Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabingdalawpu't-dalawang Kabanata

A/N: 8 chapters left and this book will close soon. Advance Happy New Year guys! 🎉🎊💙

Kakarating lang namin sa Baguio at kanya-kanya muna kaming dumiretso sa mga kwarto namin. Bukas nalang daw kami maglilibot. Sang-ayon naman ako dahil sobrang napagod din ako sa haba ng biyahe. To think na wala akong kapalitang mag-drive ng sasakyan ko. Pinakilala muna kami ni Jiyoon sa mga kasama namin. It turns out na puro pamilyado na rin pala iyong mga kaibigan niya rito. At iyong dalawa sa kanila ay hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang maknae ng EXO. Nakakatuwa. Fan pala siya pero ngayon hindi na. Matagal na siyang umalis sa KPOP World.

"Mommy! Tabi ka po sakin! Inaantok po ako!" Napairap ako habang pinagmamasdan ang mag-ina ko. Si Andy kasi dumiretso sa kama habang si Jiyoon naman ay unti-unti ng nilalabas ang mga gamit nilang dalawa sa maleta niya at nilalagay ito sa cabinet. Tatlong araw din ata kaming mamamalagi rito kaya maraming dinala si Jiyoon na damit ni Andy bukod sa dumihin palagi ang anak ko, ayaw niya na kaunti lang ang pinagpipiliang damit na isusuot. Mana talaga sa akin si Kulit.

"Mamaya na anak, may ginagawa pa si Mommy. Si Dy mo nalang," suhestiyon ni Jiyoon at tumingin sa akin. Alam niya kasing hindi titigil si Andy hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. "Sehun? Please? Magpahinga ka na rin. Pagod ka eh."

Tumango ako at tumabi kay Andy pero kinurot niya lang ang tagiliran ko. "Aray naman, 'nak! Bakit na naman?"

"Sabi po ni Mommy, 'wag daw po hihiga sa bed kapag hindi pa nagpapalit ng damit, Dy! Marumi raw po at magiging makati ang bed natin!" Napairap ako. Kaya pala pagdating namin dito, dali-dali siyang dumiretso sa banyo at nagbihis. Mabuti na rin iyon at natuturuan ni Jiyoon si Andy ng mga ganitong bagay. Hindi kasi namin alam nila hyung ang mga ganitong bagay. "Magbihis ka na po, Dy!"

At saka ko lang narealize na wala pala akong dalang damit noong umalis kami kaya wala akong pamalit. "Teka, wala pala akong baon na damit."

"Ano bang ipapamalit mo? T shirt at saka shorts? O b-boxers?" Napalingon kaming sabay ni Andy kay Jiyoon at namumula iyong pisngi niya habang hawak sa magkabilang kamay ang isang kulay itim na shorts at puti kong boxers. "Uh. . . Sabi kasi ni Kai, may possibility na makasama ka kaya pinag-empake niya ako ng mga gamit mo. Sorry kung pinakealamanan ko iyong drawer mo ha."

Napakurap si Andy at katulad ng Mommy niya, bigla ring namula ang magkabilang pisngi niya. "Hala! Kinikilig po ako!"

Awtomatiko kong nabato si Andy ng unan na malapit sa akin kaya natahimik siya at naglaro naman. Hindi ko namalayan, tumayo na pala ako para puntahan si Jiyoon sa kinauupuan niya. Naupo na rin ako para maging kapantay ko siya. Marahan ko namang ibinaba iyong shorts at boxers ko na hawak niya. Napakurap si Jiyoon nang bigla kong hawakan ang magkabilang pisngi niya. Bahala na kung makita ni Andy. Wala namang mali diba? Magulang niya kami. Walang pasabi ko siyang hinalikan sa labi, noong una medyo stiff pa siya pero bigla ko nalang naramdaman na bumibigay na siya. Ewan ko rin kung paano. Hindi naman ako gano'n kabihasa pagdating sa ganitong bagay. Mabilis naming pinutol ang halik nang biglang tumayo sa gilid namin si Andy at nakapameywang.

"Mommy! Daddy! Bawal daw po ang PDA sabi sa amin ni Teacher Melai! Bad po kayo!" At tinakpan niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay tumakbo na at nagtago sa ilalim ng kumot namin. Panira ng momentum eh.

"S-Sehun. . . Para saan iyon?" Nakatulalang tanong sa akin ni Jiyoon. Kahit ako hindi ko rin alam eh. Parang kapag tungkol na kay Jiyoon, hindi ko na maexplain bakit ko ginagawa iyon. Imbis na sumagot ay umiling nalang ako at hinila siya para yakapin.

-

-

"Saan si Andy?" Iyan agad ang bungad ko kay Jiyoon nang dumilat ang mga mata ko at wala ng makulit sa tabi ko. Si Jiyoon, hindi pa rin tapos mag-ayos ng mga gamit namin. "Saglit lang ba ako nakatulog kaya hindi ka pa rin tapos?"

Umiling si Jiyoon, busy pa rin sa paglalagay ng mga lotions at kung anu-ano pang kailangan ni Andy sa katawan doon sa locker sa may ilalim na part ng cabinet namin. "Two hours ka ng tulog. Lumabas kasi kami kanina ni Andy habang natutulog ka kaya ngayon ko lang ulit naituloy itong ginagawa ko."

Tumango ako at naupo nalang. "Nasaan si Kulit? Bakit walang maingay?"

"Ah," natawa bigla si Jiyoon. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Nandito lang sa loob. Hanapin mo. Nagtatago eh. May kasalanan kasing ginawa."

"Ano?" Nagkibit-balikat si Jiyoon kaya tumayo ako, sakto naman napatapat ako sa human-sized mirror at nakita ko ang nangyari sa mukha ko. "Andy Louie Oh!"

"Poooooo?" Base sa lapit ng boses niya, pakiramdam ko nasa ilalim siya ng kama. Ang magaling kong anak, ginawang coloring book ang mukha ko at ginamit ang lipstick ng nanay niya para mag-drawing dito. Buti sana kung madaling tanggalin iyong lipstick pero mukhang matte ito at pahirapang matanggal. "Mommy! Papagalitan po ako ni Daddy!"

Hindi ko na kailangang yumuko para silipin si Andy sa ilalim ng kama dahil kusa na siyang lumabas at nauntog pa bago makarating sa tabi ng nanay niya. "Sino nagsabi sayong mag-drawing ka sa mukha ko?"

"Eh kasi naman po, Dy! Nakita ko iyong make up kit ni My kaya sinubukan ko sayo. Bakit naman po iyong make up na ginawa ko kay My maayos! Sayo po hindi?!"

Napailing na lang ako. Hindi man lang pinigilan ni Jiyoon ang makulit naming anak. Mukhang siya pa ang mastermind dito. "Hindi naman kasi ginagamit sa mga lalaki ang make up, anak!"

"Pero bakit po si Baekhyun hyung palaging bago ang eyeliner?! Tapos si Chanyeol hyung po palaging may dalang lip gloss? Si Suho hyung naman po palaging naglalagay ng BB Cream sa mukha!" Parehas kaming napailing ni Jiyoon. Ang kulit-kulit talaga.

"Ewan ko sayo," lumapit ako sa mag-ina ko at kinarga si Andy. "Ligo na tayo?"

"Ngayon na po, Dy?"

"Hindi, bukas. Bukas pa. Yayayain ba kita kung hindi ngayon?" Napasimangot si Andy sa sagot ko. Ayaw niya kasing nababara ko siya eh. Samantalang si Jiyoon naman ay kinurot ang mga balahibo ko sa legs. "Aray!"

"Sehun sagutin mo nga ng maayos iyang anak mo. Ang ayos-ayos ng tanong puro kalokohan sagot mo," nakasimangot niyang sambit.

Napangiti ako. "Opo, Mommy. Sorry po."

"Halaaaaaa!" Awtomatiko na namang namula si Andy at nagpumiglas para lumabas ng kwarto namin. "Pupunta lang po ako kay Ate Frea! Balik na lang po ako mamaya. Ang sweet po kasi! Nilalanggam ako po!" Bwiset talaga iyong makulit na iyon.

"Sehun naman. . ." Napatingin ako kay Jiyoon na ngayon ay pilit pinapakalma ang sarili.

"Bakit?" Nakangisi kong sabi.

"'Wag sa harap ni Andy," namumulang banggit ni Jiyoon.

"Bakit naman? Anak naman natin siya, magulang niya tayo. Normal lang ito," nakangisi kong sagot.

"Baka mabigla yung bata."

"Hindi iyan. Ang tagal-tagal na niyang nae-expose sa mga ganitong bagay. Mas malala pa ang nakikita niya kay Chanyeol hyung at Baekhyun hyung."

"Sehun!" Tumama sa akin iyong damit ni Andy at sapul ako sa mukha nang ibato ni Jiyoon iyon sa akin.

"Joke lang!" Natatawa kong sabi. "Pero seryoso. Bakit ka nahihiya sa anak natin?"

"W-wala lang," nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ako sanay eh."

"Pwes ngayon, masanay ka na. Okay?" Lumapit ako kay Jiyoon at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "'Wag kang masyadong kiligin sa akin. Baka hindi ka na umabot sa kasal natin."

"Huh?" Nakatanga niyang tanong sa akin. "Papakasalan mo ako?"

Tumango ako. "Bakit? Ayaw mo?"

"Hindi sa gano'n. Pero bakit?"

Napahilamos ako ng palad sa mukha. Ano bang nangyayari kay Jiyoon? Bakit ang lutang niya? "Malamang papakasalan kita! Nanay ka ng anak ko eh!"

"Dahil lang doon, Sehun?" Malungkot na sagot niya sa akin.

Turn ko naman para mamula ang pisngi. "S-syempre hindi. Hindi lang ako showy pero gusto kita. Malapit na ngang maging mahal eh."

"Pero Sehun hindi pa alam ng mga hyung mo ito."

"Mas nauna pa nilang nalaman na magugustuhan natin ang isa't-isa kaysa sa ating dalawa. Believe me, ang tagal na nilang hinihintay na mangyari ito."

"Seryoso?" Tumango ako. "Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ng mga fans ng EXO? Ng mga fans mo?"

Umiling ako. Ang paranoid ni Jiyoon. "Kung alam mo lang kung gaano rin sila ka-eager makita ang nanay ni Andy noon. They even helped me searching for you pero one day tumigil din kami. Nawalan na kasi ako ng pag-asa. Hindi ko alam na hindi ko naman pala kaylangan ng tulong ng kahit sino kasi ikaw na mismo babalik sa buhay namin ni Andy."

"Hindi ka ba galit sa akin dahil ako iyong naging dahilan bakit nadisband ang EXO? Tapos iniwan ko pa sayo iyong anak natin?" Alam kong dadating kami sa punto na ganito at mabuti nalang ay sinabi niya dahil gusto kong tanggalin sa kanya iyong mga worries niya tungkol sa akin at sa buong grupo. "Kung sana hindi ko iniwan si Andy sa iyo, baka mas sikat pa ang EXO ngayon. Baka patuloy pa rin kayong sumisikat sa buong mundo. Sehun, I still feel bad because of that one stupid move I did noong iniwan ko sa iyo si Andy."

"Hindi ko naman pinagsisisihan iyong pagtanggap kay Andy," nakangiti kong sagot. Naalala ko iyong hirap namin nila hyung na palakihin si Andy. Ang hirap kasi pare-parehas naman kaming walang alam sa pag-aalaga sa bata. Mabuti nalang at may Chanyeol hyung kami kaya medyo napadali ang trabaho namin kay Andy. "Si Andy ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hindi ko pinagsisisihan na dumating sa buhay ko iyang makulit na iyan kahit sobrang pasaway. About naman sa disbandment ng EXO, wala ka ng dapat ipag-alala doon. Matagal na naming tanggap na wala na kami at masaya naman kami dito sa Pilipinas. Masaya kami sa kung ano kami ngayon. At least nakakakilos na kami katulad ng ibang normal na tao, wala ng mga sasaeng na nakabuntot sa amin. Meron pa rin ibang namamangha kapag nakikita kami pero hindi na katulad noong EXO members pa kami."

"Sa totoo lang nakininita ko na rin noong mga panahon na iyon ang disbandment ng EXO. Oo, masaya kami kahit 9 nalang members namin. Pero malungkot pa rin. 12 kaming tumungtong sa debut showcase namin pero 9 nalang kaming nagpatuloy? Si Yixing hyung bihira pa naming makasama. Mahirap. Hindi lang namin pinapakita sa mga fans namin dahil they have enough. Darating din ang araw na iiwan namin ang KPOP industry, napaaga lang. At rest assured na wala kaming grudge sa kung ano mang naging hatol sa amin ng SM Entertainment. Matagal na naming hinagkan itong buhay dito, sana ikaw din. Kasi wala namang galit sa iyo sila hyung. Hindi ko sinasabi ito para pagaanin ang loob mo, sinasabi ko sa iyo ito para palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan. Dahil kaylangan na nating mag-look forward sa pagpapalaki ng anak natin at ng pamilya natin."

"Jiyoon, iwanan mo na lahat ng mga pangamba mo tungkol sa akin at sa mga hyung ko. Hiling ko lang sana ay bigyan mo kami, lalo na ako, ng pagkakataon na papasukin sa mundo mo kasi kami? Hindi ka man nagpapakita sa amin noon? Parte ka na ng buhay namin. Ikaw ang nanay ng bata na naging rason bakit kami masaya ngayon. Sila hyung naman iyong mga taong wala ka dapat ikatakot. Mababait sila. Oo noong una nadisappoint sila sa nangyari sa EXO, sino ba namang hindi? Ang tagal namin eh. Pero kalaunan, napatawad din nila ako. Tayo. Tinanggap nila si Andy ng buong-buo na parang anak na rin nila si Kulit. At alam kong tatanggapin ka rin nila kung paano nila kami tinanggap ni Andy. Alam kong hindi mo na kaylangang tanungin o marinig galing sa kanila, dahil bukal sa loob ka nilang tinatanggap bilang kapamilya namin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro