Ikalimang Kabanata
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa tabi ng anak ko. Naramdaman ko nalang na tinutusok niya iyong pisngi ko kaya ako nagising. Pagmulat ng mga mata ko iyong nakangiting mukha agad ni Andy ang sumalubong sa akin.
"Daddy, umiiyak ka po," malumanay niyang sabi. At oo nga, umiiyak ako. Pinunasan niya iyong pisngi ko at nginitian ako ng malungkot. "Bakit po? Napapagod na po ba kayo kasi makulit po ako? Promise po hindi na po ako magpapasaway! Hindi na rin po ako magsusumbong kila hyung kapag inaaway mo ako! Hindi na rin po kita ilalaglag kila hyung! Hindiㅡ" Naputol iyong monologue niya nang bigla ko siyang hinatak para mayakap. "ㅡDaddy. . ."
"Andy magagalit ka ba kay Daddy kapag may tinago akong secret sayo?" Pumikit ako. Hindi dahil napuwing ako, kundi dahil natatakot ako sa isasagot ni Andy.
"Hindi po," napabitiw ako ng yakap at gulat siyang tinignan. "Kasi ikaw po ang Daddy ko. Alam ko pong kaya mo nagawa iyon ay para rin sa akin. At saka hindi ko po ata magagawang magalit sa inyo kahit lagi niyo akong pinapaiyak. Kasi nga po Daddy kita. Ikaw si Sehun at ako si Sehun liit."
Napangiti ako at ginulo ko iyong buhok niya, naupo naman ako at sumandal sa headboard ng kama niya. Tinapik ko pa iyong hita ko at mabilis pa sa alas kwatro na naupo si Andy doon. "Sino nagturo sayo niyan?"
Ngumisi siya at yumakap sa akin. "Si Chen hyung po!" Akalain mong may mabuti ring tinuturo si Chen hyung sa anak ko? "Pero Daddy ano po ba iyong mommy?"
Mahigpit kong hinawakan iyong magkabilang kamay ni Andy. Ang liit-liit kumpara sa akin. "Anak ang mommy ay babaeng version ng daddy."
"Huh? Hindi ko po gets," napakamot siya ng ulo. "Hehe. Sorry po."
"Paano ko ba sasabihin sayo? Uhm. Ang mommy siya iyong katulong ng daddy para magawa ka," hayop Sehun! Anong klaseng explanation ba ito? "Ay, basta anak! Ang mommy ay asawa ng daddy!"
Namilog naman ang bibig niya sa pagkamangha. "Whoa! Talaga po? Eh nasaan po ang Mommy ko?"
"Wala kang mommy. . ."
"Huh? Edi paano po ako nagawa? Sino pong katulong niyo? Si Luhan hyung?" Clueless niyang tanong.
Napasapo nalang ako ng palad sa mukha. "Unang-una sa lahat anak, hindi babae si Luhan hyung okay? Lalaki iyon!" Ngumisi siya sa akin. "Pangalawa, sinong nagturo sayo niyan ha?!"
"Si Chen hyung po! Sabi niya kasi. . ." Napatigil siya saglit na parang may inaalalang salita. "Ano ba iyong word na iyon? OPT? PTO?"
"OTP," pagtatama ko.
"Opo! Iyon nga po! OTP daw po kasi kayo ni Luhan hyung noong may EXO pa!" Napairap ako. Binabawi ko na iyong sinabi kong may magandang naituturo si Chen hyung kay Andy.
"Anak minsan 'wag kang magpapaniwala kay Chen hyung ha? Sumbong mo kay Suho hyung kapag may tinuturo sayong kalokohan," pagsusulsol ko.
"Hala! Mabait naman po si Chen hyung ah!"
"Wala naman akong sinabi na hindi mabait si hyung," hinagkan ko si Andy at napawi lahat ng pag-aalala ko nang yakapin niya ako pabalik. "Back to the topic, wala kang mommy kasi. . ." Napahinto ako. Ayokong masaktan si Andy pero ano ba ang tamang salitang dapat gamitin? "Iniwan ka niya."
Napabitiw siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. Takang-taka niya akong tinignan, hindi talaga ako magiging handa sa reaksiyon ni Andy. Pero nandito na. "Iniwan po ako?" Naluluha niyang tanong. "Bakit po? Hindi po ba ako love ng Mommy ko?"
Umiling ako. "Halika nga. Dito ka lang sa tabi ko," at bumalik siya sa pagkakaupo sa hita ko. Hindi ko mapigilang masaktan ng isa-isang tumulo iyong mga luha sa mata ni Andy. "Anak, hindi sa hindi ka love ng Mommy mo. Ganito kasi iyan: hindi ka kayang buhayin ng Mommy mo."
"Eh bakit niyo pa po ako ginawa kung hindi niya po ako kayang buhayin?" Hay Andy. Minsan ayaw ko talaga ng pagiging madaldal mo. Lalo na't kapag ganito ang usapan. Hindi naman ako madaldal pero bakit ganito anak ko?
Ayaw kong sabihin na isa siyang pagkakamali. Hindi. Isa siyang blessing. Ni minsan hindi lumabas sa bibig ko na isang pagkakamali lang si Andy. Kung ibabalik ako sa panahon na iyon, buong giliw ko pa ring tatanggapin si Andy.
"Anak, mahirap iexplain kasi baby ka pa. May mga bagay ka pang hindi maiintindihan. Pero maayos ka namang napapalaki ni Daddy kahit wala kang mommy diba?" Tumango siya. "Galit ka ba kay Daddy?"
"Hindi po. Kasi si Aioffe po wala na ring Mommy," napakunot ang noo ko. "Kaya po hindi pumupunta dito sa bahay si Aioffe kasi po iniwan siya ng Mommy niya sa Daddy at yaya niya."
"Bakit daw?"
"May iba na raw pong gustong Daddy iyong Mommy ni Aioffe. Hindi naman po gano'n si Mommy ko diba?" Umiling ako. "Hindi rin po ako galit sa Mommy ko pero gusto ko po siyang makita balang araw."
"Susubukan namin nila hyung na hanapin ang Mommy mo," tumango nalang siya at niyakap ako. Pakiramdam ko may nabunot na tinik sa dibdib ko pagtapos kong sabihin iyong natatangi kong sikreto kay Andy. "Bati ba tayo?"
Nagpunas ng sipon si Andy at nakipagkamay sa akin. Napasimangot ako nang magdampi ang mga palad namin dahil may sipon iyong kanya. "Ay, hehe! Sorry po, Daddy!"
"Haynako, Andy!!"
"Daddy sinisigawan mo na naman po ako! Suho hyung!" At mabilis kong tinakpan iyong bibig niya.
"Akala ko ba hindi mo na ako isusumbong kay Suho hyung?"
"Adhsjaksbskak!"
"Ano?"
"Agajsbsksksj!" At tinanggal ko iyong kamay ko sa bibig niya. Hindi ko namalayan na iyong kamay kong may sipon niya pala iyon. "Kadiri naman Daddy! Nakakainis ka po!" At pinalo niya na naman ako sa pwet.
"Andy!!!!" Napatigil kami sa pagbabangayan nang makarining kami ng mga hagikgik. Pagtingin namin sa pintuan, nakatayo doon sila hyung. "Mga hyung. . ." Nginitian ako ni Kyungsoo hyung habang naka-thumbs up naman si Chanyeol hyung sa akin.
Lumapit si Xiumin hyung kay Andy at kinarga ito. "Ang laki mo na ah!" Siguro sinadya niya talagang kunin si Andy para maiwan kami dito nila hyung para mag-usap.
Naunang umupo si Suho hyung sa tabi ko habang sumunod naman iyong iba sa kanya. "Mukhang maganda mood natin ah?"
Tumango ako at tahimik silang naghintay sa sasabihin ko. "Nasabi ko na kasi kay Andy."
"Oh? Anong sabi ni Andy boy?" Tanong ni Chen hyung. Agad namang sumama ang tingin ko sa kanya dahilan para mapaatras siya. "Whoa. Anong mga tingin iyan, Sehun?"
"Ikaw talaga hyung puro kalokohan tinuturo mo sa anak ko!" Singhal ko.
"Ano na namang tinuro ni Chen kay Andy?" Striktong tanong ni Suho hyung.
"Eh kasi tinanong ni Andy sa akin kung ano iyong mommy tapos hindi ko alam paano ko ipapaintindi sa kanya kaya sinabi ko nalang na ang mommy ang katulong ng daddy para gawin siya," nakatanggap ako ng batok mula kay Kyungsoo hyung habang nagpalakpakan naman sina Kai, Chen hyung, Chanyeol hyung, at Baekhyun hyung. Samantalang si Suho hyung ay parang puputok na ang mukha sa sobrang pula. "Aray naman!"
"Isa ka pa, eh!" Singhal ni Kyungsoo hyung habang naiiling. "Tapos?"
"Sabi niya nasaan daw ang Mommy niya edi sinabi kong wala siyang mommy," nangasim isa-isa iyong mga mukha nila dahil sa sinabi ko. "Tapos ayon na nga, tinanong niya ako kung sino raw ang katulong kong gumawa sa kanya kung wala naman siyang mommy."
"Ako lang ba ang hindi natatawa sa kwento mo?" Inirapan ko si Kai. "Totoo naman ah!"
"Hindi ako nakasagot pero nagsalita ulit siya. Kung si Luhan hyung daw ba iyong katulong kong gumawa sa kanya," at mabilis na namula iyong mukha ko.
"Pffft!"
"Hala!"
"Grabe!"
Binatukan ko si Chen hyung. "Kasalanan mo ito hyung eh! Kung anu-anong tinuturo mo kay Andy!"
"Aba hindi ko naman alam na matatandaan pala ni Andy boy iyon! Pero seryoso! Suho hyung! Paanorin natin iyong footage kanina. Tara!" At nauna silang apat nila Kai, Chanyeol hyung at Baekhyun hyung na pumunta sa control room.
Naiiling na sumunod naman si Suho hyung sa kanila habang si Kyungsoo hyung ay nakangiti sa akin. Nakakatawa. Minsan kapag nakangiti si Kyungsoo hyung natatakot ako kasi ang creepy pero iyong ngiti niya ngayon? Nakakagaan ng loob.
"Congratulations nabawasan na iyong dinadala mo sa dibdib mo," tumango ako. "Sabi ko naman sayo maiintindihan ka ni Andy. Anak mo iyan. Sariling dugo at laman mo, ikaw, bukod sa aming lahat ang nakakakilala sa kanya."
Iniwan muna ako ni Kyungsoo hyung sa kwarto ni Andy. Inayos ko iyong mga gamit niya dahil ang kalat na naman ng drawer niya! Ano ba naman itong anak ko. Papatayin ata ako sa high blood. Kung gaano ako kasinop sa mga gamit ko, iyon namang ikinaburara ni Andy!
"Daddy! Daddy!" Niyugyog ni Andy iyong balikat ko pero patuloy pa rin ako sa pagtitiklop ng mga brief niya. "Daddy naman, eh."
"Ano? Wala ka na namang magawa?" Masungit kong tanong.
"Hindi po! Pinapatawag ka na po kasi sa baba. Kakain na raw po ng dinner."
"Sabihin mo susunod nalang ako. Tatapusin ko muna ito," tumayo ako at kinuha iyong iba pang mga brief niyang nakasabog. Hay. Ang dami kasi niyang brief pero iilan lang ang ginagamit niya. "Hindi ba sabi ko sayo kung ano iyong brief na nasa ibabaw ay iyon ang gagamitin mo? Anong mahirap intindihin doon ha, Andy?"
Narinig kong bumungisngis siya. Isa pa iyan. Hindi naman ako mahilig bumungisngis pero itong anak ko ang hilig-hilig! "Eh kasi naman po hindi Thomas na brief lagi iyong nakalagay sa taas, eh."
"Ano naman kung hindi Thomas ang print ng brief na isusuot mo? Malalaman ba ni Aioffe?" At biglang namula si Andy. Tignan mo nga naman!
Hinampas niya ako sa balikat. "Daddy naman, eh!"
"Eh ano nga? Palagi nalang Thomas na brief ang nasa labahan. Baka isipin ng labandera natin hindi ka nagpapalit ng brief," panunukso ko.
"Nagpapalit naman po ako! Marami na po kaya akong Thomas na brief!" Bumelat pa siya. Nangunot naman ang noo ko dahil dalawang Thomas na brief lang ang meron siya.
"Anong marami?"
Tinabig niya ako at hinila iyong alam kong bakanteng drawer niya at tumambad sa akin ang isang damukal na brief na may tatak na Thomas. "Tada!"
Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Hindi ko matandaan na ganito karami iyong Thomas niyang brief dahil iniiwasan ko talagang bumili ng gano'n. "Andy, bakit ang dami mong brief na Thomas ang tatak?!"
"Binilhan po ako ni Kyungsoo hyung noong isang araw!" Napasapo ako ng noo. Akala ko si Suho hyung eh. Okay pa kasi spoiled talaga si Andy sa kanya pero si Kyungsoo hyung? "Sabi niya po kasi marami na akong toys na Thomas tapos noong tinanong niya po ako kung ano pa iyong kaunti sabi ko po brief!" Proud niya pang sabi.
"Haynako, Andy. Sakit mo talaga sa ulo," sabi ko at nagdiretso sa lalagyan niya ng damit at iyon naman ang inayos ko. Kumpara sa lalagyan niya ng mga brief, mas maayos namang tignan ito dahil karamihan ng damit niya may print na Thomas.
Nakasunod lang sa akin si Andy kahit saan ako magpunta hanggang sa napagod siya at naupo sa kama niya. "Daddy ang likot mo naman po, eh!"
"Sino ba kasi nagsabi na sundan mo ako?" Ani ko at nilagyan ng pulbo iyong likod niya. "Tignan mo! Pinagpawisan ka tuloy!"
"Daddy, bakit ang gwapo mo?" Napangisi ako. "Sana kapag big na po ako maging kasing gwapo mo ako!"
Ginulo ko ang buhok niya. "Syempre naman. Anak ka ni Oh Sehun, eh."
"Pero mas gwapo po si Chanyeol hyung sa inyo!" Napasimangot ako. Ano? Binawi rin agad. "Tignan mo po! Ang pangit mo po Daddy kapag nakasimangot ka!"
"Bakit mas gwapo si Chanyeol hyung sa akin? Sino ba tatay mo?"
"Ikaw po!" Turo niya sa akin. "Pero mas gwapo po si Chanyeol hyung!"
"Tsk. Ano na namang sinuhol sayo ni Chanyeol hyung?"
Bumungisngis na naman siya. Nakakainis! "Wala po!"
"Ano nga?! Hindi ka magaling magsinungaling, Andy. 'Wag ako."
"Pupunta raw po kami sa mall bukas kasama si Baekhyun hyung!"
Napaisip naman ako saglit kung anong araw bukas. Bibihira kasi talagang lumabas si Chanyeol at Baekhyun hyung. Tapos kasama pa nila si Andy. Unusual lang. "Bakit? Anong meron?"
"Eh! Bawal po sabihin!"
"Ah, gano'n nagtatago ka na sakin ng secret? Palayasin kaya kita?" Paghahamon ko. Ano na naman bang ginawa ni Chanyeol hyung sa anak ko?
"Bahay po ni Suho hyung ito!" Binelatan niya ako pero mabilis din siyang yumakap sa akin. "Sorry na Daddy! Sabi kasi ni Chanyeol hyung secret lang, eh!"
"Oo na." Inirapan ko siya. "Simula ngayon siya na Daddy mo, ha?"
"Hala, Daddy!!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro