09 | Saving The Marriage
Isang buwan makalipas ang 'informal separation' ng mag-asawa ay lumabas ng silid si Camiya sa unang pagkakataon. Her parents were having breakfast when she showed herself up.
Biglang napatayo ang mama niya nang makita siya— hindi makapaniwalang nakita siyang roon at naka-ayos. Ang papa naman niya'y nabitin ang pagdadala ng tasa ng kape sa bibig. Hawak nito sa isang kamay ang diyaryo.
She gave her parents a hesitant little smile.
Habang nakatayo siya roon sa entrada ng dining area hindi niya naiwasang alalahanin ang buhay noong naroon pa siya sa poder ng mga magulang. She would wake up in the morning and join them for breakfast. Her parents' would then talk stuff about the hospital, and about her future. Naroong pag-uusapan din ng mga ito ang tungkol sa nakatatanda niyang kapatid na ngayo'y may sarili nang pamilya sa Italya. Mauupo lang siya roon at tahimik na makikinig noon.
Pagkatapos ng almusal ay ihahatid siya ng driver ng mama niya sa ekswela, gugugulin niya ang buong araw sa pag-aaral at ilang mga school activities, at pagdating sa hapon ay susunduin siya ng driver pauwi. Pagdating ng hapunan ay parehong topiko ang maririnig niya mula noong almusal, and she would sit in her chair and listen how her parents' would plan her future.
She had a boring life then, at gustuhin man siyang sabihin sa mga magulang na iba ang gusto niyang gawin ay hindi niya magawa. Until she met and fell in love with Heathe—and her life became meaningful.
Nang maalala ang asawa ay muling gumuhit ang hapdi sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung bakit doon siya dumiretso sa mga magulang matapos niyang mag-alsa-balutan noong nakaraang buwan. It was probably because she needed to be in her mother's arms, and probably because she needed her father's words of wisdom. Sa sobrang sakit na dinadala niya sa dibdib noong panahong iyon ay wala na siyang pakealam kung pakitaan siya ng masama ng papa niya. She just needed to be home— away from Heathe bago pa siya lumuhod sa harap ng asawa at magmakaawa na h'wag siyang iwan.
"Camiya, darling... are you hungry?" banayad na tanong ng mama niya nang makabawi sa pagkagulat.
Humakbang siya palapit at nahinto ilang dipa lang sa mga ito. Sinulyapan niya ang papa niya na hindi pa rin naka-apuhap ng sasabihin bago ibinalik ang pansin sa ina.
"Not really, Ma. Plano kong lumabas."
Nagsalubong ang mga kilay ng ina. "Where are you going? Sasamahan kita."
Umiling siya. "No need, Ma. Makikipagkita ako kina Cruz." She then turned to her father. "Pa... good morning."
Lihim siyang napabuntong-hininga habang nakatitig sa ama. Sa loob ng isang buwang pananatili niya roon ay araw-araw siyang kinukumusta nito sa kaniyang silid, making sure she was physically and mentally stable. Hindi niya naramdaman ang animosity mula rito sa kabila ng mga nangyari at mga pagkukulang niya bilang anak, at nagpapasalamat siya ng lubos dito dahil naging maintindihin ito sa nakalipas na mga araw.
"Good morning," her father answered after a while. Ini-baba nito ang tasa ng kape at diyaryo sa tabi ng plato bago muling nagsalita. "How are you feeling today?"
"I am feeling better, thank you for always watching over my health."
Banayad itong tumango. "And you are going out today— do you want me to summon Mario?"
Her father referred to his personal driver, na matagal nang nagse-serbisyo rito simula pa noong highschool siya.
"I have already called a cab, Pa. It will be here in a minute or two," aniya saka muling ngumiti. Oh, hindi siya makapaniwalang sa kabila ng hapding nasa dibdib ay nagagawa na niyang magpakawala ng ngiti. No matter how fake her smile was, at least she was able to do it now. Hindi katulad noong unang tatlong linggo— she felt like a mess. "I should go now. See you tonight."
"Be carefull, okay?"
Ang akma niyang pagtalikod ay nahinto nang marinig ang nag-aalalang bilin na kaniyang ama. Muli siyang pumihit paharap dito, at nang makita ang labis na pag-aalala sa anyo nito'y hindi na niya napigilang humakbang palapit dito.
Huminto siya sa likuran ng ama saka niyakap ito mula roon.
"Thank you, Pa..." she croaked. Ayaw na niyang umiyak pa, subalit hindi niya naiwasan ang pag-alpas ng mga luha sa labis na pasasalamat sa ama.
Masuyo nitong hinaplos ang braso niya saka muling nagsalita. "Call us if you need anything."
Tumango siya bago banayad na humiwalay. Inayos niya ang sarili at sinulyapan ang ina na masuyong nakamasid sa kanila. Nasa mga labi nito ang masuyong ngiti at ang mga mata'y pinamunuan na rin ng mga luha.
"I'm going, Ma. See you tonight."
Naghihintay na ang taxi sa harap ng gate nang makalabas siya. Nagpasalamat siya sa katulong na nagbukas sa kaniya ng gate at dumiretso na sa nasabing sasakyan. Nang akma na niyang bubuksan ang pinto ng passenger's seat ay sandali siyang nahinto nang mapatitig sa bahagi kung saan dating nakatayo si Heathe, sa gitna ng ulanan, at nakikiusap sa mga magulang niyang kausapin siya.
He had worked hard for her— for them to be together.
But ten years later, he ended up ditching her and turning his back on their marriage.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nangyari sa kanila ang ganoon.
Hindi niya alam kung saan hahanapin ang dating Heathe na minahal at pinakasalan niya. Ang dating Heathe na kayang suuing ang lahat para sa kaniya. Ang dating Heathe na sobra siyang mahal at nangakong mamahalin siya habang buhay.
How cliche. Promises were made to be broken, indeed.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago itinuloy ang pagpasok sa taxi. Sinabi niya sa driver ang address na nais puntahan.
Totoong plano niyang makipagkita sa mga kaibigan sa araw na iyon. She wanted to see them after a month of sulking; alam niyang pinagtabuyan niya ang mga ito noong araw na dumalaw ang dalawa upang kumustahin siya. Kaya nang umagang iyon ay tinawagan niya sina Cruz at Loyda upang yayaing lumabas.
But not until lunch time. May nais muna siyang puntahan bago makipagkita sa mga ito.
Sinulyapan niya ang oras sa relos. Tatlumpung minutong biyahe bago niya marating ang address na sinabi sa driver.
Habang nasa biyahe ay pilit niyang pinayapa ang isip at inalis ang kaba sa dibdib. Hindi niya alam kung tama itong gagawin niya pero hindi siya matatahimik kapag hindi niya ginawa.
Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay pumasok ang taxi sa loob ng subdivision. Nakilala siya ng guwardiya sa entry kaya kaagad silang pinapasok. Another five minutes had passed and she instructed the driver to stop on the side of the road. Mula roon sa hinintuan ng taxi ay tanaw niya ang dalawang palapag na bahay ng halos pitong taon ding naging saksi sa pagmamahalan nila ng lalaking siyang lahat sa kaniya.
At habang nakatanaw siya roon ay tila binuhusan ng asido ang sugat na naroon na sa kaniyang dibdib, dahilan upang lalo iyong kumirot. She bit her lower lip to stop herself from weeping.
Oh, four weeks was just not enough for her tearducks to dry up.
Itinaas niya ang mga kamay at tinakpan ang mukha. Gusto niyang humagulgol pero ayaw niyang magtaka ang driver kaya pinilit niyang huminahon.
"Ma'am?"
Nag-angat siya ng tingin at nakita ang pagsalubong ng mga kilay ng may-edad na taxi driver.
"Narito na po tayo sa destinasyong sinabi ninyo."
Tumango siya, ang akma niyang pagsagot ay naudlot nang makita ang pagbukas ng gate ng bahay nila. They were ten meters across the gate so she could clearly see 'Nay Melda opening it for her husband. And like usual— he had let his car's window roll down.
Sa kabila ng panlalabo ng mga tingin ay malinaw niyang nakita ang asawa. Walang pagbabago sa anyo nito, he was looking the same; like his normal self.
Ni minsan ba ay hindi man lang nito iniyakan ang pag-alis niya?
Ni hindi man lang ba nito na-miss ang presensya niya? How could he act as if everything was okay? How could he act as if nothing had happened?
Totoo ba talagang wala na itong pakealam sa kaniya?
Hindi na niya napigilan ang paghagulgol sa huling naisip.
Ang taxi driver sa harapan ay nag-aalalang sinulyapan ang pasahero mula sa rearview mirror. Hindi nito alam kung aalis na o mananatili pa roon. Hanggang sa napakamot na lang ito ng ulo at umiwas ng tingin.
Makaraan ang mahabang sandali ay nag-angat ng tingin si Camiya, at nagpahid muna ng mga luha bago muling nagsalita.
"K—Kuya, nakaalis na po ba ang... sasakyan mula sa tapat na bahay?"
"Opo, Ma'am. Tuluyan na pong nakaalis."
She nodded her head. "P—Please wait for me here. Babayaran ko po ang buong araw ninyo, may... may kailangan lang akong gawin sa loob."
Tahimik na tumango ang driver at hindi na nagtanong pa.
Inayos muna niya ang sarili bago bumaba. Nang nasa labas na'y nakayuko siyang naglakad patungo sa gate. Inabutan niya si 'Nay Melda na nagwawalis sa driveway, at nang makita siya nito'y nanlaki ang mga mata at hangos na lumapit upang pagbuksan siya.
"Camiya! Diyos ko po, anong nangyari at ilang linggo kitang hindi nakita rito?"
Nakabukas na ang gate at nakapasok na nang siya'y sumagot.
"Nagkaroon lang po kami ng problema ni Heathe. Pero... Pero magagawa pa naman naming solusyunan, 'Nay Melda."
Nagsalubong ang mga kilay nito, magkahalong pagtataka at pag-aalala ang nasa anyo.
"Walang nabanggit si Heathe tungkol sa bagay na iyan, ang sabi lang ay umalis ka."
Muli niyang pinigilan ang pag-iyak. She was hoping that Heathe would at least tell the hired help that they were having marital issues and that she decided to temporarily leave. Tutal ay hindi na rin naman iba sa kanila si 'Nay Melda, pitong taon din itong nagsilbi sa kanila.
Bakit sa paraan ng pagkakasabi ni Heathe dito ay tila simpleng bagay lang ang nangyari? Na tila balewala lang rito ang pinagdadaanan nila?
Humugot siya ng malalim na paghinga bago nagpakawala ng pilit na ngiti.
"K—Kumusta siya sa nakalipas na mga araw?"
Somehow, she was hoping to hear that Heathe didn't take it easy. Na nahirapan din itong wala siya. Pero halos gumuho ang mundo niya nang maring ang sagot ng may-edad na kasambahay.
"Maayos naman siya, Camiya. Maaga siyang nakauuwi muli sa opisina kaya maaaga rin akong naka-uuwi sa amin. Tuwing darating ako'y gising na siya at naghahanda na ng almusal. Ni wala akong ideya na nagkaroon kayo ng problema—ano ba ang nangyari? Kailan ka ba kasi babalik dito?"
Hindi siya sumagot. Umiwas siya ng tingin upang hindi nito makita ang lungkot sa kaniyang mga mata. Ibinaling niya ang pansin sa bahay. "Gusto ko siyang ipagluto; maaari niyo po ba akong tulungan, 'Nay?"
"Aba, siyempre naman. Saan tayo magsisimula?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro