Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawang Kabanata



"Ang cute naman pala ni Aioffe!" Iyan ang una kong narinig pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina. Hay.

"May lahi ba siya? Blue iyong mata, eh!"

"Hindi ko alam pero may accent siya kapag nagsasalita. Ang bait-bait pa niyang bata na iyan kaya mabilis nakapalagayan ng loob ni Andy, eh!" Masiglang sagot ni Chen hyung.

Sa totoo lang nakokonsensiya ako kasi pinagselosan ko iyong bata na walang kamalay-malay. At oo, tama nga si Chanyeol hyung. Cute siya.

"Maknae. . ." Napabalik ako sa reyalidad nang bigla akong tawagin ni Suho hyung. "Iniwan mo si Aioffe at Andy doon?"

"Ah, oo," sagot ko at nagdiretso sa tapat ng refrigerator. "Kukuha ko lang ng pagkain. Hindi pa nag-aalmusal si Andy at nakakahiya naman kung wala akong ibibigay kay Aioffe."

Inabutan ako ni Kyungsoo hyung ng isang bowl ng candy. "Oh, ibigay mo."

"Hyung, wala bang iba? Baka kasi sumakit ngipin nila sa candies, eh."

"Kailan ba ako masasanay na ganito na si Sehun?" Pang-aasar ni Chen hyung. "Iba pala nagagawa ng bata ano? Naging matured iyong spoiled na maknae natin."

"Ewan ko sayo, hyung. May kasalanan ka pa rin sakin," natatawa kong sabi habang naglalagay ng gatas sa dalawang baso. "Wala na ba tayong cookies?"

"Wala na, maknae. Pinabaon ko kasi kay Baek," sagot ni Chanyeol hyung.

Hindi ko maiwasang ngumiti ng nakakaloko kay Chanyeol hyung. Hindi ko alam kung pagkakaibigan pa rin ba ang namamagitan sa kanila ni Baekhyun hyung. Basta ang alam ko lang, mas higit pa roon ang mayroon sila. Napag-usapan na rin naman namin ito dati pa at wala namang issue sa amin kung may namamagitan sa kanila. Tanggap naman namin kung ano sila.

"Kaya tumataba na naman si Baek, eh!" Hampas ni Chen hyung kay Chanyeol hyung. "Kung anu-ano na naman pinapakain mo."

"Eh sa laging gutom si Baek?" Pag-irap ni Chanyeol hyung at inagaw sa akin iyong mga baso ng gatas. "Ako na magdadala nito sa kanila. Maghanda kayo ng maayos na pagkain. Hindi iyong candy lang."

Akmang hahablutin ni Kyungsoo hyung si Chanyeol hyung para gantihan pero mabilis itong nakaalis ng kusina. Kapre kasi. Laki ng mga hakbang.

"Maknae, anong balak mo kay Andy? Lumalaki na iyang makulit mong anak. Wala kang balak ipasok sa school?" Tanong ni Suho hyung.

"Oo nga! Five years old na si Andy diba? Pwede na naman siguro siyang ipasok kahit sa mga day care center lang!" Oo nga five years old na si Andy at five years na rin simula nung nadisband ang EXO. "Oh. Ayan na naman. Tigilan mo iyong ganyang mukha Sehun. Hindi nakakatuwa."

"Hyung kasi. . ." Hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal kapag naiisip ko iyong disbandment ng EXO. "Pasensiya na talaga."

"Ano ka ba. Wala na iyon sa amin. Ang mahalaga ay kung anong meron tayo ngayon. 'Wag mo nang sisihin ang sarili mo. May Sehun liit naman na kapalit kaya ayos na sa amin iyon," at sabay na sumang-ayon si Chen at Suho hyung kay Kyungsoo hyung.

Limang taon na pala iyong nakalipas simula ng tinalikuran namin ang industriya. Nakakamiss. Sino ba namang hindi? Pero sa kabila ng lahat, masasabi kong masaya naman kami sa estado namin ngayon. Bukod sa nakaipon naman kami ng malaki, may sari-sariling trabaho kami. Tapos may nadagdag pa sa pamilya namin.

"Nga pala, bibisita raw si Luhan dito. Hindi niya lang sinabi kung kailan pero surprise raw. Busy pa siya, eh. Alam niyo naman iyon," napangiti ako sa balita ni Suho hyung.

Si Luhan hyung. . . Isa sa pinakapaborito kong hyung sa EXO. Ilang taon na ba simula noong umalis siya sa grupo? Pito? Walo? Pero ni minsan hindi siya pumalya sa pakikipag-usap sa amin. Oo palihim niya kaming kinikita sa Korea noon kapag napapadpad siya. Parang baliw nga. Akala niya raw may galit kami sa kanya. Bakit naman? Oo nabigla kami sa pag-alis na ginawa niya pero ni minsan hindi kami nakaramdam ng galit. Syempre naiintindihan namin na mas mahalaga pa rin iyong kalusugan niya. Ang hirap lang kasi noong mga panahon na iyon, hirap na hirap kaming maging matatag, lalo na si Suho hyung. Pero kinaya namin. Mas mahirap pa, kaylangan naming itago na nakikipag-usap pa rin kami sa kanila dahil ayaw naming gumawa ng gulo sa mga fans. Si Kris hyung naman, ganoon din. Katulad kay Luhan hyung, nakakausap pa rin naman siya hanggang ngayon. Kaso hindi na talaga namin kayang mabuo ulit. Bakit? Kasi kaming natirang member ng EXO, umalis kami ng Korea. Nagpasiya kaming tumira sa Pilipinas, masakit pa rin kasi kahit hanggang ngayon.

Simple na lang ang buhay namin dito. Noong una nahirapan kami kasi syempre bago pa iyong disbandment issue namin noong lumipad kami rito sa Pilipinas. Nahirapan kaming maghanap ng trabaho kasi nga kilala pa kami pero eventually nakalimutan na rin. Kumbaga nag-subside na iyong hype na sa Pilipinas na naninirahan ang grupong nagbigay karangalan sa Korea ng ilang taon. Noong una hindi namin maiwasang masaktan kasi dinudumog talaga kami ng mga EXO-L dito sa bahay namin. Ang galing kasi talaga ng fandom na ito. Lahat nalalaman. Akala namin galit sila pero hindi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, umiyak ako sa harap ng mga fans namin, hindi ako iyakin at hindi mababaw iyong luha ko pero noong panahon na iyon? Walang humpay ang pag-iyak ko.

Isang araw nalang, paggising namin nila hyung, nagulat kami, ang daming fans sa tapat ng bahay namin. Hindi namin alam anong ginawa nila para makapasok sa executive village na tinitirahan namin pero nasakop nila ang buong daanan ng village namin noon. Parang concert lang nga. May mga dala silang banner. Pero this time, hindi na para sa EXO, kundi para na kay Minseok, Junmyeon, Yixing, Baekhyun, Jongdae, Chanyeol, Kyungsoo, Jongin, Sehun, at kay Andy. Hindi namin tinago sa mga fans kung bakit kami nag-disband. Sa huling pagkakataon, ayaw naming iwan sila ng may tanong sa sarili kung bakit kami nag-disband. Oo, pinakiusap ni Suho hyung sa SM na sabihin ang totoong rason kung bakit kami magdi-disband.

Iyon ay dahil naging tatay na si Oh Sehun.

Natakot ako para kay Andy. Akala ko hindi siya matatanggap nila hyung at ng mga fans pero hindi. Nagkamali ako. Buong giliw nilang tinanggap si Andy.

"Sehun! Iyong anak mo, oh!" Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang sumigaw si Chanyeol hyung. "Namamalo na naman!"

"Daddy, si Chanyeol hyung po kasi! Sabi niya i-kiss ko raw po si Aioffe sa cheeks!"

Agad akong pumunta sa sala at inabutan kong tinatawanan ni Aioffe sila Chanyeol hyung at Andy. Nagbabangayan na naman kasi silang dalawa.

"Tito Sehun, hello!" Bati ni Aioffe at nagpakarga sa akin. "Tito ang gwapo naman po ng mga tito ni Andy!"

"Talaga ba?" Tumango ito bilang tugon. "Sinong mas gwapo? Kami o si Andy?"

"Kayo po!" She giggled softly. "Si Andy po kasi baby pa!"

"Hala!" Natawa ako sa reaksyon ni Andy. Hindi ko alam kung maiiyak o matatae na ewan. "Daddy! Ano ba iyan!"

"Oh, bakit? Nagsasabi lang naman ng totoo si Aioffe diba?" Tumango si Aioffe.

"Alis na nga po kayo ni Chanyeol hyung dito," tinulak niya si Chanyeol hyung paalis ng sala at ako naman ang sinunod niyang itulak. "Daddy, ibaba mo si Aioffe. Diba po may work pa kayo?! Bakit hindi po kayo nagwo-work?"

Pinitik ko ang noo ng anak ko at ibinaba si Aioffe. "Day off ko ngayon, anak."

Napaisip siya saglit at bumungisngis. "Kahit na ba! Mag-work na po kayo nila hyung! 'Wag niyo na kaming guluhin dito!" At natatawa akong sumunod kay Chanyeol hyung.

Hay Andy ang kulit mo. Anak nga kita.

Paano nga ba nagkaroon ng Andy sa buhay namin? Nagkaanak ako sa isang babaeng nakilala ko lang sa bar. Naaalala ko pa noong panahon na halos sa bar na ako tumira. Hindi ko na rin kasi kinakaya iyong pressure ng pagiging member ng EXO. Dumagdag pa iyong mga fans na tinalikuran ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. Dahil sa paghanga ko sa mga babaeng artista? Dahil sa babaeng kaibigan ko na naging teacher ko para matutong mag-swimming? Dahil hindi ako kasing galing nila hyung? Ang daming dahilan. Nagpatung-patong na kaya sumabog ako. Alam kong may nangyari noong huling gabi ko sa isang bar sa Korea. Alam kong wala akong gamit na condom. Alam kong isang araw, babalik sa akin ito. At iyon na. Nagulat nalang kami, isang araw, pag-uwi namin galing sa concert sa China, nakaabang sa tapat ng dorm namin iyong babae na iyon.

Walang pag-aalinlangan niyang inabot sa akin ang baby na si Andy. Sinabi niyang hindi niya kayang tustusan si Andy at alam niyang kakayanin ko. Wala raw akong dapat ipag-alala dahil hindi niya sisirain ang career ko. Mananatili siyang tahimik na parang walang nangyari. True to her words, walang lumabas sa media na may anak na ako. Ilang buwan din naming itinago si Andy pero wala talagang sikreto na hindi nabubunyag, nalaman ng nakakataas sa SM iyong sikreto ko at walang pag-aalinlangan nilang winakasan ang EXO. Umabot pa kami sa korte dahil sa nilabag kong kasunduan sa kontrata. Hindi na naman kami lumaban pa at nagpasiyang ibigay ang halaga ng pera na hinihingi ng SM.

Ilang buwan akong hindi kinausap ni Suho hyung. Naghiwa-hiwalay muna kami. Umuwi ako sa bahay namin at ganoon din sila. Pagkauwi ko, umiyak agad ako sa mga bisig ni Mama. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ko dahil tinanggap nila ng buong giliw si Andy. Nahirapan akong makahanap ng panibagong trabaho sa Korea. Nawala na kasi ang tiwala nila sa aminㅡlalo na sa akin. Wala akong proyektong natatanggap ni isa, kahit modeling pa iyan, wala talaga. Naging tambay lang ako sa bahay habang pinapanood ko ang paglaki ni Andy. Medyo naawa ako sa anak ko dahil si Vivi lang ang naging kalaro niya.

Isang araw, paggising ko, nagulat ako, nasa sala namin sila hyung. Lahat sila nandoon at nakangiti sa akin. Hindi ko na naiwasan at tumakbo ako papunta sa kanila at isa-isa silang hinagkan. Nagsorry sila sa akin dahil iniwan nila akong ganito sa ere, pero sabi ko ayos lang. Ang mahalaga ay nandito sila sa tabi ko ngayon. At doon na nga sinabi ni Suho hyung iyong plano niya: na balak niyang tumira sa Pilipinas. Nagtaka kami bakit sa Pilipinas? Sabi niya kasi bukod sa Korea, Pilipinas iyong bansa na ramdam niyang welcome kami. At totoo nga. Nakakamangha paano kami buong init na tinanggap ng mga EXO-Ls dito.

Maaring nawala na ang EXO sa industriya, pero mananatiling buhay ang slogan namin na "We Are One."

"Sehun, bakit hindi mo subukang ipasok si Andy sa school na pinagtatrabahuhan ni Baekhyun?" Pagbasag ni Kyungsoo hyung sa katahimikan.

Isa pa pala, may kanya-kanyang trabaho na kami rito sa Pilipinas. Si Xiumin hyung ay may sarili ng café, samantalang si Lay hyung naman ay patuloy pa rin sa tinatahak niyang landas sa China, bihira lang siyang umuwi rito sa Pilipinas. Si Suho hyung, Chen hyung, at Kyungsoo hyung naman ay nagtayo ng isang business, hindi ko sigurado pero parang tungkol sa construction ang business nila. Samantalang si Baekhyun at Chanyeol hyung naman ay parehas na naging teacher. See? Kahit sa landas na tatahakin parehas pa talaga sila. Si Kai? Ay wala. Nilibing ko na ng buhay. Hindi, biro lang. Isa siyang dance instructor. Ako? Ah, wala. Palamunin lang kami ni Andy dito. Pero syempre biro lang ulit iyon. May sarili na rin akong business. Hulaan niyo kung ano iyon? Tadaaa! Syempre bubble tea! At sobrang kilala na iyon dito dahil malaki ang naging kontribusyon ng pagiging member ko ng EXO.

Napaikot ako ng mata. "Pwede naman sana kaso masyadong malaki iyong school na iyon para kay Andy."

"Ay!" Sabat ni Chen hyung. "Naalala ko pala! Nakausap namin iyong yaya ni Aioffe! Sabi nila naghahanap sila ng school na pwedeng pagpasukan kay Aioffe! Try mo nalang kayang ipasok si Andy kung saan mag-aaral si Aioffe?"

"Push na push ka talaga sa anak ko at kay Aioffe ano, hyung?" Naiinis kong sambit. Parang gusto na niyang maging girlfriend ni Andy si Aioffe.

"May potential, eh! Ayaw mo? Magkakaroon ka ng apo na may kulay ang mata?"

"Chen!" Sabay na sigaw ni Suho at Kyungsoo hyung.

"Haynako talaga, Chen hyung," napapailing kong sagot.

"Basta kami maknae kung anong desisyon mo para kay Andy suportado ka namin," seryosong sambit ni Suho hyung. Nginisihan ko siya. "Ayaw ko ng mga ganyang ngiti."

"Syempre naman, hyung! Tatay ako nung bata, eh. Alangang mas sundin ka pa ng anak KO?" Pambabara ko at mabilis akong binatukan ni Kyungsoo hyung. "Aray naman, hyung!"

"Napaka mo talaga kahit kailan, Sehun."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro