Kaibigan ni Papa at isa sa mga resident doctor ng ospital."

"Hmm, a hot doctor, I see..." Ngumisi ito saka banayad siyang siniko. "Huhulaan ko—bago matapos ang linggong ito ay ire-reto na siya ng papa mo sa'yo."

Muli siyang natawa sa sinabi ng kaibigan.

"Na parang pwede na siyang i-reto..." komento naman ni Cruz sabay ikot ng mga mata. "Camiya's father may have hated Heathe so much, pero imposibleng magre-reto iyon ng ibang lalaki habang ganitong hindi pa naaayos ang problema ng anak niya sa estranged husband, 'no."

"Aba Cruz, panahon nang maghanap ng kapalit si Camiya, ano. Paghahanda na rin sa araw na tuluyan na silang maghiwalay ng Heathe na iyon."

Napa-iling na lamang siya at hinayaan ang mga itong magtalo. At habang nakikinig sa palitan ng salita ng mga kaibigan ay pinakiramdaman niya ang sarili; sinuri ang kondisyon ng dibdib matapos marinig ang pangalan ng asawa.

May kaunting kirot pa rin siyang nararamdaman subalit kaya na niyang dalhin iyon hindi tulad ng dati.

Panghihinayang at sama ng loob? Wala na.

Pagmamahal? Maaaring naroon pa rin, dahil kung wala na'y hindi na sana siya nakararamdam ng kirot.

She had somehow helped herself move on and got used to the pain. The process was not easy, but she was able to get through it. Nagawa niyang lampasan ang dilim at nakita ang liwanag sa dulo.


*** 


See you on VIP!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro