Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-dalawang Kabanata



Nagising ako nang maramdaman kong parang mabigat iyong katawan ko. Pagdilat ko ng mga mata ko, akala ko nakahiga sa ibabaw ko si Andy pero wala naman. Saglit akong nanatili sa kama dahil biglang umikot iyong paningin ko. Ano ba ito? Bakit parang hindi maganda iyong nararamdaman ko?

"Mama!" Sigaw ng isang hindi pamilyar na boses ng batang babae.

Pagtingin ko sa cellphone ko na nakalagay sa bedside table, napabalikwas ako ng makita ko kung anong oras na. Hala! Alas dose na ng tanghali at may pasok si Andy ngayon! Kaya kahit na masakit iyong ulo ko ay pinilit ko pa ring bumangon.

Nadatnan kong may isang batang babae na nakaupo sa couch. Akala ko pa nga si Aioffe pero maikli iyong buhok ng bata na ito at hindi rin kulot iyong dulo. Naglakad ako papunta sa likod niya habang nakasuporta iyong dalawang kamay ko sa couch. Maingat akong naglalakad para hindi niya ako mapansin pero nagulat ako nang bigla siyang lumingon.

"Hello po!" Nakangiti niyang sabi na para bang alam niyang nasa likuran niya ako. "Mabuti naman po at gising na kayo! Ako nga po pala si Denise."

"H-hello? Pero anong ginagawa mo dito sa bahay namin?"

Bago pa man makasagot si Denise ay bigla nalang sumulpot si Baekhyun hyung sa harapan namin habang dala-dala iyong tray ng pagkain. "Uy! Gising ka na!" Nagulat niyang sabi at ibinaba iyong dala niya. Maingat niya akong inalalayan papunta sa couch na para bang anytime ay pwede akong mabasag. "Kamusta na pakiramdam mo? Tatlong araw kang tulog, Sehun!"

"H-huh?"

"Hindi mo man lang sinabi sa amin na inaapoy ka na pala ng lagnat! Mabuti nalang at binisita ka ni Jiyoon sa kwarto mo noong isang araw dahil alas dose na hindi ka pa lumalabas!"

Ako? Tatlong araw ng tulog? Posible ba iyon?

"Denise, anak, halika nga rito. Pupunasan ka ni Mama ng pawis," saad ni Baekhyun hyung.

"Anak mo siya, hyung?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa batang si Denise. "Kanino?"

"Anong kanino?!" Hinampas ako ni hyung ng towel. "Baliw ka! Mahabang kwento kasi. Kasalanan mo kung bakit ka outdated. Matulog ka ba naman ng tatlong araw, eh!" Napanguso nalang ako. "Anyways, anak namin ni Chanyeol si Denise. Inampon namin siya. Iyong araw na natagpuan ka ni Jiyoon na inaapoy ng lagnat sa kwarto mo ay iyong araw din na dumating si Denise dito."

Napatango nalang ako habang tinitignan si Denise. Mukha namang mabait iyong bata. Friendly pa. Close na kaya sila ni Andy? "Hyung. . ." Napatingin si Baekhyun hyung sa akin. "Nasaan iyong mag-ina ko?"

"Ah. . Si Jiyoon nasa school at binabantayan si Andy. Siya palagi iyong naghahatid at sundo sa anak niyo. Mabuti nalang at marunong mag-drive si Jiyoon kaya nagagamit nila ni Andy boy iyong Montero mo. Mabuti na rin at gising ka na. Ilang araw ka ng hinahanap ng anak mo! Hindi namin pinaalam iyong sitwasiyon mo dahil ayaw naming mawala si Andy sa focus sa pag-aaral. Sinabi nalang namin na may biglaang conference meeting ka sa Ayala kaya hindi ka nakakauwi ng bahay."

Tumango nalang ako at naglakad palabas ng bahay kahit medyo masama pa iyong pakiramdam ko. Hindi ko pa rin masikmura iyong katotohanan na tatlong araw na pala akong tulog. Kaylan pa naging ganito kahina ang immune system ko?

Nakatingin lang ako sa kawalan nang bigla ko na namang naramdaman na umiikot iyong paningin ko. Mabuti nalang at napasandal ako sa porch ng bahay kaya hindi ako natumba ng walang kamalay-malay.

Pumukaw ng atensiyon ko ang bagong dating na itim na Montero Sport sa gilid ng kalsada at alam kong ang mag-ina ko iyon. Tumama lalo ang hinala ko nang biglang bumukas ang driver's seat at bumaba si Jiyoon na nabigla sa pagkakakita sa akin sa kinauupuan ko.

"Sehun!" Natataranta niyang sabi. Hindi niya alam kung sino ang uunahin niya. Kung ako ba na mukhang hihimatayin na sa pamumutla o iyong anak namin na nagbabadiyang tumalon mula sa passenger's seat. "Saglit lang, ha?!" Tumango ako.

Napangiti nalang ako nang makita ko si Andy. Mukhang hindi niya pa ako napansin dahil busy siya sa pag-aayos ng bag niya na bahagyang nakabukas.

"Pst! Sehun liit," mahina lang pero sapat na iyong lakas para marinig ni Andy. Napatingin siya sa akin at bigla namang sumigla ang mukha niya. "Hi. . ."

"Daddy ko!!!!" Masayang sambit niya at tumakbo sa gawi ko. Muntik pa kaming bumagsak dahil sa force ng pagtakbo niya. "Buti naman po umuwi na kayo!"

"Miss ko na si Sehun liit ko, eh," ginulo ko iyong buhok niya. Sa loob ng tatlong araw na pagtulog ko, may nagbago agad kay Andy. Bagong gupit siya at mas lalo siyang gumwapo ngayon. "Sino nagpagupit sayo?"

"Si My po!" Hinatak niya si Jiyoon sa tabi niya. "Sorry po kung hindi na po kita nahintay na umuwi, Dy. Kaylangan daw po kasi na maayos ang buhok sa school dahil may hair cut inspection this week," binulong niya pa iyong huling sentence sa akin.

"Ayos lang," sinubukan kong tumayo pero muntik na akong tumumba. Mabuti nalang at naalalayan ako ni Jiyoon. "Salamat," I murmured.

"Yieeee. Si Dy at si My, oh!" Nang-aasar na sabi ni Andy at tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Naiwan kaming dalawa ni Jiyoon dito habang nakadepende iyong kamay ko sa braso niya. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't-isa, walang balak na putulin iyong eye contact namin. Not until Jiyoon decided to pinch me on my waist.

"Sehun, bakit hindi mo sinabi sa akin na may nararamdaman ka pala?" Puno ng pag-aalala iyong boses niya.

Napakamot nalang ako ng batok. "Pasensiya na, Jiyoon. Hindi ko rin kasi alam na may sakit ako that time. Did I made you worried?"

Tumango siya and for an instant, biglang nagtubig iyong mga mata niya. "Nakakainis ka naman, eh! Pinag-alala mo kaming lahat! Akala namin patay ka na dahil hindi ka kumikilos kahit anong gawin naming yugyog sayo. 'Wag mo na uulitin iyon, ha?!"

Natatawa ko siyang hinila at niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang naramdaman iyong urge na gawin ito. "Salamat."

"Ewan ko sayo!" Bahagya niyang sinusuntok iyong dibdib ko pero tumigil din kalaunan. Naramdaman kong kusang sumandal iyong ulo niya sa dibdib ko. "Kamusta na? Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Medyo nahihilo at nanghihina pa ako. Must be the after effect of what happened to me. Don't worry, gagaling na rin ako in a few days," I assured.

True to be told, gumaling nga ako pagkalipas ng tatlong araw. Bumalik na ulit ako sa dati kong postura at nakikipagbangayan na ulit ako sa anak ko. Tahimik lang akong nanonood ng TV sa sala nang biglang dumating si Aioffe, bitbit ang isang kulay violet na box na mukhang ang laman ay bahay-bahayan.

"Tito Sehun, where's Andy po?"

"Nasa kwarto nila Baekhyun hyung. Bakit?" Napangiti ako nang biglang lumapit sa akin si Aioffe at hinalikan ako sa pisngi. Ang lambing talaga nitong bata na ito.

"He's not showing up his face to me anymore!" She pouted. "Did he already found another playmate that's more fun than me?"

Umiling ako. Hindi naman sa ayaw ng kalaro ni Andy si Aioffe. Iyong makulit ko kasing anak, tuwang-tuwa kay Denise. Kulang na nga lang tumabi siya kela Baekhyun hyung sa pagtulog, eh.

"You see. . ." Sinuklay ko iyong buhok niya gamit iyong mga daliri ko. "May bago kasi kaming baby dito sa bahay."

"Really po?! May younger brother na po si Andy?!"

"Hindi, ah," natatawa kong sagot. Kinilabutan ako doon sa sinabi ni Aioffe ng bahagya. "Si Chanyeol at Baekhyun hyung kasi ay nag-ampon ng batang babae at si Andy iyong naging kalaro niya rito dahil busy iyong mga parents ni Denise. At saka busy din si Andy sa school. Hindi ba kayo nag-uusap sa school?"

"Hindi niya po ako kinakausap!" Pagsusumbong ni Aioffe. "Hindi ko po alam kung anong ginawa ko para hindi niya ako pansinin!"

I chuckled. "Hayaan mo, kakausapin ko si Andy mamaya. Nga pala, bakit ka napunta dito?"

"I want to play with Andy po sana."

"Gano'n ba? Aalis kasi kami ngayon," ubos na kasi ang supply ng groceries namin dito at ako ang nakatoka para bumili ngayong month.

"Saan po kayo pupunta, Tito Sehun?"

"Supermarket. Kaylangan na kasi naming mag-grocery. You see, marami kami dito sa bahay kaya mabilis maubos iyong supplies namin," pagpapaliwanag ko. Lalo pa ngayon't nadagdagan kami ng kasama sa bahay. Bali 11 na kami dito sa mansion ni Suho hyung. "Ganito na lang. . ." Naupo ako sa lapag para makapantay ko si Aioffe. "Sama ka nalang sa amin?"

"Really po?!" She beamed and then I nodded in response. "I would love to go po, Tito Sehun! Yehey!" Tumalon-talon pa siya. "I heard po you got sick before, are you okay na po?"

"Oo," I smiled. "Kanino mo nalaman?"

"Kay Tito Chen po! He visited me yesterday and he said what happened to you. My bad I wasn't able to pay you a visit po," she smiled cutely.

"It's okay, I understand naman," napapasavak ako sa English dahil dito sa bata na ito! Mas naging fluent magsalita! "Besides, it's better that you didn't went. I don't want you to get sick because of me."

"I won't get sick po! Si Andy nga po hindi nahawa sayo."

"It's because he didn't know that I was sick for three days. He just know na may conference meeting ako sa Ayala that's why I'm not showing up to him."

"Gano'n po ba?"

"Oo."

-

-

"Ate Denise. . ." Hindi ako lumingon pero bahagya kong nakita sa peripheral vision ko si Andy na nagtatago sa likod ni Denise. "Tago mo ako sa likod mo. Andiyan si Aioffe, eh."

"Huh? Bakit naman? She seems nice naman, ah?" Nagtatakang tanong ni Denise pero sinunod pa rin si Andy. Mas matangkad at mas matanda kasi si Denise ng isang taon kay Andy base sa kwento sakin ni Jiyoon kagabi.

"Tito, can I go upstairs po and play with Andy and Denise?" Aioffe asked. Hindi niya pa siguro nakikita iyong dalawa dahil nakatalikod siya sa kanila.

"Actually, it's Ate Denise, Aioffe," I instructed. "She's a year ahead from you and Andy."

"Okay po. Can I go and play with them?" Aioffe asked again.

"Hello, Aioffe!" I heard Andy snickered when Denise shouted from upstairs. "Hinahanap mo ba si Andy? Nandito siya sa likod ko!" Sabay alis para makita ni Aioffe si Andy na nagtatago sa likod ni Denise.

"Why were you hiding from me? Galit ka ba sakin, Andy?" Aioffe asked and I can sense na medyo malungkot siya dahil sa pag-iwas ng anak ko.

"Hindi naman. . ." Napanguso si Andy at niyaya ang Ate Denise niya na bumaba. The moment they arrived in our destination, umupo si Andy sa tabi ko.

"Then why are you hiding from me?"

"Hindi ko rin alam. . ."

"Do you hate me?"

Tahimik kaming natawa ni Denise sa drama nitong dalawa. Ang daming alam!

"Hindi rin. . ." Nakakaintindi na rin si Andy ng English pero hindi pa siya gano'n kafluent magsalita katulad ni Aioffe.

"Then why?!" She chirped in. "I don't get you! Why were you hiding from me? Ni hindi mo na rin ako kinakausap sa school! Is it because of the attention you're getting sa room natin?"

"Hindi, ah!" Andy said in defense.

"Andy, ano ba? Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa babae? Tinatanong ka ng maayos ni Aioffe. You should answer her with sufficient answers."

"Hindi naman kasi kita iniiwasan, eh. . ." Andy fidgeted, nakayuko lang siya na parang kaawa-awang tupa. "It's because I was told to stay away from you. . ."

"Sino? And why are you obeying that person?! Akala ko ba best friends tayo?"

"Tito Sehun, alis po muna ako," tumango nalang ako kay Denise dahil narinig ko rin na tinatawag siya ni Baekhyun hyung. Nako talaga. Kung anu-ano na naman gagawin niya sa anak niya.

"Si Paopao. Sabi niya layuan daw kita kasi crush ka niya. Kasi palagi nalang daw ako ang kinakausap mo kaya hindi mo siya napapansin," sa pagkakatanda ko, iyong Paopao ay iyong kaklase niyang malaki. As in malaki kung ikukumpara sa kanila na kaedad lang naman niya. "Ayaw ko naman na mapaaway ulit. Magagalit Dy ko."

"Paopao's annoying that's why I'm not talking to him! Besides, no one can stop me from talking to you!" Aioffe screamed.

Nag-eenjoy akong panoorin iyong drama nitong dalawa. Panigurado kung nandito si Chen hyung? Inasar niya na sila na parang love birds. Mukha naman kasi talaga, eh. Kung hindi lang talaga mga seven years old itong mga ito.

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

"Alam niyo, tama na iyan," pagsingit ko. Hinawakan ko si Andy sa kanang kamay ko habang sa kaliwang kamay naman si Aioffe. "Punta nalang tayo sa mall. Nandoon na si Jiyoon, eh."

"Dy, magfa-family day po tayo nila My?" Andy asked in excitement.

I shrugged. "Wala naman tayong ginagawa dito. Sunduin nalang natin Mommy mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro