Chapter 4
Chapter 4
Dana
IDINILAT ko ang aking mata at agad na tumama sa'kin ang sikat ng araw. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilong nararamdaman.
Where am I?
Inilibot ko ng paningin ang paligid at napansing nasa isang isla ako. Tatayo na sana ako kaso wala hindi ko maramdaman ang paa ko. Pagkatingin ko dito ay...ay isa itong buntot!
"AHHH!!!" Napatili ako ng sobrang lakas! Napaatras ako sa may tubig at nagulat akong naglaho na ito.
I fanned myself. Kalma ka lang Dana. Namamalik-mata ka lang. Porket hindi ka nakakita ng mermaids iniisip mong may buntot ka na.
Tumayo na ako at pinagpagan ang buhangin na dumikit sa balat ko. I'm still on a rash gard. Nagikot-ikot ako dito sa isla, nagbabakasakaling may mahingan ng tulong.
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Snorkel. Alon. Blue moon. Si Haru! Nasaan na kaya siya? Baka nandito rin siya sa isla.
"HARU!" sigaw ko habang naglalakad-lakad. "HARU, KUNG NANDITO KA MAN MAGPAKITA KA! 'WAG MO AKONG TAGUAN!"
Nakarinig ako ng kaluskos sa may rock formation 'di kalayuan dito. "Haru, hindi ka nakakatuwa!"
"Chill, woman. You're too noisy." Nagulat ako nang biglang may nagsalita na isang lalaking topless. Pakamot-kamot pa siya ng kanyang batok. I gulped as my eyes landed on his perfectly sculpted abs.
"S-sino ka?" naiilang kong tanong sa kanya. I stared at his face because it looks familiar. I snapped my fingers in the air in realization.
Siya 'yong lalaki kahapon sa beach! Iyong nagpacute sa'kin!
"Ikaw 'yong lalaki kahapon sa beach?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Napansin ko rin na nakabusangot ang kanyang mukha na animo'y nagising ko siya.
Pero bakit siya nandito sa isla? Hindi naman namin siya kasama nung nag-snorkeling kami ah.
"Paano ka pala nakapunta dito?"
"Secret." Wow naman. Ano kami? Mga bata?
Ang sungit niya naman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at napansin kong walang katao-tao dito. Maybe this is a private island. Kaming dalawa lang ata ang tao dito.
Bigla akong nakarinig ng bahagyang paghampas ng tubig. Napatingin ako d'on at nakita ko yung lalaki na nagtatampisaw lang pala. Pero nagulat ako nang may malaking buntot sa kanyang likod na humampas sa tubig!
What the...heck?
Kinusot ko ang aking mata dahil baka namamalik-mata na naman ako.
Isa... Dalawa.... Tatlo....
Nakatatlong kusot na ako pero hindi nawawala ang buntot sa likuran niya. Nakangisi siya sa akin na parang pinagyayabang niya sa akin ito.
I walked towards him. "Ano ka ba?" Una yung pagpalit ng kulay ng mata niya! Sunod may buntot siya! 'Di kaya....
"Merman ka?" Lalo niya akong nginisian.
"Yeah." Nilagay niya ang kanyang kamay sa batok at sumandal sa may batuhan nang hindi nakakalas ang tingin niya sakin. I saw how his muscle flexed. Damn.
Wait. Merman siya. And he's right here infront of me! It means they do exist! Oh my gosh!
"Totoo pala kayo?" Tumango siya at lumapit pa ng kaunti sa kanya. Sinuri ko siya nang maigi. May buntot talaga siya ng isda! Color blue pa!
"Will you believe in me if I turned you into a mermaid?"
"You turned me into a mermaid?" Ngumiti ako ng sobrang laki. Hindi lang pala guni-guni ko lang yung kanina!
"Talaga?" Bigla niya nalang ipinalibot ang kanyang kamay sa beywang ko at hinatak papunta sa ibabaw niya.
Napatitig ako sa kanyang mapupungay na mata. Napatagal ata ang aming titigan kaya kinalas ko na ito at tumayo. Pero hindi ako makatayo! Dahil may buntot na ako!
Umikot nalang ako palayo sa kanya at napahiga sa tubig. Hindi pa rin ako makapaniwala pero at the same time masaya ako!
"Pero paano mo ako ginawang sirena?" tanong ko sa kanya.
"I kissed you during the blue moon and boom. You became a mermaid," he explained.
"Ikaw rin ba ang nagligtas sa akin?" Tumango siya.
"I'm Scion by the way," pagpapakilala niya sa akin at inilahad pa ang kamay. "Dianara Salvatore. Dana nalang," sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Nagulat nalang ako nang hinatak niya ako ulit pero papunta na sa ilalim ng dagat!
Katamtaman lang ang lamig ng tubig kaya 'di ako gininaw o nainitan. Ipinikit ko ang aking mata, itinikom ang aking bibig, at pinigil ko ang aking paghinga, takot na mapasukan ng tubig alat. Para tuloy akong bato na dinadala ni Scion pababa ng dagat.
"Hey," he said, lightly tapping my cheek. "Open your eyes." Hindi ko sinunod ang kanyang sinabi. "Dang it. You're a mermaid now." Dahil sa kanyang sinabi ay napadilat ako.
Wala akong maramdaman na hapdi sa aking mata. Pero hindi ko pa rin binubuka ang bibig ko.
"Speak," utos niya sakin. Umiling ako sa kanya. He held his hair out of frustration and the next thing I knew was his soft lips attached in mine. His hand on my nape and the other one is on my waist.
Nagulat ako dahil sa kanyang ginawa. Imbes na magpumiglas ako ay tinugon ko ang halik niya. I don't even know why I responded to his kiss!
Malapit na akong kapusin ng hininga kaya kinalas ko na ang halik namin. I inhaled. Walang amoy ang dagat! Wait... Nakakahinga nga ako sa ilalim ng tubig!
Napangiti ako kaya napayakap ako kay Scion at pinasalamatan siya. Napatagal ata ang yakap ko sa kanya kaya tumikhin na siya at inalis na ang kamay kong nakapulupot sa kanya.
We continued swimming. Sa totoo lang wala akong alam sa paglangoy, mukha tuloy akong uod dito sa ilalim ng dagat. Ginaya ko nalang si Scion kung paano siya lumangoy.
Hindi kami natatamaan ng mga isda na nakakasalubong namin. Parang may invisible barrier sa pagitan.
Napatigil kami saglit. Nakita kong puro seaplants pala ang nadadaanan namin. May mga shellfish din sa ilalim.
Humarap sa akin si Scion at nagulat ako sa ginawa niya. He teared my rash gard! What the heck?
Sinampal ko siya gamit ang kanang kamay ko samantala ang kaliwang kamay ko naman ay ipinang-takip ko sa dibdib ko. Wala akong suot na bra dahil may pads naman ang rash gard ko. Kaya hiyang-hiya ako dahil na-expose ang dibdib ko!
I saw his jaw tensed. Lumangoy pa siya pailalim ng dagat kaya pinagsisihan ko ginawa ko.
Paano kung iwan niya ako dito? Wala akong alam sa pasikot-sikot sa dagat. Lagot na ako.
Huminga ako ng maluwag nang bumalik siya sa akin na may hawak na shell. Naguluhan man ay inilahad niya sa akin ito.
"Para saan yan?" tanong ko sa kanya na takip-takip pa ang dibdib ko.
"For your breasts. Mermaids don't wear such thing," aniya.
Tumalikod ako at tinanggal ang sira kong rash gard saka tinakpan saglit ang dibdib ko para kunin mula sa kamay niya ang shell.
Inilagay ko ito sa magkabila kong dibdib at nanlumo dahil hindi ito nagkasya.
"It won't fit," wika ko kaya bumaba ulit si Scion para kumuha ng panibago.
Nahiya tuloy ako sa kanya. Biniyayaan kasi ako ng malaking hinaharap. Akala nila maganda 'yon... pangit kaya. Ang bigat sa pakiramdam. Plus ang mahal ng bra kasi nga malaki!
Bumalik siya nang may hawak na medyo malaking asul na shell. Pinagpalit ko na ito sa una kong sinukat. Ngumiti ako dahil kumasya ito. It matches with my pink tail!
"Beautiful." He complimented. I know right?
Nagpatuloy kami sa paglalangoy. Napatitig ako sa mukha ni Scion. His prominent jaw, kissable lips, aristocat nose, sinful eyes, dark eyebrows, and his gray hair.
Damn ang gwapo ng merman na ito.
Saan kaya kami pupunta? Sa mga bahay ba ng mermaids? Wahhh! Makakakita ako ng marami pang kalahi nito! What if marami pang guwapo na mermans! Tapos magagandang mermaids! I giggled with that thought.
"Uhm... Saan pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at hinarap siya.
"Ezili."
"Ano? Eh sili?"
Napatigil kami sa paglangoy kaya tinignan ko ang harapan ko. There, I saw a town and a castle not far from here.
"Welcome to Ezili."
•ㅅ•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro