Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-dalawampung Kabanata



Maaga akong nagising dahil hindi talaga ako makatulog simula palang noong umalis si Jiyoon ng kwarto ko na may malaking ngiti sa mukha niya. Ewan. Naloloko na ako sa sarili ko! Hindi ko naman kayang hindian si Jiyoon kagabi dahil halata sa mukha niya iyong lungkot noong sinabi kong 'wag na silang sumama ni Andy. At saka gusto ko rin na magkaroon ng moments iyong mag-ina ko ng hindi ako kasama. Actually kahit kasama naman ako, binabalewala lang ako ng magaling kong anak.

Hindi rin ako natulog sa tabi nila. Hindi na nasundan iyong gabi na tabi-tabi kaming natulog dahil naiinis din ako sa mga expression sa mukha nila hyung at Kai tuwing nakikita nila na pumapasok ako sa kwarto ng mag-ina ko. Nakakainis! Sabi ng 'wag nila kaming tutuksuhin dahil mabilis kaming mailang ni Jiyoon sa isa't-isa eh! Minsan hindi ko na alam kung ako pa rin ba iyong pinakabata sa amin kasi mas isip bata sila sa akin! The more na sasabihin kong 'wag nilang gawin ang isang bagay, mas lalo lang nilang ginagawa iyon. Miski si Kyungsoo at Xiumin hyung nahawa na sa kaabnormalan nila Chen, Baekhyun, at Chanyeol hyung eh!

"Aga nagising ah? Ikaw ba toka ngayon sa pagluluto?" Napalundag ako mula sa pagkakaupo nang biglang tumabi si Kai sa akin, hawak-hawak ang isang baso ng gatas.

Napaikot ako ng mata at humigop ng gatas ko. "Gusto mo bang masunog itong bahay ni Suho hyung?"

Naalala ko noong unang beses na nangahas akong makielam sa kusina ni Kyungsoo hyung. Oo, kahit si Suho hyung na mismong may-ari ng bahay, walang karapatan sa kusina dahil si Kyungsoo hyung ang hari sa lugar na iyon. Back to the topic, that time, sinubukan kong magluto dahil bandang alas-dose noon nang biglang kumalam ang sikmura ko. Wala namang natirang ulam noon dahil masarap ang ulam namin noong gabi na iyon, pero gabi-gabi namang masarap ulam namin. Siguro nasaktuhan lang na gutom kaming lahat kaya simot iyong kawali, miski kanin ay ubos. Nakakita ako noon ng itlog at sa tingin ko that time, iyon ang pinakakaya kong lutuin.

Nabuksan ko naman ng maayos iyong stove at nakapaglagay ako ng tamang dami ng olive oil sa pan. Kaso noong nailagay ko na ang nabasag na itlog, biglang tumalsik ng tumalsik iyong mantika at topless ako noon. First time ko ring magluto kaya nabigla talaga ako sa pagtalsik ng mantika. Hindi ko rin nahinaan iyong apoy dahil sobrang abala ako sa pag-inda ng hapdi ng talsik ng mantika sa katawan ko. Kaya ayon, nasunog iyong itlog at malakas ang pang-amoy ng mga hyung ko kaya nagising sila. At inabot kami ng isang oras dahil isa-isa nila akong sinermunan, miski si Kai! Ang kapal lang ng mukha!

Biglang nangasim iyong mukha ni Kai. Siguro naalala niya rin. "Nako! Ako nalang magluluto. Ano bang gusto mo?"

"Nagsalita. Hindi ka rin naman marunong."

"At least hindi pa ako nakakasunog ng niluluto ko!" Napatahimik ako. Masakit mang aminin sa part ko, totoo. Hindi man kasing sarap ng luto ni Kyungsoo hyung iyong mga luto ni Kai, mas magaling siya sa akin dahil hindi siya takot sa mantika. Kasalanan ko bang sensitive balat ko?! "Aminin mo, Sehun!"

"Oo na, oo na," at pilit kong tinatabig iyong daliri niyang sinusundot iyong tagiliran ko. "Tigilan mo nga ako! Para kang baliw!"

"Sus!" Napanguso siya. "Naglalambing lang naman ako sayo. Miss na kita eh. Hindi na tayo gano'n kaclose."

"Seryoso ba, Kai?" Tumango siya. "Ano ba. Hindi ako sanay na ganito tayo mag-usap," napakamot ako ng batok.

"Kasi palagi tayong nagsisigawan?" Napatango ako. "Gano'n ata kasi talaga kapag magka-edad, palaging nag-aaway."

Napangisi ako. Pero bakit sila Chen, Baekhyun, at Chanyeol hyung nagkakasundo sa kalokohan nilang tatlo? Ni minsan hindi ko pa sila nakitang nag-away eh. "Eh bakit sila Chen, Chanyeol, at Baekhyun hyung?"

"Iba naman sila eh."

"Paanong iba?"

"Pare-parehas silang maloko. Ay ewan. Basta. Parang pare-parehas kasi takbo ng utak nilang tatlo," napatango nalang ako. Mahirap lang talaga sigurong sabihin ang katotohanan na mga isip bata sila hyung.

-

-

"Pasalubong ko ah?" Tumango naman si Andy at hinalikan na naman ako sa pisngi. Excited na excited siya dahil ngayon lang siya aalis papunta sa malayong lugar kasama si Jiyoon. "'Wag kang magpapasaway sa My mo doon ha?"

"Opo!" Napangisi na naman si Andy. "Dy naman, ang daming bilin eh!" At kinamot niya iyong ulo niya. "Hindi ko po papabayaan si My doon."

"Dapat lang," ginulo ko iyong buhok niya at hinila siya para mayakap. Napansin kong mas tumaba si Andy ngayon. Hiyang sa pag-aalaga ni Jiyoon. Dati naman healthy na siya pero kasi iba ngayon. Mas lalong gumanda ang hubog ng katawan ng anak ko. "'Wag kang magpapalapit ng ibang lalaki sa My mo, ha?"

Tumango-tango si Andy. Wala pa kasi si Jiyoon dito sa sala kaya nakakapag-usap kami ng tungkol sa kanya. "Yiiie si Dy! Mahal na mahal si My!"

"Ayaw mo ba?" Napanguso ako.

"Gusto ko po! Sana magkaroon na po ako ng baby sister or brother!" Namula naman ang pisngi ko. Nitong mga nakaraang araw parang gusto ko na rin magkaroon ng kapatid si Andy pero syempre nirerespeto ko pa rin si Jiyoon dahil nagsisimula pa lang kami. "Matagal pa po ba akong maghihintay?"

Napakamot na naman ako ng batok. "Andy naman. . ."

"Joke lang, Dy! Tara po puntahan natin si My?" Pagyaya niya pero mabilis ko siyang inilingan dahil biglang tumunog iyong cellphone ko. "Ako nalang po susundo kay My!" At tumango ako.

Lumabas muna ako ng bahay para sagutin si Thunder. Bihira lang naman siyang tumawag sa akin kaya naninibago akong makita ang pangalan niya sa caller ID. "Thunder? Napatawag ka?"

"Sehun. . ." At sapat na iyon para maalarma ako. Palagi kaming nagbabangayan ni Thunder katulad ni Kai dahil sobrang komportable kami sa isa't-isa. "Ano kasi. . ."

"Nandiyan na naman siya?" Sapat na iyong buntong-hininga ni Thunder para masagot iyong tanong ko. "Sige. Maliligo lang ako tapos pupunta na ako diyan."

"Salamat, Sehun. Pasensiya na sa abala," wala sa sarili nalang akong tumango at tinapos iyong tawag.

Paglingon ko, nagulat ako nang makita si Jiyoon na nakatayo sa pintuan ng bahay habang nakakunot ang noo. Nginitian ko siya at paglapit ko sa kanya, binigyan ko siya ng halik sa pisngi. "Aalis na kayo ni Andy?"

"Oo. Akala ko ba ihahatid mo kami?"

Napakagat ako ng labi. "Jiyoon. . . Kasi. . . Ano. . ."

"Bakit?"

"May pupuntahan ako kaya hindi ko na kayo mahahatid sa Tagaytay," parang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib nang makita kong lumungkot iyong mukha ni Jiyoon. Promise ko kasi sa kanya na ihahatid ko sila ni Andy eh. "Babawi ako. Susunduin ko kayo."

Ngumiti siya ngunit alam kong peke iyon. "Ayos lang. Mag-iingat ka ha?" At tumango nalang ako bilang tugon. Badtrip. Wrong timing.

-

-

Jeong Jiyoon.

"Jiyoon noona!" Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang biglang bumulagta si Kai sa harapan ko dala-dala ang isang bagong pitas na pulang rosas mula sa garden ni Kyungsoo oppa. "Para sayo!"

Ngumiti ako ng tipid at nagpasalamat. "Baka magalit si Kyungsoo oppa kapag nakita niyang pinitas mo ang alaga niyang bulaklak?" Nonetheless, inamoy ko pa rin ito at natuwa naman ako dahil nag-effort pa talaga si Kai na lagyan ito ng pabango.

"'Di naman siguro. Favorite ako ni hyung eh!" Winiggle niya iyong kilay niya at naupo sa tabi ko. "Saan si Sehun liit?"

"Nasa kwarto namin. Sabi niya iidlip muna siya saglit at gisingin nalang siya kapag aalis naㅡ" napatigil ako sa pagsasalita nang makaramdam ako ng labing dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko si Sehun. "ㅡaalis ka na?"

"Oo. Ingat kayo ni Andy ha? Itext mo agad ako kapag nakaalis na kayo ng bahay," hinampas niya si Kai gamit iyong leather jacket niya. Mukhang hindi meeting ang appointment niya ngayon. "Hoy, Kai. Siguraduhin mong ligtas na makakaalis mag-ina ko rito ha!"

Mag-ina ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang turing sa akin ni Sehun ngayon. Aaminin ko, hindi naman talaga ako naghangad na itrato niya bilang asawa, wala akong intensiyon na maging asawa niya o ano, basta gusto ko lang ay mapalapit sa anak namin. Bonus nalang na nagkakamabutihan kami ng Daddy niya.

"Aray naman!" At ibinalik ni Kai ang mga hampas ni Sehun. Mga isip bata talaga. "Akala ko ba ihahatid mo sila sa Tagaytay? Eh bakit ka nagbibilin sa akin ngayon?! Nako! Lagot ka kela hyung! Saan ka na naman pupunta?" Hindi sumagot si Sehun bagkus parang nag-uusap ang mga mata nilang dalawa kaya napabuntong-hininga si Kai. "Sige na nga! Basta libre mo ako ng arcade ha?!"

"Oo na, oo na," pagtatapos ni Sehun. Ngumiti siya sa akin at hinalikan muli ako sa pisngi. Naging komportable na kaming maging affectionate sa harap nila pero hanggang kiss sa pisngi lang at yakapan. "Aalis na ako ha?"

"Sige. Ingat ka. . ." Mabuti nalang at naitago ko ang lungkot sa boses ko kaya hindi napansin ni Sehun iyon at mabilis na nagdiretso sa garahe para kunin ang sasakyan niya. Hinatid ko lang siya ng tingin dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko isa akong asawang nagtatampo.

"Hindi niya sinabi sayo ang tunay na dahilan bakit hindi niya kayo maihahatid, noona?" Napatingin ako kay Kai at tumango. Ginulo naman niya ang buhok ko at tipid na ngumiti. "Sige. Sasabihin ko sayo pero promise mo muna sa akin na gagawan mo ako ng favor."

"Basta kaya ko. Sige, promise," nag-pinky swear pa kaming dalawa.

"Ito muna iyong favor ko," lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Noona, nagugutom kasi ako at alam ko namang paalis na kayo ni Andy pero kasi pwede bang ipagluto mo ako ng Chicken Adobo?" Natatawa naman akong tumango sa kanya at nagdiretso kami sa kusina.

Ngayong araw kasi ay hindi nakapagluto si Kyungsoo oppa sa kadahilanang tinanghali siya ng gising kaya nagmamadali siyang umalis ng bahay. Siya lang naman ang magaling magluto sa kanila kaya pare-parehas kaming walang breakfast na kinain bukod sa cereal na nilabas ni Suho oppa para kainin naming lahat. Kami kasi kaya naming hindi mag-breakfast pero may mga bata kaming kasama kaya napilitan kaming kumain ng cereal sabay-sabay.

"Noona. . ." Pagtawag ni Kai. Hindi ako lumingon pero napatigil ako sa paghihiwa ng bawang at sibuyas. "Si Sehun kasi. . . Pupunta siya kay Thunder. Doctor niya iyon. Actually kaibigang doctor namin iyon pero pinakaclose siya kay Sehun dahil doon niya palaging dinadala si Andy kapag may sakit. May kapatid si Thunder na mas bata sa amin ng dalawang taon. Obsessed siya sa EXO. Si Sehun ang bias niya. May sakit siya. Tourette's Disorder. Sumasailalim siya sa treatment ever since last year at may schedule siya ng appointment ngayon sa psychiatrist. Hindi siya lumilitaw hangga't wala si Sehun sa tabi niya. Hindi naman matanggihan ni Sehun dahil malapit naming kaibigan si Thunder."

Napakagat ako ng labi. Wala namang problema sa akin iyon eh. Gusto ko lang naman malaman iyong tunay na rason bakit hindi niya kami mahahatid ni Andy. Masyado na ba akong demanding sa parte na iyon o sadyang may mga bagay talagang hindi pa karapat-dapat na sabihin si Sehun sa akin? May limitations pa rin dahil hindi pa rin naman gano'n kalalim iyong nararamdaman namin sa isa't-isa.

"Ako nalang maghahatid sa inyo ni Andy sa bahay ng kaibigan mo," offer ni Kai na mabilis ko namang tinanggihan. "Ayos lang naman, noona. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Day off ko at kapag ganitong araw, kaming dalawa ni Andy ang magkasama kaso nga aalis kayo ngayon kaya mag-isa ako dito sa bahay."

"'Wag na, Kai. Magpahinga ka nalang dahil may trabaho ka pa bukas."

"I insist, noona. At saka ibinilin kayo ni Sehun sa akin. Mamaya pag-uwi niya kapag wala akong naisagot sa mga tanong niya patungkol sa inyo ni Andy, paniguradong magagalit sa akin iyon. Mas matanda ako sa kanya pero mas bossy siya kaysa sa akin. Tsk."

"Okay, salamat."

"'Wag ka na malungkot, noona."

"Hindi naman. . ." Pero sino bang niloloko ko?

"Hayaan mo, aawayin ko si Sehun pag-uwi niya mamaya! Humanda siya. Makikita niya kung paano magalit si Kai hyung niya!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro