Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-siyam na Kabanata



"Maupo muna kayo. Sehun, habang nagbibihis ako, ipaghanda mo ng makakain si Jiyoon," iyan agad ang sinabi ni Suho hyung pagkarating na pagkarating niya sa bahay. Mukhang agad siyang umuwi the moment na nasagot niya iyong tawag ni Chanyeol hyung. "Maiwan ko muna kayo."

Nginitian ko si Jiyoon. Halata kasing kinabahan siya. Ni hindi niya nga mangitian si Suho hyung kanina habang nagsasalita sa harapan naming dalawa. "'Wag kang kabahan. Mabait naman si Suho hyung, eh. At saka hindi nga sila galit sayo."

"Salamat," puno ng pag-aalinlangan niyang sagot. "Ito kasi iyong first time na makakausap ko siya. Ni hindi ko sukat akalain na makakausap ko siya at sa ganitong kadahilanan pa."

Tumango ako at iniwan siya saglit doon sa library room ng bahay. Nagdiretso ako sa loob ng kusina para sana kumuha ng makakain naming tatlo nang bigla kong narinig ang hagikgik ng anak ko. Bakit kaya tawa na naman ng tawa itong batang ito?

"Pfft! Seryoso po kayo, hyung? Hindi ko po ata maimagine iyong mukha ni Daddy! Grabe!" Napahampas pa sa kitchen island si Andy dahil sa saya. Kulang nalang ihampas niya iyong ulo niya eh.

"Oo! Hindi lang halata pero may pagkamabagal prumoseso ng mga bagay-bagay ang Daddy mo," sinabayan pa ni Chanyeol hyung sa paghalakhak si Andy habang si Baekhyun hyung naman ay nakangiti lang silang pinapanood. "Sobrang pang-aasar inabot sa amin ng Daddy mo dahil sa nangyari na iyon. Akalain mong hindi niya nagets iyong joke ng host noon tapos siya itong may anak sa aming magkakaibigan ngayon? Pffft!"

Agad na namula iyong mukha ko. Anong taon na ba ngayon? Ilang taon na ba iyong nakalipas? Hindi pa rin kumukupas iyong kahihiyan ko na iyon. Nagkaroon kasi kami ng guesting ni Kai sa isang show na may pamagat na Yummy Yummy at sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko naintindihan iyong joke ng isang host na kasama namin. Sobrang clueless ko talaga noong mga panahon na iyon habang si Kai naman ay halos mamatay sa tawa. Sana nga nabilaukan na lang siya dahil doon. Ang yabang kasi eh. Tsk.

"Maknae. . ." Pagtawag ni Baekhyun hyung nang makita niya akong nakasilip mula sa labas ng kusina. Napansin niya siguro iyong busangot kong mukha kaya nilapitan niya ako at inihilamos iyong palad niya. "Ikaw naman. Hindi ka pa nasanay sa Chanyeol hyung mo. Alam mo namang presidente ng Alaska iyan sa sobrang lakas mang-alaska lalo na kapag ikaw ang usapan eh."

"Corny ng joke mo, hyung," inirapan ko siya at nagdiretso sa refrigerator para kumuha ng makakain. "Hyung? Wala ba tayong stock ng kahit anong disenteng pagkain?" Pagtatanong ko. Puro ingredients lang kasi laman ng refrigerator namin. Hindi naman ako marunong magluto.

"Daddy busog pa po ako! 'Wag na po kayongㅡ"

"ㅡsino nagsabing para sayo iyong pagkain na ihahanda ko?" Masungit pero pabiro kong tanong. "Wala man lang bang matinong pwedeng ipakain kay Jiyoon dito?" Tanong ko sa sarili ko habang naghahagilap sa refrigerator.

"Ramen ttang," bulong ni Baekhyun hyung at narinig ko ang mahinang hagikgik ni Chanyeol hyung sa tabi niya. "Pffft. Grabe talaga iyong Ramen ttang na iniluto mo maknae sa Yummy Yummy. 'Wag ka na magluluto sa susunod, ha?"

"Ewan ko sa inyo," hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo sa kinalalagyan ng microwave oven. Mabuti nalang may isang mabait akong hyung sa katauhan ni Kyungsoo hyung dahil nag-iwan siya ng Lasagna sa microwave oven namin! Hindi pa siguro nakikita ito ni Chanyeol at Baekhyun hyung dahil wala pang kabawas-bawas. "Ano nalang kayang gagawin ko sa buhay kung wala si Kyungsoo hyung sa tabi ko?"

"Waaaah!! Daddy! Lasagna po ba iyan?" Tumango ako kay Andy at kumuha ng plato para ipagtabi siya ng kaunting parte. Paborito kasi ng anak ko iyon eh.

"Gusto niyo ba?" Nakataas na kilay na tanong ko kay Baekhyun at Chanyeol hyung.

"Oo," sabi ni Baekhyun hyung.

"Hindi," sabi ni Chanyeol hyung.

Tinitigan ni Baekhyun hyung si Chanyeol hyung ng matagal habang nanlilisik iyong mga mata niya. "Kung ayaw mo ng Lasagna, akin nalang iyong parte mo. Hindi ko alam bakit ayaw mo ng Lasagna. Napakaboring mong tao, Yeol."

"Oo na. Ako na boring. Hindi ko lang talaga trip iyong lasa ng pagkain na iyan," nagdala siya ng dalawang platito at naglagay ng portion nilang dalawa. Nagulat ako nang may isa pa siyang dala na malaking pinggan. "Isalin mo rito iyan para naman mukhang presentable."

"Daddy, sama po ako sayo!" Nakaangat sa ere iyong mga kamay ni Andy nang dumaan ako sa harapan niya. "Gusto ko po makausap si Jiyoon noona!"

Napangiwi na naman ako. "Mamaya na. Mag-uusap muna kami nila Suho hyung at saka kita dadalhin sa kanya. Mukhang hindi na naman uuwi iyong noona mo, eh," mahina ko lang na binigkas iyong huling pangungusap at umalis na sa kusina.

Pagdating ko sa library room, naabutan kong nag-uusap sina Jiyoon at Suho hyung. Mukhang kakarating lang ni hyung dahil nagtatanong palang siya kung Jiyoon nga ba talaga iyong pangalan ng babae na nasa harapan niya.

"Opo, oppa. Ako nga po si Jiyoon," magalang na sagot niya. Halatang kinakabahan siya dahil sa hindi niya mapakaling mga daliri. Bakit ba siya natatakot kay hyung? Mabait naman si Suho hyung.

"Okay. Nice to meet you," ngumiti si hyung. Iyong ngiti na sobrang nakakapagpagaan ng pakiramdam? Iyon. "First time nating magkausap ano? Nga pala ako si Suho, ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na ito. Sana 'wag kang maintimidate o matakot sa akin. Mabait ako."

"O-okay po, oppa."

Pumasok na ako na may dalang isang tray na naglalaman ng plato ng Lasagna at tatlong baso ng juice. Agad kong nilagyan ng maliit na portion ng Lasagna ang isang platito para kay Jiyoon at iniabot sa kanya iyong juice niya. "Kumain at uminom ka muna. Tensed na tensed ka, eh. Kalma ka lang."

"Natatakot kasi ako, Sehun."

"Kanino naman?" Sabat ni Suho hyung. Sinundan namin ng tingin iyong nginuso ni Jiyoon at nakita namin si Baekhyun at Chanyeol hyung na nakadungaw mula sa pintuan ng library. "Umalis nga kayo diyan. Nagiging uncomfortable si Jiyoon kapag nandiyan kayo."

"Pero, hyung. Gusto lang naman namin naㅡ"

"ㅡisa."

"ㅡmalaman iyong pagㅡ"

"ㅡdalawa, Baekhyun at Chanyeol."

"ㅡuusapan niyo dahil tungkol kay Andyㅡ"

"ㅡtatlo. Kapag hindi pa kayo umalis diyan sa kinatatayuan niyo ngayon sa labas kayo ng bahay matutulog," at kumaripas na ng takbo paalis iyong couple sa bahay. Hinarap muli ni Suho hyung si Jiyoon at humingi ng pasensiya. "Palaging pinapasakit ng dalawang iyon ang ulo ko. Mabuti nalang at wala si Chen para dumagdag pa."

Tsk. Beagle line talaga.

"A-ayos lang. Thank you, oppa."

"Maiba tayo," napalunok din ako katulad ng ginawa ni Jiyoon. Bigla kasing naging seryoso iyong boses ni hyung. "Narinig kong matagal mo ng minamanmanan itong bahay namin pero ngayon ka lang naglakas ng loob na lumapit sa amin? Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, anong balak mo sa pamangkin at kapatid ko, Jiyoon?"

"Hyung. . ."

"Sehun, hindi ikaw ang kausap ko," strikto niyang sabi kaya napatahimik nalang ako sa tabi ni Jiyoon.

"Hindi ko na po kasi kayang tanawin na lang sa malayo iyong anak ko. Sobrang miss ko na siya. Gusto ko lang naman pong mahagkan iyong anak ko at nagpapasalamat ako kay Sehun dahil pinayagan niya ako ng walang pag-aalinlangan," napatingin ako sa kamay ni Jiyoon na nasa ibabaw ng kamay ko habang mahigpit na paulit-ulit na pinipisil iyon. "Hindi naman po ako naghahangad na makilala ako ni Andy bilang totoo niyang ina. Alam ko po lahat ng mga pagkukulang ko bilang ina sa kanya pero sana 'wag niyo pong ipagkait sa akin iyong makapiling ang anak ko kahit sandali lamang sa isang araw."

"Jiyoon. ." Mahina kong sambit at nginitian niya ako ng malungkot. "May karapatan ka sa anak natin."

"Ano namang balak mo ngayon Sehun at nandito na ang ina ng anak mo?"

"H-hyung, gusto ko sanang ipakilala si Jiyoon kay Andy bilang ina niya tutal naman siya na mismo ang nagsabi na gusto niyang makita ang Mommy niya diba?" Tumango si Suho hyung. "Pero may kaisipang pumipigil sa akin," napayuko ako.

"Ano?"

"Jiyoon, sigurado ka bang nandito ka para makapiling ang anak natin o kaya ka nagbabalik sa buhay namin dahil may balak kang ilayo si Andy sa akin?" Diretso kong tanong. Gusto ko ng assurance bago ko siya ipakilala kay Andy.

"Hindi ko ilalayo sayo si Andy," matigas niyang sagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Gusto ko lang talaga siyang makayakap at makausap kahit saglit. Hindi ko nga inaasahan na babalakin mo pang ipakilala sa kanya ang tunay niyang Mommy. 'Wag kang mag-alala, hindi ko siya kukunin sayo dahil nakikita ko ang magandang pagpapalaki mo sa anak natin. Sapat na sa akin iyong makita ko lang siya ng malapitan araw-araw."

"Kung ako lang din naman kasi ang tatanungin, mas gugustuhin ko iyong desisyon ni Sehun dahil lumalaki na si Andy. Kahit na maayos naman namin siyang napapalaki kahit puro kami lalaki, iba pa rin kapag nakakasama niya iyong mga tunay niyang mga magulang. Ayaw kong dumating iyong araw na mabubully si Andy sa school dahil lang hindi niya kilala iyong Mommy niya. Kaya ayos lang sa akin kung ipapakilala ni Sehun sa anak niya iyong tunay niyang Mommy."

"Suho oppa. ." Naluluhang tawag ni Jiyoon. Mabilis siyang tumabi kay Suho hyung at paulit-ulit na pinasalamatan ito. "Maraming salamat! 'Wag kayong mag-alala! Hinding-hindi ko kayo bibiguin! Aalagaan ko ng mabuti si Andy! Pagsisilbihan ko kayo kung kinakailangan! Lahat gagawin ko basta 'wag lang ulit akong malayo sa mag-ama ko. Salamat Suho oppa at sayo rin Sehun. Salamat!"

"You're welcome. Sige mauna na muna ako, Jiyoon at Sehun. May kaylangan pa kasi akong ayusin sa office. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga members basta ipaliwanag niyo ng maayos ang sitwasiyon sa anak niyo. Sehun, walang halong kalokohang pagpapaliwanag ang gagawin ha?"

"Oo, hyung. . ."

"WOW! TALAGA PO? IKAW PO ANG MOMMY KO?" Napalingon kaming lahat sa pintuan at nakita naming nakatayo si Andy doon. Mabilis itong tumakbo at nagpakandong kay Jiyoon. "IKAW PO MOMMY KO?!"

"Andy. . ." Pero hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin na nakatingin kay Jiyoon. "Hyung, salamat ah?"

"Wala iyon. Sige mauna na ako," at iniwan niya kaming tatlo sa loob ng library. Narinig ko pa iyong malakas na kalabog ng pintuan dahil na rin siguro para walang makarinig sa usapan naming tatlo.

"DADDY! TOTOO PO BA NA SIYA ANG MOMMY KO?" Tinuro niya si Jiyoon at tumango naman ako habang nagkakamot ng batok. "KAYA PO PALA IBA IYONG NARAMDAMAN KO KANINA NOONG NAKITA KO SIYA. HELLO PO, MOMMY KO! MATAGAL NA PO KITANG HINIHINTAY NA MAKITA!"

Napailing nalang ako. Si Andy parang baliw na tuwang-tuwa dahil kasama na niya iyong Mommy niya samantalang si Jiyoon naman ay walang humpay sa pag-iyak dahil sa galak. Kahit siguro ako ganito iyong magiging reaction ko once na buong giliw akong tanggapin ng anak ko kahit na halos buong pagkabata niya ay hindi ko nasaksihan.

"Mommy, 'wag ka na pong umiyak!" Natatarantang pinupunasan ni Andy iyong pisngi ni Jiyoon. "Hindi ka po ba happy na kasama mo na po ako?"

"H-happy naman," humihikbing sagot ni Jiyoon.

Nakakatuwang panoorin iyong mag-ina ko. Kahit na mukha kaming pinagbiyak na buko ni Andy, may mga maliliit na details sa mukha ni Andy na namana niya kay Jiyoon. Katulad nalang ng buhok niya. Hindi itim iyong buhak niya kundi brown katulad ng sa Mommy niya. Iyong labi naman niya ay kalahating galing sa akin at kalahating galing kay Jiyoon. Iyong pilikmata niya rin ay galing kay Jiyoon. Kumpara kasi sa akin, mas mahaba iyong kay Jiyoon.

"Tara po sa room ko? Ipapakita ko po sayo iyong mga toys ko! Tapos po aayusin na natin iyong higaan ko dahil tabi po tayong matutulog! Ayos lang po ba sayo, Mommy?" Tumango si Jiyoon at iniwan na nila akong dalawa mag-isa sa library room.

Hindi ko maipaliwanag kung ano iyong nararamdaman ko ngayon, pero masaya ako na masaya ang anak ko. Masaya ako na kumpleto na ang pamilya ko. Masaya kami at hindi ko hahayaang may sumira sa pamilya namin. Kahit para sa anak lang namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro