Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

70

Notes

“Bakit ka nandito?” agad kong tanong pagkabukas ko palang ng pinto.

“Thank God! You’re here!” masayang aniya at nagulat ako nang bigla niya akong mahigpit na niyakap.

Kahit na gusto ko siyang yakapin pabalik, naalala ko ang huling pinag-usapan namin. May iba siyang mahal. Kaya bakit siya ganito sa akin?

Ano ba talaga ako sa kanya?

“Bakit ka nandito?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

Kumunot ang noo niya tila litong-lito siya sa tono ng boses ko. Seryoso at malamig.

“Bakit ako nandito? Luisa, isang linggo mong hindi sinasagot ang mga text at tawag ko sa ’yo. Sinong hindi mag-aalala diyan?”

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Nag-aalala nga siya.

“Ayos ka lang ba? May problema ba? Bakit hindi ka nag-re-reply? Bakit ka rin nagdeactivate sa Instagram? Anong nangyari, Luisa?” sunod sunod niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko at tila naghahanap ng sagot.

Umiling ako. “Ayos lang ako. Pwede ka nang umalis.”

“Hindi ka naman ganito dati ah. May nagawa ba akong kasalanan? Please sabihin mo naman para maayos natin. Huwag yung ganito, Luisa.”

Pagak akong natawa. Hindi nga niya alam.

“Wala ako lang ang problema rito.”

“Bakit?”

“Wala. Umalis ka na.”

Nanigas ako nang masuyo niyang hinawakan ang kamay ko at malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Muling nagwala ang puso ko at tila pinipigang muli ang tiyan ko.

Tangina, napakarupok ko naman.

“Sabihin mo sa ‘kin please. Anong problema? Bakit biglaan kang nawala?”

“Gusto mo talagang malaman?”

Tumango siya.

“Gusto konga sabihin mo.”

“Oo, gusto kong malaman kung bakit bigla kang nanlamig sa akin, Luisa. Bakit isang linggong hindi ka nagparamdam?”

Pumikit ako bago humugot ng malalim na hininga. Bahala na. Kung ano man ang mangyari ngayon bahala na.

Minsan lang ‘to, sasagarin ko na.

Bahala na talaga.

Dumilat ako at tinitigan ang mga mata niya. “Kasi mahal na kita, Vincent,” buong katapatan kong saad. Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan niya ang kamay kong hawak niya.

Kabasay ng pagbagsak ng kamay ko ay siya ring pagbagsak ng puso ko.

“Kaya kita iniiwasan kasi alam kong wala ring patutunguhan ‘tong nararamdaman ko sa ’yo kasi may mahal ka nang iba at nirerespeto ko yun. Kaya lumayo na ako kasi gusto ko nang mawala ‘to kesa ang ipilit ang sarili sa taong hindi naman ako mahal. Kaso ang hirap pala...” nabasag ang boses ko. “Ang hirap kasi bago kita minahal naging kaibigan kita. At ngayon hindi lang mahal ko ang mawawala pati na rin ang kaibigan ko.”

Ilang minuto siyang nakatingin lang sa akin. Walang masabi. Gumapang ang hiya sa sistema ko kaya tinulak ko siya papalabas.

“Kaya umuwi ka na. Kalimutan mo na rin ako.”

Isasara ko na sana ang pinto nang hinarang niya ang kamay niya. Nabuksan niyang muli ito at tumitig siya sa mga mata ko pero nag-iwas ako ng tingin.

“Hindi ko rin kayang mawala ka, Luisa. Hindi ko kayang mawala ang kaibigan ko. Pero naiintindihan kita. Lalayo na muna ako pero kapag kailangan mo ako nandito lang ako lagi. Hinding hindi kita kalimutan, pangako ’yan.”

Yan ang huling sinabi niya bago siya umalis.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Masaya kasi hindi niya ako iiwan at siya pa rin ang kaibigan ko. Malungkot dahil sinampal muli sa akin na hanggang kaibigan lang ako.

Bakit hindi nalang ako?

Anong meron kay Xandra na wala sa ’kin? Bakit siya pa rin kahit na niloko ka na niya?

Lintik na pag-ibig ‘to.

Siguro ito na ang karma ko na sinasabi ni ate sa akin noon.

Sana pala, naging matino nalang ako noon.

Baka sakaling ako ang pinili niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro