Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10 | It's Over For Him


Alas otso ng gabi nang makauwi si Camiya sa bahay ng mga magulang. She spent the whole afternoon with Cruz and Loyda who were both very careful not to mention anything about her current situation. Malibang inalam ng mga ito ang lagay niya ay hindi na ang mga ito nagtanong ng kung ano pang makapagpapalungkot sa kaniya.

"Cami, darling!" salubong ng mama niya sa sala. Her mother was still wearing her 'outside clothes' and her face was beautified by make-up.

"Lumabas ka, Ma?" tanong niya bago lumapit at humalik sa pisngi ng ina.

"Tulad mo'y nakipagkita rin ako sa mga amigas ko. How was your day?"

"It was okay." Pilit siyang ngumiti. "Nasa taas na ba si Papa?"

"Nasa study room at may binabasang dokumento. Kumain ka na ba?"

"I did, doon sa restaurant ng papa ni Loyda."

Ngumiti ang mama niya at masuyo siyang hinaplos sa mukha. "Dalasan mo ang paglabas, ha, anak? Nalulungkot kami ng papa mo kapag nakikita ka naming nahihirapan at nagmumukmok sa silid mo. We want to see you get better."

Tumango siya, ang huwad na ngiti ay hindi pa rin nawawala. "Of course, Ma. I am... doing my best."

Sandali pa silang nag-usap ng ina bago siya nagpaalam at dumiretso na sa kaniyang silid. At pagka-sara na pagka-sara niya ng pinto ay muli siyang inatake ng lungkot at pangungulila.

Kung sana ay madali lang ang bumangon at magpatuloy. Kung sana ay kasing dali lang ng 'of course' na naging sagot niya sa ina ang pag-usad na nais nitong gawin niya.

Binuksan niya ang ilaw sa kaniyang silid upang kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutang pumapaligid doon.

Inilibot niya ang tingin nang makitang malinis na iyong muli— it looked clean and fresh, and it smelt like lavender. She couldn't wait to hit the bed and get some sleep. Sa gabing iyon ay pipilitin niyang hindi isipin ang asawa.

Pumasok siya sa banyo at naghugas ng katawan. Nakapagbihis na siya at lahat-lahat nang bigla niyang marinig ang cellphone na tumunog. Wala sa loob na humakbang siya patungo sa bed side table kung saan niya ipinatong ang bag, at mula roon ay inilabas niya ang kaniyang cellphone.

Muntik pa niya iyong mabitiwan nang makita ang naka-rehistrong pangalan ng caller.

It was her husband's name on the screen.

Tumahip ng malakas ang dibdib niya.

She didn't expect him to call— but somehow, her heart throbbed with excitement. Sa nanginginig na mga kamay ay inilapit niya ang cellphone sa kaniyang tenga.

"Hey—" honey, she wanted to add.

"You didn't have to do all these, Camiya. Hindi ito ang napag-usapan natin."

Kung anong pag-asa at pananabik man ang naramdaman niya kanina ay biglang naglaho at gumuhong lahat nang maranig ang malamig na tinig ni Heathe mula sa kabilang linya. His voice wasn't just chilling cold, but he also sounded annoyed.

"Kung gusto mong dito ka sa bahay, bumalik ka at ako naman ang aalis. Hindi mo kailangang magtungo rito at gawin ang bagay na ito para sa akin."

What did I do wrong? gusto niyang itanong, subalit iba ang lumabas sa kaniyang bibig.  "Napadaan lang ako kanina. May mga... naiwan akong gamit na kinailangan kong kunin..."

Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pagpapakawala ni Heathe ng marahas na paghinga.

"I thought we had an agreement? An agreement that you proposed. Wala akong matandaang kasama sa agreement natin ang patuloy mong pag-aasikaso sa bahay at pagsisilbi bilang asawa ko?"

"I— uh— I just wanted to... cook you something."

"For what?"

Napa-kagat-labi siya. "Today is your birthday."

Doon nawalan ng sasabihin si Heathe, hanggang sa namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

She bit her lower lip to suppress her cry as she waited for him to say something. Gusto niyang marinig ang paghingi nito ng dispensa, at sabihing nagkamali ito. Subalit iba ang sunod niyang mga narinig mula sa asawa,

"Please— you can't do this again, Camiya. H'wag mong obligahin ang sarili mong gawin ang mga bagay na ito. This is not helping at all."

"I'm the only person who knows your birthday, Heathe," aniya, lihim na nagpapasalamat dahil nagagawa pang magsalita sa kabila ng pananakit ng lalamunan. "Kahit ang mga kaibigan mo ay hindi alam. Noon ay pribado nating pinagdiriwang ang araw na ito, at ayaw kong mag-isa ka sa kaarawan mo. Kaya kahit na may agreement tayo ay nais kong ipaalam sa'yo na naalala ko, na hindi ka mag-isa sa araw na ito dahil naalala kita."

Muli ay natahimik sa Heathe sa kabilang linya, at sinamantala niya ang sandaling iyon upang magpatuloy.

"Do you still remember my promise? Didn't I tell you that I will always be there on your birthday so you won't feel alone? Wala akong pakealam sa kasalukuyan nating sitwasyon—ang pangako ay pangako, Heathe."

Heathe let out a low, frustrated groan. At ang dating nito sa kaniya ay tila nauubusan na ito ng pasensya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "H'wag kang mag-alala—bukas ay susundin ko na ulit ang napagkasunduan."

If Heathe only knew how she was hurting at that time. If he only knew how she missed him, how she ached for him.

Isang malalim na buntong-hininga ang sunod na pinakawalan ni Heathe.

"Let's just talk some other time, Camiya."

And then, the busy tone.

Sa nanginginig na mga kamay at nanlalabong mga tingin ay ibinaba niya ang cellphone saka dahan-dahang naupo sa kama. Tulalang napatitig siya sa carpet habang binabalik-balikan sa isip ang malalamig na mga salitang narinig mula sa asawa.

Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagbagsakan ang kaniyang mga luha.

She could not believe how painful it was to be treated like that by the person she shared her dreams with, loved with all her heart, and devoted her life to.

Una'y harap-harapan nitong sinabi na hindi na siya mahal at nais nang makipaghiwalay.

Pangalawa'y umasta itong tila walang nangyari— na tila wala lang rito ang paghihiwalay nila.

At ngayon— sa kabila ng pagnanais niyang maging masaya ito sa kaarawan nito ay nagalit pa at sinita siya.

Pakiramdam niya ay para siyang buhanging kastilyo na unti-unting inaanod ng alon, at hindi alam kung hanggang kailan siya nakatayo. Kung maaari lang dukutin ang sama ng loob at sakit na bumabalot sa kaniyang puso ay ginawa na niya. Sobra siyang nasasaktan na hindi niya alam kung papaano pa niya nagagawang huminga at magpatuloy.

Mabigat ang dibdib na humiga siya, bumaluktot, saka niyakap ang sarili bago ipinikit ang mga mata. Doon kumawala ang isang luha at dumaloy sa kaniyang pisngi.

Hiling niya kinabukasan ay mawala na ang sakit.

Hiling niya'y dumating ang araw na kayanin na niya ang lahat.

Dahil nais niyang paghandaan ang pagdating ng araw na tuluyan nang sabihin sa kaniya ng asawa na pinal na ang desisyon nito.

Sana lang... ay kaya niyang tanggapin iyon.

***

Pabalyang ibinato ni Heathe ang cellphone sa sahig kasunod ng pagsapo ng ulo. He was pissed at himself for acting like a jerk; hindi niya napigilan ang bibig kanina.

Pero mas mainam nang magalit sa kaniya si Camiya upang madali nitong matanggap na wala nang sila kaysa ang patuloy itong umasa. People say it was easier to accommodated hatred than pain.

His nasty treatment was for her own good—at least that was how he saw it.

Inihilamos niya ang mga palad sa mukha saka nilingon ang mga putaheng nasa dining table. Those were all his favorites, at sa tabi ng mga iyon ay ang maiksing note na kilalang-kilala niya kung sino ang nagsulat.

'Heat them up when you're ready to eat them. Have a happy meal.'

He wanted to tell her that he appreciated the thought, but he didn't want her to keep holding on when he knew there was no hope for them anymore.

Alam niyang labis itong nasasaktan, and if there was only a gentler way to do this, he could have done it already.

"Do you still remember my promise? Didn't I tell you that I will always be there on your birthday so you won't feel alone? Wala akong pakealam sa kasalukuyan nating sitwasyon—ang pangako ay pangako, Heathe."

Muli niyang ni-sapo ang ulo nang maalala ang mga sinabing iyon ni Camiya. He honestly had forgotten about that promise, sa dami ba naman ng mga ipinangako nila sa isa't isa, how could he still keep track?

Pero nang sabihin iyon ng asawa ay may biglang pumasok sa isip niya; some memories brought sadness to his heart.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro