Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


"There are two tragedies in life. One is not getting your heart's desire. The other is to get it..." -George Bernard Shaw.

•-----•♥•-----•

THE REPUDIATED SON

Cristan Jacov

Nauwi sa lungkot ang masayang gabi sana dahil nanalo ako sa sinalihang pageant. My father discovered my biggest secret in life. The secret of being a gay.

"Ano ang ibig sabihin nito!?"

Nanlilisik na mga mata ni Daddy ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa bahay. He's holding a picture of me wearing a gown. The same gown I wore just an hour ago at the pageant.

Pero paano s'ya nagkaroon ng picture ko?

Parang luluwa ang puso ko sa sobrang kaba. And yes, I am a homosexual person. I'm not ashamed about it.

Ten years old pa lang ako nang mapansin kong hindi ako naa-attract sa mga babaeng nakikipagkaibigan sa akin. In fact, naiinggit lang ako sa kanila dahil hindi ako ipinanganak na katulad nila.

Pinilit kong itago ang tunay na pagkatao ko sa takot na baka malaman ni Daddy ang totoo. And knowing him as my father, he wouldn't acknowledge my existence if he finds out who or what I truly am.

Strict si Dad pagdating sa paksang homosexual. Salot sa lipunan ang tingin niya sa mga katulad namin. Tagadala ng malas at kahihiyan sa kanila. Kaya hindi naging madali sa akin ang ilabas ang tunay na ako.

All these years, I tried to act normal in front of him and of my other classmates na walang alam sa sekreto ko.

"Dad, let me explain." Sinubukan kong pakiusapan siyang makinig sa paliwanag ko. Sinubukan ko ring pigilin ang paglambot ng boses ko, but of no avail. Lalo lang nadagdagan ang galit sa mukha ng aking ama.

Pinilit ko naman na maging normal, ah. Pinilit kong maging lalaki kahit labag sa kalooban ko.

Sinubukan kong manligaw sa isang babae na hindi rin naman nagtagal dahil nandidiri lang ako sa sarili ko. Sinubukan kong manigarilyo't uminom at umastang siga, pero iba talaga kung hindi mo gusto ang ginagawa mo. You would never be truly happy.

Until, I graduated in high school...

I enrolled in two different courses nang tumuntong na ako ng kolehiyo. My father wanted me to be a businessman like him, so I enrolled in Business Management. The other course was my heart's desire... and that is fashion designing.

Doon ko na rin nakilala si Lhianna Yesha de la Vega, ang tanging nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Ang best friend ko.

She's already 19 years old now, at may maipagmamalaki na sa buhay. While me? I'm only 18 at may posibilidad pang matigil ako sa pag-aaral, kahit na kasisimula ko pa lang, at itakwil ng sarili kong ama.

Dumadagundong sa buong kabahayan, sa dis-oras ng gabi ang nagngangalit na boses nito.

"Let me explain? What for? Para gaguhin mo lang ako? Kailan mo pa ako niloloko nang ganito, ha, Cristan Jacov? Magsalita ka!" Nanginginig ang kamay na itinapon nito sa mukha ko ang hawak niyang litrato.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luhang nagpapahiwatig ng sakit at kabiguan. Buong buhay ko, ngayon lang ako nasigawan ni Daddy nang ganito. He has been a perfect father to me. Lahat ng gusto o request ko, ibinibigay niya. Sobra sobra pa nga, e.

Pero kasalanan ko bang maging bakla ako? Ginusto ko ba ito? Hindi naman, ah. I don't deserve to be treated like this just because I can't be that person he wanted me to be.

Tao lang din ako... na nasasaktan, nagmamahal, naghahanap ng kalinga at pag-intindi ng isang magulang. Mali bang maging totoo ako sa sarili ko?

"Dad, I'm sorry. Hindi ko naman po hiniling na maging ganito ako, eh. I'm really, really sorry, Dad," hinging-paumanhin ko sa aking ama. Nanghihina akong lumuhod sa kanyang harapan, at walang tigil na umiyak. Nagbabaka sakaling tanggapin niya pa rin ako.

Ngunit, bato na siguro ang puso niya para itakwil ako nang walang pagdadalawang-isip.

"Stop calling me 'Dad' dahil hindi kita anak! Wala akong anak na bading na katulad mo, Cristan!" he angrily said it while pointing his forefinger at me. "Kaya lumayas ka na ngayon din sa pamamahay ko bago pa kita masaktan."

Agad niya akong tinalikuran at naglakad patungong hagdanan. Alam konh hindi ko na mababago pa ang desisyon niya kapag gani to Siya.

Nakita ko si mama na nakatayo sa ibabaw ng hagdan at tahimik na umiiyak, habang napapailing sa nasaksihan. Pati siya ay wala nang magagawa pa sa kagustuhan ni daddy na itakwil ako. Pati siya ay nabigo ko.

I'm sorry mama. Sorry po...

"Christian, maawa ka naman sa anak natin. Wala siyang mapupuntahan. Gabi na at baka mapano siya," rinig kong pakiusap ni mama, pero masyadong matigas ang ama ko.

"Wala na akong pakialam pa sa kanya. He should learn his lesson. Ayoko nang makita pa ang baklang iyan magmula ngayon, Synthia. Kaya paalisin mo na siya bago pa ako magpatawag ng guwardiya't ipakaladkad siya."

Napangiwi ako sa sinabi ni daddy. Talagang nilakasan pa niya ang pagkakasabi niyon para lang marinig ko.

"At 'wag na 'wag kang magkakamaling makipagkita sa kanya nang palihim, Synthia, kung ayaw mong pati ikaw ay palayasin ko," banta ni Dad kay Mama.

"Christian naman... bakit ba ang hirap sa iyong tanggapin ang anak mo sa kung ano siya? Kahit ano'ng gawin mo, itakwil mo man siya, dugo at laman mo pa rin ang nananalaytay sa kanya," humihikbing paliwanag ni mama.

Tama na, Ma. Ayokong pati ikaw ay madamay sa galit ni Daddy. I wanted to shout it, but I already lost my voice from too much crying. Even my body was too weak from so much pain.

I just wished I would vanish in an instant.

Bakit kung sino pa ang taong mahal ko ay siya rin ang makapagbibigay sa akin ng ganito katinding sakit? Bakit kung sino pa ang taong makapagpapasaya sa akin ay sa isang iglap, siya pa ang may kakayahang gunawin ang mundo ko?

Bakit kung sino pa ang inaasahan kong makakaintindi sa akin ay siya naman ang unang manghuhusga sa akin?

"Matatanggap ko lang ang walang-hiyang iyan kapag naging normal na siya't may maipakilalang asawa niya!" iyon ang huling sinabi ni Daddy bago siya pumasok sa kwarto nila at pabalibag na isinara ang pinto.

Patakbong tinungo ni Mama ang kinaroroonan kung saan ako nakayukong nakaluhod. Lalo lang akong napahagulgol nang maramdaman kong iniangat niya ako mula sa pagkakayuko at niyakap nang mahigpit.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin ang bagay na 'to anak? Wala ka bang tiwala sa Mama mo?" lumuluhang tanong ng aking ina.

"I'm... sorry, Mama," nahihirapang sagot ko at mahigpit na tinugon ang yakap niya. Ang yakap ng isang ina. Mami-miss ko ito sa pag-alis ko.

"Sshh... tahan na, anak. Kailangan mong maging malakas simula ngayon," pagpapalakas-loob ni Mama. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"P-Paano, Ma? Kayo na pamilya ko ang lakas ko, p-pero tinalikuran... t-tinalikuran na ako ni D-Daddy," hirap at utal-utal kong sabi. Wala na akong pakiaalam kung magmukha akong batang nagsusumbong sa ina ko.

Sa huling pagkakataon, ako naman ang yumakap sa kanya. Sa kanyang mga bisig ko ibinuhos ang lungkot na hindi na yata maiibsan pa sa aking paglayo. At nang sa tingin ko'y kaya ko na ang magsalita, nagpaalam na ako kay Mama. Baka palayasin pa siya kapag nagtagal pa ako.

Walang lingon-likod akong umalis at walang dala-dalang gamit kundi ang cellphone ko lang at ang perang napanalunan ko sa pageant. Isa lang ang taong naiisip kong pwedeng mapuntahan. Ang taong nakakaintindi sa akin at alam kong hindi magdadalawang-isip na tulungan ako.

Ang taong unang nakaalam ng sikreto ko. Si Lhianna.

Sa kamalas-malasan, umulan pa nang malakas nang maglakad na ako papunta sa bahay ni Lhianna. May ilang kilometro pa ang layo. Walang magawa ang perang dala ko para maibsan ang paghihirap ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala nang pumapasada.

Hinang-hina na ako nang marating ang bahay ng kaibigan ko. Pero 'di ko magawang mag-doorbell basta-basta at baka maputol ang tulog nila. Kaya naisipan kong maupo na muna sa lupa at sumandal sa gate.

Hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog sa paghihintay.

"Ui, megz! Bakit ka nariyan?" ang sigaw na pumukaw sa mahimbing kong tulog. Ang tinig ni Lhianna.

Hindi ko na nagawang sagutin ang kanyang tanong dahil nanghihina ang katawan ko. Lalagnatin pa yata ako. Inalalayan ako ni Lhianna upang makatayo. Tumulong na rin ang kasambahay nila.

Si Lhianna ang nagbigay sa akin ng makakain, noong wala akong makain. Ang nagbigay ng bagong damit, noong wala akong maisuot. Ang nag-alok ng bagong matitirahan, noong mga panahong wala akong matuluyan. At ang nagbigay ng trabaho at pag-asa sa akin noong mga panahong nais ko na'ng sumuko.

Siya ang naging sandalan ko sa apat na taong nakalipas... hanggang ngayon. At siya na ang naging pamilya ko simula noon.

I am Cristan Jacov Emerson; and I am the repudiated son.

•-----•♥•-----•

THIS IS A WORK OF FICTION.
Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

A true writer hates plagiarism.
stuck_n_silence

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro