Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 | Fixing Broken Pieces




FULL CHAPTER CAN ONLY BE READ ON MY FACEBOOK VIP GROUP


*

*

*


Her husband had found someone else.

Mabilis siyang umiwas siya ng tingin nang makasampa na sa escalator si Heathe kasama ang babaeng nakasuot ng business suit. Mariin siyang napalunok nang maramdaman ang pananakit ng lalamunan, kasunod ng unti-unting panlalabo ng paningin.

She had not seen him since the night she left the house, at ang makita itong muli na may kasama nang ibang babae ay nagdudulot sa kaniya ng matinding sakit at sama ng loob.

Pull yourself together, Camiya! Hindi ba at ikaw rin ang may gustong gawin ang agreement na ito? You told him that he could date another woman in the duration of your twelve-month agreement, so wipe your tears and chin up!

Humugot siya ng malalim na paghinga sa pag-asang gagaan ang dibdib niya, subalit walang nangyari. Parang lalo pa ngang bumigat.

Hindi ibig sabihin na ako ang gumawa ng agreement na iyon ay hindi na ako masasaktan? And besides... I didn't expect him to go along with it.

Itinakip niya ang isang kamay sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng hikbi.

Ito ba ang ginagawa niya sa nakalipas na mga araw? Was he just dating women and enjoying his freedom? Ayaw na ba talaga niya sa akin? Tunay nga bang wala nang halaga sa kaniya ang sampung taong pinagsamahan namin? How could he easily find someone to replace me?

Pero... paano kung matagal nang kakilala ni Heathe ang babaeng iyon? Paano kung naroon na ito bago pa man ang agreement nila? Paano kung... ang babaeng iyon ang dahilan kaya nawala ang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang asawa?


***


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro