Ikapitong Kabanata
"Andy gising na," niyugyog ko ng mahina ang katawan ng anak ko pero hindi siya kumilos. Alam ko namang gising na siya eh. Hindi naman kasi tulog mantika itong anak ko. "Pinapatawag ka na ni Kyungsoo hyung sa baba. Nakahanda na iyong breakfast mo."
"Daddy. . ." Humarap siya sa akin at bumungad ang namumula niyang mukha. Agad naman akong naupo sa gilid ng kama niya at mabilis na pinunasan iyong basa niyang pisngi. "Daddy, natatakot po ako."
First day kasi ni Andy ngayon sa school. Kahapon sobrang excited niya sa National Bookstore habang namimili kami ng mga school supply na inilista ni Baekhyun hyung. Sa sobrang enthusiastic niya, saglit lang namin binili iyong mga dapat bilhin kahit na sobrang haba ng listahan namin. Kagabi nga pinagmamayabang niya pa sa mga hyung namin iyong mga gamit niya tapos ngayon tinatamad siyang bumangon.
Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya paalis sa higaan niya. "Hindi kita iiwan. Doon lang ako sa tapat ng pintuan ng room niyo. Hihintayin kita doon."
"Talaga po?" Nakanguso niyang tanong. "Baka naman po sinasabi niyo lang iyan pero bigla kayong mawawala sa labas, Daddy!" Pagmamaktol niya.
Umiling ako. "Hindi. Promise ito. At saka hindi naman ako gano'n kabusy ngayong araw," pinunasan ko iyong natuyong panis na laway niya sa gilid ng bibig. "Babantayan ka ni Daddy, okay?"
"Promise po?" At inoffer niya iyong pinky finger niya sa akin. Natatawa akong pinagdikit iyong mga daliri namin habang si Andy naman ay patuloy parin na hindi maipinta ang mukha. "Saglit lang naman po diba?"
Tumango ako. "Four hours lang naman. Pero dapat sanayin mo ang sarili mo na mag-isa nalang doon, ha? Kasi busy din naman kami nila hyung. Hindi ka namin kayang bantayan. Pero babalikan ka naman namin kapag uwian na," pagpapaliwanag ko.
"Pero Daddy, hindi ba ikaw iyong may-ari ng business mo?" Tumango ako at nagsimula nang lumabas ng kwarto ni Sehun liit. "Dapat pwede ka pong umabsent kahit kaylan! Ikaw naman po may-ari eh."
Ginulo ko iyong buhok niya sa sobrang tuwa ko dahil sa sinabi niya. Napakapilyo talaga. "Hindi pwede iyon, anak."
"Bakit naman po?" Ayan. Humahaba na naman nguso niya.
Napairap nalang ako. Ang dami na namang tanong nitong bulilit na ito. Pagkababa namin ng hagdanan, agad kaming sinalubong ni Xiumin hyung at kinuha niya si Andy sa mga bisig ko. At bakit nga ba hindi pa ako nagulat sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko? Manang-mana sa akin eh.
"Umin hyung. . ." Panimula niya. Medyo hirap din si Andy sabihin ang letrang X kaya Umin ang tawag niya kay Xiumin hyung. "Kaylangan po ba talagang pumasok sa school ng mga baby na katulad ko?"
Napairap nalang ako samantalang nagpipigil naman ng tawa si Xiumin hyung. Palagi niyang sinasabi sa amin nila hyung na big boy na raw siya kaya hindi na nararapat na tawagin siyang baby pero nitong mga nakaraang araw ay palagi niyang sinasabi sa amin na baby pa raw siya. Nagsimula iyan noong dinala namin siya ni Kai sa school na papasukan niya. Tsk.
"Syempre, para magkaroon ka ng magandang future. At saka hindi naman kami habangbuhay na malakas. Darating ang araw, manghihina kami nila hyung at ni Daddy mo. Paano tayo kakain?" Napasapo nalang ako ng noo. Really hyung? Really?
Napasinghap naman si Andy. Uto-uto talaga eh. "Hala! Hindi ko po kayo kayang tustusan, hyung! Kay Chanyeol hyung palang po! Marami po kayong kumain lahat eh!"
Ginulo ni Xiumin hyung iyong buhok ni Andy na magulo na talaga. Nakalimutan kong suklayan hehe. "Syempre, okay lang iyon. Para sayo rin naman itong ginagawa namin kaya ka namin ipapasok sa school. Para na rin matuto kang magsalita ng English."
Totoo. Ewan ko ba kay Andy. Noong baby pa iyan ay Ingles ang wikang gamit namin kapag nakikipag-usap sa kanya. Napansin kasi namin na malaki ang advantage kapag fluent kang magsalita ng Ingles dito sa Pilipinas. I'm not sure if it's a good thing but I perceived it as a bad one. Iyong iba kasi ay nagiging batayan ng intelektwal na pag-iisip ang pagsasalita ng Ingles. May mga taong nanliliit sa mga marunong magsalita ng wikang iyon at may mga tao rin namang mataas ang lipad dahil sa kakayahan nilang magsalita ng Ingles.
"Ang hirap naman po kasi, Umin hyung!" Napakamot ng ulo si Andy. Sa totoo lang hindi naman mahirap, ayaw lang talaga niya mag-aral. Iwinagayway niya ang mga paa niya at nagyayang pumunta na sa kusina.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kusina, nabigla ako. Himala kasi ito eh. Kumpleto kaming walo ngayong umaga at tahimik sila hyung habang hinihintay kami. May dumaan bang anghel? Bakit hindi ata nagsasalita si Chen hyung? Sina Baekhyun at Chanyeol hyung? Bakit alertong-alerto si Kai ngayon? Anong nangyayari?
"Hyung?" Tawag ko kay Suho hyung na tahimik lang din sa upuan niya. Hindi ko mabasa iyong facial expression niya. "Anong nangyayari? Bakit. . . Tahimik?" Tumango naman si Xiumin hyung bilang pagsang-ayon sa napansin ko.
"Oo nga po mga hyung! Bakit po tahimik?" At nagpababa si Andy kay Xiumin hyung. Isa-isa niyang hinalikan sila hyung sa pisngi at iyon lang ang natatanging pagkakataon na narinig ko ang mga boses nila. Akmang hahalik na si Andy kay Baekhyun hyung nang bigla itong tumigil at nginisihan si hyung. "Hyung!"
"A-ano?" Nauutal na tanong ni Baekhyun hyung.
Hindi kaya?
Imbis na sumagot ay hinalikan nalang ni Andy si Baekhyun at Chanyeol hyung bago nagtungo sa upuan niya. Sumunod naman ako at gano'n na rin si Xiumin hyung. Nakakabaliw talaga iyong katahimikan. Hindi ako sanay na walang maingay sa dining table. Hindi kasi natatapos ang araw na hindi nagsesermon si Suho hyung at nag-aaway si Baekhyun at Kyungsoo hyung. Kakaiba talaga sa pakiramdam. Pero hindi naman gano'n kalala iyong kutob ko. Parang ito iyong katahimikang gugustuhin ko kaysa iyong katahimikan na alam mong may paparating na masamang balita.
"Kaylan pa?" Panimula ni Suho hyung. Wala namang sumagot kasi hindi namin alam kung sino kausap niya. Ganito palagi si hyung, parang baliw.
"Hyungㅡ" Magsasalita sana ako nang biglang naghagis si Kyungsoo hyung ng dalawang ham na tumama sa mukha ni Baekhyun at Chanyeol hyung. "ㅡHyung!" Pagsigaw ko. Ayaw niya kaya ng may nasasayang na pagkain sa hapag namin.
Umirap si Kyungsoo hyung at hinarap ako. "Iyan kasing si Chanyeol at Baekhyun wala pa atang balak magsabi kung hindi nadulas si Andy sa akin kahapon."
Nanlalaki ang mata na tinignan ni Chanyeol at Baekhyun hyung ang anak ko na busy sa pagkain ng bacons. "Andy?!" Sabay nilang sabi.
Bumungisngis naman si Andy at nagpacute sa dalawa. "Sorry na po mga hyung! Si Kyungsoo hyung po kasi dinadaldal ako! At saka hindi naman po siya ang unang nakaalam eh. Si Daddy ko po!" Masaya niya pang sabi.
"Sehun?!" Sabay-sabay nilang sabi.
Napataas naman ako ng kamay dahil bigla akong natakot sa mga hyung ko samantalang iyong anak ko ay tuwang-tuwa pang nasa hot seat na naman ako. "Mga hyung hindi ko rin alam! Bigla nalang nasabi sa akin ni Andy noong nakausap ko siya. Promise!"
Bumuntong-hininga nalang si Suho hyung at minasahe iyong sentido niya. "Simula ngayon maghihiwalay na kayo ng kwarto ni Chanyeol, ha? Baekhyun?"
"Pero hyung?!" Protesta ni Chanyeol at Baekhyun hyung.
Tinapik ni Xiumin hyung iyong braso ni Chanyeol at Baekhyun hyung at binulungan ito. Bulong pa nga ba? Rinig na rinig kasi eh. "Intindihin niyo nalang si Suho. Wala namang mawawala eh."
"Hyung naman. . ." Nakangusong sabi ni Baekhyun hyung. Tila nagmamakaawang aso. "Akala ko ba matatanggap niyo kami ni Chanyeol?" Sabay-sabay kaming tumango. "Eh, bakit niyo kami paghihiwalayin ng kwarto? Kung kaylan kami na?!"
"Maganda na iyong safe diba, Suho hyung?" Panunulsol ni Chen hyung. Kahit kaylan talaga.
Sumang-ayon naman si Suho hyung at itinuloy ang pagkain ng almusal niya. "Ayos lang naman sa akin na magkasama kayo sa iisang kwarto. Ang akin lang, may bata. Si Andy. Baka kung anu-anong marinig at makita niyan sa kwarto niyo."
Agad kong tinakpan iyong magkabilang tenga ni Andy dahil sa sinabi ni Suho hyung. "Hyung!!!"
"Oh. Tignan mo na?" Pagmamayabang niya pa. "Buti sana kung hindi niyo katabi ng kwarto si Andy eh."
"Edi magpalit nalang tayo ng mga kwarto hyung. Kami nalang ni Baekhyun sa dulong kwarto," suhestiyon ni Chanyeol hyung pero mabilis din itong tinutulan ni Suho hyung at hindi na muli pang nabuksan iyong usapan na iyon hanggang sa natapos na kaming mag-almusal.
-
-
Kakatapos ko lang paliguan si Andy at kasalukuyan ko siyang sinusuotan ng uniform niya nang biglang pumasok si Kai ng kwarto. "Ayos ah. Pogi!" Pagpuri niya kay Andy at tinulungan akong isuot iyong medyas niya. "May surprise kami sayo, Andy boy!"
"Ano po, hyung?!"
"Andy, 'wag malikot! Tsk!" Hindi ko maisuot ng ayos iyong medyas niya dahil naglilikot siya. Ano na naman kayang surprise iyon?
"Basta! Bilisan mo nalang magbihis ha? Hintayin kita sa baba!" At lumabas din naman agad si Kai.
"Daddy, bilisan mo po," napailing nalang ako. Nagmamadali na naman siya. Hindi ko pa nga maayos itong necktie niya dahil ang likot-likot niya. "Daddy, matagal pa po ba?"
"Atat?" Inirapan ko siya.
"Sungit!" At tumayo na siya ng diretso dahil siguro nakaramdam na siya na nababadtrip na ako sa necktie niya. "Basta Daddy sabi mo po hihintayin mo ako sa labas ng room, ah?! Palagi po kitang sisilipin!"
"Paulit-ulit, Andy?" Napasimangot nalang siya. "Oo na. Hihintayin kita. Para kasing sirang plaka, eh. Kaylangan ulit-ulitin pa narinig naman niya."
"Daddy naman ang sungit mo, eh!" Nakanguso niyang sigaw. Sinimulan niya na akong paluin sa braso at mukhang iiyak na naman ito. "Ang aga-aga po sinusungitan niyo na naman ako! Hindi mo po talaga ako love!"
Sinimangutan ko rin siya at hinilamos iyong palad ko sa mukha niya. "Drama mo."
"Hindi ko pa po narinig na lumabas sa bibig niyo na love niyo ako!" Pagmamaktol niya.
Napatigil ako. "Mahalaga pa ba iyon? Tingin mo ba kung hindi kita mahal pagtitiisan ko iyang matigas mong ulo?"
At parang baliw na bumungisngis na naman siya. "Ehh!! Iba pa rin po kapag sinasabi niyo! Narinig ko po kasing sabi ni Chanyeol hyung kay Baekhyun hyung na mahalaga pa rin na sinasabi nating mahal natin ang isang tao. Hindi po sapat iyong kilos lang!"
Napairap nalang ako. Isang araw ko lang naman siya ipinahiram kay Chanyeol at Baekhyun hyung pero kung anu-ano na ang natutunan niya sa kanila. "Fine. Mahal ka ni Daddy. Ayos na?"
Umiling siya. "Wala pong emotions!" Tumayo na ako at binitbit iyong bag niya. Iniwan ko siyang mag-isa doon sa kama niya. Ang arte-arte talaga ng anak ko na iyon.
-
-
"Oh? Saan si Andy?" Tanong ni Chanyeol hyung pagkababa na pagkababa ko ng hagdanan.
Nagkibit-balikat ako at inilagay sa bag ni Andy iyong snacks na hinanda ni Kyungsoo hyung. "Nasa kwarto pa. Bababa na rin iyon," napatingin ako sa paligid at nanibago naman ako na wala sila hyung para salubungin si Andy. First day of school kaya ng anak ko. "Hyung, nasaan sila?"
"Ah. Nasa labas silang lahat nilalaro si Aioffe," maikli niyang sagot. Nang makita naming papalabas na ng kwarto niya si Andy ay mabilis naman itong sinundo ni Chanyeol hyung at dinala sa labas ng bahay. Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kanila. Tsk. Male-late na si Andy.
"Hello, Andy! Good morning po, Tito Chanyeol at Tito Sehun!" Isa-isa kaming hinalikan ni Aioffe sa pisngi pero sa aming tatlo, si Andy lamang ang namula at napansin ata iyon ni Aioffe. "Uy, Andy! Ayos ka lang? You're red as tomato. May sakit po ba si Andy?"
Umiling ako at umupo para maging kalevel ko si Aioffe. Napansin kong parehas lang iyong uniform nila ni Andy, ang ipinagkaiba lang ay pangbabae iyong kay Aioffe. "Sasabay ka sa amin pumasok?"
"Opo! Pumayag naman po si Daddy at saka ipinagpaalam na po ako ni Tito Chen kahapon pa!" Napaismid na lang ako. Hay. Si Chen hyung talaga. "Aalis na po ba tayo? Malapit na pong magstart iyong class hours!"
Tumango nalang ako at inihatid si Aioffe sa loob ng sasakyan ko samantalang binalikan ko si Andy na nakatulala pa rin. "Andy, magkiss ka na kela hyung. Papasok na tayo."
"Ayaw ko po, Daddy. ." Wala sa sarili niyang sagot at mabilis na sumunod kay Aioffe sa back seat at napabuntong-hininga nalang ako. Hay Andy. Bata-bata mo pa pero mukhang inlababo ka na kay Aioffe ah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro