Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03 | Breaking Her Softly


Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Camiya nang tumalikod na ang asawa. Wala sa loob na humakbang siya patungo sa entry ng kitchen at sinundan ng tingin si Heathe na umakyat sa hagdan bitbit ang mga gamit nito sa opisina.

Muli siyang napa-buntong-hininga.

Hindi niya maintindihan ang asawa. Sa nakalipas na mga araw ay ilang beses niyang ini-tanong rito kung ano ang problema subalit bahaw na ngiti lang ang madalas nitong isagot sa kaniya. She wanted to know what's happening to him— she wanted to know what's bothering him. But Heathe would often just ignore her concern and move on as if nothing's going on.

Gusto niyang sabihin dito na napapansin niya ang pagiging tahimik nito. He wasn't the same funny and playful guy she fell in love with.

Gusto niyang sabihin dito na nami-miss na niya ang mainit nitong mga yakap at mga halik. He missed the old him— the loving and sweet husband who wouldn't stop kissing and holding her whenever and wherever he wanted.

Gusto niyang sabihin dito na nag-aalala siya sa ina-akto nito.

Was he sick?

Did something happen to the business?

As his other half, she wanted to know how she could help. Pero hindi siya nito binibigyan ng pagkakataon. He used to ask her opinion about stuff— tulad ng kung ano'ng business ang itatayo nila sa halagang naipon sa unang dalawang taong pagta-trabaho nila. They were able to save up because they were both trying to make meet ends. Noong unang taon ng pagsasama nila'y nakatanggap siya ng freelance job mula sa isang American-based accounting firm bilang virtual assistant and she was earning dollars which was a big help. Heathe on the other hand was able to secure a job at the university as a College Admissions Rep. Sa loob ng dalawang taon ay naging matiyaga sila, hanggang sa naka-ipon at nagpasiyang gamitin ang pera upang magtayo ng negosyo.

Nagrenta sila ng maliit na store sa business street ng Villa Vicente at kumuha ng franchise ng isang kilalang brand ng organic skin products. It was her idea.

Eventually, Heathe decided to produce their brand. Nagtrabaho ito ng dalawang taon sa pabrika ng mga sabon noong nasa kolehiyo sila kaya alam nito ang proseso. He applied for a loan from the bank, spoke to people who knew about soap production, took crash courses to help him understand the process even more, and in the span of twelve months, their first set of products hit the market.

It was unbelievably easy for Heathe to achieve his goal, and she was so proud of him. People would say that she was her husband's lucky charm, and Heathe would agree to them with a big, pleasing smile on his face.

Madalas silang mag-usap noon tungkol sa mga plano nila sa kinabukasan, at tungkol sa kung ano pa mang mga bagay, mapa-maliit man o malaki.

But this time... Heathe had changed and had started acting like she didn't exist. At kung napapansin naman siya nito'y pilit na ngiti at atensyon ang ibinibigay sa kaniya.

Hindi niya maiwasang isipin na baka may iba na ito. But then, her intuition dismissed that idea. Malalaman niya kung may babae itong kinakatagpo— women's intuition never failed. And Heathe wasn't acting like there was a third party involved.

Pero ano pa ba ang iisipin niya sa ina-akto ng asawa?

Biglang may ideyang sumagi sa isip niya; ideyang nagpasinghap sa kaniya.

Am I... lacking in the bedroom department? Am I not satisfying my husband anymore?

Napahawak siya sa dibdib nang bigla iyong kumabog ng malakas. Nag-aalala siyang baka iyon ang dahilan. Na baka nawawalan na ng gana sa kaniya si Heathe dahil nagiging boring na siya sa kama. At kung magpapatuloy iyon ay siguradong maghahanap na ito ng iba.

Saan pa nga ba patungo ang ganoong pagkukulang?

Or maybe because their home had started to lack something? It lacks children. Nalulungkot na kaya ang asawa niya dahil sampung taon na silang kasal pero hindi pa rin niya ito nabibigyan ng anak?

Dinukot niya ang cellphone na nasa bulsa ng suot na apron. She opened the ovulation app and checked the dates. Ayon sa detalyeng ipinapakita ng app, sa susunod na tatlong araw ay fertile siya.

Naisip niyang baka pwede nilang muling subukan sa gabing iyon?

Napabuntong-hininga siya.

Ilang beses na ba nilang sinubukan pero hindi pa rin sila makabuo? And it wasn't Heathe, it was her. After doing standard diagnostic testing, her doctor had explained that she was having an unexplained fertility problem. She was perfectly healthy; fallopian tubes, uterus, and her ovulatory function were all looking good as per her doctors, but they still couldn't find a specific reason why she couldn't conceive. At tatlong magkakaibang doktor na ang nilapitan niya, but all of them just prescribed her fertility drugs. Limang taon na nilang sinusubukan, limang taon na siyang umiinom ng mga gamot na iyon, pero wala pa ring nangyayari.

Dagdagan pang nitong nakalipas na mga buwan ay mas lalong naging abala si Heathe sa negosyo, at sa tuwing uuwi ay pagod na.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lang itong nagbago at tuluyan nang nanlamig.

She couldn't even remember the last time they made love. Iyon huli ay siya pa ang nag-initiate.

Maybe I should initiate tonight as well.. bulong niya sa isip bago binalikan ang roast chicken na nasa ibabaw ng counter.

Napabuntong-hininga siya nang makita iyon. Dalawang oras niyang inihanda ang manok na iyon para lang hindi pansisin ng asawa niya.

Pero hahabaan pa niya ang pasensya. Sa day off ng asawa ay yayayain niya itong mag-out of town at doo'y kakausapin niya ito tungkol sa napapansin niyang pagbabago nito.

*

*

*

Matapos niyang linisin ang kusina at itabi ang mga inihanda ay umakyat na si Camiya sa silid nilang mag-asawa. Pagdating sa taas ay inabutan niyang patay na ang ilaw, at si Heathe ay mahimbing nang natutulog.

Doon siya lalong nanlumo. He couldn't even wait for her and say goodnight?

Bagsak ang mga balikat na dumiretso siya sa banyo. Sa harap ng salamin ay sinulyapan niya ang sarili... sinuri kung ano ang mali sa kaniya at kung bakit nagkakaganoon ang asawa. At habang hinahanapan niya ng kapintasan ang sarili ay unti-unting nanakit ang kaniyang lalamunan, at nanlabo ang kaniyang mga mata.

Sa loob ng banyo ay pinakawalan niya ang ilang araw nang itinagong hinanakit. She just wished that tomorrow when they woke up, Heathe would come back to his old self.

Because she missed her husband... She missed the person she fell in love with.

Hindi ganito ang buhay na naisip niya noong nagdesisyon siyang tanggapin ang panunuyo nito. Hindi ganito ang buhay na pinangarap niya nang magdesisyon siyang piliin ito kaysa ang kaniyang pamilya.

Hindi ito ang buhay na naisip niya noong araw na nangako itong mamahalin siya habang buhay...

*

*

*


TEN YEARS AGO...

Santi Residence.

Patakbong bumaba si Camiya sa hagdan ng kanilang bahay nang magsumbong ang katulong na nasa labas ng gate nila si Heathe. She was grounded because she fought with her father. Iyon ay dahil lang sinabi niya ritong hindi siya papayag na ipadala nito sa Ate niyang nasa Italy. Ilang araw na lang ay magtatapos na siya sa kolehiyo at ni-plano na ng kaniyang mga magulang ang buhay niya.

Buong buhay niya ay sinunod niya ang mga ito; she never wanted to study business but her parents' persuaded her. Pasalamat pa raw siya at hindi pagdo-doktor ang kursong pinakuha ng mga ito sa kaniya. Her father wanted her to manage the hospital once he retired, kaya Business Management ang kursong pinili nito para sa kaniya.

And she conceded because she had no choice then; she was only sixteen. Pero ngayong kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, hindi siya papayag na patuloy ng mga itong kontrolin ang buhay niya.

"Where do you think you're going?"

Nahinto siya sa paghakbang patungo sa pinto nang marinig ang tinig ng kaniya ina. Nilingon niya ito at sinalubong ang mapanuring mga mata.

"Malakas ang ulan at nasa labas si Heathe. Sinabi sa akin ni Ate Gina na kanina pa nakikiusap si Heathe na kausapin si Papa pero hindi niyo pinagbigyan—"

"That's right; your father wouldn't talk to him. Hindi namin alam kung ano ang ipinasok niyang kabulastugan diyan sa utak mo at nagagawa mo na kaming suwayin ngayon."

"Hindi siya ang nagturo sa akin na suwayin kayo, 'Ma. I just realized that I am old enough to decide on my own." Tinalikuran niya ang ina saka itinuloy ang paghakbang patungo sa pinto.

Narating na niya ang pinto nang nahinto siya sa muling pagtawag ng ina.

"Kapag lumabas ka sa pintong iyan ay kalimutan mo nang magulang mo kami, Camiya!"

Sandali lang siyang natigilan sa narinig; hindi makapaniwalang nang dahil lang sa umibig siya sa lalaking hindi gusto ng mga ito para sa kaniya ay umabot sila sa ganoon.

Pero wala na siyang pakealam.

Kung hindi maintindihan ng mga magulang niya ang kaligayahang nararamdaman niya'y 'di bale nang itakwil siya ng mga ito. Itinuloy niya ang pagbukas ng pinto, na lalo lang ikinagalit ng Mama niya.

"Camiya!"

But it didn't stop her. She stepped out of the door and was about to run into the rain when the next thing she heard was her father's stern voice; which made her pause.

"That's enough, Doris, and let her go. Tingnan natin kung ano ang mararating niya kasama ang lalaking iyon."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng ama at itinuloy ang pagtakbo sa ilalim ng malakas na umuulan. Nasa driveway na siya nang makita niya si Heathe na nakatayo sa labas ng gate at basang-basa na.

Lakad-takbo niyang tinungo ang gate, hindi na namalayan pang sabay na umaagos ang mga luha niya sa ulan.

She was just so happy to see him. Ilang araw siyang grounded at hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita. Kaya marahil ito naroon upang makausap ang ama niya— Heathe was surely so worried about her.

Nang makalabas ng gate at dire-diretso siya sa kasintahan. Si Heathe ay nag-aalalalng sumalubong, at nang tuluyan siyang makalapit ay kaagad niya itong niyakap.

Heathe held her just as tightly.

"Okay ka lang ba? Ilang araw kang hindi pumasok sa university, nag-alala ako sa'yo," anito sa nag-aalalang tinig.

Ibinaon niya ang mukha sa basa na nitong dibdib saka umiyak doon nang umiyak.

"I'm sorry, hindi ako makatawag sa'yo. Kahit ang cellphone ko at ni-kompiska nila."

Naramdaman niya ang paghalik nito sa ibabaw ng kaniyang ulo. "Pumunta ako rito para makausap ang tatay mo."

"Hindi ka nila haharapin," sagot niya na puno ng sama ng loob ang tinig. "Isama mo na ako, Heathe. Ayaw ko na dito sa amin."

Doon ito bahagyang humiwalay sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyuko. She looked up and met his worried gaze.

"Maniwala ka sa akin, gusto kitang kunin sa kanila," umpisa nito sa nag-alalang tinig, "pero ayaw kong sa ganitong paraan, Camiya. Baka lalo lang magalit ang tatay mo sa akin. Baka lalo niyang isipin na wala akong modo at hindi ako karapatdapat para sa'yo. Kung kukunin kita sa kanila, gusto kong may basbas nila."

"Pero kahit ano'ng gawin mo ay hindi ka nila tatanggapin para sa akin, Heathe!" desperada niyang sagot dito. "My father is planning to send me to my sister in Italy— kapag natuloy iyon ay baka hindi na tayo magkita pa."

Sandali lang itong natahimik, bago nagpakawala ng tipid na ngiti. Itinaas nito ang kamay at dinama ang kaniyang pisngi na basang-basa na ng ulan.

"Italy lang 'yon, hindi ibang planeta. Sakali mang matuloy ang pag-alis mo ay gagawa ako ng paraan para magkita tayo." And then, his smiled disappeared. His face shadowed as he spoke, "Pero h'wag kang mag-alala, Camiya. Nothing can keep us apart."

Muli siyang niyakap ng mahigpit ni Heathe saka hinalikan sa ibabaw ng ulo.

"Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa loob. Masaya akong makitang maayos ka. Uuwi na ako, magkita na lang tayo sa araw ng pagtatapos natin— darating ka naman, hindi ba?"

Tango lang ang ini-sagot niya. Subalit sa isip ay marami na siyang pina-planong gawin sa araw na iyon.

"Mahal na mahal kita, Camiya."

Muli siyang tumango, at sa nananakit na lalamunan ay sumagot, "I love you, too, Heathe."

Humigpit ang yakap nito sa kaniya. Ilang sandali pa'y dahan-dahan siya nitong pinakawalan at muling niyuko. His lips twisted in a teasing smile.

"Ang romantic natin, ano? Exchanging words of love under the rain— can a couple get more romantic than this?"

Iyak-tawa siya sa naturan nito. Hinampas niya ito sa braso saka nagpahid ng basang mukha.

"H'wag ka nang umiyak, we will be fine. Bumalik ka na sa loob, aasahan kong makita ka sa araw ng pagtatapos natin."

Sinunod niya ang sinabi ni Heathe. She went back but she didn't speak to her parents again.

Two days later, sa araw ng pagtatapos nila, ay nagtungo siya sa unibersidad dala-dala ang isang maletang puno ng mga personal niyang gamit. Hindi dumating ang mga magulang niya tulad ng kaniyang inasahan, at hindi alam ng mga ito na wala na siyang planong umuwi pa sa kanila sa araw na iyon.

Kahit si Heathe ay namangha nang makita ang dala-dala niyang mga gamit. Wala itong ideya sa balak niya, at wala nang nagawa nang sabihin niya ritong sasama na siya rito.

She came home with him, and the next day, saksi ang mga kaibigan nitong sina Jarrod at Alfonz, at kaniyang mga kaibigan na sina Loyda at Cruz, ay nagpakasal sila ni Heathe sa huwes.

And it was a decision she never regretted.

Until Heathe started acting odd... and now she's having second thoughts.


***



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro