Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06 | Was She Not Enough?

            

Gusto niyang sapukin ang sarili nang makita ang hapdi na dumaan sa mga mata ni Camiya matapos niyang sabihin dito ang ilang araw na niyang pinag-isipang sabihin. Ang inisyal niyang plano ay kausapin ito at hikayating sumailalim sa isang marriage counseling, pero iba ang lumabas sa bibig niya.

Pero mainam na rin ito. 

Mahaba na ang dalawang buwang pananahimik niya— ayaw niyang patuloy na itago sa asawa ang nararamdaman dahil kapag tumagal pa'y lalo lang niya itong sasaktan.

And he wasn't used to lying to her— kaya ipinagtapat na niya ang totoong damdamin niya. It was better than lie to her and pretend that there was still hope. Sana nga ay mayroon pang pag-asa, pero sa nakalipas na mga linggo ay hindi na niya mahanap ang dating damdamin niya para rito.

At habang sinusubukan niyang ibalik iyon ay tila lalo pa siyang lumalayo rito.

Lalo pa siyang umiiwas. At lalo niya itong nasasaktan.

Kaya habang maaga... habang hindi pa gaanong malalim ang sugat, ay bibitiw na siya.

"What went wrong, Heathe?" Camiya asked after a while. Nang ibalik niya ang tingin dito ay nakita niyang nakayuko na ito sa mesa at ang anyo'y nagdilim. He could see her hands shaking.

"This may not make sense, pero isang umaga'y nagising na lang ako na wala nang nararamdamang pagmamahal sa 'yo, Camiya. I feel... empty." 

Shit, why do I have to say it straight up? I could have said it differently... Dapat ba ay nagsinungaling na lang ako?

"Is it possible for a man to just wake up one day realizing that he's not happy with his wife anymore?" Nahihimigan niya ang nginig sa tinig ng asawa. "I don't think it's possible, Heathe..."

Nagpalawala siya ng malalim na buntonghininga. "Exactly my thoughts, Camiya. Kaya hindi ko rin alam kung papaano ipaliliwanang sa 'yo. Sa nakalipas na mga linggo ay gulong-gulo ang isip ko..."

Camiya nodded her head, but he doubted if she understood what he was saying.

"Kahit... kaunti? Wala na talaga?" 

Hindi siya sumagot.

Nagpatuloy si Camiya. "Saan ako... nagkulang? Saan ako nagkamali para mawala ang pagmamahal mo para sa akin? Saan... ito nag-umpisa, Heathe?"

This is the reason why it took me so long to tell you. I can't give you answers, Cami. Dahil kahit ako ay hindi rin alam kung ano ang nangyari at kung saan nag-umpisa ang lahat. Ni hindi ko alam na posibleng mangyari ang ganito...

Pero imbes na iyon ang sabihin ay iba na naman ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Hindi ka nagkulang at hindi ka nagkamali. I just got tired of everything and lost all my interests."

Nang mag-angat ng tingin si Camiya ay doon niya nakita ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Her face was pleading, her lips were shaking. Labis-labis ang sakit na nakikita niya sa anyo nito subalit wala na siyang magawa pa. Nasabi na niya. Hindi na niya mababawi ang mga sinabi niya kanina.

"Is it because I was too clingy? Masyado ba akong naging assertive sa relasyon natin? Hindi na ba kita nabigyan ng space para makahinga?"

Sandali siyang natigilan sa sunud-sunod nitong tanong. He never thought of those, but they could be the possible reasons. Bigla siyang napa-isip.

Camiya was always sweet and caring but she could go overboard sometimes; he just realized that.

Katulad ng sinabi ni Jarrod, may ilang pagkakataong kapag nasa meeting siya ay biglang tatawag si Camiya upang itanong kung kumain na siya, at upang sabihin sa kaniyang naroon ito sa grocery at kung may nais siyang ipabili ay bibilhin nito.

May mga pagkakataon din sa tuwing magkikita sila ng mga kaibigan noong hindi pa siya gaanong abala upang maglaro ng basketball sa gymanasium ng bayan—Camiya would come with him and watch the game. Naging kumpulan siya ng tukso dahil sa tuwing matatapos ang game ay lalapit ang asawa niya upang bigyan siya ng pamunas sa pawis.

At first, he found Camiya's gestures cute, but eventually, they started to get into his nerves. Hindi lang niya gaanong pinansin noong una dahil naisip niyang ang ibang mga lalaki'y hindi inaasikaso ng mga asawa nila— kaya ano ang karapatang niyang magreklamo?

He took a deep breath and shook his head; Camiya's clingy attitude could be one, pero hindi iyon ang pinaka-rason kung bakit siya nagkakaganoon.

"I don't know."

Frustration crossed her face. "At least tell me the reason, Heathe? Gusto kong maintindihan kung bakit nangyayari ito—gusto kong malaman kung ano ang naging pagkukulang at pagkakamali ko."

The pain was all over her face, and he wanted to console her, but he planted himself in his chair. Ayaw niyang maawa siya rito at bawiin ang mga sinabi kanina. Ayaw niyang ituloy ang pagsasama nila kung awa lang rin ang iiral.

"Was I being possessive?"

Was she? Muli siyang nag-isip.

There were times Camiya would get jealous if he went out to dinner with new clients or suppliers— lalo na kung babae ang kasama niya. But she never confronted him about it, she would just start using words like,

'You know I love you so much I can't lose you to another woman...'

or, 

'You're not going to replace me to someone younger, are you?' 

She would use reverse psychology on him which he found amusing sometimes. But other than that, she wasn't a possessive partner. 

Kaya iling ang ini-sagot niya sa huling tanong ng asawa.

"Was I not performing well in bed?"

He stared at his wife as she waited for his answer. It definitely wasn't about her performance in bed. He was always over the moon whenever they had relations, and he was happy and satisfied all the time. Ang problema ay... ang interest niya, ang gana niya. Iyon ang mga nawala.

Sa nakalipas na dalawang taon ay lalong lumago ang dating maliit lang nilang negosyo. Naging mas marami ang consumers, nagkaroon sila ng mga business deals and partnerships sa malalaking hotel. Naging abala siya at madalas pagod kapag umuuwi. Work became the center of his life cycle— he had a lot of things to prove to Camiya's father, that's why he was working so hard. So in the past two years, being intimate with his wife had become a mission.

They would still make love, of course. But it wasn't as often as they used to.

He eventually started to grow familiar with the things around them, and that familiarity created a platonic feeling in his heart toward his wife. There was a time when he started to get into a situation where he thought of her as a best friend, thus, the eroticness had somehow dropped off in their relationship.

Subalit nitong nakalipas na dalawang buwan... ay sinubukan niyang isalba ang kanilang pagsasama. He continued having relations with her and even wished that she'd get pregnant with the hope that a baby could bring back his love for his wife.

But... it never happened.

"No, Camiya, it wasn't about your performance in bed. It's just me who lost the sexual intimacy towards you— but it wasn't the reason either."

Nakita niya ang pagkalito sa mukha nitong humalili sa sakit at pagkabahala. Sandali itong tahimik na nakipagtitigan sa kaniya, hanggang sa...

"Are you having an affair?"

A weary sigh escaped from his lips. "No, there is no third party involved."

Camiya sniffed and looked down again. Marahil ay upang i-kubli ang pagbagsak ng mga luha.

"I'm sorry, Cami. I... wanted to save this marriage but—"

"We still can, Heathe." Mabilis itong nag-angat ng ulo; tila nakaramdam ng pag-asa. Tears were now streaming down her cheeks and forming a damp pool on the table. "Let's work this out— kapag nalaman natin ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang damdamin mo para sa akin, maybe we can find ways to solve it. How about we get counseling?"

A weary sigh escaped him. "I thought of that, too, but I don't think counseling can solve this."

"Papaano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" she asked in a desperate attempt to convince him. "Ten years, Heathe. Ten years ang nakasalalay rito. Can't you exert more effort to salvage this marriage?"

He gave an inner groan of despair.

He was hurting for her— pero ano pa ang magagawa niya? He had already decided, at hindi ang pananatiling kasal dito ang napili niya.

Marahil ay nakita ni Camiya ang determinasyon sa anyo niya, kaya muli itong humikbi kasunod ng pag-iwas ng tingin. She wiped her tears away and softly sniffed her nose. Nakikita niya ang matinding sama ng loob sa anyo nito at gusto niya itong patahanin dahil hindi siya sanay na makita itong ganoon.

And he was hurting, too. Nanghihinayang rin siya sa sampung taon, pero patuloy lang silang masasaktan pareho kung pipilitin niyang manatali kung ganoong gustung-gusto na niyang kumawala.

Sa mahabang sandali ay pareho lang silang tahimik. Camiya tried to gain her composure after crying, while he sat there and watched her with a heavy heart.

Nang umayos na ang pakiramdam ni Camiya ay muli siyang nitong hinarap. This time, her eyes were gloomy. "Are you planning on filing an annulment?"

"I wanted to, pero wala akong mahanap na ground para i-proseso iyon."

Matagal bago muling nagawang magsalita ni Camiya. "How are you going to leave this marriage, then?"

"We can apply for a legal separation." He knew he sounded like a heartless bastard, but if he wanted to talk things with Camiya, that was a perfect time.

"Are you... sure about this?" she croaked.

Was he sure about that? Muli rin niyang ni-tanong ang sarili.

Pinal na nga ba ang desisyon niyang iyon?

Well, hindi rin siya sigurado. Dahil habang nasa planta siya at nasa gitna ng trabaho ay iniisip pa rin niyang dalhin sa isang eksperto ang problema niya. Subalit nang makauwi siya makalipas ang dalawang araw ay kay bigat na naman ng pakiramdam niya. Para siyang papasok sa kulungan.

And he thought it was a sign for him to push through his plan.

"Yes, I think so."

Dahan-dahang nagpakawala ng malalim na paghinga si Camiya, bago pilit na nagpakawala ng ngiti.

Ngiting puno ng hinanakit at lungkot.

"Can I ask you a favor?"

He answered her with a nod.

"Pwede mo bang i-antala ng labing dalawang buwan ang plano mong mag-file ng legal separation?"

Frustrated, he ran his fingers through his hair.

Another twelve months? Ano ang gustong mangyari ni Camiya?

And Camiya seemed to read what was on his mind. "To be truthful to you, Heathe, I still couldn't understand what went wrong in this relationship. Of course, there were times we were getting into arguments, but I never thought we'd end like this." She paused for a while when her voice started to shake again.

Nanatili siyang tahimik habang hinihintay na magpatuloy ito.

"If you really loved me in the past ten years that we were together—you wouldn't choose to leave. Pero hindi ko hawak ang isip mo— there may be a reason which you didn't want to tell me, or you haven't yet realized. Kaya hinihingi ko sa'yong bigyan mo muna sana ng panahon ang sarili mong hanapin ang rason na iyon." Mabilis na pinahiran ni Camiya ang luhang muling kumawala sa mga mata nito. "Is that too much for me to ask?"

Napa-isip din siya. Her idea wasn't that bad. And she wasn't asking too much. Doon man lang ay mapagbigyan niya ito.

"What do you expect me to do in the next twelve months, Camiya? Ayaw kitang makitang lalong nasasaktan kaya hindi na tayo maaaring magsama sa loob ng panahong iyon."

"In the next twelve months, I expect you to find yourself and look for the exact reason which led you to this. Gusto kong arukin mo sa puso mo kung ito ba talaga ang nais mong mangyari sa pagsasama natin."

"But Camiya—"

"Don't worry, hindi natin kailangang manirahan sa iisang bubong; I'll give you the space that you need."

Muling sunud-sunod na kumawala ang mga luha nito— at doo'y naramdaman niya ang unti-unting panlalambot ng kaniyang puso—sa labis na awa.

"Sa loob ng isang taon, you can live as freely as you want. Do whatever you like, date whoever you want. Naisip kong siguro ay masyado tayong nagmadali sa pagpapakasal noon kaya hindi mo na-enjoy ang buhay binata. Marahil ay naisip mong isang malaking pagkakamali na nagpakasal tayo kaagad."

More tears sprang to her eyes; and watching her cry made him feel even worse. Gusto niyang itama ang mga huling sinabi nito—subalit nanatili siyang tulala habang pinagmamasdan ang pag-uunahan ng mga luha sa magkabila nitong mga pisngi.

"Come to think of it— kung hindi ako umuwi sa'yo noong gabi ng graduation natin, ay hindi ka napilitang pakasalan ako. It was me who initiated everything. And it pains me to say this, but maybe you have regretted marrying me."

Again, he wanted to correct that, but he couldn't find his voice.

"I have never regretted anything, Heathe. I have never regretted choosing you. Kaya hirap akong ibigay sa'yo ang gusto mong mangyari. Pero ayaw ko ring ipilit ang sarili ko sa'yo kung talagang ayaw mo na. Kaya hinihiling kong hanapin mo muna ang iyong sarili, hanapin mo kung ano talaga ang gusto mo at tunay na makakapagpasaya sa'yo sa loob ng isang taon."

Sandali itong nahinto upang magpahid ng mga luha.

"After one year, kung buo pa rin ang desisyon mong ituloy ang legal na pakikipaghiwalay sa akin, ay tatanggapin ko iyon."

Bago pa man siya makapag-isip ng tama ay tumango siya bilang pagpayag. Naisip niyang pagbigyan ito si Camiya sa hiling nito—kahit doon man lang ay makabawi siya sa sakit na ini-dulot niya rito.

"Don't worry, hindi ako tatawag o makikipagkita sa'yo sa loob ng labing dalawang buwan," she added again. "You can stay in this house and I will move out—"

"No, Cami. You stay here and I will move out—"

"Para ano, Heathe? Para masaktan ako lalo? Every corner of this house will just remind me of how happy we used to be. And this—" Inikot nito ang tingin sa buong dining area, "this place will just remind me of how you broke my heart to pieces."

Muli itong nagpahid ng mga luha saka ibinalik ang pansin sa kaniya.

"Sa tingin ko'y dapat lang na umalis muna rito hanggang sa matapos ang isang taong agreement natin. I will patiently wait for your decision, Heathe. Until then, I will decide how to move on with my life."

Hindi niya alam kung praktikal ang gustong mangyari ni Camiya, pero hindi na siya nagsalita pa.

"Umaasa akong mapagtatanto mong mahal mo pa rin ako, Heathe. Na kailangan mo pa rin ako sa buhay mo," she said, making him feel uncomfortable. "Until then, I will be waiting for you."

That's when she stood up and gracefully pushed her seat back. Wala sa loob na sinulyapan nito ang mga pagkaing hindi rin naman nila halos nagalaw.

"Malamig na ang mga pagkaing iyan— you can throw them away if you want. Mauna na ako sa taas."

Ang akma nitong pagtalikod ay nahinto nang may naisip. Muli siya nitong hinarap, and this time, Camiya's face was void with any emotions.

"I will be using the guest room, so don't worry."

And then, she turned her back and walked away.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro