21
Nathalie Lav
04:30PM
Frankie
Nala papunta kami ngayon ni
Vincent sa ospital
Nathalie
Huh???
Bakit kayo pupunta don?
Anong nangyari?
Frankie
nasaksak si Vincent
Nathalie
Ano???? Paano?
Teka nasaan kayo?
Frankie
on the way pa kami
nakasakay kami ngayon sa ambulansya
Nathalie
Shit, sige susunod ako agad
Balitaan mo ko agad ha
Frankie
sige
Zimba
05:00PM
Frankie
ateeeee shit shit shit
ate pls kinakabahan ako
ateeee anong gagawin ko?
shit para na akong mababaliw
Zimba
bakitttt??
Frankie
ate bugbog sarado at may saksak sa tagiliran kong naabutan si
Vincent ate
Zimba
GAGO??? BAKIT?
Frankie
ate ang daming dugo
ate wala siyang malay
shit kasalanan ko to e
kung sana pinuntahan ko siya agad
tangina akala ko kasi nagbibiro lanh siya e
ateeeeee
ate naiiyak ako
Zimba
kalma muna
shit
nasan kayo?
Frankie
nandito kami sa ospital ate
nasa er si Vincent
parang malala ate
ate kinakabahan ako
kasama ko na rin dito si Nala
kanina pa kami di mapakali
ateeeee
Zimba
kalma, okay?
magiging okay si Vincent
di siya pababayaan ng mga doctor
ang gawin mo ngayon, manalangin
Frankie
di ako marunong ate
Zimba
bunso umayos ka😭
Frankie
seryoso nga ako
Zimba
basta kausapin mo lang si Lord sabihin mo sa Kanya yung mga dapat mong sabihin tapos kapag tapos ka na sabihin mo "in Jesus name I pray, amen" okay ba? okay yan
kaya mo yan Frankie
Frankie
sige salamat
Zimba
sorry di ako makakasunod ha
masyadong busy dito
balitaan mo ko
wala kang kasalanan okay?
tandaan mo yan
naabutan mo ba yung may gawa nyan kay Vince?
Frankie
yun na nga e, hindi
siguro kung pumunta agad ako nung nagtext siya di siya aabot sa ganon
ate sobrang na-g-guilty ako
ang tanga ko shit
Zimba
Frankie, wala kang kasalanan, okay?
isa lang ang may kasalanan jan
ayun ang may gawa nyan sa kanya
buti nga at nakita mo siya e
buti at buhay pa siya
kasalanan mo lang din kung hindi ka talaga pumunta, pero pumunta ka kaya hindi mo kasalanan ha?
kalma, magiging okay din ang lahat at mahuhuli din ang gumawa nyan kay Vincent
Seen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro