Ikalabing-siyam na Kabanata
Maaga akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan o dahil naninibago ako na may ibang nakapulupot na mga braso sa katawan ko? Bahagya akong napangiti nang makita kong peaceful na natutulog si Jiyoon habang nakayakap sa akin iyong isa niyang braso na lumagpas para mayakap ng bahagya si Andy. Hindi naman kami nag-usap ng matagal kagabi. Basta pagkatapos naming magkaaminan, natahimik nalang kami at alam namin sa isa't-isa na parehas gumaan ang pakiramdam namin.
Maingat kong inalis iyong pagkakayakap sa akin ng mag-ina ko at nagtungo sa kwarto ko para maghilamos. Ano na ba ang next step? Paano ko ito sasabihin kela hyung ng walang pang-aasar na natatanggap? Ayaw ko lang na maging awkward kami ni Jiyoon sa isa't-isa. Panigurado matutuwa si Andy nito dahil gusto rin naman ng anak namin na mabuo ang pamilya niya. Hindi dahil sa kanya, kundi dahil nagmamahalan kaming tatlo.
"Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?" Napabalikwas ako at nabitiwan ko iyong razor ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Luhan hyung. "Magandang umaga, Sehun."
"Ikaw pala hyung," ngumiti ako at dinampot iyong razor sa lapag. "Hindi naman. Palagi namang maganda mood ko kapag umaga."
Napatango siya at as usual, gumala na naman iyong paningin niya sa loob ng CR ng kwarto ko. Ganito naman palagi si Luhan hyung kapag umuuwi siya: sinisigurado niyang pamilyar pa rin siya sa bahay namin. "Maari ko bang makausap si Jiyoon?"
"Tulog pa, hyung. May lagnat kasi iyon kagabi kaya doon ako natulog. Ginising ako ni Andy dahil nga mainit daw si Jiyoon at nagpumilit siya na tumabi pa rin sa Mommy niya," pagpapaliwanag ko habang pinapadaanan ng razor iyong baba ko. Ayaw kasi ni Andy na may maliliit na buhok sa baba ko dahil namimisikal siya kapag nakikiliti ko siya gamit iyon.
"Gano'n ba?" Tumango ako. "Si Andy tulog pa rin?"
"Oo, hyung. Maaga pa pero maya-mayaㅡ"
"ㅡgood morning, Daddy ko!" Speaking of the makulit. Nakita ko mula sa salamin na humarap si Luhan hyung sa kanya kaya napabuka ito ng bibig. "Hala! Luhan hyung!" Tumakbo si Andy sa mga bisig ni Luhan hyung at hinalikan ito. "Kaylan pa po kayo umuwi?"
Ginulo ni Luhan hyung iyong buhok ni Andy. "Kagabi lang. Tulog ka na raw noong dumating ako kaya hindi na kita pinagising."
Katulad ko, fond din si Andy kay Luhan hyung pero kapag wala siya sa Pilipinas, si Suho hyung ang paborito niya. Pero kapag nandito naman si Kris hyung? Haynako. Parang si Kris hyung ang Daddy niya. Palibhasa kasi pinakaspoiled talaga siya kay Kris hyung. Bilmoko iyang si Andy kapag nandiyan si Kris hyung. Meaning: lahat pinapabili niya kapag nandito sa Pilipinas si Kris hyung. Minsan nga muntik na kaming mag-away ni hyung dahil sa ginagawa niya pero palagi niya akong dinadalihan ng mga excuses na magi-guilty talaga ako. Katulad nalang na bibihira na nga lang daw siyang umuwi dito at iyong mga binibili niya kay Andy ay katumbas ng mga araw na hindi namin siya kasama. Generous diba? Hollywood ba naman ang pasukin eh.
-
-
"Bukod sa nandito si Luhan hyung, bakit may kakaiba? Ako lang ba?" Pagbasag ni Chen hyung sa katahimikan. Actually hindi naman tahimik dahil nagku-kwentuhan sina Luhan at Suho hyung na hindi naman namin pinapakinggan kahit na malakas iyong mga salita nila. Umikot iyong paningin ni Chen hyung sa amin isa-isa at tumigil iyon sa gawi namin ni Jiyoon. "Oh," tinuro niya kami. "Magkatabi kayo. Anong himala ang nangyari kagabi?"
Agad na namula iyong tenga ni Chanyeol hyung samantalang nabilaukan naman si Kyungsoo hyung. Si Luhan hyung naman, medyo napatigil sa pagsasalita. Silang tatlo lang kasi iyong nakakaalam na magkakatabi kaming natulog sa kwarto ni Andy kagabi.
"Si Luhan hyung kasi ang pinaupo ko muna sa upuan ko," totoo naman. Nasa left side ako ni Suho hyung pero kapag nandito si Luhan hyung, hindi ako pwede maupo doon. "Issue!" Napatawa nalang si Luhan hyung habang napa-tss naman sina Kyungsoo at Chanyeol hyung.
"Pwede ka naman sa akin tumabi, bakit kay Jiyoon pa?" Pang-iinterrogate pa ni Chen hyung. Kainis.
"Anoㅡ"
"ㅡtama na. Aga-aga nag-aasaran na naman kayo," pagsusuway ni Xiumin hyung habang ipinaghihiwa si Andy ng Hotdog. Si Andy kasi ay walang permanenteng upuan. Kahit sino ang trip niyang tabihan, doon siya. Samantalang si Denise naman ay nasa gitna nina Chanyeol at Baekhyun hyung.
-
-
"Hi," nahihiyang bati ni Jiyoon pagkatapos kumatok sa kwarto ko. Day off ko ngayon at walang pasok si Jiyoon ngayon. Kaming dalawa lang ang natira dito sa bahay at ngayon lang din nagtugma ang day off naming dalawa. Ayos.
Tumango ako at nagpatuloy sa pagtitiklop ng damit ko. "Bakit?"
"Wala lang," nagkibit-balikat siya.
Napairap nalang ako sa kawalan. "Pwedeng pumasok."
Napatawa nalang siya at naupo sa gilid ng kama ko. Sakto naman natapos na ako sa pagtitiklop kaya tinabihan ko siya doon. "Totoo ba iyong nangyari kagabi?"
"I guess so. . ." Napakamot ako ng batok. "Bakit?" Ang awkward!
"Wala lang. Hindi lang ako makapaniwala," nakangiti niyang sagot habang mataman akong tinitignan ng mata sa mata. "Thank you."
"Saan?" Clueless kong tanong.
"Marami eh. Saan mo ako gusto magsimula?"
Turn ko naman ngayon para matawa. "Ikaw bahala."
"Una sa lahat, thank you noong gabing tinanggap mo ng walang pag-aalinlangan si Andy," lumungkot agad iyong mukha niya. "Akala ko hindi mo siya tatanggapin. Syempre, member ka ng pinakasikat na grupo sa Korea at may reputasiyon at imahe kang inaalagaan. Pero somehow, thankful ako na nakinig ako sa payo ng kaibigan ko noon. Sorry din kasi sinuko ko si Andy sayo noon. Nahirapan ako, Sehun. Mahirap malayo sa sarili mong anak pero alam ko rin na nasa mabuti siyang kamay kung ibibigay ko siya sayo. Sorry kung dahil kay Andy nabuwagㅡ"
"ㅡhindi," hinawakan ko iyong kamay niya na malamig. "'Wag. 'Wag na 'wag mong sisisihin si Andy dahil sa nangyari sa EXO. Labas si Andy dito. Desisyon namin nila hyung na umalis na. Maaring factor si Andy, pero isa-isa kaming pinapili at pinili nila si Andy. Maaring masakit sa una pero kalaunan, natanggap na rin namin. Minahal nila si Andy katulad ng pagmamahal ko sa anak natin."
Napatango si Jiyoon at bahagyang ngumiti. "Ngayon ko lang kasi nasabi sayo, pero matagal ko na gustong sabihin sayo ito dahil nahihirapan akong matulog sa gabi at gumising sa umaga knowing na hindi ko pa nakukuha ang pagpapatawad niyo. Salamat kasi tinanggap niyo ako dito. Buong buhay ko itong tatanawin bilang utang na loob."
"Wala na iyon, Jiyoon," nginitian ko siya ng sinsero. Dati kasi tinuruan ako ni Baekhyun hyung paano ngumiti ng nakakagaan ng loob. "Ang mahalaga ay iyong ngayon. Ang mahalaga buo na tayo," napatigil ako. "At gusto natin ang isa't-isa."
-
-
Kakauwi ko lang galing sa airport. Hinatid ko si Luhan hyung dahil isang araw lang daw ang binigay sa kanya na leave. Babawi nalang daw siya sa susunod. Muntik pa siyang malate sa scheduled departure niya dahil napahaba ang pag-uusap nila ni Jiyoon. At sa hindi malamang kadahilanan, piningot ni Luhan hyung ang tenga ko bago bumaba ng sasakyan. Sabi niya ingatan ko raw ang mag-ina ko. Makapagsalita naman parang pabaya akong Daddy at uhm. . . Asawa? Kay Jiyoon.
"Kakarating mo lang?" Bungad sa akin ni Jiyoon pagkalabas ko sa Montero ko. "Bakit nakasimangot ka na naman?"
Isa sa mga nagbago kay Jiyoon simula kagabi ay naging komportable na siya sa pakikipag-usap sa akin. At saka nga pala inamin niya rin sa akin na hindi niya boyfriend iyong Orion. Bakla daw iyon kaya wala akong dapat ipag-alala. Kahit na ba! Lalaki pa rin na ipinanganak si Orion. Psh.
"Wala," mas lalong humaba iyong nguso ko habang pinaglalaruan ko iyong key fumble na hawak ko. "Saglit lang kasi iyong pag-uwi ni Luhan hyung tapos hindi man lang siya nagpasabi."
"Si Luhan oppa talaga ang paborito mo, ano?" Nakangiting tanong niya habang pinapatay iyong hose ng tubig. Tumango naman ako at tinignan iyong mga halaman ni Suho hyung na diniligan ni Jiyoon. "Sabi niya uuwi raw siya next month at mas matagal na vacation iyon dahil break niya sa trabaho."
Nanlaki ang mata ko. "Sinabi niya iyon?!" Tumangong inosente si Jiyoon at lumapit sa akin para ayusin iyong nga bangs ko na magulo. "Ang daya! Hindi niya sinabi sa akin iyon!"
Napangiti si Jiyoon. "Ako na ata ang paborito niya, hindi na ikaw."
Napanguso ako lalo at niyakap siya. Totoong nalulungkot ako sa pag-alis ni Luhan hyung at saka gusto ko ring iparamdam kay Jiyoon na sincere ang mga sinabi ko sa kanya kagabi. Binaon ko iyong mukha ko sa leeg niya. Ang bango. Pabango niya pala iyong naamoy ko palagi kay Andy. Tsk. Ganito iyong pabango ni Mama sa bahay eh! Nami-miss ko na sina Mama at Papa! Ayaw naman nilang pumunta dito sa Pilipinas!
"Ehem, ehem," napabitiw ako sa pagkakayap kay Jiyoon nang biglang lumitaw si Xiumin hyung sa harap namin. Hala! Ang daya! Hindi ko man lang narinig na dumating iyong Fortuner niya! Usually kumakalabog ang pintuan ng sasakyan kapag bumababa siya eh! "Anong meron at may yakapang nangyayari dito?"
Sabay nalang kaming napakamot ng batok ni Jiyoon. Pakiramdam ko na-frame up kami dahil sunud-sunod na dumating sila hyung. Mabuti na rin siguro ito para hindi na kami paulit-ulit ng pag-eexplain sa kanila.
Matapos naming ihayag kung ano iyong nangyari kagabi, lahat sila hyung, miski si Denise ay nakangiti sa amin. Bukod tanging si Andy lamang iyong laglag panga at pilit na niyuyugyog si Jiyoon.
"Talaga po, My?!" Sabay kaming napatango dahil hindi siya makapaniwalang magiging buo na ang pamilya niya dahil gusto namin ang isa't-isa. "Edi magkakaroon na po ako ng kapatid?!"
Awtomatiko naman kaming lahat na namula sa tanong ni Andy. Loko-loko talaga.
"A-Andy!" Saway ni Suho hyung. "Saan mo natututunan iyan?!"
"Kay Chen hyung po!" Tinuro niya si Chen hyung na parang nabuhusan ng mainit na tubig. "Sabi niya po sa akin kapag nagmamahalan daw poㅡ" hindi na niya naituloy iyong sasabihin niya dahil tinakpan na ni Jiyoon iyong bibig niya at binatukan naman ni Baekhyun hyung si Chen hyung. Tsk.
"Aray! Totoo naman ah!" Depensa nito.
"Pero, Chen. Bata pa si Andy. Hindi dapat tinuturo sa kanya iyong mga ganyang bagay," suway ni Baekhyun hyung.
Napairap nalang si Chen hyung. "Sus, kung anu-ano rin naman naririnig at natututunan sa inyo ni Andy at Denise."
-
-
"Sehun?" Napatigil ako sa paglalaro sa laptop ko nang biglang kumatok si Jiyoon sa kwarto ko. "Pwede ba akong pumasok?"
Tumango ako at isinantabi muna iyong laptop ko. Tinapik ko iyong bakanteng parte ng couch para maupo siya doon which she gladly complied naman. "Bakit?" Tanong ko at ipinulupot iyong daliri ko sa buhok niyang mahaba.
"Magpapa-alam lang sana ako," hindi siya makatingin sa akin kaya pilit kong hinawakan iyong baba niya at pinagtama ang mga mata namin. "Nagkayayaan kasi kami ng mga kaibigan ko na magkita-kita para sa isang maliit naㅡ"
"ㅡayos lang. Basta 'wag kang aabutin ng gabi sa daan. Hindi kita masusundo bukas dahil may meeting ako saㅡ"
"ㅡSehun. . ." Hinawakan niya iyong kamay ko. "Hindi lang kasi isang araw iyon eh. Dalawang araw kaming magbabakasyon sa Tagaytay."
Napakunot naman ang noo ko. "Required bang pumunta?" Kinagat niya iyong ibabang labi niya at umiling. "'Wag ka nalang pumunta. Dalhin nalang natin si Andy saㅡ"
"ㅡSehun, kasi ngayon lang ulit kami magkikita simula noong nagkahiwa-hiwalay kami. Gusto ko rin sanang isama si Andy dahil matagal ko nang naiku-kwento sa kanila na may anak na ako."
This time ako naman iyong napakagat ng labi. Ayaw ko talaga na nalalayo si Andy sa akin at ngayon, alam kong ganito ang pakiramdam ko dahil mag-ina ko na iyong ayaw kong malayo sa paningin ko. "Gusto mo ba talaga?"
Tumango siya. "Pero kung ayaw mo naman, ayos lang naman sa akin?"
Napatawa nalang ako ng bahagya at niyakap siya. Hindi lang halata pero mahilig talaga akong mangyakap. "Sige. Basta i-promise mo sa akin na mag-iingat kayo ni Andy doon. Gusto ko balitaan mo ako kung anong ginagawa niyo. Hindi mo naman dapat ibalita lahat ng kilos niyo, ang gusto ko lang ay masigurado kong safe kayo."
"Sige. Salamat," naramdaman kong ibinaon niya iyong mukha niya sa dibdib ko. "Thank you talaga!"
Tumango ako. "At ako ang susundo sa inyo. Kung kaylangan kong bumyahe ng ilang oras papunta sa Tagaytay, gagawin ko. 'Wag kayong aalis ng Tagaytay hangga't wala ako, okay?" At hinalikan ko ang ulo niya.
a/n: so sorry for bombarding your notifications with my stories again. i'm on a huge reconstruction of all stories i've written. again, i hope you'll forgive me with that. love lots.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro