Ikalabingdalawampu't isang Kabanata
"Sehun, pasensya na talaga, ha?" Tinanguan ko nalang si Thunder habang maingat na sumusunod sa mga nurse na nakaalalay sa kapatid niya dahil nagkaroon na naman ito ng episode. Noong sinabi kasi ni Thunder sa nakababatang kapatid niya na hindi ako makakapunta para samahan siya sa check up niya ay biglang umatake ang sakit nito. Kaya wala akong choice kundi pilit na buhatin ang sarili ko dito.
-
-
Hindi rin naman nagtagal iyong check up ng kapatid ni Thunder at mabilis nila itong sinaksakan ng pampatulog. Harurot akong nag-drive pabalik sa bahay hoping na maabutan ko pa ang mag-ina ko pero bagsak ang balikat ko nang makita kong wala na sa garahe ang bagong bili ni Kai na BMW. Isa ito sa mga rare moment na kinaiinisan ko ang pagiging masunurin (kahit na hyung ko siya) ni Kai sa akin. Takot niya lang talaga na isumbong ko siya kay Suho hyung.
Hindi na ako nag-abala pang ipasok ang Montero ko sa garahe bagkus mabilis akong bumalik palabas ng village namin. Kinonek ko na rin ang cellphone ko sa bluetooth headphone ko at iniligay ito sa kanang tenga ko. Hindi nagtagal ay sumagot si Kai sa kabilang linya. Rinig na rinig ko pa ang mga ingay na ginagawa ni Andy sa back seat samantalang napatigil sa pagsasalita si Jiyoon nang banggitin ni Kai ang pangalan ko.
"Saan na kayo?" Isa sa mga paalala palagi sa amin ni Suho hyung ay ang maingat na pagda-drive pero paniguradong maya-maya lang ay tatawag na siya sa akin dahil sa bilis ng patakbo ko. Hindi ko alam kung ano ang nilagay niya sa mga sasakyan namin para mamonitor niya ang mga takbo namin, may GPS na, may tracker pa ng speed kilometer per hour.
"Taft. Si Andy kasi nagyaya pang kumain sa MOA eh. Bakit?"
"Kai hyung! Daddy ko pa ba kausap niyo?" Sinagot naman ni Kai si Andy ng simpleng Oo. "Daddy ko! Miss na kita! Kakain kami sa MOA po ngayon!"
Napatango nalang ako habang nagpapalit ng daan na tatahakin. Great. Wala namang traffic ngayon kaya maaabutan ko pa sila doon. "Hintayin niyo ako doon. Ako na ang maghahatid sa mag-ina ko," bahagyang napatawa si Kai sa hindi malamang kadahilanan. "Bakit? Anong nakakatawa?"
"Wala. Si Jiyoon noona kasiㅡ"
"ㅡ'wag ka ngang kwentong barbero, Kai!" Malakas akong napabusina nang biglang may sumulpot na aso sa dadaanan ko! "Sehun! Ayos ka lang?"
"Oo," maikli kong sagot at nag-focus muli sa daan. Marinig ko lang ang boses ni Jiyoon, nadi-distract agad ako. "Muntik lang ako makasagasa ng aso. Anyways, hintayin niyo ako ni Andy sa MOA. Susunod agad ako. I'm on my way."
"P-pero. . ." She trailed off and I guess, sinabi na ni Kai ang rason bakit ako hindi tumupad sa pangako ko. "A-akala ko. . ."
"Later. I'll explain later. And Jiyoon?"
"A-ano?"
"I'm sorry for not telling it. Babawi ako. Promise."
-
-
Nakangisi akong naglalakad papunta sa Kyochon. Ito ang paboritong chicken restaurant ni Andy dito sa Pilipinas pero kinahuhumalingan rin ng anak ko ang Jollibee. Sino ba naman kasing hindi? Miski kami nila hyung adik doon. Naalala ko pa noong EXO'rDIUM in Manila, ang pinakain sa amin ng mga staffs ay Jollibee. Kung tutuusin, wala itong binatbat sa sarap ng Kyochon at iba pang mga chicken restaurants sa Korea pero sobrang nahumaling kami lalo na si Kai. Isa pang paborito namin, lalo na si Chanyeol hyung, ay ang Lechong Baboy. Noong bago pa lang kami dito sa Pilipinas, sumadya pa talaga siya sa Cebu para tikman ang lechon doon. Nalaman niya kasing nandoon ang pinakamasarap na lechon dito sa bansa.
Pigil akong napahinga nang makita kong natapilok si Andy at muntik ng masubsob ang mukha sa carpet ng restaurant. Nako! Masira na ang lahat, 'wag lang talaga ang mukha ng anak ko! Mabuti nalang at nasalo siya ng receptionist kaya hindi nasubsob si Andy, hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag nangyari iyon. Sayang ang gandang lalaki ng anak ko! Ime-maintain pa namin iyon paglaki niya.
"Daddy ko!!!" Matapos siyang ibaba ng receptionist ay tumakbo muli siya sa akin at sinalubong ako. Sinalop ko naman siya gamit ang aking mga braso at sinabihang mag-ingat sa pagtakbo sa susunod. "Sorry po! Miss po kasi kita! Akala ko hindi mo po kami sasamahan ni My eh!"
Ginulo ko na lang ang buhok ni Andy at naglakad papunta sa table na kinaroroonan ni Jiyoon. Nang tanungin ko si Andy kung nasaan si Kai, sabi niya umalis na raw dahil alam naman niya na pupuntahan ko sila. Tsk. Iniwan niya iyong mag-ina ko dito. Loko talaga. Mukhang hindi inaasahan ni Jiyoon ang presensiya ko kaya nabigla siya nang hinalikan ko siya sa pisngi at umupo sa tabi niya habang ang anak namin ay naupo sa kaharap naming upuan.
"S-Sehun. . ." Napakagat siya ng labi. At alam ko kung bakit. Nagpipigil siya ng luha niya. Halata naman sa pamumula ng mga mata niya. Isa sa kaunting bagay na namana sa kanya ni Andy iyon.
Tumango ako at tinawag ang waiter para kunin ang order ko. Mukhang kakarating lang din nila dahil wala pa silang order nang tanungin ko ang waiter. "Anak, chicken ba gusto mo?"
"Opo, Dy! Iyong kasing laki po ng fingers ko. Ganito po!" Napangiti ang waiter nang biglang hinarap sa kanya ni Andy ang hinliliit nito. Humingi na lang ako ng tawad dahil nasobrahan na naman sa energy ang anak ko.
"Ikaw? Anong gusto mo?" Tanong ko kay Jiyoon na nakatulala pa rin ngayon. I had to wave my hand in front of her face just to get her senses back. Hinawakan ko iyong kamay niya ng mahigpit. "Ayos ka lang?"
"A-ah," napaiwas siya ng tingin. "Oo. Ano, salad nalang sa akin. Busog pa kasi ako. Si Andy nalang pakainin natin ng heavy meal," tumango nalang ako at pinadagdagan nalang ang nauna kong inorder ng isa pang salad.
"Anak, upo ka lang. Baka malaglag ka sa upuan," paano ba naman, nakatayo siya sa upuan niya at sumisilip sa loob ng kusina tuwing bumubukas ang pintuan nito. Dito kasi sa Kyochon, hindi nila niluluto ang mga manok kung wala pang order kaya naiinip si Andy sa paghihintay. "Sige ka kapag hindi ka umupo hindi nila ibibigay chickens mo."
"Daddy naman!" Andy pouted then he sat on his chair but still, his gazes were still glued sa kusina. Kulit talaga.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Jiyoon. Kanina pa kasi siya tahimik. Ah. Siguro nagtatampo siya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya. Tsk. Kasalanan mo, Sehun. "Sorry," napatingin siya sa akin noong sinimulan kong laruin ang mga daliri niya. "Sorry for lying at you. Biglaan lang din kasi at hindi ko alam kung paano hahanap ng tamang oras para sabihin sayo iyon," napakamot ako ng batok. Isa sa mga ayaw kong gawin ay iyong humingi ng tawad, bihira naman kasi akong gumawa ng kasalanan. "At sakaㅡ"
"ㅡayos lang, Sehun. Ang importante, nandito ka na ngayon. Sa tabi namin ni Andy," nginitian ko siya at hinatak papalapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahalikan ko na naman siya sa noo. "Wala na sa akin iyon. Basta next time sana maging tapat tayo sa isa't-isa. Mas mabuti na kasi iyon kaysa sa ibang tao pa natin malaman diba?"
"Fair enough," napangisi ako.
-
-
Park Chanyeol.
"Baek?" Katok ko sa kwarto namin. Hindi ko naman ugaling kumatok sa kwarto namin dahil una sa lahat, kwarto ko rin ito. Pangalawa, hindi namin nila-lock ang kwarto unless may isa sa amin ni Baek ang wala sa loob. Hindi ko talaga alam bakit nakasarado itong kwarto namin. Ang alam ko nandito si Baekhyun ngayon sa loob dahil day off naming dalawa. "Baek? Ano ba?"
At dahil naiinis na ako, no choice na ako kundi kunin ang susi ng kwarto namin sa sabitan ng mga susi dito sa bahay. Mabuti nalang at malapit lang iyon sa kwarto namin kaya less hassle. Pagkabukas ko ng pintuan, napakunot ang noo ko. Gising na gising si Baekhyun at nakadapa sa kama namin habang nakaharap sa laptop ko at ngumingisi. Mas lalo akong nainis nang biglang nag-appear sa screen ng laptop ko ang mukha ni Kasper.
Oo close kami ni Kasper pero hindi maalis sa sistema ko na magselos tuwing nakakabasa ako ng mga post ng iba na bagay daw si Baekhyun at Kasper. Na kapag daw hindi kami nagkaaminan ni Baekhyun, okay na rin si Kasper tutal naman medyo hawig kami at close din sila ni Baekhyun. Hindi ko naman inaway si Kasper, pero naiinis ako. Naiinis ako kasi kahit sinong lalaki na lumapit kay Baekhyun, pwedeng i-ship sa kanya. Ganoon na lamang siya ka-shippable.
"Uy, Chanyeol!" Nagtiim nalang ang bagang ko nang mapansin ni Kasper ang existence ko. Buti pa siya. Eh itong magaling na Baekhyun ni hindi man lang naramdaman ang pagpasok ko sa kwarto namin. "Sige! Out na ako ha? May rehearsal pa kasi NCT, on break lang kami. Dalaw kayo minsan dito sa Korea ha? Bye, Baek! Bye, Chanyeol! Pakikamusta nalang ako sa iba lalo na kay Chen at Xiumin!"
Bukod sa aming dalawa ni Baek, malapit din si Kasper kay Xiumin hyung at Chen. Kasi nga back up dancer siya ng EXO-CBX dati diba? Maski kay Lay hyung malapit siya dahil isa siya sa walong back up dancers ni hyung kapag naglalabas siya ng single.
"Bye, Taewoo!" Parang tanga naman na nag-wave pa ng kanang kamay si Baekhyun kahit wala na sa screen si Kasper. Pagtapos niyang ibalik sa lalagyan ko iyong laptop, at saka niya lang ako pinansin. Kung kailan busy na ako sa paghahanap ng damit na maisusuot. "Yeol? Saan ka pupunta?"
"Mabel," ang nag-iisang pinagseselosan ni Baekhyun. Bakit? Kasi siya ang first kiss ko on screen. Matagal ng tapos iyong movie na ginawa naming dalawa pero hanggang ngayon, selos na selos pa rin siya tuwing lumalabas ang pangalan ni Mabel sa notifications ko sa Instagram at Weibo. Hindi ko naman talaga kikitain si Mabel ngayon. Naiinis lang ako na palagi nalang ako iyong nagseselos kaya gusto kong bumawi. Tapos ko ng isuot ang isang designer brand na damit ko nang hinatak ni Baekhyun ang laylayan nito. "Ano?"
"Bakit kayo magkikita?" Hindi ko na siya kaylangang lingunin. Alam ko ng nakasimangot siya ngayon. Kabisadong-kabisado ko na siya. "Akala ko ba magde-date tayo ngayon?"
Napangiwi ako. Sana. Kung hindi niya ako binadtrip. "Sa susunod na araw nalang. Importante itong meeting namin ni Mabel. Magkakaroon daw kasi ng screening dito sa Pilipinas," tukoy ko sa pelikulang ginawa namin. Iyong So, I Married An Anti-Fan. Totoong magkakaroon ng special screening dito pero hindi naman kaylangan ang presensiya namin. At saka nasa Paris ngayon si Mabel. "'Wag mo na akong hintayin. Baka gabihin ako."
"Pero may pasok tayo bukas. . ." Nagsusumamo na iyong boses ni Baekhyun. Tanda na malapit na siyang maiyak. "Baka. . . Baka hindi ka magising ngㅡ"
"ㅡnakahanda na ang alarm clock sa cellphone ko, Baekhyun. 'Wag mo na akong alalahanin. Ikaw, matulog ka na ng maaga. Baka ikaw pa ang hindi magising bukas," inayos ko iyong kwelyo ng damit ko. Tsk. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ano ba itong gulong pinasok ko. "Nga pala, hindi kita maisasabay bukas papasok sa school. May kaylangan akong daanan bago pumunta doon."
At ayan na nga. Bumigay na ang pinakamamahal ko. Nanginginig na ang boses niya. Ni minsan kasi hindi kami pumalya sa pagsasabay papasok sa trabaho. Napakatampuhin talaga nitong si Baekhyun. "O-okay. . . Ingat ka nalang."
"Ge," napabuntong-hininga siya nang lampasan ko siya. Umaasa siguro siyang hahalikan ko siya sa noo bago umalis pero hindi. "'Wag mong ikandado iyong pinto. Nakakapagod pumunta sa lalagyan ng mga susi para lang makapasok sa kwarto ko."
"S-sige," hindi nakaligtas sa pandinig ko iyong pagsinghot ni Baekhyun kaya imbis na kunin ang susi ng sasakyan ko, kinuha ko iyong susi ng library ni Suho hyung para doon mag-isip at tumambay hanggang sa nakatulog nalang ako ng hindi ko namamamalayan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro