Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07 | Back To Her Parents' Arms


"Ang sabi ko naman kasi sa iyo ay magpahinga ka na. Ano'ng oras na at maaga ka pang babalik sa ospital bukas," suway ni Doris Santi sa asawa nang madatnan itong nakatutok ang pansin sa mga hawak na papeles habang nakasandal sa wing chair na naroon sa den.

Bitbit ang tray kung saan nakapatong ang isang tasa ng black coffee ay lumapit si Doris at ipinatong ang dala sa ibabaq ng coffee table, bago naupo sa katabing couch.

"Kailangan kong tapusin itong binabasa ko, Doris. Gusto kong maisaayos ang lahat bago ako magretiro ngayong taon," sagot ni Raphael sa asawa. Ibinaba muna nito ang mga papeles saka inabot ang tasa ng kape at dinala sa bibig.

"Kapag nagretiro ka na'y magbakasyo tayo, mahal. Ilang taon kang naging abala sa propesyon mo kasabay ng pamamalakad sa ospital na minana mo pa sa iyong mga magulang. Hindi ko na maaalala kung kailan tayo huling nagliwaliw sa labas ng bansa."

Humigop muna ng kape si Raphael bago sumagot. "The last time was when Camiya turned eighteen, and that was twelve years ago."

"I have met with her last week," Doris said. "She says she was doing okay but she seemed sad. Kinukumusta ka niya."

Napabuntong-hininga si Rafael bago ibinaba ang tasa ng kape saka ini-sandal ang sarili sa sofa. Ibinaling nito ang tingin sa hardin na tanaw mula den, subalit ang isip ay wala naman talaga roon kung hindi sa anak na hindi nakita sa loob ng dalawang taon.

He and his younger daughter never reconciled since the day she married that guy. Masama ang loob niyang sinuway sila nito, naglayas, at piniling makasama ang lalaking iyon kaysa sa kanilang mga magulang nito. Sa sobrang galit niya noon ay sinugod niya ang mga ito sa dating tinutuluyang apartment; and he almost killed the man.

Since then, he never spoke to his daughter.

But Camiya would often come and visit in the next three years. Isang beses sa isang buwan ay naroon ito sa bahay nila upang bisitahin silang mag-asawa. But during those times, he would treat her like she didn't exist. And he knew he was hurting her feelings, but he wanted to punish her for turning her back on their family.

The guy she married would also make some efforts to speak to him, pero wala siyang interes na harapin ito.

Hanggang sa napagod marahil ang kanilang anak at naging madalang ang pagbisita.

In the next few years, Camiya would only visit every special occasion; it may be on their birthdays or every Christmas. At dahil kasama nito ang asawa ay hindi niya ang mga ito hinaharap. Until they gave up. Malalaman na lang niya kay Doris na nakikipagkita ito sa labas, at sa tuwing magku-kwento ang kaniyang asawa ay saka lang niya malalaman ang kalagayan ng anak.

The truth was, he also missed his youngest daughter, but he was too prideful he didn't want to make the first move.

Mula rin sa kaniyang asawa ay nalalaman niya ang buhay ng kanilang anak sa piling ng lalaking iyon.

The guy had managed to build his own business after two years of working hard. Makalipas ang isang taon ay lumago iyon, hanggang sa gumawa ito ng sariling, and eventually, became a millionaire. That eased his mind. Mabuti at nagpursigi ang lalaking iyon— kahit papaano ay alam niyang hindi nagugutom at nahihirapan ang kaniyang anak. But despite all that, he still didn't like the man. Pakiramdam niya'y inagaw nito ang bunso nila. Pakiradaman niya'y ito ang sumira sa pamilya nila.

"I wonder why she was sad?"

Nilingon niya ang asawa nang marinig ang sinabi nito. "Ni-tanong mo ba kung bakit siya mukhang malungkot?"

"I did, pero ang sabi niya'y pagod lang siya. Kinumusta ko sila ng asawa niya at sinabi niyang nagiging abala raw ito sa pagpapalago ng negosyo. Let's admit it— the man she married was impressive. Nagawa nitong ibangon ang sarili mula sa putikan at ngayon ay isa na sa mga mayayamang negosyante ng rehiyon."

He smirked at his wife's statement. "Kaya lalong yumayabang, eh."

"Well, kung ang pagbabasehan ko ay ang nakikita kong kaligayan sa mga mata ni Camiya noon sa tuwing magku-kwento siya tungkol sa asawa, sa tingin ko naman ay mabuting tao iyong lalaking 'yon—"

"Don't even start, Doris. Wala kang sasabihin sa akin na makapagbabago ng tingin ko sa lalaking iyon."

Balewalang nagkibit-balikat lang si Doris saka binago na ang usapan. "I am meeting Camiya next Sunday. Kung gusto mong sumama at makita ng personal ang anak mo ay sabihin mo lang." Tumayo na ito. "Ten more minutes, mahal, at tantanan mo na iyang ginagawa mo. Magpahinga ka na."

Ang akma niyang pagsagot ay natigil nang mula sa entrada ng den ay lumusot ang katulong nila. Nanlalaki ang mga mata nito na tila naka-kita ng multo.

Sabay na nagsalubong ang mga kilay nila ng asawa.

"Ano'ng nangyari sa'yo, Isay?" tanong ni Doris dito.

Si Isay na halos dalawang dekada nang naninilbihan sa pamilya nila, ay hindi na nagawang sumagot pa nang mula sa likuran nito'y may sumulpot.

Ang pagsasalubong ng kanilang mga kilay ay nawala, at napalitan ng panlalaki ng mga mata.

There at Isay's back was their younger daughter, standing with tears streaming down her beautiful face.

Imbes na magalak sa pagkakakita sa anak ay may bumangong pag-aalala sa dibdib niya. At imbes na pangangamusta ang unang lumabas sa mga bibig ay,

"What happened, Camiya?"

Si Camiya ay luhaang lumapit sa mga magulang at yumakap una sa ama. Mahigpit na tila binawi ang ilang taong hindi sila nagkaayos.

Raphael, who was still confused with his daughter's crying face, hugged her back. At pinigilan nito ang sariling umiyak din sa labis na pangungulila at pagkasabik sa anak.

Makalipas ang ilang sandali'y si Doris naman ang nagtanong.

"What happened, darling?"

Camiya answered with a sob, "He doesn't want me anymore, Mom. My husband doesn't love me anymore..."

*

*

*


Halos magtulakan sina Cruz at Loyda kung sino ang mauunang pumasok sa loob ng silid ni Camiya nang dumalaw ang mga ito sa mansion ng mga Santi. Cruz was holding a basket of fruits in different varities while Loyda was holding a box of cake. Nag-usap ang mga itong bibisitahin ang kaibigan sa araw na iyon kahit hindi nila alam kung haharapin sila nito.

It's been a week since Camiya came back to her parents. At simula nang umuwi ito sa mga magulang ay halos hindi na ito lumabas sa sariling silid.

Sa loob ng sampung taon ay noon pa lang muling natulog si Camiya sa silid na kinalakihan nito; nostalgia hit her the moment she saw her room. Napanatili iyong malinis at maayos; thanks to her mother, Doris.

Nais din ni Camiya na gugulin ang mga araw kasama ang mga magulang, to make up for lost time, subalit hindi nito magawa dahil lagi itong wala sa sarili at bigla na lang iiyak. Laman lagi ng isip ay ang asawa. Ang puso ay patuloy na nasasaktan at ang mga mata'y patuloy na lumuluha.

Sa bawat umaga ay nagtataka ito kung bakit naimumulat pa rin ang mga mata, kung bakit nakikita pa rin ang liwanag, at kung bakit naririnig pa rin ang huni ng mga ibon. Hindi nito akalaing magagawa pa ring magising sa kabila ng matinding sakit na nadarama sa dibdib.

Pag-gising sa umaga'y matutula ito sa kisame at tatanungin ang sarili kung bakit nagawa pa ring gumising. Kalaunan, papasok sa isip ang asawa at muling guguhit ang hapdi sa dibdib. She would eventually end up crying — and that would always last the whole day.

Ni hindi na nito nagawang alagaan ang sarili. She couldn't even remember the last time she comb her hair. Na kung hindi pa ito pupuntahan ng ina upang dalhan ng pagkain at paalalahanang alagaan at ayusin ang sarili ay hindi nito maiisip na tumayo sa higaan.

Her parents were worried sick about her, but they remained calm and supportive. Sa kabila ng mga nangyari sa nakalipas na mga taon— sa kabila ng pagiging estranghero ni Camiya at ng ama nito'y hindi pa rin naiwasan ng huli na mag-alala ng labis para sa anak.

Si Raphael ay hindi na muna pumasok sa ospital upang subaybayan si Camiya. Tuwing hapon ay naroon ito sa silid ng anak upang kumustahin ang lagay nito— physically and mentally, at least. As a father and a doctor as well, he knew it was his obligation to look after his daughter's health. Sa emosyonal na aspeto ay si Doris na ang bahala.

Kahit hindi pa alam ng mag-asawa ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ni Camiya at ng asawa nito'y hindi maiwasan ni Raphael na lalong magtanim ng galit sa lalaking pinakasalan ng anak. Doris, on the other hand, was confused and wanted to talk to Heathe; subalit pinigilan ito ng asawa.

Totoong hindi gusto ni Raphael ang lalaking pinakasalan ng anak, subalit nire-respeto nito ang kabanalan ng kasal. Para rito, ang problema mag-asawa ay problemang kailangang solusyunan ng mag-asawa at walang kahit na sino ang mangengealam malibang manghingi ng tulong ang isang partido.

As Camiya's parents, they were only there to support their daughter all the way through and not mess with the problem she was having in her marriage— iyon ang paniniwala nito.

Alam ni Raphael na sa oras na maging maayos na ang pakiramdam ng anak, Camiya would tell them about the status of her marriage. Kaya naroon lang ang mga ito upang hintaying ang anak mismo ang magbukas ng usapan.

"Hindi naman manininghal 'yan," bulong ni Loyda kay Cruz nang hindi pa rin nila madesisyunan kung sino ang unang papasok sa silid ng kaibigan.

"I know, but I am not sure what to say first, kaya ikaw na ang maunang pumasok. Tutal ay matabil naman iyang bibig mo," wari naman ni Cruz na may kasama pang pag-siko sa kaibigan.

Loyda glared at her friend, which Cruz answered with an irritated sigh.

"Fine, ako na!" Cruz hissed, taking a deep breath as she raised her other hand to knock on the door. Tatlong sunud-sunod na katok ang pinakawalan nito bago nagsalita. "Cami... it's Cruz and Loyds— can we come in?"

Nang walang sagot na narinig mula sa loob ay nagkatinginan ang dalawa.

"Lakasan mo kasi ang boses mo," bulong muli ni Loyda.

"Hindi kaya natutulog siya?"

"Isang linggo na siyang nakakulong lang d'yan sa silid niya, umiiyak at natutulog ayon kay Mrs. Santi. Kung tulog man siya ay hindi ako magi-guilty na gisingan siya— she needs a break."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Cruz. Tumikhim ng ilang beses bago muling nagsalita. "Camiya, we're coming in, okay?"

They waited for Camiya to answer, but when they heard nothing, they stared at each other again; Cruz looking worried and Loyda looking curious.

"You know what? Let's just open the door," ani Loyda bago dinala ang isang kamay sa doorknob at iyon ay pinihit.

It wasn't locked— tulad ng sinabi sa kanila ni Mrs. Santi. Maingat na itinulak ni Loyda pabukas ang pinto saka sumilip sa loob. Si Cruz na nasa likuran nito'y ganoon din ang ginawa.

It was four in the afternoon and the ray of the afternoon sun sought through the window curtains; giving a hint of light in the semi-dark room. Nakabukas ang bintana at ang puting kurtina ay malayang inililipad ng panghapong-hangin. Iyon kaagad ang una nilang napansin.

They stepped in and closed the door behind them.

Cruz couldn't help but survey the whole room. It was messy— dahil ang ilang mga throw pillows ay naka-kalat sa sahig, kasama ang ilang mga damit at sapatos na pag-aari ni Camiya. Sa kama ay nakapatong ang nakabukas na maleta; ang mga laman niyo'y naka-kalat sa ibabaw ng puting bed sheet.

Pareho silang natigilan nang sabay na dumapo ang kanilang tingin sa kabilang bahagi ng silid, sa harap ng isa pang bintana. Naroon si Camiya at naka-upo sa single couch.

Si Loyda ay mahinang ni-siko ang katabi, kasunod ng pagbulong. "Nakikita mo ba kung ano ang suot niya?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Cruz.

Camiya was wearing the white dress she wore on her wedding day. Iyon din ang paborito nitong isuot sa tuwing anniversary nito at ng asawa.

Cruz's heart sank as she watched her bestfriend sat there in silence. Sa hula nito'y binabalikan ni Camiya sa isip ang mga araw na masaya pa ito sa piling ng asawa. At ni-suot nito ang damit na iyon upang alalahanin ang araw na ikinasal ito sa lalaking tanging minahal nito.

Cruz could clearly remember how Camiya and Heathe's love story started. It felt like yesterday— at hindi iyon mawala sa isip ng dalaga dahil naging saksi ito sa lahat.

She just couldn't believe that the sweet and innocent love story would end up like this. She just couldn't fathom why it ended up like this.

And there she thought that Camiya and Heathe's love for each other was something that one could only find in romance books...

Napailing si Cruz at muling napabuntong-hininga. This wasn't the picture she imagined when Camiya first took notice of Heathe, twelve years ago...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro