Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11 | Going Back To The Promises He Didn't Keep (EXCERPT)





FULL CHAPTER IS AVAILABLE ON MY VIP GROUP

*

*

*


            "Ikaw ang unang taong bumati sa akin sa mahabang panahon," aniya. "Maliban sa yumao kong mga magulang at ilang mga kapitbahay ay wala nang nakaaalam tungkol sa araw na ito. Nang mamatay ang Mama ko ay hindi na ako nagdiwang—bukas ang araw ng kamatayan niya."

Narinig niya ang pagsinghap ni Camiya, kasunod ang muli nitong pagtingala sa kaniya. "I'm... I'm sorry."

Umiling siya. "Para saan? Masaya akong ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon ay kasama ko sa mahalagang araw na ito. Ilang taon din akong mag-isa tuwing sumasapit ang kaarawan ko. Paano ko ba kasi sasabihin sa mga kakilala ko na, birthday ko ngayon, magdiriwang ako. Pero bukas ay magluluksa naman dahil death anniversary ni Mama?" pino siyang ngumiti. "Pinili kong gawing pribado ang araw na ito, pero masaya rin akong nalaman mo, at least hindi na ako mag-isa."

Masuyong hinaplos ni Camiya ang kaniyang mukha. "From now on, I promise that I will always be there on your birthday—you will never be alone anymore. I will always be there for you, to sing you a birthday song, to bake you a birthday cake, and to shower you with gifts. I will celebrate with you today, and mourn with you tomorrow. I will stand beside you and walk with you." Tumingkayad ito at dinampian siya ng halik sa pisngi. "And I promise to keep that promise, Heathe."

Lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabi nito. He bent down and was about to steal a kiss when suddenly,

"Nasaan na si Flaviero?!"

Biglang napa-hiwalay si Camiya sa kaniya, saka natatawang nagsalita. "May sermon ka na naman mula kay Coach Tim."

"Hayaan mo siya," aniya bago muling hinila ang kasintahan at akma muling yuyuko upang halikan ito nang biglang lumusot si Coach Tim at nakita sila.

"Ano, Flaviero, uunahin mo pa 'yan kaysa ang practice?!"

Naitulak siya ni Camiya sa pagkagulat, habang siya nama'y wala nang nagawa kung hindi napa-kamot na lang. Nagpaalam na muna siya sa kasintahan, at nang akma na siyang babalik sa court ay muli siya nitong tinawag.

Lumingon siya.

"Tutal ay hindi ka na makakapasok ngayon sa pabrika, how about we go out for dinner? Let's celebrate today."

Masuyo siyang ngumiti at sandaling kinalimutan si Coach Tim na nagpupuyos na sa galit.

"Paano ang sundo mo?"

"Tatawagan ko siya para sabihin na may biglaang activities na kailangan tapusin. Don't worry, gagawan ko ng paraan na magkasama tayo kahit dalawang oras lang."

Nakangiti siyang tumango saka muling nagpaalam. Si Coach Tim naman ay lumapit ay Camiya, at bago pa man siya tuluyang nakalayo ay narinig pa niya ang magiliw nitong pakikipag-usap sa kasintahan niya.

Masaya siya. Masayang-masaya sa naging presensya ni Camiya sa buhay niya.

And so, he promised himself that he would do everything he could to make her happy and to keep her in his life—forever.

*

*

*

And so he thought. What a hypocrite bastard he was back then...




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro