Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02 | The Deity He Once Loved


Limang minuto na ang nagdaan simula nang makauwi siya at mai-garahe ang kotse subalit nanatili siya sa loob at tahimik na naupo roon. Pinag-iisipan niya kung papaanong kakausapin ang asawa tungkol sa damdamin niya, at sa planong yayain itong maghanap ng marriage counselor para tulungan silang ayusin ang kanilang pagsasama.

Deep inside, he wasn't sure if that's what he really wanted. Ni hindi siya sigurado kung gusto pa niyang ayusin ang pagsasamang iyon.

Sa tuwing naiisip niyang maghihiwalay sila, maninirahan siyang mag-isa, at hindi magkakaroon ng obligasyon, ay parang kay gaang ng pakiramdam niya.

At kapag naiisip naman niyang maaayos pa ang pagsasama nila, mananatili siyang kasal kay Camiya, at mao-obligang pakisamahan ito sa mahabang panahon, ay para siyang nawawalan ng gana at nauubusan ng lakas.

At hindi na niya ikina-tutuwa ang damdaming iyon. He felt sorry for his wife; she didn't do anything wrong and she didn't deserve to go through this. Siya ang may problema.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago ini-sandal ang likod sa leather seat ng kotse, ipinatong ang ulo sa headrest, saka mariing ipinikit ang mga mata.

He wanted to just get over with this, napapagod na siya sa araw-araw na ganitong sistema. Gusto na niyang tapusin ang paghihirap ng loob niya, pero hindi niya alam kung papaanong sisimulan ang proseso.

Twelve years ago, when he first saw Camiya at the university— he never once thought that he'd come to a point where he would feel this way. This was not supposed to happen. This was not what he imagined their lives would be when he first laid his eyes on her...


TWELVE YEARS AGO— CENTRAL REGION UNIVERSITY

Sports Month...

"Uuwi ka na?" salubong ang mga kilay na tanong ni Alfonz nang mapalingon sa direksyon niya. Nabitin ang paghubad nito ng medyas nang makita siyang ini-sukbit sa balikat ang backpack matapos magbihis.

Katatapos lang nilang mag-laro ng basketball, at tulad ng inaasahan ng lahat, ay nanalo ang team nila laban sa kabilang team na dumayo pa mula sa ibang unibersidad.

"Kailangan ko pang pumasok sa pabrika," sagot niya bago humakbang patungo sa sliding door ng locker room.

Si Jarrod na katatapos lang maligo at nakatapis pa ng tuwalya ay naka-pamaywang na humarang sa daraanan niya. Nahinto siya saka napa-iling nang bumaba ang kaniyang tingin sa buto't balat nitong katawan.

"Kumakain ka pa ba? Bakit parang kada linggo ay nababawasan 'yang timbang mo?"

Jarrod grinned, showing off his expensive braces. "Tumatangkad lang ako kaya akala niyo ay pumapayat ako. Anyway, saan ka pupunta, ha, Mr. MVP?"

"Aalis na para pumasok sa trabaho. Hindi ako mayaman tulad niyo," sagot niya bago nilampasan ang kaibigan. Mabilis siyang humakbang patungo sa pinto, subalit nahabol siya ni Jarrod at muling humarang sa daan.

"Ibo-blow out daw tayo ni Coach sa bagong resto-pub doon sa bayan— ikaw ang star player tapos ikaw pa ang wala?"

"Hindi mo inaasahang liliban ako sa trabaho para lang sa ganiyang pa-party?" sarkastikong sagot niya rito.

"Sa 'ganiyang pa-party'? Pare, victory party ng team natin 'yon, at hindi lang basta party."

"Nanalo tayo, nakatanggap ng malakas na palakpakan, nabigyan natin ng parangal ang unibersidad—ano pa ang kailangan niyong lahat sa akin?" Hinaluan niya ng pabirong tono ang sinabi upang hindi masamain ng mga kaibigan at iba pa nilang team mates na nasa loob din ng locker room at kanina pa nakamasid.

Si Alfonz na tuluyan nang nahubad ang mga medyas ay tumayo at nakapamaywang ring nagsalita. "Come on, Heathe. Ngayon lang naman ito dahil nanalo ang team natin."

Nilingon niya ang kaibigan at tinapunan ng masamang tingin.

"H'wag na, Alfonz. Wala akong ganang mag-alaga ng lasing, lalo na kung ikaw ang kasama. Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang baho ng suka mo sa pantalon ko kahit ilang beses kong labhan? Anak ng—noong nakaraang linggo pa nangyari iyon pero hanggang ngayon ay masangsang pa rin ang amoy ng maong ko. Hindi mo na ako mauuto."

Bungisngis lang ang inisagot sa kaniya ni Alfonz, kaya ibinalik na ulit niya ang tingin kay Jarrod na nakaharang pa rin sa harapan niya.

"Jarrod, payday ngayon sa pabrika, kaya hindi pwedeng hindi ako pumasok. Wala akong lalamunin sa susunod na linggo kung hindi ako magta-trabaho. Kaya huwag kang paharang-harang r'yan, kung ayaw mong tamaan ka sa'kin."

Itinaas ni Jarrod ang dalawang mga kamay sa ere bilang pagsuko, subalit hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan.

"Ganito na lang— babayaran namin ni Alfonz ang araw mo para—"

"Hindi ako charity, Jarrod, kaya hindi ko kailangan iyang limos ninyo," matigas niyang tugon. Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat—iyong sinusuhulan siya. "H'wag mo akong insultuhin ng ganito."

Napakamot si Jarrod at hindi na rin nagawa pang sumagot.

Napa-ismid siya kasunod ng pag-iling saka bahagyang itinulak ang kaibigan upang umalis sa pagkakaharang. Makitid lang ang daan dahil sa magkakaharap na mga lockers, kaya kinailangan niyang gawin iyon dito.

Paglabas ng locker room ay dire-diretso siya sa hallway patungo sa exit gate ng university. Kailangan niyang dumaan sa gilid ng stage kung saan mayroong nagaganap na program. At kailangan niyang maglakad ng mabilis dahil kung hindi'y baka maantala ang pag-alis niya lalo at sigurado siyang may makakasalubong siyang mga kakilala na babati sa pagkapanalo ng team nila.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag pack sa balikat saka ini-yuko ang ulo. Binilisan niya ang paghakbang.

Bahagya na niyang narinig ang ilang pagtawag ng mga pamilyar na tinig subalit hindi niya pinansin. Kalahating oras ang biyahe sa bus pauwi sa boarding house na tinutuluyan niya sa kabilang bayan, ayaw niyang magsayang ng sandali. May sapat pa siyang oras para maligo at magbihis bago pumasok sa pabrika, at kung hindi siya magmamadali ay baka pumasok siya mamaya na amoy-pawis.

"Flaviero!"

Nabitin ang sunod niyang hakbang nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Isa iyon sa mga taong hindi niya maaaring hindi lingunin kung ayaw niyang matanggal bilang iskolar ng unibersidad.

Anak ng...

Lihim siyang nagmura kasunod ng pag-ungol. Mukhang hindi na siya maliligo mamaya bago pumasok sa trabaho.

Itinuwid niya ang pagtayo saka itinaas ang ulo upang hanapin ng tingin ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Doon sa field na nakaharap sa stage, kung saan may mga nagtitipun-tipong mga estudyante, ay nakita niya si Coach Tim; nakataas ang isang kamay at kinakawayan siya upang kunin ang kaniyang atensyon.

Nagpakawala siya ng huwad na ngiti bago inumpisahang humakbang palapit ditoubalit hindi pa man siya nakaka-dalawang hakbang ay napahinto na siya nang dumapo ang kaniyang mga mata sa katabi nitong babae.

Sandali siyang natigilan—at unti-unting napa-hugot ng malalim na paghinga.

Kung tama ang kaniyang nakikita ay may anghel na katabi ang coach nila; anghel na pinalilibutan ng kumikinang na liwanag, ng mga bulaklak, at bituin.

Gusto niyang libutin ng tingin ang paligid upang siguraduhing nasa reyalidad pa rin siya, at hindi nasa paraiso—subalit nag-aalala siyang kapag ginawa niya iyon ay baka bigla namang mawala sa kaniyang paningin ang anghel na naroon.

Was he dreaming? He couldn't tell.

But if he was, he didn't want to wake up anymore. He would gladly stay in this fantasy world... in this paradise... with the deity standing a few yards away from him, forever.

Subalit nagising siya sa pantasya nang maulinigan ang ingay mula sa mga estudyanteng nasa hindi kalayuan. Napa-kurap siya, at doo'y nakita niya ang pagpalapit sa kaniya ni Coach Tim.

It was this time when he realized that he wasn't dreaming—at ang nakikita ng kaniyang mga mata ay hindi anghel o diwata, kung hindi hulog ng langit.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago itinaas ang isang kamay sa strap ng backpack na naka-sabit sa isa niyang balikat. Kunwari ay nakahawak siya roon, subalit ang totoo'y dinama lang niya ang dibdib dahil pakiramdam niya'y sasabog iyon sa bilis ng pagkaka-tibok ng kaniyang puso.

He had no idea what's happening to him. Kailan pa siya huling nakaramdam ng ganito?

Ni hindi na rin niya maalala kung kailan siya huling nagkaroon ng interes sa mga babae. Simula nang pumasok siya sa pinagta-trabahuang pabrika ng mga sabon ilang buwan na ang nakararaan ay hindi na siya nagkaroon ng panahong makipagkilala sa mga babaeng estudyante sa university. Tuloy, hindi niya alam na may anghel palang napadpad doon.

Hula niya ay bata lang ito ng isang taon sa kaniya—o marahil dalawa. He couldn't tell, she looked young but she was tall compared to other ladies.

Bumaba ang tingin niya sa suot nito, at doon nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

She was wearing a white and blue checkered short skirt and a sleeveless top which was the uniform of the university's cheering squad.

Muli siyang napa-lunok nang bumaba ang mga mata niya sa mahahaba nitong mga binti. Kutis porselana na kung hahawakan marahil ng ma-kalyo niyang mga kamay ay baka masugatan ito. Sa kabila ng halos limang metrong distasya niya sa kinatatayuan nito'y hindi maipagkakaila ang katotohanang iyon.

Pilit niyang inalis ang mga mata sa mga binti ng dalaga bago pa siya nito mahuling nakatingin, at makaisip ng masama tungkol sa pagkatao niya. His eyes went down to her knee-length socks and white converse shoes. Hindi siya maaaring magkamali, kasapi ito ng cheerleading squad ng unibersidad.

"Bakit ngayon ko lang siya nakita?" tanong niya sa sarili. "Hindi kaya nasa unang taon pa lang siya?"

If that was the case, she was probably only sixteen. Kung ganoo'y hindi niya ito pwedeng pakealaman, malibang gusto niyang ma-demanda ng mga magulang nito.

Itinaas niya ang tingin at ibinalik sa mukha ng dalaga, upang biglang mapalunok nang magtama ang mga mata nila. Pakiramdam niya at nililinlang siya ng kaniyang mga mata dahil tila siya may nakikitang pakpak sa likuran nito.

She was looking so majestic his eyes couldn't just believe it.

Lalong nagwala ang puso niya.

And there he realized that 'love at first sight' was indeed real...

"Flaviero," ani Coach Tim nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya.

Doon muling nagising ang diwa niya, at doon lang siya nagbawi ng tingin mula sa dalaga. Hinarap niya ang may-edad nang coach ng basketball team saka pilit itong ningitian.

"Coach," sagot niya. Coach Tim may look warm and kind, but he was actually intimidating like a monster inside the court. Lahat sila ng team mates niya ay maingat na hindi uminit ang ulo nito—otherwise, all hell breaks out

"Natulala ka na riyan," anito sa kaniya.

Wala sa loob na ibinalik niya ang pansin sa babaeng katabi nito kanina.

The lady was staring back at him, but unlike him who was mesmerized by her beauty, she was just looking at him with curiosity in her eyes. Kahit kaunting admirasyon ay wala siyang makita sa mga mata nito. At hindi niya alam kung ikapanlulumo niya iyon o ikatutuwa. Well at least there was someone who wasn't impressed with his good looks.

"Saan ka na pupunta?"

Hindi siya kaagad na nakasagot sa tanong ni Coach Tim nang makita ang paglapit ng ilan sa mga teammates niya doon sa dalaga. They were the ones who stayed in the court after the game to watch the program. Isa-isang nakipagkamay at nakipagkilala ang mga ito, at nang makita niya ang pagpapakawala ng palakaibigang ngiti ng dalaga sa mga kasamahan niya ay tumindi na naman ang pagtibok ng kaniyang puso. Her friendly smile just made her look even more beautiful it took his breath away.

"Tinatanong kita, Flaviero."

Muli siyang napakurap saka hinarap si Coach Tim na naka-kunot ang noo habang nakatitig sa kaniya.

"May sinabi ka, Coach?"

"Tinatanong kita kung saan ka na pupunta," ulit nito, nasa tinig ang bahagyang iritasyon. "Ano ba ang nangyayari sa'yo at tila lumilipad iyang isip mo sa hangin?"

Itanong niyo sa puso ko, Coach; iyon ang muntik na niyang isagot. Napakamot siya ng batok. "Maingay kasi, kaya hindi ko po kayo narinig."

Napa-iling na lang ito sa naging sagot niya. "Lalabas tayo ng buong team pagkatapos ng program, bakit parang aalis ka na?"

"Aalis na sana, Coach. Hindi ko alam na may lakad tayo pagkatapos ng program," pagsisinungaling niya saka ibinalik ang tingin sa dalaga. Sa mga sandaling iyon ay nakita niyang nakangiti na itong nakikipag-usap sa mga kasamahan niya.

Kung noon lang ito nakilala ng mga teammates niya, ibig sabihin ay bagong estudyante nga lang ito roon.

Si Coach Tim na napansin ang hindi mawalay-walay niyang mga titig sa dalaga, ay napa-iling saka muling nagsalita. "Her name is Camiya Santi. She will be our team's new muse; papalitan niya si Shiela dahil biglang nag-drop out. Kalilipat lang niya rito sa unibersidad natin noong nakaraang linggo, she used to study in an exclusive college for girls, at tulad mo'y nasa ikatlong taon na rin sa kursong business management."

Lihim siyang napangiti nang malaman ang ilang impormasyong iyon. Great—hindi underage ang dalaga, ibig sabihin ay pwedeng ligawan. At dahil magkaparehong kurso ang kinukuha nila'y may posibilidad na madalas sila nitong magkita sa BM Department building.

"Hali ka at ipakikilala kita— mukhang kanina ka pa atat na makausap siya." Napa-ismid si Coach Tim na ikina-ngisi niya. "Kasama rin natin siya sa victory party mamaya, kaya ilagay mo sa ayos iyang pagiging tuso mo sa mga babae, Flaviero. Baka magulat si Camiya at biglang umatras."

"Ano'ng tuso sa babae, Coach? Ilang buwan na akong single," nakangisi niyang depensa na ikina-ismid muli ni Coach Tim.

"Hindi ka pwedeng mawala sa party, kaya sumunod ka. Pagkatapos ng program ay aalis tayo ng buong team." Tumalikod na ito saka bumalik sa kinaroroonan ng dalaga.

Sinundan niya ng tingin si Coach Tim na sinalubong ng ngiti ni Camiya. Doon nawala ang pagkakangisi niya at muling ipinako ang tingin dito. He knew for certain that he wouldn't be able to sleep that night—dahil sigurado siyang guguluhin nito ang isip niya buong magdamag.

"Ano, hinarang ka ni Coach, 'no?" ani Jarrod na hindi niya namalayan ang paglapit.

"Si Camiya Santi ba 'yan?" sabi naman ni Alfonz na nakasunod kay Jarrod.

Marahas siyang napalingon sa mga kaibigan nang marinig ang sinabi ni Alfonz. Pawang naka-bihis na rin ang mga ito na siguradong nagmadali upang sundan niya.

"Kilala mo siya?" tanong niya kay Alfonz.

"Aba, Pare, kilala sa bayan ang pamilya nila. Anak siya ng may-ari ng pinaka-malaking ospital dito sa Villa Vicente, si Dr. Raphael Santi. Ang nanay naman niya ay dating beauty queen. Camiya's family is one of the most prominent in this town. Hindi mo sila kilala?"

Umiling siya. Tila siya nabingi sa mga impormasyong narinig.

Kung tama ang mga sinabi ni Alfonz, then, Camiya Santi was in a different level. Sa lebel na imposible pa niyang maabot sa panahong iyon.

"Nakatira ako sa kabilang bayan at hindi ako pamilyar sa mga mamamayan ng Villa Vicente," sagot niya bago ibinalik ang tingin kay Camiya.

Ang lampas balikat nitong buhok ay sumusunod sa bawat pag-galaw nito, ang mga mata nito'y nakangiti nang walang bahid ng pagpapanggap, at ang mga ngiti nito'y tila magdadala sa kahit sinong lalaki sa langit. Was she real?

Oh well, nawawala na sa uso ang sistemang ang 'mahirap ay para lang sa mahirap, at ang mayaman ay para lang sa mayaman'. Wala siyang pakealam kung mayaman ang pamilya ng dalaga— he would be sailing on the same boat with them someday, anyway. Dahil sisiguraduhin niyang hindi siya habang buhay na nasa ibaba lang.

Itinuwid niya ang pagtayo. "Hali na kayo, pagkatapos ng program ay didiretso raw tayo sa pub."

"Akala ba namin ay kailangan mong pumasok sa trabaho?" tanong ni Jarrod.

"Ano ang silbi ng dalawang day-offs ko?" sagot niya habang nanatiling nakatitig kay Camiya.

"Ahhh..." sabay na wari ng dalawa saka inilapat din ang tingin kay Camiya na abala sa pakikipag-usap sa mga teammates nila. At habang titig na titig silang tatlo rito'y biglang napalingon ang dalaga sa direksyon nila, saka nagpakawala ng matamis na ngiti. She probably knew they were part of the team.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. Ibinaba niya ang backpack saka pahampas na ibinigay kay Alfonz; ang mga mata'y nanatili sa dalaga.

"Ikaw na bahala sa gamit ko."

"Teka, ang bigat ng bag mo! Bakit kailangan kong dalhin 'to?"

Hinarap niya ang dalawa nang may malapad na ngiti sa mga labi. Inayos niya ang buhok kasunod ang suot na polo shirt. "Maayos ba ang itsura ko?"

"Malibang luma iyang suot mong polo shirt at amoy pawis ka, mukhang matino ka naman," sagot ni Jarrod. "Pero kahit magsuot ka ng sako, ikaw pa rin ang tatanghaling prince charming ng team natin, pare. Minsan nga hindi ko alam kung babae pa ang gusto ko o ikaw eh."

Napangisi siya saka sinuntok sa braso ang kaibigan na natawa lang, bago muling humarap sa direksyon ni Camiya na ngayon ay kausap na ng coach nila.

"Doon tayo. Pakikilala ko kayo sa babaeng pakakasalan ko."


***


Nagpakawala siya ng malalim na paghinga nang maalala ang unang araw na nakilala niya ang asawa.

Camiya was kind and friendly— at hindi tulad ng ibang mga kababaihan sa unibersidad nila ay hindi ito kaagad na nahulog sa charm niya. He worked hard for her to notice him and give him a chance. Ilang mayayamang mga estudyante ang binangga niya sa panliligaw noon, ang iba roo'y mga anak pa ng politiko, at siya lang yata ang manliligaw noon ni Camiya na galing sa putik.

Hindi pa siya naipapanganak ay naulila na siya sa ama. Namatay ito sa isang riot sa pinapasukang pabrika ng mga tsinelas. Ang mama naman niya'y binuhay siya sa pagtatahi.

He was in highschool when his mother succumbed to death— at simula noo'y siya na ang bumuhay sa sarili. Ibinenta niya ang nag-iisang lupang pag-aari nila upang magkaroon siya ng perang ibubuhay niya sa sarili habang hindi pa siya maaaring magtrabaho. Tumira siya sa isang maliit na apartment at makalipas ang ilang buwan ay nagtapos siya sa highschool.

He was a varsity player kaya naging madali ang pagpasok siya sa malaking unibersidad sa bayang iyon ng Villa Vicente. He was privileged to receive a scholarship— at kahit hindi siya academically competent, alam niyang kahit papaano'y maipapasa niya ang mga grado.

His college days weren't easy. Kinailangan niyang gumising ng alas tres ng umaga upang bumiyahe patungo sa unibersidad— makararating siya ng alas-cuatro ng umaga at simula sa ganoong oras ay kailangan niyang mapractice sa gymnasium. Hanggang alas tres ng hapon ang klase niya at kailangan niyang lumahok sa mga practice games na inaabot hanggang alas seis ng gabi. He would rush home and work park time in a gasoline station. Later on, he resigned and started working in a factory of soap; doon niya natutunan ang technique kung papaano ang proseso sa pag-gawa ng mga sabon na kalaunan ay siyang nagpayaman sa kaniya.

Noong mga panahong iyon ay hating gabi na siyang naka-u-uwi at nakatutulog lang ng tatlong oras. His life had been tough, pero noong nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo ay nakilala niya si Camiya. And everything turned upside-down for him.

Naging mas pursigido siya, naging mas masipag pumasok. Mas nangarap. At noong napansin din siya nito sa wakas at binigyan ng pagkakataon nang siya ang piliin nito sa lahat ng mga manliligaw, ay mas dumoble pa ang pagpursigi niyang umahon sa kahirapan. He wanted to prove his worth to Camiya's family. Lalo at ilang beses siyang itinaboy ng mga ito.

And Camiya stood by him— ipinaglaban siya nito. Sa araw ng pagtatapos sila sa kolehiyo ay naglayas ito at sumama na sa kaniya. The day after their graduation, he married her. Na lalong ikinagalit ng pamilya nito.

They lived in a small apartment in the first year of their marriage. They were happy. Pakiramdam niya noon ay wala nang katapusan ang kaligayahang iyon. And they remained happy and content in the next ten years... until he woke up one day, feeling unsure about his feelings.

Hindi niya alam kung ang lahat ng lalaki'y pinagdadaanan talaga ang ganoon sa loob ng isang pagsasama. Umasa siyang mawawala rin iyon at magigising siyang mahal na muli ang asawa.

Subalit hindi.

Halos dalawang buwan na ang nagdaan, subalit hindi na niya nakikita pa ang posibilidad na magbabalik ang damdaming nawala sa puso niya. Ang mas mahirap pa ay hindi niya alam kung papaano at bakit nangyari iyon. Kahit ang sarili niya ay hindi maipaliwanag ang mga nangyari.

It was like he slept for a hundred years and then he woke up with no memories of the past. Parang ganoon ang pinagdaraanan ng puso niya ngayon.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto ng kotse saka lumabas. Banayad niyang ini-sara ang sasakyan, sandaling pinagmasdan ang dalawang palapag nilang bahay, bago muling nagpakawala ng malalim na paghinga saka tinalunton ang footwalk patungo sa front door.

Pagpasok sa loob ay kaagad siyang dumiretso sa kusina kung saan madalas na naroon si Camiya sa ganoong oras. Inabutan niya itong inilalabas ang nakasalang na roasted chicken mula sa oven. Nang mapansin siya'y nag-angat ito ng tingin at malapad siyang ningitian.

"Welcome home, hon."

He wanted to smile back at his wife, but he couldn't force himself. He just couldn't pretend. He was done pretending— tama na ang dalawang buwang pagpapanggap na maayos siya.

"Are you hungry?" Camiya asked, placing the tray of roast chicken on the island counter. "Give me ten more minutes and I'll set up the table—"

"Gusto kong magpahinga ng maaga," putol niya sa sinasabi nito. He wanted to talk to her about marriage counselling, pero pakiramdam niya'y pagod na pagod siya at kung ganoon ang mood niya ay baka hindi niya maipaliwanag dito ng maayos ang nangyayari sa kaniya.

"Oh," Camiya uttered. Disappointment crossed her beautiful face which she instantly covered with a forced smile. "You must be tired. Gusto mo bang dalhan kita ng green tea sa kwarto?"

Hindi siya kaagad na sumagot at sandaling sinuyod ng tingin ang mukha nito. Camiya had an angelic face that would turn sinners into saints. Her smiles were contagious, and her eyes were always transparent— madali niyang nalalaman kapag masaya ito, malungkot, o nagdaramdam.

His wife was beautiful; but sadly, he wasn't mesmerized anymore...

Camiya also had an optimistic mindset; she was kind, friendly, and very loving. He couldn't ask for more— pero hindi talaga niya maintindihan ang sarili.

Was he really going to let her go? Paano kung counselling nga lang talaga ng kailangan nila at hindi ang tuluyang paghihiwalayan?

Napabuntong-hininga siyang muli— he'd give it another day. Sana bukas pag-gising niya ay muli niyang maramdaman ang pagmamahal na mayroon siya sa babaeng nasa harapan niya. Sana bukas pag-gising niya ay muli niyang maalala kung paano siyang nagpursigi upang makuha ito at maging asawa niya.

He couldn't just let go of her, could he?

"Hon?" ani Camiya na pumukaw sa malalim niyang iniisip.

Gusto niyang baguhin ang sinabing magpapahinga na; gusto niyang subukang kumain ng inihanda nito— subalit may pumipigil sa kaniya. Tila kay bigat ng pakiramdam niyang sundin ang idinidikta ng kaniyang utak.

Muli siyang nagpakawala ng buntong hininga. "No, don't bother. Mauna na ako sa taas. Catch you later," wari niya bago tuluyang umalikod at tinungo ang hagdan.



***



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro