Ikawalong Kabanata
First day na first day ni Andy ay agad ko ring nabigo ang pangako ko sa kanya na hihintayin ko siya sa labas ng homeroom nila hanggang matapos ang klase. Bigla kasing nagkaroon ng aberya sa shop sa Ayala kaya napaalis ako ng wala sa oras. Mabuti nalang at papunta si Baekhyun hyung sa school ni Andy para dumalaw kaya naiwan ko ang anak ko sa kanya.
Nakaupo ako rito sa sofa namin habang tahimik na hinihintay ang pagdating nila Chanyeol hyung. Nag-offer kasi siya na sunduin si Baekhyun hyung at Andy kaya pinili ko nalang na magpahinga. Medyo napagod din kasi ako dahil ako mismo ang nagkumpuni ng nasirang machine sa shop sa Ayala. Kahit na pwede naman akong tumawag ng mag-aayos ng sira, minabuti ko ng ayusin mag-isa. Matipid kasi talaga akong tao.
Hindi ko namalayan na naidlip na ako dahil sa tagal ng pagdating nila hyung. Naalimpungatan nalang ako nang padaan na si Andy sa harapan ko. Parang iniiwasan niya pang gumawa ng kung anong ingay dahil nakatakip ang bibig nito at kulang nalang ay hindi na ilapat ang sapatos sa tiles para hindi gumawa ng ingay. Malapit na sana siyang makalagpas sa sofa na inuupuan ko nang bigla kong hatakin iyong bag niya dahilan para mapabalik siya sa dinaanan niya.
"Hindi ka man lang magpapakita sa akin?" May halong pagtatampo na tanong ko. Namiss ko kaya si Sehun liit!
"Ay!" Bumungisngis siya. Pero mukhang kinakabahan na ewan. "H-hello po, Daddy!" Hinalikan niya ako sa pisngi at akmang aalis na naman pero hinatak ko siya pabalik. "Daddy, magbibihis na po ako."
Hindi ko pinansin iyong sinabi niya dahil pumukaw ng atensiyon ko iyong maliit na pasa malapit sa gilid ng labi niya. "Ano iyan?" Turo ko doon.
"H-huh?! Chocolate po! Opo chocolate! Hehehe! Nilibre po kasi kami ni Chanyeol hyung ng ice cream diba po, Baekhyun hyung?" Ng lingunin ko si hyung, hindi rin maipinta iyong mukha niya. Tsk.
Pinindot ko ng madiin iyong sinasabi niyang chocolate at mabilis naman siyang napaaray at napangiwi sa sakit. "Chocolate pala, ha?"
"Maknae. . ."
"Bakit ka may pasa, Louie?" Agad na mas sumama iyong mukha ni Andy. Bibihira ko lang siyang tinatawag na Louie at alam niyang malilintikan siya sa akin kapag ginamit ko na iyon. "Umalis ka ng bahay na ito na walang kagalos-kagalos pero bumalik ka na may pasa sa mukha? Sumagot ka."
Hindi pa nagsisimulang bumuka iyong bibig ni Andy pero bumuhos na iyong mga luha niya. Sa sobrang tindi ng pag-iyak niya, halos hindi na siya makahinga at humihikbi na. Hindi ko naman siya pinansin. Hinayaan ko lang siya sa gano'ng estado pero biglang pumasok si Chanyeol hyung ng bahay at inamo si Andy. Dinala niya ito sa swimming pool habang si Baekhyun hyung naman ay tumabi sakin sa sofa.
"Maknae. . ." Pagtawag niya. Nanatili akong tahimik at naghihintay sa paliwanag kung bakit may pasa sa mukha iyong magaling kong anak. "Si Andy kasi nakipagsuntukan sa school kanina. Pero hindi naman siya iyong nagsimula eh! May kaklase kasi siyang inaasar si Aioffe kanina kaya ginantihan niya. Alam mo naman, mga bata. Parehas naman silang may pasa kung iyon ang inaakala mo. Hindi lang naman si Andy iyong napuruhanㅡ"
"ㅡhindi iyon ang iniisip ko," matigas kong sabi at biglang napatikom ng bibig si Baekhyun hyung. "Wala akong pakielam kung napuruhan ba ni Andy iyong kaklase niya. Ang akin lang, hindi ko pinalaki si Andy na ganyan kaya hindi ko matanggap kung bakit nakipagbasag-ulo iyon kanina sa school. At to think na first day niya palang sa school ngayong araw," naiiling na sabi ko.
"Wala namang mali sa pagpapalaki mo sa anak mo, eh. Bata pa naman si Andy. There will always be room for mistakes and new learnings. Hindi maiiwasan sa mga bata na magkasakitan. Sana 'wag kang magalit sa anak mo. Nakita mo ba iyong mukha niya kanina? Takot na takot na naman sayo iyong anak mo."
Napatigil ako. Oo. Hinding-hindi ko makakalimutan iyong itsura niya kanina. Pero masisisi niyo ba ako? Nabigla lang naman ako. Iniwan ko kasing maayos ang itsura iyong anak ko sa school tapos pag-uwi may pasa na siya sa mukha? Paano nalang kung dumating na iyong oras na iiwanan ko na talaga siya sa school mag-isa? Baka hindi nalang pasa iyong makuha niya.
Hindi ko na sinagot si Baekhyun hyung at lumabas ako ng bahay. Nakita ko pa mula sa peripheral vision ko na ninais ni Andy na pumunta sa akin pero pinigilan siya ni Chanyeol hyung at pinabalik sa pwesto niya. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay halos mahugot ang hininga ko nang biglang sumalubong sa akin ang mukha ng babaeng hinding-hindi ko makakalimutan.
"J-Jiyoon?" I have to brush my eyes to confirm that the person standing in front of me is real, na hindi ko lang siya guni-guni. "P-paano?" Napatigil ako. Baka hindi niya ako naiintindihan.
"Matagal na ako dito. Hindi lang ako nagpapakita sa inyo," ngumiti ito pero malungkot at alam ko ang rason kung bakit. "Pasensiya na kung ngayon lang ako naglakas-loob na magpakita sa inyo. Wala akong lakas na humarap sayo, lalo na sa mga members ng EXO," nanatili lang akong nakatitig sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na totoo siya. "Kung papayagan mo ako, maaari ko bang makita ang anak natin?"
Oo. Si Jiyoon. Iyong tunay na nanay ni Andy. Nandito sa harapan ko ngayon at humihingi ng permiso na makita iyong anak namin. Inaamin ko wala akong nararamdaman na galit para sa kanya. In fact masaya at thankful pa ako na kusang loob niyang ibinigay sa akin si Andy. Katulad nga ng sabi ko dati: ni minsan, hindi magiging kasalanan o kamalian si Andy sa pananaw ko. Maaaring nagkaroon ng napakaraming pagbabago sa buhay ko bilang miyembro ng pinakasikat na grupo sa Korea pero hinding-hindi ko sisisihin si Andy sa mga pangyayaring iyon.
"Jiyoon kasi. . ." I trailed off. Baka kasi mabigla si Andy. At saka hindi pa nga kami nag-uusap ng maayos ni Andy. Isa pa, maga ang mata ng anak ko panigurado. Baka kunin niya sa akin si Andy dahil baka mamisinterpret niya na inaaway ko lang ang anak ko palagiㅡwhich is halfway true naman.
"Hindi mo masabi kay Andy na ako ang totoo niyang Mommy?" Malungkot niyang tanong. Kahit naman sa bar ko lang siya nakilala, wala naman akong intensiyon na saktan siya.
"Hindi sa gano'n! Baka kasi mabigla si Andy. Bata pa iyong anak natin, baka hindi niya maintindihan iyong sitwasiyon," pagpapaliwanag ko.
"Ayos lang naman, Sehun. Hindi ako magpapakilala bilang Mommy niya. Gusto ko lang talaga makita si Andy. Hindi ko na ata kakayanin pang palagpasin ang isang araw na hindi siya nayayakap. Hindi ko na kaya pang tanawin siya mula sa malayuan."
At dahil sobrang naaawa na ako sa mukha niya, pinapasok ko siya sa loob ng bahay at dinala sa swimming pool. Nakaupo si Andy mag-isa sa gilid ng pool habang nagtatampisaw iyong paa niya. Tsk. Iniwan ni Chanyeol hyung mag-isa iyong anak ko sa pool!
Mukhang naramdaman naman ni Andy iyong presensiya namin kaya nilingon niya kami at malungkot siyang ngumiti sa akin. "Daddy. . ." Nakanguso niyang tawag, "Galit ka po ba sa akin?"
Napatingin ako sa kamay ni Jiyoon na biglang napahawak sa braso ko nang nagsimulang umahon si Andy mula sa swimming pool. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya nang lumapit si Andy sa amin at tumayo sa harapan ko.
"Sorry na po. . ." At niyakap niya iyong mga binti ko. Nagsimula na naman siyang umiyak sa tapat pa ng ari ko. "Hindi na po mauulit Daddy ko. Basta po 'wag niyo lang akong palayasin dito sa bahay ni Suho hyung!"
Napairap nalang ako. Hindi talaga mawawala ang mga ganito sa bibig ni Andy. "Umayos ka nga. May bisita tayo oh."
Kumawala si Andy sa pagkakayakap sa binti ko at pinunasan iyong luha niya. "H-hello po."
Tinitigan ko si Jiyoon. Nakatingin lang siya ng diretso kay Andy at namamasa na iyong mata niya dahil sa mga nagbabadyang luha. Marahan kong pinisil iyong kamay niya at mabilis naman siyang napatingin sa akin. I mouthed Yakapin mo na at tumango naman siya.
Siguro nabibigla si Andy sa mga pangyayari dahil may isang hindi kilalang babae ang yumayakap sa kanya ngayon ng sobrang higpit habang umiiyak sa balikat niya. Pero ang galing lang talaga ng anak ko kasi kusa niyang inamo ang babaeng umiiyak sa kanya. Marahan niyang tinatapik iyong likod ni Jiyoon kahit bakas sa mukha niya ang pagkalito at pagkabigla.
"Andy. . ." Napatigil si Chanyeol hyung sa paglalakad nang makita niya iyong eksena namin dito. Iyong masayahin niyang mukha ay napalitan ng seryosong mukha at ibinaba niya iyong hawak niyang pitsel ng juice sa malapit na table. "Sehun. . ."
Tumango ako at hinila si Chanyeol hyung sa hindi kalayuan para makapag-isa sina Andy at Jiyoon. "Nagulat din ako, hyung. Paglabas ko sa bahay natin, nakita kong nakatayo si Jiyoon sa labas."
"Paano niya nalaman ang bahay natin?"
"Hindi ko rin alam pero matagal na raw niyang minamanmanan si Andy. Pasensiya na kung hindi ko hiningi ang opinyon niyo bago ko pinalapit si Jiyoon kay Andy," tumingin ako kay hyung at mukhang nagsabi na naman ako ng kakaibang bagay dahil sa hindi maipinta niyang mukha. "Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. Nanay siya ni Andy, eh. Wala naman siyang ginawang mali sa pagbigay sa akin ng anak namin. Alam ko iyong pakiramdam na malayo ka sa anak mo. Nakakabaliw. Paano pa kaya iyong buong buhay ng anak mo malayo ka sa kanya?" Malungkot na sabi ko.
Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa braso at ginulo naman ni Chanyeol hyung iyong buhok ko. "Panigurado namang maiintindihan nila iyong rason mo at saka hindi naman ako galit sa desisyon mo. Nabigla lang ako kasi hindi ko naman inaasahan na pupunta rito si Jiyoon."
"Kahit ako rin naman," ibinalik ko iyong tingin ko sa mag-ina ko. Nakakatuwa. Ang ganda nilang tignan. Masayang nakikipagkwentuhan si Andy kay Jiyoon without knowing na siya ang tunay niyang ina. "Ipakilala ko na kaya si Jiyoon kay Andy?"
"Maknae, 'wag kang magpadalos-dalos," napatingin ako kay Chanyeol hyung ng may halong pagtataka sa mukha. "I mean, hindi pa natin alam ang pakay ni Jiyoon kung bakit siya nandito ngayon. Baka kunin niya si Andy sa atin."
Hindi pwede.
Iniisip ko palang na malalayo ako kay Andy ay hindi na ako makahinga ng ayos. Naging buhay ko na si Andy. Hindi ko kakayaning gumising bawat umaga ng hindi ko nakikita ang mukha ng anak ko. Sana naman mali ang hinala ni Chanyeol hyung. Hindi maaaring kunin ni Jiyoon sa akin si Andy. Gagawin ko ang lahat mapunta lang ang kustodiya ni Andy sa akin.
"H-hindi naman siguro, hyung," may halong takot na sabi ko. "H-hindi naman niya siguro aagawin sa akin si Andy," napatingin ako kay Andy na ngayo'y masayang nakikipag-usap kay Jiyoon. Hindi ko kayang mawala sa amin si Sehun liit. "Hindi."
"Mag-usap kayo nila Jiyoon at Suho hyung. Pag-usapan niyo. 'Wag kang magpadalos-dalos. Tama na iyong pinalapit mo siya sa anak mo ng hindi nag-iisip ng mabuti, baka pagsisihan mo iyong binabalak mo Sehun," tumango ako at nanatiling tahimik. "Sige. Magme-meryenda muna kami ni Baek. Tatawagan ko si Suho hyung para maaga siyang makauwi. 'Wag mo munang pauwiin si Jiyoon. Hintayin natin ang desisyon ni Suho hyung."
Bumalik ako sa gilid ng pool at tumabi sa kaliwang side ni Andy samantalang nakaupo naman sa kanang side si Jiyoon. Para kaming isang masayang pamilya ngayon kaso nga lang clueless ang anak ko na nanay niya na ang kausap niya. Kaunting tiis na lang naman eh. Mabubuo na ang pamilya namin. Kaylangan ko lang munang siguraduhin na walang masamang balak si Jiyoon sa anak namin.
"Daddy! Hindi po ba natin papakainin ng meryenda si Jiyoon noona?" Masiglang tanong ni Andy kasabay ng parehas naming pag-ngiwi ni Jiyoon dahil tinawag niyang noona ang Mommy niya.
"A-ah. . ."
"'Wag na, Andy. Kaylangan ko na ring umalis eh," napatingin ako kay Jiyoon, paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa siya pwedeng umalis? "Salamat, Sehun," may lungkot pa rin sa mukha niya pero kahit papaano hindi na gano'n kalungkot katulad kanina.
"Jiyoon, kasi sabi ni Chanyeol hyung 'wag ka raw munang umuwi," mukhang nagtaka naman siya sa sinabi ko kaya mabilis kong tinakpan iyong tenga ng anak namin. "Gusto sana kitang makausap kasama si Suho hyung."
"A-ayos lang naman sa akin. Pero paano sila?" Pagtutukoy niya sa mga member ng EXO. "Baka hindi sila kumportable na nandito ako sa bahay niyo."
Umiling ako ng mabilis. "Wala naman sila hyung dito. Si Chanyeol at Baekhyun hyung lang. At saka hindi naman sila galit sayo. . ."
"T-talaga?"
"Daddy!!!" Napabitiw ako sa pagkakahawak sa tainga ni Andy nang bigla itong sumigaw. "Bakit mo po tinakpan iyong ears ko?!"
Napasimangot nalang ako habang nangingiti kaming tinitignan ni Jiyoon. "'Wag mo nga akong sinisigawan. May bisita tayo oh."
Inirapan nalang ako ni Andy at hinawakan iyong kamay ni Jiyoon. Marahil hindi niya pa naiintindihan ang nararamdaman niya pero sigurado akong magaan ang loob ni Andy kay Jiyoon dahil sa parehas na dugong dumadaloy sa kanilang dalawa.
"Tara na po Jiyoon noona sa loob. Hayaan na po natin si Daddy diyan. Papakilala po kita kay Chanyeol at Baekhyun hyung ko!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro