Chapter 6
Chapter 6
Dana
TATLONG oras ako nakatulog. Pagkagising ko ay mayroong mannequin na mermaid ang nasa tabi ng kama ko.
Mayroon itong nakapalibot na pearl sa may beywang nito. Parang necklace ito na para sa buntot. Simple lang ang disenyo pero ang eleganteng tignan. Lumapit ako dito at sinukat sa sarili ko. Bumagay sa pink kong buntot.
Narinig kong bumukas ang pinto. Dali-dali kong ibinalik ang pearl sa mannequin.
"Magandang hapon, Miss Dana," pagbati sa akin ng isang babaeng katulong dito at'saka yumuko. Her tail is color blue. Nahalataan ko siyang katulong dahil may suot siyang headband na pang maid. "Ako po si Sonia, taga-ayos niyo po para ngayon."
"Uhm... Mawalang galang lang po pero bakit niyo po ako aayusan?" Wala naman akong ibang pupuntahan except dito sa palasyo. O ito na ba yung sinasabi ni Scion na paghandaan ko?
Humarap na siya sa akin. "May pupuntahan po kayo ni Prinsipe Scion. Kaya po kailangan niyong mag-ayos."
Lumapit siya sa akin at dinala ako sa tapat ng table. Pinaupo niya na ako at sinimulang ayusan.
She made me wore the pearls around my waist. Nilagyan niya rin ako ng lipstick sa aking labi. I looked at the mirror and silently praised Sonia on my little makeover.
"Lalo kang gumanda, Miss Dana." Tuwang-tuwa si Sonia.
"Salamat po." Ngumiti ako sa kanya.
Biglang may tumikhim sa may pintuan. Nakahalukipkip habang nakasandal si Scion sa may pintuan.
"Ah... Mauuna na po ako, mahal na Prinsipe at Miss Dana." I smiled at her as a response. Lumabas na siya sa kwarto ko.
Lumapit si Scion sa akin."Mukhang handa ka na."
"Shall we?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. Tumayo na ako at tinanggap ang kanyang kamay.
•••
"ITO ang Zoval Academy..." wika ni Scion sabay turo sa malaking gusali sa harap namin.
Seriously? Akala ko kung anong paghandaan ang kailangan 'yun pala ay itu-tour niya ako sa buong kaharian nila. Una ay inilibot niya ako sa buong palasyo tapos sunod dito.
"...at dito ka rin pansamantalang mag-aaral dahil hindi mo pa kabisado ang pagiging isang sirena."
"You mean ako lang mag-isa d'yan?" Umiling siya. "Sasabay ka sa pasukan nila sa isang linggo," sagot niya. Napatango-tango ako sa kanya.
"Sa ngayon ay ililibot kita sa bayan para makabisado mo rin ang mga mukha ng sirena dito."
Pumunta na kami sa bayan nila. Nasa gitna kami ng kalye at kitang-kita ang mga sirenang abala sa kanilang sari-sariling ginagawa. Kapag nadaan kami ay yumuyuko ang mga ito.
"Palengke ang lugar na ito. Mamaya ay pupuntahan natin ang kanilang tirahan."
I smiled as I look at the sea people. Pero may nahagip akong parang pamilyar sa akin. Lalapit sana ako sa kanya pero hinawakan ni Scion ang aking braso. "Wait lang." Pinakawalan niya na ako at dumiretso sa taong mukhang pamilyar sa akin.
"Jack?" Hindi ako makapaniwalang kaharap ko si Jack ng Titanic! I thought it's just a movie?
"Yes? May I know who is this young lady?" Sh*t. Pati boses kagaya niya!
"Are you Jack Dawson?"
"Jack Dawson, at your service." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na dahilan para matunaw ako. Dagdag mo pa yung kanyang dibdib na naka-expose.
Bigla nalang may tumikhim sa likuran ko at nilingon kung sino iyon, si Scion na may blankong ekspresyon sa mukha. Napansin kong yumuko si Jack at nagpaalam na umalis. Sayang ang opportunity kong makausap siya!
"Bakit nandito si Jack? 'Di ba patay na siya? Nagparaya siya para kay Rose! At ngayon makikita kong merman na pala siya?" wika ko.
"Hindi ko pa pala sa'yo nasasabi. Maraming kaharian dito sa karagatan. Hindi lang ang Ezili..." sagot niya sa akin at lumangoy palayo dito sa palengke nila.
Ang kanyang mga kamay ay nasa likod niya at ang kanyang dibdib ay nakalabas. His aura screams power and authority.
"... Ang Ezili ay kaharian sa ilalim ng karagatan dito sa Luzon, Valdor sa Visayas, Apoqe sa Mindanao. Ang nakasalubong mong Jack ay galing sa isang kaharian mula sa Atlantic Ocean." Tumingin ako sa kanya na parang bata na kinikwentuhan ng story.
"Bali dayuhan lang siya dito?" Tumango siya sa akin. "Pero bakit buhay siya? I mean merman siya. Patay na iyon ang alam ko," naguguluhan kong tanong sa kanya. Iniyakan ko nga ng todo iyon habang pinapanood ko eh.
"Ang mga taong nawawala o namamatay sa dagat ay nagiging sirena." That's explains why Jack became a merman."Kung saan ka nilamon ng dagat ay doon ka sa kaharian nila," dagdag niya.
"Oh...Alin ako dun?" Sa pagkakatanda ko ay nilamon ako ng dagat pero sinagip ako ni Scion.
"Wala," simpleng sagot niya na ikinunot ng noo ko. "Wala? Bakit?"
"Ang dami mong tanong. Nandito na tayo," inis niyang sagot sa akin.
Napatingin ako sa harap namin at bumungad sa akin ang mga batong bahay. Pabilog ang mga ito at iba-iba ang kulay.
"Ito ang village ng Ezili."
Wow!
"Saan gawa ang mga iyan?" I asked out of curiousity.
"Sea stones," he said as he swam towards the houses. Sumunod din ako sa kanya.
"Sirena ang gumagawa o natural na 'yan?" wika ko. "Ang iba sa d'yan ay gawa nila. Ang iba ay rock formations talaga."
Nakakatuwa naman at ang daming kong nalaman sa mundong ginagalawan ko ngayon.
•••
NAKABALIK na kami sa palasyo at nagpapahinga na ako sa loob ng kwarto.
Nababagot na rin ako. Walang gadgets dito sa Ezili. Hayss kaboring.
I heard three knocks from the door so I jumped out from bed and opened it. Ang nakangiting Scion ang bumungad sa akin. Weird.
"May nakalimutan pala akong ipakita sa'yo," masiglang wika niya. Mukhang good mood siya ngayon ah.
"Ano 'yon?" wika ko at hindi niya na ako sinagot at hinila ang palapulsuhan ko palabas sa bintana ng kwarto ko.
Napansin kong pataas kami sa madilim na dagat. Gabi na ngayon kaya kaunting ilaw lang mula sa buwan ang nagsisilbing gabay sa amin paitaas.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Malapit na tayo." Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti. Nawi-weirduhan na talaga ako ngayon sa lalaking ito. Ang sungit kanina tapos nakangiti ngayon.
Umangat na kami mula sa dagat at pansin ko ang malaking cruise ship. Bukas ang ilaw nito sa mga bintana kaya ang ganda nitong tignan mula sa malayo.
"Ang ganda!"
"Told 'ya. Meron pa." Hindi pa ito ang tinutukoy niya?
"5...4...3...2...." He started counting down and when he reached zero, fireworks started to appear on the night sky. Mukhang galing ito sa barko.
Sa ilalim ng buwan ay makikita mo ang fireworks at nagrerefflect ito sa dagat. Naririnig ko rin ang bawat pagsabog ng mga paputok sa langit, pati ang hiyawan ng mga tao mula sa barko ay dinig ko.
I may be adventurous but I haven't seen such beautiful scenery like this during night.
"Beautiful isn't it?" Nakita kong nakatingin sa akin si Scion sa aking peripheral vision.
"Yeah." My eyes sparkled as I look at the fireworks.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na ang fireworks show. Bumalik na ulit kami sa ilalim ng dagat.
"Paano mo alam ito?" tanong ko sa kanya.
"Kada buwan ay may dumadaan na barko dito at ngayon ang araw na iyon."
Ito siguro ang dahilan kung bakit nakangiti siya ngayon. Maganda palang panoorin ang fireworks mula sa dagat. Akala ko ang lalaking ito ay tambay lang sa kanilang palasyo pero hindi pala.
"Bilisan natin. Baka gabihin tayo lalo ng uwi," wika niya at binilisan ang paglangoy namin.
Nang makarating na kami ng palasyo ay nag-ingat kami sa mga gwardyang nakabantay dahil lumabas kami ng walang paalam. Dumaan ulit kami sa bintana ng kwarto ko.
"Good night na," wika ko at hinatid siya sa may pintuan.
He smiled. "Bukas ililibot ulit kita."
"Sige. Bye!" wika ko.
Akala ko ay aalis na siya. But in a swift move, he pecked my lips and left my room.
Hinawakan ko ang labi ko.This merman has a habit of kissing my lips huh.
•ㅅ•
A/N: May mood swing si Scion... pagpasensyahan niyo na kasi nagdadalaga *cough*cough* joke lang, straight siya
Scion /sa-yon/ po ang basa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro