Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-tatlong Kabanata



Pagdating namin sa mall mabuti nalang pala at hindi ko sinama si Denise. Ang daming tao! Bakit ko ba nakalimutan na Linggo ngayon at karamihan ay may kanya-kanyang family day!

"Hawak lang kayo sa akin, ha. Baka mawala kayo," hinigpitan ko iyong hawak ko sa mga maliliit na kamay ni Andy at Aioffe.

"Dy! Saan nga po ulit nagtatrabaho si My dito?"

"Talaga po, Tito Sehun? Nagwo-work po dito si Tita Jiyoon?"

Tumigil kami sa paglalakad nang biglang tumigil si Andy at nakangiti ng malaki kay Aioffe. "Oo! My ko kaya may-ari nito!"

Natawa nalang ako at nagpatuloy sa paglakad habang sumusunod sa akin iyong dalawa. Lately kasi napagdesisyunan na ni Jiyoon na magtrabaho. Pinigilan pa nga namin siya nila hyung pero mapilit talaga siya. Sabi niya nahihiya raw kasi siya sa amin, wala man lang siyang naaambag sa gastusin. Hindi rin naman siya pwedeng maglinis ng bahay dahil may mga katulong kami sa bahay. Second day niya sa trabaho ngayon bilang cashier sa isang fast-food
chain na hilig kainan ni Andy.

"Talaga? Totoo po ba iyon, Tito Sehun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aioffe.

"Hindi si Jiyoon ang may-ari nitong mall," natawa nalang ako. Saan na naman napulot ni Andy iyong thought na si Jiyoon may-ari nito? "Nagtatrabaho lang siya dito."

"Pero, Dy! Sabi po ni Chen hyung si My may-ari nito!" Nakasimangot na naman siya.

"Sabi ko sayo 'wag ka masiyadong magpapaniwala kay hyung, diba?" I chuckled. Nako mabuti nalang at hindi pa marami iyong mga tao sa fast-food chain na pinagtatrabahuhan ni Jiyoon. "Nandito na tayo."

Bigla namang nagliwanag iyong mukha ni Andy at agad na hinanap si Jiyoon habang si Aioffe ay nanatiling tahimik na nakahawak sa kamay ko. Nagulat ako nang biglang bumitiw si Andy sa kamay ko at tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Jiyoon.

"My! Hello po!"

Mukhang gulat na gulat naman si Jiyoon sa biglaang pagsulpot ni Andy sa tabi niya. Mabuti nalang talaga at kakaunti palang ang kumakain dito sa fast-food chain nila. I mouthed Sorry, makulit kasi to Jiyoon nang biglang nagtama iyong paningin namin. Ito na naman iyong weird feeling na nararamdaman ko kapag nagkakatinginan kami. Patingin na kaya ako sa doktor? Baka may sakit na naman ako tapos hindi ko alam!

"Tito Sehun! Tito Sehun!"

Naalis ako sa malalim na pag-iisip nang biglang hinila ni Aioffe iyong damit ko.

"Bakit?"

"Look po, oh!" At may tinuro siyang lalaki na nakatayo sa tapat ng isang shop. Matipuno ito at nakasuot ng two-piece black suit na mukhang busy na businessman. "Si Daddy ko po!"

Bigla naman akong naalarma sa sinabi niya. Sa totoo lang, sa tagal na naming kakilala si Aioffe, ni minsan hindi namin nakita itsura ng mga magulang niya. Lalo na ng Daddy niya knowing the fact na nakatira lang naman siya kasama ni Aioffe. Given na na hindi namin makikilala iyong Mommy niya kasi nga iniwan na siya diba?

"Halika, puntahan natin," without pouring a glance sa mag-ina ko, mabilis kaming naglakad ni Aioffe papunta sa isang store na nagtitinda ng mga eyeglass.

"Daddy!" Kinalabit ni Aioffe iyong Daddy niya at mukhang nagulat pa ito na nandito ang anak niya. "Hi, Daddy!"

"Hello, sweetie," hinubad nito ang suot niyang salamin at napatingin ako sa kulay asul niyang mga mata. Sa kanya nagmana si Aioffe ng mata pero hindi niya kamukha iyong bata. "What are you doing here?" Tanong niya at kinarga si Aioffe.

"I'm with Tito Sehun and Andy po! Vinisit po namin si Tita Jiyoon!" At tinuro niya iyong mag-ina ko na nakatingin sa amin.

"So. . . You're Sehun?" Inabot ko iyong kamay niya at nakipag-kamay. "It's finally nice to meet you. I'm Alexander Templeton."

"Hello, Sehun Oh, pare," hindi ko alam paano ko siya ia-approach kaya pare nalang.

He nodded. "Thank you nga pala sa pag-aalaga kay Aioffe, huh? I know she's pain in the ass most of the times but she's sweet."

Tumango ako. Totoo naman kasi. Natural lang naman sa mga bata na maging makulit. "Wala iyon. Besides, sinu-sino pa ba ang magtutulungan diba?"

Natawa siya ng bahagya at tumingin sa relo niya. "By the way, did Aioffe already told you?"

"Ang ano?" Naguguluhan kong tanong.

"That her mom was a fan of your group?"

"T-talaga?" How come? Hindi naman sa umaasa ako pero kapitbahay pala namin ay isang EXO-L dati? Bakit hindi ko siya nakikita kung alam naman niyang kapitbahay niya kami?

"I guess not yet," he pinched Aioffe's nose. "The main reason why we called it a quits is because she's planning on using Aioffe just to see you guys. You see, hindi pa kami gano'n katagal sa village natin. We came from Forbes pero nagpumilit lumipat si Hennessy ng bahay. At first, I was hesitant. Bakit pa kami lilipat sa ibang village kung nasa Forbes na naman kami diba? Pero little did I know, it's because of you guys. She learned na malapit lang iyong village niyo sa amin kaya she insisted on moving into the vacant house next to yours."

And that explains everything. Pero diba. . .

"Teka, sabi kasi ni Aioffe kaya daw umalis iyong Mommy niya is because she found another one? I didn't mean to sound prying pero iyon kasi iyong sinabi niya sa amin one time."

"Totoo naman po, Tito Sehun!" Aioffe pouted.

Alexander nodded. "That was another reason. But what I've said is the main reason why did she left. Pinaalis ko siya. I don't want my daughter to be used as a weapon para makalapit sa inyo. And I'm sorry kung hindi man lang tayo pormal na nagkakilala before, I was just staying away from you guys dahil sa Mommy ni Aioffe."

"It's all fine. I understand."

"And besides, I once met your brother. Chen is the name, right?"

"Ah, oo. Si Chen hyung. Siya talaga iyong madalas na dumadalaw sa bahay niyo."

"Oh, sige. It's nice talking with you," inayos niya iyong pagkakakarga kay Aioffe at nginitian ito. "Do you wanna go to my office?"

Napakagat naman ng labi si Aioffe at tumingin sa akin. "Pero paano po si Tito Sehun?"

I waved my hand in dismissal. "Don't mind me. Kasama ko naman si Andy."

"Okay po!" She beamed and leaned on my cheeks to give me a peck. "See you later nalang po!"

"Bye, Sehun. Thank you ulit."

"Sure."

Pagbalik ko sa inuupuan namin kanina, may mga pagkain na nakalagay sa lamesa at sinisimulan nang lantakan ni Andy. Napangiti nalang ako. Malakas kumain si Andy pero noong dumating si Jiyoon sa bahay ay mas lalo siyang lumakas kumain. Kaya medyo tumataba na siya ngayon. Hindi ko na nga ata kaylangang pumunta sa gym para magpalaki ng muscles dahil kapag binubuhat ko pa lang siya ay nai-stretch na ng sobra mga muscles ko.

"Saan Mommy mo?" Tanong ko habang sinasaluhan siya sa pagkain ng fries.

"Kumuha po saglit ng tissue," sagot niya bago sinawsaw iyong fries sa sundae niya.

Ang weird talaga nilang mag-ina. Imbis na sa ketchup nila i-dip iyong fries ay sa sundae nila sinasawsaw. Naging food buddies na rin silang mag-ina. Minsan nga bigla nalang silang mawawala tapos madadatnan ko sila sa kusina na nagluluto ng kung anu-ano. Natutuwa ako kasi ngayon nararanasan na ni Andy kung paano mag-alaga ang isang tunay na ina. Hindi iyong puro kami nila hyung lang kasi puro kalokohan lang talaga kami kaya madalas umiiyak si Andy. Lalo na kapag trip siyang asarin ni Chen hyung.

"Kalat mo kasi kumain eh! Tsk!" Kinuha ko iyong gamit na tissue at pinunasan iyong gilid ng labi niya. "Tignan mo! Iyong damit mo may choco fudge na. Wala tayong dalang damit!"

Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi. Nakakainis. May choco fudge kaya nguso niya! "Hehehe! Cute mo magalit, Dy!"

"Hala," napatingin ako nang umupo si Jiyoon sa tabi ni Andy. "Ang dumi na ng damit mo. May dala ka bang pamalit, Sehun?"

Umiling ako. "Hindi ko naman kasi alam na kakain dito si Andy. Balak ko lang na ipasiyal sila ni Aioffe. Bilhan ko na lang mamaya sa department store ng bago."

"Ano? 'Wag na! Sayang ang pera!" Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at binasa iyon ng tubig tapos pinunas niya sa damit ni Andy. Medyo nag-fade nga iyong mantsa. "Hindi naman kaylangang bumili ng bago. Ang dami ng damit ni Andy sa bahay."

"Gasino lang naman iyong isang damit. Kaysa naman magmukhang madungis iyang makulit na iyan," pinandilatan ko si Andy ng mata ngunit dinilaan niya lang ako at yumakap sa mommy niya. "Sa susunod hindi na kita isasama kung hindi ka aayos ng pagkain."

"Yiiiie! Para-paraan ka Dy para mai-date mo si My, ha!"

Agad naman kaming nagkatinginan ni Jiyoon at sabay na namula iyong pisngi namin. Bwiset! Naa-adapt na ni Andy iyong lakas ng pang-aalaska ni Baekhyun at Chanyeol hyung ah!

"A-Andy!" Saway ni Jiyoon at tinakpan nalang iyong bibig ng anak namin.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain nalang ako ng fries. Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Nakaupo silang magkatabi habang ako nama'y katapat ni Jiyoon ng upuan.

"My! Alam mo po ba ako iyong pinagpipilian na maging escort ng section namin?" Proud na sabi ni Andy habang kinakain iyong fried chicken niya.

Hindi ko na naman iaakila, gwapo iyong anak ko. Syempre, gwapo iyong tatay eh. Tapos mga medyo gwapo lang iyong mga kasama sa bahay. Ano pang aasahan niyo? Syempre lalaki talagang gwapo iyan!

"Talaga ba?"

Tumango si Andy.

"Basta ang pag-aaral, Andy. Ayaw kong makakakita ng red marks sa report card mo. Hindi naㅡ"

"ㅡano ba, Sehun," first time akong tinignan ni Jiyoon ng sobrang seryoso. "Basta, Andy," hinawakan niya iyong kamay ni Andy. "Mag-aral ka lang ng mabuti."

Napairap nalang ako. Inulit niya lang iyong sinabi ko eh.

-

-

"Oh? Saan galing?" Bungad ni Suho hyung pagkarating namin sa bahay.

"Wala, hyung. Dinala ko si Andy sa mall tapos sinundo na rin namin si Jiyoon," umikot ako sa passenger's seat at kinuha si Andy kay Jiyoon. Ang magaling ko kasing anak, nakatulog. "Ako na magbibitbit kay Andy. Pumasok ka na sa bahay. Ako na rin magdadala ng mga grocery."

"O-okay," namula naman siya at binati si Suho hyung. Nagdiretso nalang siya sa kwarto nila ni Andy habang nakasunod kami ni hyung sa likuran niya.

"Anong nangyari? Bakit parang may something?" Tanong niya sa akin at siniko ako ng bahagya. "Parang nagkaka-ilangan kayo?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi niya ako kinakausap simula noong pagkaalis namin sa mall eh."

"Baka may dalaw?" Nakangising tanong ni Suho hyung kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Anong pinagsasabi mo, hyung?" Nakakunot noo kong tanong.

Nag-wiggle naman siya ng kilay sa akin. "Baka may period. Alam mo na. . ."

"Mga iniisip mo, hyung!" Inirapan ko nalang siya at naramdaman kong nag-init iyong pisngi ko. "A-akyat na a-ako!"

Sumaludo siya sa akin. "Okay! Basta safe iyan ngayon! Kahit walang protection!"

"Hyung!" Pinanglisikan ko siya ng mata at tinawanan niya lang ako. "Bwiset ka!"

Pagpasok ko sa kwarto ni Jiyoon at Andy, naabutan ko siyang nagsusuklay ng buhok. Bigla siyang napalingon sa akin at napansin niya ata iyong uneasiness ko.

"Bakit?"

"H-huh?" Nag-iwas ako ng tingin. Namumula pa rin iyong mukha ko dahil sa sinabi ni Suho hyung. "A-anong bakit?"

Napaatras ako nang biglang lumapit si Jiyoon. Malas ko nalang kasi na-trap ako sa pintuan dahil kakapasok ko lang ng kwarto. "May sakit ka ba? Namumula ka, oh."

Bakit ang init dito sa kwarto nila?! Sira ba iyong AC dito?!

"W-wala," sinangga ko si Andy para hindi makalapit ng tuluyan si Jiyoon sa akin pero naidampi niya pa rin sa noo ko iyong kamay niya. "J-Jiyoon."

"Wala ka namang lagnat?"

Napansin kong ang haba pala ng pilik-mata niya. Ngayon lang kasi ako naging ganito kalapit kay Jiyoon. Medyo iniiwasan kasi naming maging malapit sa isa't-isa dahil inaasar kami nila hyung. Mapupula rin iyong mga labi niya. Ngayon ko lang na-appreciate iyong facial features niya dahil noong gabing nabuo si Andy ay parehas kaming lasing.

"Okay lang ako," naramdaman ko na hindi na namumula iyong pisngi ko kaya umatras na si Jiyoon. "Ikaw na magbihis kay Andy, ha? Aalis muna ako," nilapag ko si Andy sa kama at nagulat ako nang bigla akong sinalubong ni Jiyoon.

"S-saan ka pupunta?" Hindi makatingin na tanong niya sa akin.

"Ah. Pupunta lang ako sa Ayala. Kaylangan daw ako doon ngayon."

May mga businessman daw kasi na gusto akong makausap dahil gustong mag-present sakin ng portfolio ng kumpanya nila para maging stockholder ako.

"U-uuwi ka rin agad?"

Napakunot ang noo ko. Kaylan pa siya naging ganito kabusisi sa akin? "Hindi ko alam. Bakit ba?"

"A-ah. . ." Siya naman iyong nag-iwas ng tingin. "Wala lang! Dito ka na mag-dinner, ha? Ako m-magluluto!"

"Hindi ko alam," tinigna ko iyong wrist watch ko. Alas-kwatro na pala. "Susubukan ko."

"O-okay."

Nabagabag naman ako buong oras na tinatahak ko iyong Ayala mula Parañaque dahil sa disappointed na mukha ni Jiyoon kanina.

Ano ba itong weird na nararamdaman ko! Pupunta na talaga ako sa doktor mamaya bago umuwi!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro