Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-anim na Kabanata



Kasalukuyan akong nag-aayos ng bed sheath ni Andy ngayon samantalang si Kulit ay nakaupo sa study chair niya habang pinagmamasdan ako. Tinotopak na naman kasi hindi pa umuuwi si Jiyoon. Ano bang magagawa ko kung ayaw pang umuwi ng Mommy niya? Wala naman akong karapatan na pauwiin siya dahil hindi ko naman siya asawa.

"Halika na dito. Tatabihan na kita matulog," tinapik ko iyong kabilang side ng higaan niya para tumabi siya pero nanatili lang siyang nakasimangot sa inuupuan niya. "Louie Andy Oh. . ."

"Pero, Dy! Ayaw ko po matulog ng wala si My!" Pagmamaktol niya bigla.

Ako naman ang napasimangot ngayon at umupo sa kama. "Nakakatulog ka naman dati noong hindi ko pa pinapakilala sayo si Jiyoon, ah?" Nakataas na kilay kong sabi.

"Binabasahan niya po ako ng bedtime stories!"

"Edi halika! Ako magbabasa!" Kinuha ko iyong Thomas and Friends niyang libro at tinapik muli iyong higaan pero hindi pa rin siya umaalis sa inuupuan niya. "Andy, ano ba?"

"Dy. . ." He trailed off. Ayan, iiyak na naman siya. "Hindi ka po ba nag-aalala na hindi pa po umuuwi si My?"

Napakagat ako ng labi. Sa totoo lang nag-aalala na ako ng sobra. Pero ayaw kong ibaba iyong pride ko at tawagan ulit siya. Baka maistorbo ko pa siya sa party na pinuntahan nila ng kaibigan niya. At saka sino ba naman ako sa buhay niya? Ako lang naman iyong katuwang niya para mabuo si Andy. Nothing more, nothing less. Wala kaming label kasi wala namang namamagitan sa amin.

"Uuwi rin iyon," pero hindi pa rin siya nakumbinsi kaya tumayo na ako mula sa pagkakahiga at kinarga si Andy. Hay. "Tara."

"Saan po?"

"Makikipaglaro tayo kay Baekhyun at Chanyeol hyung hanggang sa makatulog ka."

"Ayaw ko po," sinakal niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad. "Wala po akong gana maglaro."

"Eh anong gusto mong gawin ko?" Nakasimangot kong tanong.

"Sunduin po natin si My," mabilis naman akong umiling. "Kung ayaw niyo po, magpapasama nalang po ako kay Suho hyung!" Nagpupumiglas siya pero hinawakan ko siya ng mas mahigpit. "Bababa po ako!"

"Sino ba ang Daddy mo? Ako o si Suho hyung?" Puno ng awtoridad kong tanong.

"Ikaw po. . ."

"Sino ba ang dapat mong sundin? Ako o sila hyung?"

"Ikaw din po," at ayan na, nagsimula na siyang ngumawa at pinagpapalo iyong dibdib ko. "Nakakainis ka po, Dy. Bakit hindi po kayo nag-aalala kay My! Paano nalang po kung may nangyari ng masama sa kanya?! Ayaw ko na po siya mawala sa atin!"

Ako rin naman Andy. Pero hindi mo kasi naiintindihan iyong nararamdaman ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano, pero mabuti na siguro na dumidistansiya ako kay Jiyoon. Baka mamaya ako lang naman itong nakakaramdam ng ganito. Ayaw kong maging awkward kami sa isa't-isa dahil lang sa isang palpak na confrontation.

Pinunasan ko iyong pisngi niya pero tinatabig niya iyong kamay ko. Oo, topakin si Andy pero ngayon lang siya naging ganito sa akin. Ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin na galit o disappointed siya sa akin. Ngayon lang talaga at pakiramdam ko winawasak iyong puso ko.

"Sorry na," niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi rin naman nagtagal ay ibinaon na niya iyong mukha niya sa leeg ko at niyakap ako pabalik. Marahan kong hinaplos iyong likod niya dahil patuloy pa rin siya sa pag-hikbi. "Sige na. Hahanapin natin My mo."

"Sehun?" Napatingin ako kay Xiumin hyung na kanina pa pala nanonood sa drama namin ni Andy. "Samahan na kita?"

Tumango ako at kinuha iyong sweater ni Andy tapos iyong susi ng sasakyan ko. Nagpaalam muna kami kay Suho hyung pero hindi niya kami pinayagan.

"Anong oras na! Baka mamaya mayㅡ"

"ㅡSuho, kasama naman ako," sabat ni Xiumin hyung.

Napalabas na ng kwarto sina hyung dahil sa lakas ng boses ni Suho hyung. Mukhang wrong timing kami dahil pagod si Suho hyung ngayon kaya ayaw niya kami payagang umalis ng hindi siya kasama. Ayaw ko naman siya isama kasi halatang inaantok na siya. Pumipikit na iyong mata niya kanina noong naabutan namin siyang nagbabasa sa kitchen table namin eh.

"Saan ba kasi kayo pupunta? Anong oras na oh," tanong ni Kyungsoo hyung na ngayo'y pababa na ng hagdan habang nasa likod niya sila Kai, Chen, Baekhyun, at Chanyeol hyung na karga si Denise sa kabilang braso niya.

"Hahanapin po namin si My," sagot ni Andy.

"Hindi kayo aalis kung hindi ako kasama," pinal na sagot ni Suho hyung at mabilis na umakyat sa kwarto para magpalit siguro ng damit.

"Hyung. . ." Tinignan ako ni Xiumin hyung at humingi ng pasensiya. "Ayos lang, hyung. Wala iyon. Paano pa tayo makakaalis nito?"

"Sasama nalang kami, maknae," sambit ni Chanyeol hyung at sabay-sabay naman silang tumangong lahat.

"Sige. Iyong van nalang ang dalhin natin," kinuha ni Baekhyun hyung iyong key fumble ng Grandia sa lalagyan nito. "Sino magda-drive? Maknae, kaya mo ba?"

Tumango ako. Medyo gamay ko naman iyong Grandia. First time ko lang magda-drive ng Grandia namin dahil palaging Grandia ni Thunder iyong pinagpa-praktisan ko.

"Talaga? Iyong Montero Sport mo nga ilang buwan bago mo nakasanayang i-drive eh," pang-iinis ni Kai. Siguro sinusubukang pagaanin iyong sitwasiyon.

"Hindi ko kayo ibabangga, 'no. Kaya ko mag-drive ng Grandia."

-

-

"Sehun, uwi na tayo," napakapit sa braso ko si Kai dahil sa takot. Kahit ako rin eh.

Sinubukan kasing i-track ni Kyungsoo hyung iyong phone ni Jiyoon at dito kami dinala ng Find iPhone. Hindi naman kami napadpad sa gubat, talagang dinala lang kami sa mga PUBs na tabi-tabi at mukhang mga adik iyong tao dito.

Si Andy at Denise nakatulog na sa likuran habang nakakandong kay Baekhyun at Chanyeol hyung samantalang si Suho hyung ay nakatulog din habang nakasandal ang ulo kay Xiumin hyung tapos nasa tabi nila si Kyungsoo at Chen hyung. Si Kai iyong naupo sa shotgun seat dahil siya ang expert pagdating sa pagta-track ng mga lugar.

"Ano? Bababa ba tayo o tatawagan nalang natin si Jiyoon?" Tanong ni Chanyeol hyung at nakita ko mula sa rear view mirror na hinihilig niya iyong ulo ni Baekhyun hyung sa balikat niya.

"Out of coverage area si Jiyoon," sagot ko at tumingin muli sa magkakatabing PUBs. Paano kami papasok dito ng walang nangyayaring masama sa amin? At saka sa dinami-rami nito, hindi namin alam kung nasaan si Jiyoon.

"Ako nalang bababaㅡ" Pero napatigil si Kyungsoo hyung at matalim na tumingin sa isang PUB. "ㅡsi Jiyoon iyon diba?" Sinundan namin iyong hintuturo ni hyung at oo nga! Ayon si Jiyoon! May akay-akay na lalaki. "Chen, siya ba iyong pumunta sa bahay kanina?"

"Oo!" Tinuro-turo niya iyong lalaki. "Diba, Sehun?! Sabi ko sayo hindi naman kagwapuhan iyong lalaki! Mas gwapo ka pa rin!"

Napaikot nalang ako ng mata at tinanggal iyong seat belt ko. Bababain ko na si Jiyoon dahil gusto ko na magpahinga at may meeting pa ako bukas ng maaga. "Ako nalang ang bababa."

"Sehun, delikado."

"Xiumin hyung bumaba nalang kayo kapag may nangyari. Makikipag-usap naman ako ng maayos," at bumaba na ako. Kahit nasa labas na ako at heavily tinted iyong Grandia ay ramdam ko pa rin na nakasunod iyong mga tingin nila sa akin mula sa loob. "Jiyoon. . ." Mukhang nagulat si Jiyoon nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya. Busy kasi siya sa pagpupunas ng damit ng kasama niya dahil sumuka ito.

"S-Sehun! Anong ginagawa mo dito?" Nauutal niyang tanong.

"Hindi makatulog si Andy kaya nagpunta na kami rito."

"Kami?"

Tumango ako at itinuro iyong Grandia. "Kasama ko sila hyung, at saka sina Andy at Denise."

Namula agad iyong pisngi niya at napatigil sa pagtingin sa sasakyan na dala ko nang biglang gumalaw iyong lalaki. "O-Orion."

"Jiyoon. . ." Dumilat iyong lalaki at ngumiti. "Taposh na ba party?"

"A-ah. Oo. Nga pala, uuwi na ako. Iwan na kita dito?"

"Shige. Shashabay nalang ako kay Shane pag-uwi. Ingash! Shoo!" Tinawanan lang siya ni Jiyoon at natulog na muli.

Naramdaman ko namang nakatingin sa akin si Jiyoon kaya ibinalik ko iyong tingin niya sa akin. "Uh. . . Uwi na tayo?"

"Okay," nagkibit-balikat ako at binuksan iyong shotgun seat. Muntik pang malaglag si Kai dahil sa pagsandal niya sa pintuan. "Lipat ka sa likod."

"Okay," ngumiti si Kai kay Jiyoon at inalalayan itong umakyat ng sasakyan samantalang umikot naman ako sa driver's seat at walang pakundangan na binagsak iyong pintuan ng sasakyan. "Huy! Kalma! Baka magising sila!"

True to his words, may nagising nga pero hindi si Suho o kahit si Baekhyun hyung, kundi si Andy at ang una niyang hinanap ay iyong Mommy niya.

"Chanyeol hyung? Si My?" Tanong niya kay Chanyeol hyung dahil nakatalikod siya sa amin.

"Ayun oh," nginuso ni Chanyeol hyung si Jiyoon at mabilis na umaliwalas ang mukha niya. "Oh, teka lang. Kai, dalhin mo muna si Andy kay Jiyoon bago mo isara iyang pintuan."

Sinunod naman ni Kai si Chanyeol hyung kaya nakakandong na si Andy ngayon kay Jiyoon. Hindi naman kami masyadong nakalayo sa Parañaque kaya sa tingin ko'y kaya ko pang labanan ang antok. Tahimik lang akong nagmamaneho samantalang nagising na si Suho at Baekhyun hyung. Walang nagsasalita sa amin nang biglang tinanong ni Andy iyong tanong na kanina ko pa gustong sabihin.

"My? Saan ka po galing?"

Mula sa peripheral vision ko, nakita kong saglit na napatingin sa akin si Jiyoon pero diretso lang ang tingin ko sa daan habang mahigpit ang hawak ko sa steering wheel.

"Ah. . Ikakasal kasi iyong kaibigan ko next week. Eh ayon. . . May bridal shower. Ako iyong organizer kaya hindi ako pwedeng mawala doon."

Napansigi ako.

"Bridal shower? Ano po iyon?"

Ramdam kong tahimik lang din na nakikinig iyong mga tao sa likod sa pinag-uusapan ni Andy at Jiyoon.

"Basta! Balita ko ayaw mo matulog, ah? Bakit?"

"Nag-aalala po ako sayo, My eh."

In no time, nakarating na kami sa bahay. Nagpasalamat si Jiyoon kela hyung at Kai sa pag-aabala sa pagsundo sa kanya. Samantalang ako ay naiwan mag-isa sa sasakyan habang pinaparada sa garage iyong Grandia. Medyo natagalan din ako dahil kinalma ko muna iyong sarili ko bago ako lumabas ng driver's seat.

"Sehun. . ." Halos mapatalon ako nang biglang nagsalita si Jiyoon pagkababa ko ng sasakyan. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?" Walang gana kong sagot at naghikab. Inaantok na talaga ako. Alas-dose na at alas-otso ang meeting ko bukas sa Makati. "Hindi ba pwedeng bukas nalang? Inaantok na kasi ako. May pupuntahan pa ako bukas ng umaga."

Napayuko siya at mabilis din namang nagtaas ng ulo. "Kasi binabaan moㅡ"

"ㅡah. Wala iyon. Naubos lang siguro iyong calls ko kaya gano'n," lame, Sehun. Naka-plan ako ng unlimited calls and texts sa Globe eh.

"Gano'n ba?" Tumango ako. "Sige. Pasensiya na pala kungㅡ"

"ㅡwala iyon. Hindi mo naman kaylangang magpaalam sa akin, Jiyoon," nag-igting iyong bagang ko noong binanggit ko ang pangalan niya. "Pero sana naman 'wag kang bigla-biglang magpapapunta ng kung sino dito. Exclusive village kasi ito. Mahirap na."

Tumango siya at kinagat ang ibabang labi niya. Mag-ina nga sila ni Andy. Mabilis mamuo ang luha. "G-galit ka ba?"

"Ako? Galit?" Napangiwi ako. "Hindi. Bakit?"

"Para kasingㅡ"

"ㅡnako. Hindi. Sadyang inaantok lang talaga ako," humikab ulit ako. "May sasabihin ka pa ba?"

"Hindi na mauulit! Don't worry!" She tried to sound cheerful as she can pero may tumulong luha sa kaliwang mata niya at mabilis itong pinunasan. "Sa susunod magpapa-alam na ako sayoㅡ"

I waved my hands off. "ㅡkay Andy nalang. Nag-aalala kasi sayo iyong bata kapag hindi ka nakikita. Don't mind me."

"Peroㅡ" Hindi na naman niya natuloy iyong sasabihin niya ng biglang nag-ring iyong cellphone niya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko iyong pangalan na Orion sa caller ID kaya awtomatikong napabuga ako sa hangin. "Sagutinㅡ"

Hindi ko na siya pinatapos at naglakad na ako papasok ng bahay. Pero bago ako umakyat ng hagdanan, malakas pa akong sumigaw para marinig niya. "Paki-lock nalang ng pintuan kapag tapos na kayo mag-usap ng boyfriend mo!"

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay malakas kong naisara ang pintuan kaya napalabas si Kai ng kwarto niya dahil mukhang mababaw pa ang tulog nito.

"Tangina naman, Sehun oh! Kakatulog ko pa lang!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro