Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

04 | Communication Is The Key


It was Saturday the next morning, and Heathe woke up late. Nagising itong wala si Camiya sa tabi.

Sinulyapan niya ang oras sa wall clock— fifteen minutes past eight. Ganoong oras siya madalas na gumising sa umaga upang maghanda sa pagpasok sa opisina.

Bumangon siya at dumiretso sa banyo. He showered and changed to his running clothes.

Sabado at Linggo ay pahinga niya, and normally, he would spend those days with his wife. Pero sa nakalipas na mga linggo, simula noong nakaramdam siya ng kakaiba ay hindi na niya ginugugol ang mga araw na iyon kasama si Camiya. He would either keep himself busy working on the weekends or meet with his friends at the pub.

Mamaya ay tatawagan niya ang dalawa upang alamin kung may plano ang mga ito sa araw na iyon. He wanted to invite them for a kickboxing session. May bagong bukas na sports complex hindi kalayuan sa opisina niya kung saan may iba't ibang klase ng mga activities na maaaring gawin. Nais niyang subukang aliwin ang sarili sa araw na iyon. He didn't want to be stuck in the house with Camiya.

Matapos niyang maligo ay bumaba siya at sandaling dumaan sa kusina upang silipin doon ang asawa. And just as he expected, she was there, cutting up some fruits.

Naamoy niya ang mabangong aroma ng kapeng barako na nagmumula sa coffee maker, kaya humakbang siya papasok ng kusina at kumuha ng tasa sa cup board.

"Good morning," nakangiting bati ng asawa. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Yeah," tipid niyang sagot bago tumalikod at tinungo ang coffee maker. Nagsalin siya sa tasa niya, hinaluan iyon ng kaunting fresh milk, saka sumandal sa counter hawak-hawak ang tasa upang panoorin ang asawa. "How's yours?"

Nahuli niya ng tingin ang sandaling pag-ilap ng mga mata nito bago ibinalik ang pansin sa ginagawa. "It was okay. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog."

Hindi sya sumagot. Dinala niya sa bibig ang tasa saka banayad na humigop; ang kaniyang mga mata'y nanatili kay Camiya na inabala ang sarili sa ginawa.

"Hindi ka kumain kagabi, kaya sana ay hindi mo tanggihan ang almusal," anito.

Ibinaba niya ang tasa bago sumagot. "I'm not hungry— baka mamayang pag-uwi ko na lang pagkatapos kong mag-cardio."

Umangat ang mga balikat nito sa paghinga ng malalim, kasunod ng pagpapakawala ng ngiti at muling paglingon sa kaniya. "Do you remember the last time we ate together?"

"Three nights ago?"

"Four," pagtatama nito. Tumigil ito sa ginagawa, tuluyang humarap sa kaniya, at sandaling nakipagtitigan.

At habang magkatitig sila ay saka siya may napansing kakaiba rito. Her gaze was empty— her eyes were filled with sadness, and her smiles were almost fake. Of course, he could easily notice that. They had been together for ten years, plus Camiya was a transparent kind of person—madali itong basahin.

At hindi niya alam kung dapat niyang ipag-alala ang anyo nito. Sigurado siyang nahahalata na nito ang bigla niyang pagbabago, at dahil doon ay nalulungkot ito.

Damn it.

Hind niya mapigilang murahin ang sarili. Kailangan na nga yata niyang kumilos bago pa niya lalong masaktan ang asawa.

"Nakakalungkot kumain nang mag-isa, honey. Baka gusto mong pagbigyan ako ngayon at sabayan akong kumain?"

He wanted to refuse, but he didn't want her to keep asking questions. Kaya tumango siya, lumapit sa mesa, hinila ang kaniyang upuan saka naupo roon.

"What do we have for breakfast?" he asked, trying to sound like his normal self.

Si Camiya ay muling nagpakawala ng ngiti. Isa-isa nitong kinuha ang mga inihandang pagkain na nakapatong sa sink saka inilapag sa mesa. "In-init ko lang ang niluto ko kagabi, and some mixed fruits. Dig in, maghuhugas lang ako ng mga kamay."

Habang nakatalikod sa lababo ang asawa ay nag-umpisa siyang kumuha ng pagkain.

Ilang sandali pa'y naupo na rin si Camiya sa harap niya, at para siyang gago na umiiwas sa mga tingin ng asawa. He felt guilty for not loving her the same way, thus, his refusal for eye contact.

Nang mag-umpisa na siyang kumain ay hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot; the kitchen used to be his favorite place. Noong maayos pa sila ng asawa ay madalas na napupuno ang lugar na iyon ng kwentuhan, biruan, at tawanan. It was the center of their house.

Pero ngayon ay pakiramdam niya... may pader na pumapagitan at naghihiwalay sa kanila ng asawa.

Pader na siya lang ang may likha.

At ngayong nararamdaman na ni Camiya ang pagbabago niya'y wala siyang ideya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. She was probably just waiting for him to speak to her.

Pero kailan niya gagawin iyon?

At ano nga ba ang dapat gawin?

"Siya nga pala, tumawag si Cruz," umpisa ni Camiya upang basagin ang katahimikan. "Ini-imbitahan niya tayo bukas na dumalo sa silver anniversary ng mga magulang niya. Noong nakaraang araw pa niya sinabi, kaya lang ay ngayon lang ako nagkaraoon ng pagkakataong makausap ka."

Si Cruz ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Camiya. They had been close friends since they were four, at naging kaibigan na rin niya simula nang magkakilala sila ng asawa. Cruz was also Alfonz's current girlfriend, kaya siguradong naroon din ang kaibigan niya.

"Sure," sagot niya habang patuloy lang sa pagsubo, "tomorrow's Sunday and I don't have any plans. Ano'ng oras tayo aalis?"

"Four in the afternoon." Dinagdagan pa nito ang pagkain sa plato niya. "Hey, wala naman tayong gagawin ngayong araw— let's go to the mall and buy some gifts for the celebrants."

Gusto niyang tumanggi dahil alam niyang mababagot lang siya at hindi siya komportableng magpanggap na ayos lang siyang kasama ito, pero sa araw na iyon ay naisip niyang pagbigyan ang asawa.

Lihim siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago tumango.

"Okay," tipid niyang sagot bago yumuko at itinuloy ang pagkain.

At kung muli lang sanang nag-angat ng tingin si Heathe ay nakita sana nito ang pagpalis ng ngiti sa mga labi ni Camiya at ang lungkot na dumaan sa mga mata nito.

She was doing her best not to shed a tear in front of her husband.

And he just had no idea that his coldness was tearing her heart apart.


*

*

*


"Cami, are you okay, girl?"

Mula sa pagtanaw sa malapad na fishpond sa hardin ng pamilya Alcaraz ay nilingon ni Cami si Cruz. Pilit niyang inalis ang lungkot sa anyo at nagpakawala ng ngiti.

"Hey."

Cruz was her best friend since time immemorial. Sabay sila nitong lumaki at nagka-isip. Ang mga magulang nito'y parehong mga guro sa mataas na pamantasan ng Villa Vicente at parehong malapit na kaibigan ng mga magulang niya.

"Kumain ka na ba?" ani Cruz nang makalapit. She was a chubby woman with fair skin and a beautiful face, na sa kabila ng hubog ng katawan nito'y marami ang pumila upang manligaw. She was known for being prim and proper, na hindi kataka-taka dahil sa background ng pamilya nito. Pero sa kabila ng madalas na pagiging seryoso ni Cruz ay napaka-lambing rin nito at madaling lapitan; Alfonz was a lucky man.

"Wala pa akong gana," sagot niya sa tanong ng kaibigan bago ibinaba ang tingin sa bitbit nitong dalawang kopita ng champagne.

Inabot nito ang isa sa kaniya na kaagad din niyang tinanggap. Umusal siya ng pasasalamat saka muling ibinaling ang tingin sa pond.

"Hindi ka namin mahanap sa loob, akala namin ay umuwi ka na. Ano'ng ginagawa mo rito?"

Pasagot na sana siya nang marinig ang tinig ng isa pa nilang kaibigan, si Loyda.

"Nasa loob ang party, bakit narito ka, Camiya?"

Sabay silang lumingon kay Loyda at nakita itong naglalakad palapit sa kanila bitbit ang isang tall glass na sigurado silang matapang na alak ang laman.

Loyda became their friend when they were in college, naging ka-klase nila ito. Nasa food business ang pamilya nito; her father owned a Thai restaurant in town while her mother had a cake shop.

As opposed to Cruz, Loyda had a slim body, coffee-toned skin, and a Victoria's Secret-model-like height. She had a statuesque body but her best asset was her chinky eyes and full lips. Loyda could actually pass as a Victoria's Secret model, only if she didn't have stage fright. Noong nagtapos sila sa kolehiyo ay hindi na ito umakyat sa stage at doon na sa opisina ng school admin kinuha ang diploma.

Muli siyang nagpakawala ng pilit na ngiti nang makalapit si Loyda.

"Wala, gusto ko lang ng sariwang hangin," dahilan niya bago dinala sa bibig ang kopita at sumimsim ng alak. Muli niyang nilingon ang pond upang hindi mahalata ng mga kaibigan ang pagsisinungaling niya.

"Nakasinghot ka nga ng sariwang hangin, pinag-piyestahan ka naman ng mga lamok," sagot ni Loyda sa kaniya.

"Ayos lang ako. Mas gusto ko rito dahil tahimik."

"Kasama nina Alfonz at Jarrod si Heathe, mukhang may seryosong pinag-uusapan dahil mga naka-isolate sa ibang mga bisita," ani Cruz, nasa tinig ang pag-aalala. "Tapos ikaw ay heto, ina-isolate rin ang sarili sa lahat. What is happening, Cami? May problema ba kayong mag-asawa?"

Muli niyang dinala sa bibig ang kopita ng alak saka pinangalahati ang laman niyon bago siya nagpakawala ng tipid na ngiti. Cruz had known her since they were in diapers, alam niyang magsasayang lang siya ng laway kung magsisinungaling siya. So she decided to tell the truth.

"Ang totoo ay... hindi ko rin alam, Cruz. Heathe has been acting weird these past few weeks..."

"Define weird," sabi naman ni Loyda na tumabi rin sa kaniya.

"Like... he's not the same person anymore. Parang hindi siya ang lalaking minahal at pinakasalan ko. Parang ibang tao ang kasama ko sa bahay nitong nakalipas na mga linggo. Parang may mali sa mga ikini-kilos niya—isang araw ay bigla na lang siyang nanlamig. Hindi na kami katulad ng dati..."

"Hindi kaya abala lang siya sa negosyo?" sabi pa ni Cruz. "Nabanggit sa akin ni Alfonz na lumalago ang Flaviero Organics— may mga international investors na, kaya siguro ganoon ang asawa mo. Has he been stressing about the business? Baka overworked na rin siya."

Ipinitik ni Cruz ang hinlalaki at hintuturo nang may maisip na ideya.

"Alam ko na. Bakit hindi mo siya yayaing mag-out of the country? Second honeymoon, ganoon. Nang ma-relax naman ang utak niya at bumalik ang dating samahan ninyo."

"Yeah, it could be the business," she agreed. And she wished that it was really the case— dahil kung hindi ay hindi na niya alam kung ano ang iisipin.

"Or maybe," si Loyda, "Heathe has another woman."

Si Cruz ay marahas na nilingon ang kaibigan saka siniko. Nagbigay ito ng warning look kay Loyda na sinagot lang ng isa ng pag-nguso.

"Posible rin," sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa pond. Hindi siya naniniwalang may babae si Heathe pero hindi rin imposibleng iyon ang dahilan.

"Tanga ba siya?" sagot ni Cruz sa sinabi niya, halatang ang nais ay pagaanin ang loob niya. "Kasal na siya sa isa sa— kung hindi man ang pinaka— magandang babae dito sa Villa Vicente. Bakit pa siya mambababae? No man in his sane mind would ever cheat on you."

Stop patronizing me... she wanted to say, but she kept quiet instead.

At dahil sa pananahimik niya'y muli namang nagsalita si Loyda. "May mga lalaki talaga na kahit masarap na putahe na ang kinakain ay maghahanap pa ng iba." Muli itong sumimsim ng alak bago nagpatuloy. "Iba, like... atsara. Pampatanggal umay, ganoon."

Doon na siya napalingon sa kaibigan. Nahuli niya si Cruz na muling siniko si Loyda upang suwayin.

"Tingin niyo ba ay nauumay na sa akin ang asawa ko?" she asked— her voice laced with sadness and insecurity combined.

Pangiwing sumagot si Loyda. "Hindi ko naman sinasabing si Heathe iyon, Cami. Sinabi ko lang na ang mga lalaki'y may ganoong tendency minsan. Of course, 'yong main menu pa rin ang gusto at babalik-balikan, pero once in a while, ang isang menu sa araw-araw ay nakakasawa rin, 'di ba? Natural na maghanap iyon ng pampatanggal umay—"

"Tumigil ka na nga, Loyds," suway muli ni Cruz dito. "Lalo mong nilalason itong utak ni Camiya dahil sa mga pinagsasasabi mo, eh."

Napanguso na lang si Loyda at hindi na nagsalita pa.

She sighed deeply and then moved her eyes back to the pond. Naisip niyang may punto si Loyda, pero may tiwala siya kay Heathe na hindi nito iyon gagawin sa kaniya.

"When was the last time you had relations?" Loyda asked after a while.

Si Cruz na nasa tabi nito'y na-sapo na lang ang ulo dahil hindi nagawang pigilan ang kaibigan sa patuloy na pagsalita.

"I can't remember.".

"Well, alam na diz." Muling dinala ni Loyda ang baso ng alak sa bibig saka inubos ang laman niyon. "I suggest na mag-umpisa ka nang maghanap ng ebidensya sa asawa mo— lipstick sa kwelyo ng damit, pambabaeng perfume na dumikit sa damit, hibla ng buhok ng ibang babae, used or unused condom packs in his pockets; unless he's not playing safe and is planning on gifting you an STD. Or find something on his phone; some erased messages or calls. Also check his credit card records, tingnan mo kung may binili siyang pambabaeng gamit na hindi niya ibinigay sa'yo. Pwede mong gamitin ang mga ebidensyang mahahagilap mo just in case you will end up filing an annulment."

"You know what, Loyds? That's enough," suway ni Cruz sa kaibigan. "Hindi nakatutulong kay Cami iyang deduction mo." Muli nitong ibinaling ang tingin sa kaniya. "H'wag mong intindihin itong si Loyda, alam mo namang kapag walang hinihimas na dough iyan ay nagbababad sa mga TV dramas. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin? Tanungin mo na lang nang diretso si Heathe. Kapag itinanggi niya, seduce him to bed. Magpakitang gilas ka, girl, para muling bumalik ang init sa pagsasama niyo. People say sex is an essential part of marriage— it's like glue, it connects you both. Baka kasi kinulang ka lang ng lambing sa kaniya."

Again, she chose not to answer. Ayaw niyang magkwento sa mga kaibigan tungkol sa pribadong aspeto ng pagsasama nila ng asawa. Isa pa ay naniniwala siyang hindi rin sa departamentong iyon siya nagkulang.

"Communication is the key to a healthy marriage, Cami," dagdag pa ni Cruz. "Iyon ang nakikita ko sa mga magulang ko, at mukhang sobrang epektibo dahil tingnan mo... umabot sila sa silver wedding anniversary. Kung magturingan pa 'yang mga 'yan akala mo mga bagong kasal lang. Try to talk to Heathe and make it soon. Kapag pinatagal mo ang mantsa ay lalo iyong kakalat hanggang sa hindi mo na maisasalba pa."


*

*

*



Pasado ala-nueve ng gabi nang makauwi sila ni Heathe. He drove the car and was silent the whole time. Napansin niyang may malalim itong iniisip at ilang beses siyang nagbukas ng usapan subalit simpleng tango at tipid na ngiti lang ang ini-sasagot nito sa kaniya. Kaya naman nang mapagod siya ay nanahimik na lang rin siya at ipinikit ang mga mata upang magkunwaring naka-idlip.

The truth was... she was trying to stop herself from shedding a tear. She was deeply hurt for his odd behavior, and for refusing to talk to her.

Nang maigarahe ni Heathe ang kotse ay nagsabi itong mauuna na sa silid. Hindi niya alam kung bakit pa nito iyon sinasabi na para bang siya'y walang balak magpahinga.

Imbes na magpaalam, hindi ba dapat ay nagyaya itong umakyat na sila?

Oh, lalong sumama ang loob niya. Maliwanag pa sa malinis na tubig na iniiwasan siya nito at itinataboy.

Sandali siyang naupo sa living room nang tuluyang maka-akyat si Heathe. Nag-isip siya roon kung ano ang tamang approach na gagawin para makapag-usap sila nang masinsinan. And it had to be that night— dahil kapag hindi sila nag-usap ay baka lalo siyang hindi makatulog.

Makalipas ang ilang minuto'y umakyat na rin siya. Sa silid ay inabutan niya si Heathe na lumabas sa banyo at nagpupunas ng buhok. He had just showered and was only wearing his white sleeping pants. Sandali niyang pinaglakbay ang mga mata sa hubad nitong katawan.

Her husband had always had a fit, muscular body. Hindi nagbago ang tindig at pangangatawan nito simula pa noong una silang nagkakilala. Nakuha iyon ng asawa sa araw-araw na pag-pa-practice noon ng basketball at pagta-trabaho sa pabrika. His body was always on the move. Batak sa trabaho at sports. Noong nagpakasal sila ay nag-umpisa itong magtrabaho sa university at nakasanayan na nitong tumakbo ng ilang kilometro sa umaga papasok. He's used to taking care of himself— he's used to working hard to stay fit and healthy.

At habang pinagmamasdan niya ito'y hindi niya naiwasang magpakawala nang malalim na paghinga. How she missed him; she missed his hug under the sheet. She missed being wrapped in his arms. She missed making love to him...

But no— they had to talk.

"We need to talk," she started.

Kailangan niyang makausap ito bago matapos ang gabing iyon.

Inasahan niyang may pagkagulat o pagtataka siyang makikita sa anyo ng asawa, subalit balewala itong tumalikod at lumapit sa kama.

"Let's talk tomorrow morning bago ako pumasok sa opisina. I'm dead tired right now." Ini-hagis nito ang puting towel sa sahig sa kung paano na lang saka nahiga na.

Humakbang siya palapit at nahinto sa gilid ng kama. "Please?"

Ang akmang pag-patay nito sa night lamp ay naudlot. Tiningala siya nito. "Can't it wait until tomorrow, Camiya? I really want to sleep now." Then, he switched off the lamp and turned his back on her.

Para siyang binagsakan ng mabigat na bagay sa ginawa nito. He didn't even wait for her response.

Gusto niyang magalit, but she wasn't the type who would snap out easily.

Gusto niyang magsalita nang masama, pero hindi niya alam kung anong mga salita ang nababagay na ibato sa asawa. Besides, hindi siya ganoong klase ng tao. Cursing was never her way to express anger.

Sa nagpupuyos na dibdib ay tumalikod na rin siya at humakbang patungo sa banyo.

Pagpasok ay kaagad niyang binuksan ang gripo sa lababo pati na ang shower upang lumikha ng ingay nang sagayon ay hindi marinig ni Heathe ang kaniyang pag-iyak. Doon ay pinakawalan niya ang mga luha. Nasasaktan siya dahil imbes na pagbigyan siya nito at nang maayos ang kung ano mang problema nila ay umiiwas ito.

Sigurado siyang alam nitong nararamdama na niya ang pagbabago nito subalit nanatili itong walang kibo at walang ginagawa upang solusyunan ang problema.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak sa harap ng salamin.

Nang sa palagay niya'y kalmado na siya ay naghubad siya't pumailalim sa shower. Sa loob ng kalahating oras ay nanatili siya sa loob ng banyo— pinatuyo muna niya ang kaniyang buhok gamit ang blower bago lumabas.

Tahimik siyang lumapit sa kama saka nahiga. This time, Heathe was facing the other side of the bed; nakatalikod sa bahagi niya. Masama ang loob niya rito, but she missed and yearned for her husband. Pumailalim siya sa kumot at inilapit ang katawan sa asawa. Niyakap niya ang likod nito at idinikit ang mukha roon.

She closed her eyes in surrender— how she missed his scent and the warmth of his body against hers.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay naramdaman niya ang sunud-sunod na pagpapakawala ni Heathe ng malalim na buntong-hininga— tandang gising pa ito. At inasahan niyang hahawakan nito ang braso niya o yayakapin din siya subalit hindi. He remained stagnant and nonchalant.

Hanggang sa kumilos ito at pumihit pa-dapa sa kama. Her hand landed on his back, which only made her feel even more pathetic.

Muli niyang naramdaman ang pananakit ng lalamunan at paninikip ng dibdib. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay na nakayakap sa likod ng asawa saka siya pumihit patalikod dito. With so much pain in her heart, tears began to gather in her eyes.

And again that night, she silently cried herself to sleep, while hoping for her husband to take notice and apologize for acting like a jerk.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro