05 | He Wants Out
Nagising kinabukasan si Camiya na wala na si Heathe sa tabi. Sinulyapan niya ang wallclock, at nang makitang hindi pa iyon oras ng pag-gising ng asawa ay kinunutan siya ng noo.
Alas otso ito nagigising at alas-siete pa lang ng umaga.
Nilingon niya ang bahagi ng asawa, masuyong dinama ang hinigaan nito, saka sinulyapan ang unang ginamit kung saan doo'y nakahulma pa ang ulo. Wala sa loob niya iyong kinuha saka niyakap. She could feel and smell her husband from it... and it made her sad all the more.
Hanggang sa unan na lang ba niya ito mararamdaman? Hanggang kailan siya magtitiis na ganoon ang pagtrato nito sa kaniya? Why couldn't they just go back to how they used to?
Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang tunog ng makina ng sasakyan ng asawa mula sa nakabukas na bintana ng silid nila. Napabalikwas siya. Mabilis siyang bumangon at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang bintana upang silipin ang garahe. Paglihis niya ng kurtina ay bumper na lang ng kotse ng asawa ang inabutan niya. Ang gate ay ini-sara ni 'Nay Melda, ang labandera at tagapaglinis nila ng bahay na pumapasok lang tatlong beses sa isang linggo.
Salubong ang mga kilay na tumalikod siya at pumasok sa banyo upang ayusin ang sarili.
Makaraan ang ilang sandali ay lumabas siya ng silid bitbit ang cellphone. Habang pababa siya ng hagdan ay sinubukan niyang tawagan ang numero ng asawa subalit naka-patay ang cellphone nito sa pagtataka niya lalo. Heathe never switched his phone off unless the battery ran off.
"Magandang umaga, Camiya," bati ni 'Nay Melda nang makita siya nitong pababa. Kapapasok lang nito sa back door at patungo na sana sa kusina.
Pilit siyang ngumiti sa katulong. Ibinaba niya ang cellphone at lumapit dito.
"Nakapag-almusal na po ba kayo, 'Nay Melda?" Muntik na siyang mapangiwi nang marinig ang sariling boses. It was hoarse; paano ba naman ay umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa makatulog siya kagabi.
"Kumain na ako sa bahay, anak," nakangiting sagot ng may edad na babae. "Kukunin ko na ang mga labahan sa itaas, ha?"
Tumango siya at sinundan ito ng tingin nang humayo na patungo sa second floor. Nang mawala ito sa paningin niya'y napabuntong-hininga siya saka dumiretso sa kusina.
Pagkarating roon ay nahinto siya nang makitang may nakapatong na note sa ibabaw ng sink, katabi ang nakasaksak pang coffee maker na may lamang brewed coffee. Katabi niyon ay isang mug at pinitas na daylily mula sa garden.
Biglang tumahip ang dibdibi niya. Mabilis siyang lumapit at kinuha ang note.
Cami,
I just received an important email. I will be away for two days, may mga kailangan lang akong ayusin sa planta. Hindi na kita ginising dahil alam kong anong oras ka nang nakatulog kagabi.
I'm sorry about last night. Let's talk when I get back.
Heathe
Hindi niya alam kung ikatutuwa niyang humingi ito ng dispensa sa in-akto nito kagabi. Dahil kung tutuusin ay hindi lang ito ganoon kagabi— kung hindi sa nakalipas ding mga araw.
Bakit ang kagabi lang ang ini-hihingi nito ng pasensya? Balewala lang ba rito ang mga ginawa nito sa kaniya sa nakalipas na mga linggo? Tingin ba nito'y normal lang ang mga in-akto nito?
And he left suddenly— hindi niya alam kung paniniwalaan niyang may aasikasuhin ito.
Hindi kaya may ibang babae ito na kikitain?
Napa-iling siya sa naisip. Mukhang nagtagumpay si Loyda na lasunin ang utak niya kahapon.
Napasulyap siya sa bulaklak na nasa ibabaw ng sink. Kinuha niya iyon, masuyong dinama ang mga petals, saka iyon ini-lapit sa ilong.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga, bago humakbang patungo sa dining table bitbit ang bulaklak at note saka naupo sa harap niyon. Matagal niyang pinagmasdan ang note bago muling ini-dial ang number ng asawa sa cellphone. Nang muling marinig ang tinig ng phone operator ay ibinaba niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa, nangalumbaba siya roon saka nagpakawala ng isa pang buntonghininga.
Is it really necessary to turn off your phone, Heathe? Please tell me what's going on, honey. I miss you, and I want to understand what's happening...
*
*
*
Nakangiting inayos ni Camiya ang mga pagkaing ini-handa sa mesa. She personally cooked Heathe's favorite dishes; from Korean-style fried chicken, Parmesan roasted broccoli, and beef kaldereta. She also ordered one of Heathe's favorite red wines. Anumang sandali ay uuwi na ito matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa planta kung saan ginagawa ang mga produkto nila— it was in a town six hours away from Villa Vicente. At nalaman niya mula kay Beverly; ang sekretarya nito sa opisina, na sa gabing iyon babalik ang kaniyang asawa kaya naghanda siya.
Kung hindi pa siya tumawag sa opisina ay hindi pa niya malalaman kung ano'ng oras itong makararating sa Villa Vicente. At least it was true that he received an emergency email, and he wasn't just making up stories to avoid her.
At naghanda siya ng espesyal na hapunan para rito— she even ordered a customized cake from Loyda's cake shop. It was a cheesecake that Heathe really loved.
Sinabi nitong mag-uusap sila sa pagbalik nito, at gusto niyang magsalo muna sila sa isang masarap na hapunan bago ang lahat.
She even prepared herself; she went to a spa that morning for a full body massage, then went to the salon to doll herself up. Bago umuwi ay dumaan din muna siya sa mall upang bumili ng magandang damit— she ended up choosing a black mini-dress na mababa ang neckline. She wasn't the type who would wear a provocative dress, pero ginawa niya iyon sa partikular na araw na iyon to impress her husband.
Gusto niyang gawin ang lahat upang gibain ang kung anong pader na pumapagitan sa kanila ng asawa sa nakalipas na mga linggo.
Ayaw niyang manatili silang ganoon ni Heathe, they used to be happy—very. At gusto niyang ibalik ang mga panahong iyon kaya niya ginagawa ang mga bagay na ito.
Sana lang ay hindi nito sayangin ang gabing pinaghandaan niya...
Nang marinig ang pamilyar na tunog ng makina ng sasakyan mula sa labas ay tumahip ang kaniyang dibdib. Doon niya sinindihan ang dalawang malalaking mga kandila sa candle holder na nasa gitna ng mesa, saka humakbang patungo sa gilid ng pinto upang i-dim ang ilaw sa dining area.
Isang sulyap pa ang pinakawalan niya sa dining table bago tumalikod at nagtungo sa front door upang salubungin ang asawa.
She held her breath as she waited. She used to experience butterflies in her stomach when the key would turn in the door, the feeling of excitement to greeting her husband on the other end always made her shiver.
But this time, it was different. The excitement and butterflies were gone... and all she could feel as she waited for him to emerge from the door was nothing but anxiety. Iyon ay dahil hindi niya alam kung paanong pakikitungo na naman ang ipakikita sa kaniya nito. Kung anong dahilan na naman ang maririnig niya upang tumanggi itong sabay na kumain sa kaniya, at kung susulyapan siya nito o hindi.
She started feeling insecure about herself— she started worrying about the future—about the promises he made.
Hindi na excitement ang laman ng dibdib niya sa tuwing hinihintay itong umuwi kung hindi kaba at pag-aalinlangan.
Pero hindi siya susuko. Hindi niya ito susukuan. Gagawin niya ang lahat upang maayos nila ang kung anomang problema mayroon sila, o kung ano mang pader ang pumapagitan sa kanila. Sa gabing ito ay pipilitin niya itong magsalita. Gusto niyang ayusin na nila ang lahat nang sagayon ay magising siya kinabukasan na magaan ang dibdib.
Nang marinig niya ang pag-pihit ng seradura ng front door ay napakagat-labi siya kasunod ng paghanda ng ngiti para sa asawa.
And when the door opened, her smile widened.
"Welcome home, honey!"
Si Heathe na pumasok bitbit ang mga gamit nito sa opisina ay sandaling natigilan at bumaba ang tingin sa suot niya. Something sparked in his eyes but he suddenly brushed it off. Gusto niyang isipin na paghanga ang nakita niya sa mga mata nito, subalit hindi iyon ang sinasabi ng pakiramdam niya.
Dahil kung paghanga iyon, bakit mabilis iyong itinago ng asawa niya? He used to praise and compliment her almost every minute of the day, he used to say beautiful and loving words to her, and when he was feeling naughty, he would whisper something for her ears only.
But now... he was trying to put that barrier between them by hiding his feelings and by stepping back.
"Hi," tipid na bati nito nang makabawi. Ini-sara nito ang pinto sa likod saka kunot-noo siyang hinarap. "Ano'ng mayroon? Why are you... dressed like that?"
She couldn't pretend she wasn't disappointed in his reaction. What she wanted to hear from him was a compliment— not this.
She took a deep breath and forced a smile. "I bought a new dress and I colored my hair— do you like them?"
Matagal siya nitong tinitigan— at nagsisimula nang manakit ang lalamunan niya sa pag-alpas ng sama ng loob dahil sa nakikita niyang kawalang-interes sa anyo nito nang magsalita si Heathe.
"You look beautiful."
And she wanted to believe that— really. Only if he didn't lack any emotions.
Heathe said those words in a matter-of-factly tone. Para itong kritiko sa isang beauty pageant na nagpahayag ng opinyon tungkol sa anyo niya, at hindi bilang kabiyak na nagandahan sa asawa.
Oh, tila pinipilas ang dibdib niya sa mga sandaling iyon.
"Thank you," she answered, trying not to choke with her words. "I prepared dinner."
Heathe opened his mouth to say something, and she knew he was going to refuse again, so she cut him off,
"Buong araw kong pinaghandaan ang pag-uwi mong ito, so please join me to dinner."
He shut his mouth and stared at her intently. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa mga titig nito na lalong nagpakaba sa kaniya. Pero matapang niya iyong sinalubong.
Until... Heathe let out a long sigh and nodded his head.
Ngumiti siya. "Let's go to the dining area."
Nang tumalikod na siya at naunang humakbang patungo sa dining area ay saka napalis ang kaniyang ngiti. Sumasakit ang dibdib niya, pero nangako siya sa sariling aayusin ang kung ano mang gusot mayroon sila, at gigibain ang pader na pumapagitan sa kanilang mag-asawa sa gabing iyon.
Pagdating sa dining area ay muli niyang nilingon si Heathe na balewalang sumunod sa kaniya.
"I cooked all your favorites."
Nahinto ito at sinuyod ng tingin ang mesa. At habang ginagawa nito iyon ay pinanatili niya ang tingin sa mukha ng asawa upang alamin ang magiging reaksyon nito.
At nang makita niya ang dagling pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Heathe ay lalo siyang nanlambot.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please, speak to me, Heathe.
"They looked appetizing," he commented after a while. Lumapit ito at hinila ang isang upuan saka naupo roon.
Hindi niya magawang magsalita dahil alam niyang pipiyok siya kapag ginawa niya. She just forced herself to smile, walked towards her husband, and bent her head to kiss his cheek.
Sandaling natigilan si Heathe sa ginawa niya.
"You forgot to kiss your wife."
Muli ay akma sana itong magsasalita subalit tumalikod na siya upang ikubli ang mga luhang namuo sa kaniya mga mata. Inabot niya ang red wine at binuksan iyon saka unang nagsalin sa kopita ng asawa, bago ang sa kaniya.
At habang pinagsisilbihan niya ito'y nararamdaman niya ang pagsunod ng mga mga nito sa kaniya.
Nang maupo na siya ay muli siyang nagpakawala ng matamis na ngiti. Inabot niya ang kaniyang kopita saka itinaas. "Cheers, honey."
But Heathe remained quiet as he stared at her. Ni hindi nito ginalaw ang kopita nito at nanatili lang na naka-mata sa kaniya. At alam niya kung ano ang nasa isip nito. Alam niyang nahahalata nito ang mga huwad at pilit niyang ngiti
Hanggang sa bumuntong-hininga ito at nagbaba ng tingin.
Muli siyang inatake ng kaba, at wala siyang ibang gustong gawin sa mga sandaling iyon kung hindi ang lumuha.
"Cami," he started in a voice that was so unfamiliar to her, "I'm really sorry if I have to say this... But I—"
"Pwede bang kumain muna tayo?" aniya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago ang panginginig ng boses. Ni hindi siya sigurado kung magagawa pa niyang lunukin ang mga pagkaing nasa hapag, o kung matutunawan siya matapos nilang mag-usap. May pakiramdam siyang hindi siya patutulugin ng mga sasabihin sa kaniya ng asawa.
"You see... pinaghandaan ko itong mga pagkaing ito at ayaw kong masayang." Ipinilig niya ang ulo upang sabihin sa asawang mag-umpisa na silang kumain. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot niya ang parmesan roasted broccoli plate saka naglagay sa plato niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Heathe, kasunod ng pag-abot nito sa kopita at pagdala niyon sa bibig. Inubos nito ang laman ng wine glass sa pagkamangha niya, at nang ibaba nito iyon pabalik sa mesa ay saka ito muling nagsalita.
"I'm sorry, Cami."
Napakurap siya. "F—For what?"
"For everything that I have done to you these past few weeks."
Hindi siya kaagad na nakasagot. His voice was sincere and that gave her relief, but she still couldn't put her mind in peace. Alam niyang maliban doon ay may iba pa itong nais sabihin sa kaniya.
"Matagal kong pinag-isipan ito," patuloy ni Heathe sa seryosong tinig. "At sa tingin ko ay ngayong gabi ang tamang panahon para pag-usapan na natin ito."
She swallowed hard. Ang isang bahagi ng kaniyang utak ay nagsasabing takpan niya ang kaniyang mga tenga upang hindi marinig ang mga sasabihin ng asawa, but the other part wanted to learn the truth. Para sa kapayapaan ng utak niya.
"H-Honey, what's... what's going on?"
"I am falling out of love, Cami."
Sana ay bomba na lang ang sumabog nang sagayon ay natapos na ang lahat. Pero mas masakit pa ang mga salitang pinakawalan ni Heathe kompara sa kung ano pa man. Pakiramdam niya'y pinagkaitan siya ng hangin at hindi siya makahinga. Pakiramdam niya'y may lubid na nakapulupot sa puso niya na sa bawat pagdaan ng segundo'y humihigpit at tumintindi ang sakit.
When Heathe didn't get a response, he continued,
"I can't stay in this marriage anymore."
Paano niya nagagawang titigan ako nang diretso habang sinasabi niya sa akin ito? she asked herself so painfully.
"I tried to recover what I have lost, Cami, but I couldn't find it—I don't even know why and how I lost it. I just woke up one day feeling unhappy in this marriage, feeling unhappy with you. But believe me, Cami, I tried to stay. I tried to solve it— pero... wala na talaga." Nahihimigan niya ang paghihirap sa tinig nito. "Maniwala ka, sinubukan kong manatili, pero sa bawat pagdaan ng araw ay lalo akong naliligaw. Hindi ko na alam kung saan ito papunta, Cami. Hindi ko na alam kung ano ang tamang daan. This marriage is going nowhere. I'm feeling lost and am no longer happy. At kung ganitong hindi na ako masaya sa piling mo at kung pipilitin ko pang magsama tayo ay baka lalo lang kitang masaktan. And I don't want to hurt you even more."
Muli itong humugot ng malalim na paghinga, at habang nakatitig ito nang diretso sa kaniyang mga mata ay sinabi nito ang mga katagang ni sa panaginip ay hindi niya inakalang maririnig mula rito,
"I don't love you anymore, Cami. So... let's just end this marriage. Let's just separate."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro