Ika-anim na Kabanata
Linggo ngayon at maaga akong nagising. Hindi ko naman ugaling bumangon ng ala-sais ng umaga pero hindi na talaga ako makatulog kaya naghilamos na ako at nagdiretso sa kusina. Agad kong naamoy ang mabangong sinangag na niluluto ni Kyungsoo hyung.
"Oh? Aga mo ata?" Tanong niya. Dumiretso ako sa refrigerator para kunin iyong fresh milk at nilagay iyon sa paborito kong baso. "Ang aga-aga malamig agad ang iinumin mo. Baka sumakit sikmura mo."
Umiling ako. Sanay na naman ako. "Hindi na kasi ako makatulog. Ewan. Nakakatamad pa naman ngayong araw."
Tumango siya at inilagay iyong bagong lutong sinangag sa lalagyan. "Anong oras na umuwi sina Chanyeol kagabi? Halos madaling araw na ata noong narinig kong nagkakalabugan sa kwarto nila ni Baekhyun at sa kwarto ng anak mo," magkakatabi kasi ang kwarto namin nila Chanyeol at Baekhyun hyung, Andy, at ni Kyungsoo hyung.
"Hindi ko rin alam. Baka kaya maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako. Hindi ko kasi nakita si Andy buong araw kahapon," totoo naman. Umalis silang tatlo nila Chanyeol at Baekhyun hyung ng sobrang aga tapos umuwi sila kung kaylan tulog na ako. Namiss ko si Sehun liit!
"Kaya tahimik ang bahay kahapon, eh. Wala iyong tatlong baliw," napatawa ako. Hindi ba't Beagle Line ang tawag namin kay Chanyeol, Chen, at Baekhyun hyung? Pero noong dumating si Andy sa buhay namin, nagkaroon ng bagong tawag si Kyungsoo hyung sa kanila: Apat na Baliw. Iyong anak ko kasi nahahawa na sa kalokohan ng Beagle Line kaya pinalitan na ni Kyungsoo hyung iyong tawag sa kanila.
"Hayaan na natin. Magiging busy na rin naman si Andy simula bukas," oo papasok na sa school ang anak ko. Mamaya pupunta kaming mall para mamili ng gamit niya at mag-bonding na rin. Every Sunday kasi ay may father and son bonding kaming dalawa.
Napangiti si Kyungsoo hyung. Halata mong proud. "Oo nga pala. Bilhan mo ng baunan si Andy, ipagluluto ko siya araw-araw ng baon. Tapos bilhan mo na rin ng vitamins, sandwich spread, at tinapay para may snack siyang baon kapag hindi ako makakapagluto."
Kung si Suho hyung ang tumatayong tatay namin sa pamilya dahil siguro kinasanayan niya na, si Kyungsoo hyung naman ang tumatayong nanay namin. Siya ang palaging maaga gumising dahil ayaw na ayaw niyang kakain kami sa mga fast food restaurant. Hindi raw kasi healthy iyong mga pagkain doon kaya kung kaya naman naming iwasang huwag kumain, gawin namin. Pero minsan ayos lang din. Lalo na't kapag naiisipan naming kumain ng mga pizza, donut, burgers, at fries tuwing Linggo ng gabi.
"Nanay na nanay ang dating natin Kyungsoo hyung, ah?" Pumasok ang bagong gising na si Kai sa kusina at nakiinom sa gatas ko.
"Aga mo rin ata? Hindi ako sanay na maaga kayong nagigising ni Sehun!"
"Dapat ba kaming maoffend niyan, hyung?" Natatawang tanong ko.
Umiiling siyang nakangisi sa amin at nagsimula ng magluto ng ulam. "Hindi lang ako sanay na maaga kayong magising. Maknaes kayo, eh. Natural lang na palagi kayong late magising. Lalo na si Kai, hindi pa rin nagiging responsable sa paggising ng maaga."
Napanguso si Kai at nagpacute na naman. Kadiri! "Hindi kasi ako morning person, hyung. Nga pala, anong almusal? Maaga kasi akong aalis ngayon."
"Kaya naman pala maaga gumising, eh. May lakad," mahina kong bulong.
"Magsisimba ako!" Depensa niya.
"Sino kasama mo? 'Wag ako Jongin. Hindi ka taong simbahan."
"Hyung si Sehun, oh!" Pagsusumbong niya kay Kyungsoo hyung pero parang hindi na niya kami naririnig dahil nakafocus na siya sa kawali sa harapan niya. "Si Soojung kasi nagyayang mag-ski sa Japan. Doon sa pinuntahan nila Kasper at Chanyeol hyung dati?"
Napangiti ako. Good old times. Matagal ng hiwalay si Kai at Soojung. Nagtagal sila ng dalawang taon. Akala ng iba dati ay front lang ng SM iyong relasyon nilang dalawa. Pero hindi. Totoong naging sila. Ang tagal niligawan ni Kai si Soojung dahil hindi talaga namin sukat akalain na magugustuhan niya si Soojung. I mean, hindi naman kasi gano'n kainteresado si Kai sa mga babae dati. Parang si Monggu, Janggu, at Janggah lang masaya na siya. Nagulat nalang talaga kami noong isang araw na nagpapahinga kami sa dorm, biglang nagsisisigaw si Kai dahil sinagot na raw siya ni Soojung.
Tinago namin sa fandom kasi takot si Kai na baka talikuran siya ng mga fans. Natakot na siguro siya sa naranasan ni Baekhyun hyung at Taeyeon noona dati. Hm. Curious kayo kung naging totoo ang BaekYeon? Well, totoo rin sila katulad ng KaiStal. Iyon nga lang hindi nagtagal dahil parehas nilang hindi kinaya iyong negative feedbacks ng SONEs at EXO-Ls kaya naghiwalay sila. Si Kai at Soojung naman? Naghiwalay sila kasi nawawalan na sila ng oras sa isa't-isa. Mas naging busy kasi kami. Patuloy parin sa industriya ang f(x) pati narin ang Red Velvet, NCT, SHINee, Super Junior, SNSD, at iba pang mga grupo na binigyang buhay ng SM. EXO lang talaga ang nawala.
Naaalala ko pa noong mga panahong halos maging pariwara si Kai. April Fools kasi noong nilahad ng Dispatch iyong relasyon nila ni Soojung. Akala ng iba joke lang at entry lang ng Dispatch iyon para sa April Fools pero hindi. Totoong naging sila. Hindi ko na matandaan iyong exact date pero matapos ireveal ng Dispatch ang KaiStal ay nagkaroon kami ng overseas schedule makalipas ang ilang araw. Normal na samin na makarinig ng mga click ng mga mala-bazooka na camera ng mga fansites namin. Pero ang hindi namin inaasahan? Iisang fansite lang ang dumating para kay Kai noong araw na iyon. Hindi na ako nagtaka. Parang na-foresee ko na noong mga panahon na iyon na gano'n ang mangyayari kaya pinilit kong hinila agad si Kai papasok ng terminal dahil nakikita ko na ang pamumuo ng mga luha niya.
Pagkapasok na pagkapasok naman namin sa eroplano noon ay agad na napaiyak si Kai. Usually si Kyungsoo hyung ang katabi niya dahil siya lang naman ang nakakatagal sa antuking lalaki na ito. Pero that time, walang pag-aalinlangan akong tumabi sa kanya. Tahimik lang ako noon habang umiiyak siya. Nang makita naman nila hyung iyong sitwasyon, isa-isa nalang nilang tinapik ang balikat ni Kai. Ilang beses na rin kasi kaming pinaalalahanan ni Suho hyung na hindi magiging madali para samin na pumasok sa relasyon. Sana raw ay magsilbing aral iyong naranasan ni Baekhyun hyung at Taeyeon noona.
Noong nalaman namin iyong relasyon ni Kai at Soojung ay paulit-ulit siyang nagsorry sa amin. Parang tanga nga, eh. Sabi namin tanggap naman namin kasi lalaki kami. Tao rin kami katulad ng ibang tao sa mundo. May karapatan din naman kaming sumaya. Hindi naman sa may galit ako sa mga fans pero pare-parehas lang tayo, eh. Hindi naman por que nagkaroon na kami ng girlfriend ay kakalimutan na namin ang mga fans. Syempre hindi. Malaki ang utang namin sa fandom kaya hinding-hindi namin kayo bibiguin. Pero katulad nga ng sabi ko, tao lang kami. Ika nga nila, no man is an island. Mangangailangan kami ng isang tao na handang makinig sa mga rants namin kung gaano kami kapagod at the end of the day.
Siguro tumatak talaga sa isipan ko iyong naranasan ni Baekhyun hyung at Taeyeon noona. Kung ikukumpara kasi ang mga naranasan ni Kai at Soojung, parang mild lang sila? Kasi medyo marami na rin iyong shippers ng KaiStal bago pa man maging sila. O kasi hindi talaga ako sanay na tahimik si Baekhyun hyung? Noong mga panahon kasi na iyon ay sobrang lamya niya. As in nawala iyong nakakainis na Baekhyun hyung ko. Palagi lang siyang tahimik at malungkot. Hirap na hirap talaga siya sa sitwasyon nila. Kaya siguro hindi rin sila gano'n nagtagal ni Taeyeon noona ay dahil na rin sa pressure.
"Nagpaalam ka na ba kay Suho hyung? Baka mamaya umuwi ka na namang injured ha," pang-aasar ko.
"Hindi! Mag-iingat ako! Oo nagpaalam na ako. At saka babalik din ako bukas dahil may trabaho ako sa hapon. Hindi ko lang matanggihan si Soojung kasi hindi niya raw mapilit si Jessica noona na samahan siya," tumango nalang ako.
"Sige na nga. Pinapayagan na kita," tinapik ko iyong balikat niya.
"At saan mo pinapayagan si Kai, Sehun?" Nanigas ako sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses ni Suho hyung. "Kaylan ka pa naging head of the family?" Biglang humarap sa akin si Kyungsoo hyung at nginisihan ako pati na rin si Kai.
"Ah. . . . Eh. . . Hyung naman!" Nauutal kong sabi.
Ngumiti si Suho hyung at ginulo iyong buhok ko. Paborito niya talaga ako! "Pinayagan ko na si Kai. Babalik din naman agad iyan. Basta sinabi ko kapag may injury siya pagbalik dito wala siyang kakainin. Dapat iyong mga kinakain dito sa bahay ay pinaghihirapan. Kung wala namang trabaho, 'wag nalamg kumain."
"Papalibre nalang ako kay Soojung ng chicken sa Japan!"
"Takaw mo talaga sa manok, Kai."
"Masarap kaya!"
"Wala namang nagsabi na hindi masarap ang manok, ah?"
Pumagitna sa amin si Suho hyung at sabay kaming pinitik sa noo. "Aga-aga nag-aaway na naman kayo. Maaga pa. Magigising mga hyung niyo."
"Sorry hyung hehehe," sabay naming sabi.
Bandang alas dose na nagising si Andy. Akala ko nga wala na siyang balak gumising eh. Tanghali na nga siya gumising may topak pa! Eh badtrip din ako! Paano ba naman? Naihi na naman siya sa higaan niya! Ang panghi-panghi pa naman ng ihi nitong bata na ito! Kaya no choice ako kundi dalhin muna sa laundry shop iyong kama niya dahil hindi ko talaga kayang labhan iyon. Ni hindi nga ako marunong gumamit ng washing machine! Sabi sa laundry shop baka sa isang araw ko pa makuha iyong higaan ni Andy dahil masyado raw makapal at time consuming ang pagpapatuyo.
Pagkauwi ko sa bahay, kahit hindi na ako badtrip, nakasimangot pa rin ako. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Andy. Diretso lang ang tingin ko pero alam kong nakasunod siya sa akin kahit saan ako magpunta. Nakasalubong pa namin si Kai na bitbit ang isang malaking duffel bag.
"Aalis ka na?" Tanong ko kay Kai. Narinig kong suminghal si Andy. Syempre, hindi ko siya pinapansin pero si Kai pinansin ko.
"Oo. Male-late na nga ako sa flight ko. Hatid mo nga ako!" Pag-uutos niya habang pabalik-balik ang tingin sa wrist watch niya.
Napangisi ako. "Saglit lang. Magbibihis lang ako," pero hindi pa ako nakakahakbang palayo ay may humila na sa laylayan ng damit ko. Nilingon ko si Andy at nakita ko ang mukha niyang namumula na dahil sa pagpipigil ng iyak. "Ano?"
"Daddy. . . ." Kaunting salita pa pipitik na si Andy. Namumula na iyong ilong tapos humahaba na iyong nguso eh, mas matangos na kaysa sa ilong niya.
"Bitiw. Magbibihis ako. Ihahatid ko si Kai sa airport," pero mas humigpit lang ang hawak niya sa damit ko.
Tinapik na ni Kai iyong balikat ko. "'Wag mo na ako ihatid Sehun. Magta-taxi nalang ako."
"Ayos lang. Wala naman akong gagawin ngayong araw, eh."
"Daddy, sabi mo po bibili tayo ng school supplies ko ngayon!" Tinignan ko si Andy. Umiiyak na. At oo nga. Nakagayak na siya. Sino kaya nagpaligo dito? "N-nakaligo na po ako. M-mabango na rin po ako. P-punta na po tayo sa S-SM."
Naupo si Kai at pinunasan iyong mukha ni Andy pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya. "Aalis na si hyung. Kiss ko?" Kiniss naman siya ni Andy pero walang tunog. Matunog kasi humalik si Andy eh. "Magbati na kayo ni Daddy mo ha?" Tumayo siya at tinignan ako. "Pinapaiyak mo na naman anak mo."
Pagkaalis ni Kai, naupo nalang ako sa sofa. Tulog lahat sila hyung sa mga kwarto nila. Kami lang ni Andy ang gising. Abala ako sa paghahanap ng pwedeng mapanood nang biglang umupo sa hita ko si Andy at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako. Sweet talaga nitong anak ko. Ang tigas lang ng ulo minsan. Hays.
"Daddy. . ." He trailed off. "Sorry na po."
Napairap ako. "Ano bang sinabi ko sayo, Andy Oh? Hindi ba't sabi ko kapag naiihi ka tumakbo ka sa CR? Kaya ka nga may CR sa kwarto para doon ka umihi eh hindi sa higaan mo."
"May n-nightmare po kasi ako kagabi kaya hindi po ako nakabangon," pinaniwalaan ko naman. Ni minsan talaga hindi naihi si Andy sa higaan niya, ngayon lang kaya bagot na bagot ako. "Natakot po ako kaya hindi ako nakatayo sa higaan. Sorry na po, Daddy."
Tinapik ko iyong balikat niya at niyakap ko na rin siya. Kahit naman palaging pinapasakit nitong si Sehun liit ang ulo ko mahal na mahal ko ito. Ako lang may karapatang magpa-iyak dito. "Ano bang nangyari sa panaginip mo?"
Hinawakan niya iyong kamay ko at nilaro ang mga daliri nito. "Iniwan mo raw po ako tapos hindi mo na ako binalikan."
"Hindi ba sabi ko sayo lahat ng mga napapanaginipan mo ay malayong mangyari sa katotohanan?" Palagi kong sinasabi kay Andy iyan kasi bilin ni Mama sakin na ipaalala ko kay Andy. Palagi kasi akong binabangungot noong bata pa ako. "At saka kung iiwan kita, sana matagal na. Ang tigas-tigas ng ulo mo."
"Sorry na po. ." Nagsusumamo na iyong boses niya. "Magiging good boy na po ako!" Ngumiti siya sa akin.
Hinilamos ko naman ng palad ko iyong mukha niya. "Tigilan mo ako. Palagi mo namang sinasabi iyan pero bumabalik ka pa rin sa dati."
Bumungisngis na naman siya. Ugali niya iyan kapag napapahiya siya eh. "Love mo naman po ako!"
Kinarga ko si Andy at nagpunta sa kusina. Inupo ko muna siya sa kitchen island at nagsulat sa isang piraso ng sticky note. Sinabi ko lang doon na aalis kami ni Andy para bumili ng gamit sa school at magde-date na rin kami kaya gagabihin kami ng uwi.
"Daddy, aalis na po tayo?" Masigla na ulit iyong boses niya.
Tumango ako at kinarga ulit siya. "Bibili na tayo ng school supplies mo tapos punta tayong Enchanted Kingdom."
"Hala, Daddy! Galing na po ako doon kahapon!"
Pagkalabas namin ng bahay, ibinaba ko na si Andy at sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan ko. "Akala ko ba ako ang gusto mong makasama kapag pumunta ng EK? Bakit pumunta ka doon ng hindi ako kasama?"
"Si Chanyeol hyung po kasi eh!" Sagot niya at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa sarili niya. Nabangga niya pa ng pintuan iyong sarili niya. Haaaaay.
"Ano bang nangyari kahapon? Baka pwede mo ng sabihin sakin ngayon tutal naman tapos na?" Isinuot ko ang seat belt at ginaya naman ako ng anak ko. Nagsimula na akong magmaneho nang bigla kong natapakan iyong preno dahil sa sinabi ni Andy. "Ano?! Tama ba ang narinig ko?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Tumango si Andy at nag-hum pa kasabay ng tugtog. "Opo, Daddy! Sinagot na po ni Baekhyun hyung si Chanyeol hyung!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro