Ikalabing-isang Kabanata
"My, palagi po akong pinapaiyak ni Dy," napairap nalang ako nang madatnan kong nag-uusap ang mag-ina ko sa kwarto nila. Iniwan ko lang sila saglit para kumuha ng maiinom, ganito na agad aabutan ko pagbalik ko? "Palagi niya po akong inaaway. Kahit itanong niyo pa po sa mga hyung namin!" Nakapout niyang dagdag.
Nginitian naman ni Jiyoon iyong anak namin at isinantabi iyong mga damit na tinitiklop niya. Tinapik niya iyong hita niya para maupo si Andy doon at bahagyag ginulo ang buhok ng anak namin. "Baka naman kasi pasaway ka sa Dy mo kaya palagi kang pinapagalitan. Hindi naman magagalit sayo ang Dy mo kung hindi mo siya susuwayin, eh."
"Pero, My!" Napabuga ng hangin si Andy at humalukipkip. Nagpapaawa na naman kay Jiyoon. Simula noong dumating si Jiyoon dito, pakiramdam ko nakalimutan na kami ni Andy. Pero naiintindihan naman namin nila hyung kasi sabik talaga si Andy sa ina at sa babae. Puro lalaki kasi kami rito. "Karapatan ko pa rin pong maging makulit kasi baby pa po ako!"
Natawa ng mahina si Jiyoon at saglit na nagtama iyong mga mata namin. Sinenyasan ko siya na ituloy lang ang usapan nila. First time ko kasing marinig na masinsinang makipag-usap si Andy. "Nako. Lagot ka sa Dy mo kapag nalaman niya itong mga sinasabi mo. Ikaw talaga oh. Sabi sa akin ng Dy mo palagi mo raw sinasabi sa kanila na big boy ka na. Bakit baby na naman tawag mo sa sarili mo?"
Bumungisngis si Andy at napatakip ng bibig. Ayan na naman siya. Kapag talaga nabibisto siya at napapahiya wala siyang ibang ginagawa kundi bumungisngis. "Hindi po magagalit si Dy sa akin. Love na love po ako ni Dy eh!"
"Paano mo naman nasabi?" Tinignan ako ni Jiyoon saglit. Para bang sinasabi niya na maging attentive ako sa susunod na sasabihin ng anak namin. "Nasabi mo na ba sa Dy mo na mahal mo siya?"
"Opo! Pero kasi palagi niya lang po akong binabara kapag sinasabi ko iyon. Alam ko pong love ako ni Dy kasi kahit po matigas ang ulo ko ay hindi niya ako iniiwan. Kahit na po palagi niya po akong tinatakot na papalayasin niya ako sa bahay ni Suho hyungㅡMy, sa bahay po ni Suho hyung, ha! Hindi po ni Dy!ㅡhindi niya naman po ginagawa," nanlalaki iyong butas ng ilong ni Andy habang sinasabi niya iyong parte na pinapalayas ko siya. Loko-loko talaga. "At saka, kahit na palagi niya po akong pinapaiyak, palagi naman pong may gift sa akin si Dy kapag tumitigil ako kaya ayos lang po sa akin na sipunin kakaiyak!" Napatawa na rin ako ng mahina. Ang dami talagang kalokohan sa katawan ni Andy. Manang-mana sa akin.
"Kamusta naman si Sehun bilang Dy mo?" Out of the blue na tanong ni Jiyoon habang hinihimas iyong buhok ng anak namin. Agad naman akong natigil sa kinatatayuan ko. Bakit bigla niyang natanong iyon? Kukunin niya ba si Andy kapag nalaman niya kung paano ko pinalaki iyong anak namin?
"The best Dy po! Ang swerte ko po kasi tatay ko si Sehun! Iyong cool na member ng EXO! Iyong Dy na walang katulad sa universe!" Inilahad ni Andy iyong mga bisig niya sa ere bilang pagpapakita ng universe. "At saka, pinalaki po nila ako ng maayos. Kahit na po puro kami lalaki sa bahay, nandiyan naman po si Kyungsoo hyung na nagsilbing Mama ko kasi siya po lagi nagluluto ng breakfast ko. Minsan din po siya na rin iyong naghahanda ng baon ko. Si Baekhyun at Chanyeol hyung naman po iyong pangalawang magulang ko kasi sila madalas nag-aalaga sa akin. Minsan din po sila iyong nagsusundo sa akin."
"Si Suho hyung naman po iyong palaging sumusuway kay Dy kapag pinapaiyak niya po ako! Favorite hyung ko rin po siya kasi palagi siyang may uwing pasalubong sa akin! Si Umin hyung naman po iyong laging nagtitimpla ng gatas ko. Minsan po kapag hindi ako makatulog, binabasahan niya po ako ng mga books na uwi ni Suho hyung hanggang sa pumikit mga mata ko. Si Chen hyung naman po. . ." Napatigil siya at napakamot ng ulo. Nako. Ano na naman sasabihin nito? "Wala po akong maalalang magandang ginawa niya para sa akin," napasapo nalang ako ng noo. Lintek na iyan.
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ni Jiyoon. Base sa expression ng mukha niya, halatang malungkot siya. Siguro kasi nalulungkot siya dahil hindi niya nasubaybayan ang paglaki ng anak namin. Siguro kasi nalulungkot siya kasi iyong mga ginagawa nila hyung para kay Andy ay siya dapat ang gumagawa noon pa man.
"Joke lang po!" Nag-peace sign si Andy. "Siya po madalas ang bantay ko kapag iniiwan ako ni Dy dito sa bahay. Palagi niya po akong dinadala sa bahay nila Aioffe tapos doon po kami naglalaro! Si Kai hyung naman po? Matiisin. Iyon lang po kasi palagi po akong nagpapasaway sa kanya. Sabi po kasi ni Dy lagi ko raw bwisitin si Kai hyung kasi pasarap sa buhay! Ano po bang ibig sabihin ni Dy doon?" Haynako. Lahat na ng sinasabi ko sinabi niya sa nanay niya.
"Hindi ko rin alam sa Dy mo," napatingin sa akin si Jiyoon, hindi ko maiwasang mapakamot ng batok sa hiya. Daldal kasi ni Andy. "Ano bang favorite mong food? Para alam ni My."
"Chicken po! Parehas po kami ni Kai hyung! Palagi niya po pala akong nililibre ng chicken! Iyon po iyong silbi niya sa akin, My! Ikaw po ano pong favorite niyo?" Ang sarap lang panoorin na nagkakasundo iyong mag-ina ko.
"Chicken din," napangiti ako. Mana si Andy kay Jiyoon sa part na iyan. Hindi kasi ako mahilig sa chicken dahil masiyadong mamantika kaya 100% sure ako na kay Jiyoon namana ni Andy iyang ugali na iyan. "Bakit hindi ka dinadala ni Dy mo sa work niya?"
Napanguso si Andy. Naalala niya siguro iyong rason bakit hindi ko na siya dinadala sa shop ko. Parati ko siyang dinadala dati kaso sa sobrang kulit, syempre bata, ayun, nawala sa Ayala. Halos mawalan ako ng dugo sa katawan noong panahon na iyon. Mga three years old palang siya noon at masiyadong natutuwa sa atmosphere sa Ayala Triangle kaya naglibot-libot mag-isa ng hindi ko alam.
"Nawala po kasi ako sa malapit sa Ayala Triangle dati," pinaglaruan niya iyong mga daliri niya at yumuko. "Simula po noong nangyari iyon, hindi na po ako dinadala ni Dy sa shop. Malikot daw po kasi ako."
Naalala ko pa iyong panahon na iyon. Napalayo ang loob ni Andy sa akin. Nagtampo siya sa akin noong sinabi kong hindi na siya makakasama sa akin. Mga isang linggo niya rin akong hindi pinansin. Akala niya kasi nagalit ako sa kanya kaya pinagbawalan ko na siyang sumama sa akin. At saka nga pala, hindi ko rin siya pinayagang lumabas ng bahay sa loob ng tatlong araw noon para matuto siya. Tignan niyo, hindi na bumibitiw sa akin kapag umaalis kami. Takot lang niyang ikulong ko siya sa bahay. Kahit anong pakiusap sa akin nila hyung noon, hindi ko sila pinapakinggan. Gusto ko kasi bata palang si Andy ay matuto na siya maging responsable at disiplinado.
"Sigurado akong ginawa ng Dy mo iyon para sa sarili mo rin," napatingin si Andy kay Jiyoon, hindi niya siguro inaasahan iyong mga ganitong salita. Kapag kasi sila hyung iyong nakakausap niya dati tungkol dito, palagi na lang siyang sinasabihan na intindihan na lang ako. Iba pala talaga kapag kasama ang ilaw ng tahanan. Namiss ko tuloy si Mama. "Naniniwala akong darating iyong araw na dadalhin ka ulit ng Dy mo sa shop niya at sana when that time comes, 'wag mo na ulit sisirain iyong tiwala sayo ng Dy mo na hindi ka na maglilikot. Ayos ba?" Tumango si Andy. "Gusto ko sumagot ka. Malay mo marinig ng Dy mo tapos dalhin ka na niya ulit doon bukas na bukas," napatingin sa akin si Jiyoon at nginitian ako.
"Opo, My. Sana nga po dalhin na ulit ako ni Dy sa shop niya," napangiti ulit ako. Mabuti pa kapag si Jiyoon ang kausap ni Andy para siyang maamong tupa, kapag ako, nagbabangayan pa kami.
"Sehun, dadalhin mo na naman ulit si Andy sa shop diba?" Napatayo ako ng diretso at sinubukang hindi matapon iyong meryenda sa tray nang bigla akong tinawag ni Jiyoon at lumingon si Andy. "Diba?" Pag-uulit niya.
"Dy? Kanina ka pa po diyan?" Nakakunot ang noong tanong ni Andy.
"Opo," pumasok ako at nilagay sa bedside table iyong tray. Naupo ako sa tabi ng mag-ina ko at nginitian si Andy. "Sige. Dadalhin kita sa shop bukas kasama ang My mo."
"H-huh? Hindi na kaylangan, Sehun! Baka makita ako ng mga fans at magkagulo lang sa shop!"
Umiling ako. "Matagal na rin naman nilang hinahanap ang Mommy ni Andy base sa mga kwento sa akin ng kahera sa shop. In fact, tinutulungan nila kami nila hyung na hanapin ka. Unfortunately, nasa kabilang dako ka pala ng mundo kaya hindi ka nila makita," I chuckled.
"Ganoon ba?" Napakamot si Jiyoon ng ulo. "Sige. Sasama ako."
"Yey! Family day po natin bukas?" Masayang tanong ni Andy.
Nagkatinginan muna kami saglit ni Jiyoon bago tumango sa anak namin. "Sige ba."
-
-
Byun Baekhyun.
Nakanguso lang ako habang hinihintay na matapos si Chanyeol sa niluluto niyang sandwich para sa akin. Naiinggit ako kay Sehun. Ang saya nilang tatlo nila Jiyoon kanina. Gusto ko rin ng sarili kong pamilya. Iyong mas magiging dahilan bakit mas gugustuhin kong umuwi dito sa bahay na ito. At saka para may kalaro na rin si Andy hindi puro si Chen lang iyong nakakasama niya. Nagiging malakas saltik ni Andy kapag naiiwanan kay Chen.
"Tadaaa!" Proud na pinakita sakin ni Yeol iyong niluto niya. Kung hindi siguro ako nagmamaktol ngayon, baka naglaway na ako dahil sobrang savoring ng niluto niya. Tingin palang masarap na, paano pa kaya kapag tinikman ko na? "Oh, bakit ka nakasimangot?"
"Wala. . ." Pag-iwas ko ng tingin. Alam ko kasi na once na magtama muli ang mga tingin namin, ipagpipilitan niya na malaman iyong totoong rason. Kinuha ko na lang iyong mini bite size na sandwich. Wala talaga akong appetite ngayon. "Thank you dito, Yeol."
Naramdaman ko nalang ang kusang pagtaas ng baba ko dahil hinawakan ito ni Chanyeol. Maingat niyang hinaplos ng isa niyang kamay iyong pisngi ko at pinunasan iyong dumi ata sa gilid ng labi ko. "Ano nga, Baek?"
Swerte ko talaga sa lalaki na ito. Kahit anong moody ko hindi niya ako sinusukuan. Minsan nasisigawan ko na siya pero kasing haba ata ng legs niya iyong pasensiya niya kaya natatagalan niya ako. Nakakabilib din. Kaya mahal na mahal ko ito eh.
"Naiinggit lang ako," hindi ako makatingin sa kanya. Kung tutuusin kasi nakapababaw lang naman ng rason ko. At alam kong malayo sa katotohanan na magkakaroon kami ng sariling pamilya ni Chanyeol. Iyong galing sa sariling laman at dugo namin. "Ah, wala! Hayaan mo na ako. Wala lang ito," pinilit kong ngumiti pero napangiwi si Chanyeol. Siguro nahalata niyang hindi sinsero iyong ngiti ko.
"Naiinggit kanino? Hindi ba't dapat ang mga tao sa paligid natin ang mainggit sayo dahil boyfriend mo ako?" Napangisi ako sa sinabi niya. Yabang talaga! "Oh. 'Wag mo ng pigilan iyong tawa mo baka mautot ka. Nako mabaho iyan panigurado."
"Ewan ko sayo!" Hinampas ko siya sa dibdib pero kalaunan ay sinandal ko rin iyong ulo ko doon at nagsimulang iguhit iyong hintuturo ko. "Yeol, ni minsan ba pumasok sa isip mo na magkaroon ng sarili pamilya?"
Naramdaman kong ipinatong niya iyong baba niya sa ulo ko at iyong mga kamay niya ay pumulupot sa baywang ko. Ang bango talaga nitong lalaki na ito. Kaya kahit may stiffed neck ako paggising, nagtitiyaga akong gawing unan iyong dibdib niya. "Oo naman. Bakit?"
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nakakalungkot. Sorry, Yeol. Hindi ko kayang ibigay iyong gusto mo. Gustuhin ko man pero hindi naman talaga pwede. "Wala lang. . ."
"Kung iniisip mong iiwan kita dahil hindi mo ako mabibigyan ng Chanyeol liit, mali ka ng inaakala," hinalikan niya iyong buhok ko at bahagya akong napapikit doon. Mabuti nalang at sapat iyong taas ng stool para makapantay ko iyong dibdib ni Chanyeol habang nakaupo. "Ang pinapangarap kong pamilya ay iyong ikaw ang uuwian ko. Hindi mahalaga sa akin kung hindi ako magkakaanak. Basta alam kong magiging asawa kita, sapat na iyon Baek. At saka pwede naman tayong mag-ampon kung gusto mo. Kaso kaylangan muna nating hingiin ang permiso ni Suho hyung. Hindi ko ata maimagine na magkakaroon ng dalawang batang makulit dito. Si Andy palang ang sakit na sa ulo, sama na natin iyong tatay niyang malakas din ang topak minsan," natawa nalang ako. Palagi nalang akong pinapatawa nitong lalaki na ito. Kaya sobrang hulog na hulog ako, eh. "Kung mag-aampon tayo at pinayagan tayo ni Suho hyung, anong bata ba gusto mo? Babae o lalaki?"
"Gusto ko sana ay babae," napangiti ako. Maraming bagay agad ang pumasok sa isip ko. Siguro kapag nag-ampon kami ni Chanyeol ay titigil na ako sa pagtatrabaho para maging full time sa kanila ng anak namin. Gusto ko ako iyong maghahanda ng pagkain nilang dalawa at ihahatid ko sila sa pintuan ng tanaw kapag papasok na sila sa school at pagdating naman ng dapithapon, hihintayin ko silang dumating sa bahay. Ang saya lang diba?
"Sige," tumango si Chanyeol at kumalas ako sa pagkakayakap. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka at agad naman niyang pinitik ang noo ko. "Bakit ganyan ka makatingin?"
"S-sige? Ibig bang sabihinㅡ"
"ㅡoo. Payag akong mag-ampon tayo pero kakausapin ko muna si Suho hyung. Panigurado namang papayag iyon, siguro titiyempuhan ko nalang na nasa mood siya para hindi na niya ako pagsabihan pa ng mga dapat at hindi dapat gawin."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla kong hinila ang mukha ni Chanyeol. Mariin ko siyang hinalikan kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko. "Salamat, Yeol! You don't know how much you've made me happy with this decision! Thank you!"
"Anything for you, Baek."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro