Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-apat na Kabanata



Naglalakad ako palabas ng bahay nang biglang kumakaripas ng takbo si Kai pababa ng hagdan. Paano ko nalaman? Rinig na rinig ko kasi iyong mga hakbang niya.

"Sehun! Sehun!"

"Ano?" Tanong ko habang nilalagay sa shotgun seat iyong mga dala kong papeles.

"Saan ka pupunta? Sama ako!"

Sinamaan ko siya ng tingin at sinarado iyong pintuan ng sasakyan ko. "Anong trip mo sa buhay Kai? Wala ka bang trabaho ngayon?"

Umiling siya. Ah. Friday pala ngayon. Day off niya kapag ganitong araw. "So, saan ka nga pupunta? Sama ako!"

"Dito lang sa loob ng village. 'Wag ka na sumama."

Napasimangot siya. "Dito lang? Bakit ka pa magdadala ng sasakyan? Nagsasayang ka lang ng gasolina!"

Inirapan ko siya. "Pera mo ba?" Napanguso na lang siya. Bahagya ko siyang tinabig dahil nakaharang siya sa dadaanan ko. Tumingin muna ako sa orasan ko bago inis na sumigaw pabalik sa bahay. "Andy! Tara na!"

"Ayaw ko po, Daddy!" Napabuga nalang ako sa hangin at nagmamadaling umakyat sa kwarto ni Andy. Nadatnan ko siya doong nakahiga at mahigpit na nakahawak sa unan niya.

"Andy Oh. . ."

"Daddy! Ayaw ko po magpunta sa school!"

Tumawag na kasi ako doon sa school na papasukan ni Andy, sabi nila dalhin ko raw siya doon at pati na rin iyong mga papeles na kaylangan nila. Itong anak ko naman, male-late na kami sa appointment namin sa school nag-iinarte pa.

"Anak hindi ka naman nila kakainin doon! May interview ka lang saglit tapos wala na!" Hinila ko siya mula sa higaan niya pero mahigpit talaga ang kapit niya doon kaya hindi ko na ipinagpilitan. Baka mapilayan pa. "Anak, tara na. Ililibre kita sa arcade mamaya."

"Ako nalang, Sehun!" Napairap ako nang biglang sumulpot si Kai sa loob ng kwarto ni Andy. "Oh. Bakit halos hindi na humiwalay si Andy boy sa higaan niya?"

"Hyung! Si Daddy po kasi! Dadalhin ako sa school!" Aba't nagsumbong pa. "Sabihin niyo nga po ayaw ko pa pong mag-aral! Tinatanggalan niya po ako ng freedom!"

"Arte mo, Andy. Kapag hindi ka tumayo diyan papaluin kita."

"Ayaw! Daddy naman kasi! Hindi niyo man lang po ako tinanong kung gusto ko na po bang mag-aral!" Narinig ko ang mahinang tawa ni Kai kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo po talaga ako mahal ano?!"

"Tigilan mo ako. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Aayusin ko lang mga gamit mo, kapag bumalik ako dito na hindi ka pa nakabihis makakatikim ka sakin," at iniwan ko sila ni Kai doon.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha iyong bag na paborito ni Andy. Ewan ko ba. Adik siya kay Thomas. Iyong tren na blue? Oo. Gusto niya lahat ng mga gamit niya ay may print na Thomas and Friends. May balak ata maging driver itong anak ko paglaki. Nilagay ko lahat ng mga kaylangan niya doon: mga extrang damit, pamunas, shorts, at iyong mga pamparefresh sa kanya katulad nalang ng pulbos at pabango. Naiiling akong naglagay ng dalawang bote ng maligamgam na tubig at isang extrang bote na naglalaman ng formulated milk niya. Tsk. Andy kailan mo balak tumigil sa pag-inom ng gatas sa bote na pangbaby? Hays.

"Gwapo, ah!" Narinig kong sabi ni Kai noong papasok ako ng kwarto ni Andy. "Teka nga, kuhanan kita ng picture. Pose ka dali," akmang itataas ni Andy iyong kamay niya para sa isang peace sign nang pumagitna ako. "Sehun! Ano ba!"

"Hindi ganyan ang tamang pose ng isang lalaki Andy. Ganito, oh!" Tinuro ko sa kanya iyong pogi sign. "'Wag ka ngang pacute!"

"Sus! Dati nga noong nagpunta kayo ni Suho hyung sa Paris pinipigilan ka pa ni manager hyung dahil puro ka peace sign!" Pang-aasar ni Kai na naging dahilan ng pamumula ng mukha ko. Akmang babatukan ko siya nang bigla siyang nag-peace sign. Bwiset.

"Bilisan niyo na nga diyan!"

Nakailang kuha si Kai ng picture kay Andy bago sila nagsawa. Buhat-buhat ko si Andy sa kanang braso ko habang nakasabit ang bag niya sa kaliwang braso ko. "Kai, bantayan mo muna itong bahay ha. Nagtext na ako kay Suho hyung. Sabi niya pauwi na naman daw siya."

"Huh? Bakit ako? Sasama nga ako sa inyo, eh!"

Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan ko, ibinaba ko si Andy at pinapasok sa loob. "Sinong nagsabi na sasama ka?"

"Si Andy! Ako kaya dahilan bakit hindi na tinotopak iyang anak mo!"

"At anong ginamit mong pangluho sa anak ko aber?" Nakapamaywang kong tanong.

"Si Aioffe! Nakwento sakin ni Chen hyung na crush daw ni Andy iyon! Sabi ko sa kanya kapag sumama siya sayo dadalhin ko siya sa bahay nila!" Nakaramdam ako ng pagtusok ng daliri sa tagiliran. Tanginang Jongin ito. "Uy, mukhang lover boy si Andy paglaki ah!"

"Tigilan mo nga ako!" Singhal ko. "Tignan mo kung nakasara iyong gas stove natin at siguraduhin mo ring walang maiiwang nakasaksak sa bahay. Bilisan mo! Kapag ako nabadtrip iiwan ka namin."

Mabilis namang tumakbo si Kai pabalik sa bahay. Hay. Mas matanda siya sakin pero mas matured pa ako mag-isip. Sinabihan ko muna si Suho hyung na sasama si Kai sa amin at walang maiiwan sa bahay, sabi naman niya ayos lang kasi papasok na siya ng village. Ayaw niya kasing walang naiiwan sa bahay. Kaya iba't-ibang araw ang day off namin. Siguro ang pinagkakatiwalaan niya lang na maiwan mag-isa sa bahay ay si Kyungsoo hyung. Kasi kapag may isa man lang daw na maiwan sa amin, hindi siya panatag dahil baka masunog daw iyong bahay. Sa sobrang tagal ni Kai, dinatnan na kami ni Suho hyung. Aysh.

"Oh, hindi pa kayo nakakaalis? Hi, Andy boy!" Naupo naman siya nang biglang lumabas si Andy mula sa sasakyan at hinalikan ito.

"Suho hyung! Mag-aaral na po ako!" Proud niyang sabi na parang kanina lang ay hindi siya tinitipos.

"Oo nga raw," pinat niya iyong ulo ni Andy. "Mag-aaral kang mabuti, ha?"

"Opo! Ano pong gift kapag maganda grades ko?"

"Ano bang gusto mo?"

"Bilhan niyo po ako ng totoong train! Color blue po ha! Tapos pinturahan po natin ng katulad ng kay Thomas!"

Natatawang tumango si Suho hyung. "Sige, promise ni hyung iyan. Basta galingan mo sa interview ha?" Tumango si Andy at pinapasok niya na ulit sa sasakyan. "Oh, bakit hindi pa kayo umaalis? Anong oras na."

"Si Kai kasi hyung," naiinis kong sabi. "Kai!" Sigaw ko.

"Saglit lang! Ito na!" Natataranta siyang lumabas sa bahay. "Ang dami kayang kwarto ng bahay! Ikaw kaya mag-check kung may naiwang nakasaksak," inirapan ko siya at nagpaalam na kami kay Suho hyung.

"Ingat kayo! Dito kayo mag-dinner ha! Magluluto si Kyungsoo!" Paalala niya.

Ilang kanto lang naman ang layo noong school sa street namin kaya mabilis kaming nakarating. Bitbit ko sa isang kamay ko iyong mga papeles ni Andy habang nakahawak siya sa kamay namin ni Kai. Patalon-talon pa siya habang naglalakad. Tss. Mamaya iiyak ito panigurado.

"Hello! Kayo po ba si Mr. Oh?" Tumang ako doon sa receptionist. "Sa fifth floor po ang office ni Ms. Fernandez."

Natatawa kami ni Kai dahil natataranta si Andy sa loob ng lift. Parang nahihilo raw siya kaya mahigpit ang hawak niya sa magkabilang hita namin ni Kai. Pagkarating namin sa fifth floor agad na tumakbo si Andy palabas at napabuntong-hininga nalang.

"Ano? Okay ka pa ba?" Tanong ni Kai.

"Hyung! Maghagdan nalang po tayo pagbaba mamaya! Nahihilo po ako sa elevator, eh!" Sagot nito at kinuha iyong isang bote ng tubig sa bag niya. "Iinom lang po ako. Wait po!"

"Andy, hindi iyan ang tubigan mo. Tubig iyan para sa gatas mo," hinila ko siya ng marahan at kinuha iyong tumbler niya. Hinintay namin siyang matapos uminom at saka nagpunta sa office ni Ms. Fernandez. Pagkapasok namin, agad na nagpakarga si Andy kay Kai. Tsk.

"Good afternoon, Mr. Oh. I'm Ms. Selina Fernandez, principal ng Castleville Academy," nakipagkamay naman ako at naupo sa isang upuan sa harapan ng table niya. "Hello, Andy."

Imbis na sumagot si Andy ay nagtago ito ng mukha sa dibdib ni Kai. "Pagpasensiyahan niyo na po, sutil itong bata na ito pero malakas ang hiya."

"Walang anuman. Normal lang naman sa mga bata iyan," may kinuha siyang form sa drawer niya at iniabot ito sa akin. "Mr. Oh, pakisagutan nalang niyan at paki-attach iyong birth certificate ni Andy. Pwede kayong magsagot doon sa bakanteng table sa kaliwa," tumango ako doon at iniwan si Kai at Andy.

Habang tahimik akong nagsasagot nitong admission form, narinig ko ang panimula ng interview para kay Andy. Hay. Sana naman sumagot ang anak ko ng maayos at hindi pabalang.

"Anong full name mo?" Tanong ni Ms. Fernandez.

Tinapik ni Kai si Andy at mabilis namang sumagot ang anak ko. "Louie Andy Oh po."

"Hn. Okay. Ilang taon ka na?"

"Five po!" Napangiti ako dahil isa lang ang ibig sabihin kapag tumataas na ang boses ni Andy: malapit ng magdaldal iyan.

"Kailan namanㅡ"

"ㅡApril 12 po!" Oo kabirthday ko si Andy. Hindi ko naman kasi alam kung kailan talaga siya isinilang ng Mommy niya kaya napagdesisyunan kong katulad nalang ng birthday ko.

"Andy. . ." Pagtawag ko at lumingon naman siya. "Patapusin mo muna si Ms. Fernandez bago ka magsalita."

"Pero Daddyㅡ" Piniligan nalang siya ni Kai at sinabing sundin nalang ako. Mabilis naman siyang tumango at nag-sorry kay Ms. Fernandez.

"ㅡayos lang. Anong pangalan ng Daddy mo?"

"Sehun Oh po!" Akala ko tapos na siyang magsalita pero mabilis namang bumuka ulit ang bibig niya. "Member poㅡ"

"ㅡAndy kung ano lang ang itanong sayo, iyon lang ang sasagutin mo, okay?" Paalala ni Kai.

"Akala ko mahiyain ka Andy? Parang hindi naman ah," masayang sabi ni Ms. Fernandez. "Ano namang name ng Mommy mo?"

Bigla akong nanigas mula sa pagkakaupo ko. Mukhang naconfuse naman si Andy at tumakbo papunta sa akin. Naramdaman kong hinihila niya iyong damit ko. "Daddy! Ano po iyong mommy?"

Nginitian ko ng mapakla si Andy. "Anak, labas muna kayo ni Kai hyung mo ha? Hintayin niyo nalang ako sa sasakyan?" Tinignan ko si Kai at mukhang naintindihan niya naman at niyaya niya na si Andy palabas. Pagkaalis na pagkaalis nila, mabilis akong tumayo at inabot iyong form kay Ms. Fernandez. "Hindi ko po alam ang pangalan ng Mommy ni Andy. Single father po ako. Sana alagaan niyo ang anak ko dito at 'wag hahayaang ma-bully dahil hindi niya kilala ang Mommy niya," yumuko ako at nag-iwan na ng sapat na pera para sa tuition fee ni Andy.

-

-

Pagkauwi namin, agad akong nagdiretso papunta sa kusina habang dinala naman ni Kai si Andy sa kwarto niya dahil nakatulog ito sa biyahe namin.

"Oh. Busangot na naman mukha mo," puna ni Kyungsoo hyung.

Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at naupo sa isa sa mga stool. "Wala. Badtrip lang."

"Bakit? Kamusta pala admission ni Andy?"

"Ayos lang. Simula na siya next week," bumuntong hininga ako. "Tinanong kasi ng principal kung anong pangalan ng Mommy ni Andy. . ."

"A-anong sagot niya?"

Umiling ako. "Tumakbo siya sakin tapos tinanong niya kung ano iyong mommy."

Mabilis naman akong pinuntahan ni Kyungsoo hyung at tinapik ang balikat. "Matalino si Andy, Sehun. Panahon na para i-explain mo sa kanya iyong mga bagay na dapat niyang malaman. Lalo na't papasok na siya sa school. Ayaw mo naman sigurong malaman na binubully si Andy sa school dahil hindi niya kilala ang Mommy niya diba?"

Napakuyom ako ng palad. "Hindi ko hahayaan iyon."

"Kumalma ka nga. Basta humanap ka ng tiyempo. Kausapin mo si Andy. Pilit mong ipaintindi sa kanya lahat. Okay?" Tumango ako. "Siya, tawagin mo na sila. Kakain na tayo."

"Tulog pa si Andy."

"Gano'n ba? Gisingin mo na. Anong oras na rin naman. Baka mahirapan na namang matulog iyang anak mo mamayang gabi."

I shrugged. "Hayaan muna natin. Pagod din iyon. Nahilo sa elevator kanina tapos kung saan-saan pa sila naglaro ni Kai kanina sa arcade."

Naalala ko iyong masayang mukha ni Andy kanina. Ayaw kong mawala iyon. Ayaw kong dumating iyong araw na mapapariwara siya dahil hindi niya kilala ang Mommy niya. Kaya naman namin nila hyung na palakihin si Andy kahit puro kami mga lalaki. Sana maintindihan ni Andy iyong sitwasiyon namin. Hindi ko hahayaang masaktan ng kung sinoman si Andy.

"Ano na namang iniisip mo?"

"Wala, hyung."

"Wala? Pero bakit nakakuyom parin iyang mga kamao mo?" Umiling nalang ako at iniwan siya doon. Badtrip talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro