Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXXVII | Uncertainties

Cesia's POV

"Isipin niyo nalang bro kung anong mangyayari kapag natuluyan nga 'yang babaeng 'yan!" sabay duro ni Chase kay Ria na tahimik na kumakain sa katapat niyang upuan.

Nalilito pa rin ako kung anong ibig sabihin ni Chase.

Ano nga bang meron kung matuluyan nga si Ria? Atsaka, anong tuloy ba ang pinagsasabi nito? Tuluyan nang ma-ano?

"Responsibilidad niya na 'yan." ani Dio. "She knows how to control herself."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

Palihim kong minasdan si Ria. Namamaga yung mga mata niya at gulong-gulo yung buhok niya. Naka-ismid lang siya, at ang nakakapanibago, ay ang kakaibang daloy ng kalungkutan sa hangin na umaaligid sa kanya.

Dahil dito, hindi ko naiwasang maalala ang nasaksihan ko kahapon.

Bitbit ang isang paper bag na may lamang school supplies na kabibili ko lang mula sa mall, naglakad na ako pabalik sa dorm.

Nakangiti ako dahil naisipan ko ring bilhan si Art ng stationery set na Powerpuff Girls ang theme. Siya kasi yung unang pumasok sa isipan ko nang makita ito eh, kaya binili ko nalang para sa kanya.

Pumasok ako sa dorm at nalamang hindi pa nakakabalik yung iba.

Dumiretso ako sa kwarto para makapagbihis. Ipinatong ko ang paper bag sa upuan at sinimulang hubarin yung uniform ko. Pagkatapos hubarin ang vest, niluwagan ko yung necktie ko para sana'y tanggalin ito. Kaso, napatigil ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dahan-dahang bumaba ang aking mga kamay mula sa pagkakakapit sa leeg ko.

'I hate this life!'

Ria?

'Pagod na ako!'

Dumaan ang ilang segundo at tumahimik ulit.

Lumabas ako at nadatnan yung iba na nasa sala. Natakatayo silang lahat at parehong nakaharap sa balkonahe. Maliban nalang kay Trev na mag-isang nakaupo sa dulo ng sofa at nakahalukipkip, na tila nababagot.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Ibang-iba ang Ria na kilala ko sa Ria na nakita ko kahapon...

Ang sabi ni Art, normal lang 'yon na mangyari kay Ria kasi anak siya ng God of Violence and Bloodshed kaya asahan ko nalang daw na magiging bayolente siya kapag nadala ng matinding stress.

Nakakatakot.

Siguro dahil first time ko siyang nakita na sobrang galit.

Tinanong ko naman si Kara kung anong nangyari at bakit nagkagano'n siya, at ang tanging sagot niya lang ay wag nalang daw kaming mangialam.

Napaisip din ako, kung ako kaya?

Pero hindi naman ako nagwawala ah. Ang galing ko ngang itago yung nararamdaman ko kung sakaling may bumabagabag sa'kin. Minsan, kapag hindi ko na talaga kaya at kailangan kong mailabas yung stress...

Kumakain ako.

Mambubulabog ako hindi para mag-umpisa ng gulo, kundi para magtanong kung saan ako makakahanap ng makakain.

"Pero may point naman si Chase ih..." ani Art. Agad niya namang binawi yung sinabi niya nang makatanggap siya ng nanunumbat na tingin mula kay Kara.

"H-Hehehe... si Bubbles pala yung may point-" Natatarantang pinuno ni Art ng pagkain ang kanyang bibig.

Binaba ni Ria ang kutsara't tinidor sa kanyang plato. "Do you guys... want to go shopping?" Nilingon niya kami.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko dahil sa takot na magkamali ng sagot.

"Cesia?"

Nabulunan ako nang banggitin niya yung pangalan ko. Binigyan ko siya ng isang nag-aalinlangang ngiti. "S-Sige ba..." Nanginginig yung magkabilang sulok ng bibig ko. Shoot. Sana hindi niya nahalata.

"Ang ganda sanang sumama..." Yumuko si Art.

"You're not coming with us?" Nakasimangot si Kara.

"Ah... ano kasi... may meeting pa kami ni professor ih..."

Magsasalita na sana si Kara pero inilingan siya ni Ria, senyas ng pagpapatahimik.

"It's okay, Kara." malumanay niyang sabi. "Art, are you sure? I was going to treat you with those powerpuff girls-inspired frappe with glitters on top of the whip cream... or whatever you call those."

Lumiwanag ang mukha ni Art. "Jokeee!!!" Nag-peace sign siya sa'min. "Sasama talaga ako. Hehehe." Umusog siya ng konti papalapit kay Ria at bahagyang humilig dito. "Pwede tatlo yung akin?" bulong niya.

"You can have as much as you want."

"Yuss!" ani Art, at nag-fist pump.

• • •

Lumabas ako ng fitting room suot ang isang navy blue dress na may lace sa dulo ng skirt. Sa totoo lang, hindi ko na matandaan kung pang-ilang damit ko na ito. Halos isang oras na rin akong pabalik-balik sa fitting room para matugunan ko yung hingin nila na i-try out lahat ng mga damit na inaabot nila sa'kin.

"You know what? You're no use." puna ni Ria. "Art, palitan mo si Cesia bilang tester natin."

"Hala! Ba't ako?" Nag-pout si Art.

"Eh wala naman kasing damit na hindi nababagay sa babaeng 'yan!"

Napangiti ako.

Sabihin nalang natin na na-touch ako sa sinabi niya.

Sa labas ng stall, nakita ko ang isang lalaki na pinapaligiran ng mga babae. Naka-akbay siya sa dalawa pero nang magkasalubong ang aming tingin, ay mabilisan niyang ibinaba ang kanyang mga braso.

West.

Nginitian ko siya na halatang ikinagulat niya.

"Ayoko nga kasi! Iiihhh!"

Nabaling ang aking atensyon kay Art na tumatakbo-takbo dahil ayaw nitong suotin ang mga damit na nakasampay sa braso ni Ria na hinahabol siya.

Hinanap ko si Kara at natagpuan siya sa tapat ng mga t-shirts na nakahilera sa kaliwang bahagi ng boutique. Nakasunod sa kanya ang isang aurai na may dalang puting basket na kinalalagyan ng napili niyang mga damit.

Halos dalawang oras din ang lumipas nang ipinaalam ni Art na tumutunog na raw yung tiyan niya. Si Ria ang pumirma sa delivery form para maihatid sa dorm ang mga pinamili namin, saka kami lumabas at tumungo sa cafeteria.

Mula sa di kalayuan, nakita ko si West na tumatakbo papalapit sa'min. Hindi ko nahagilap ang dala-dala niya dahil kay Ria na bigla akong siniko.

"Would you look at that..." Narinig kong bulong niya.

"Ayieee!" Kumapit naman si Art sa braso ko at sapilitan akong inaalog-alog.

"T-teka lang-" Hinawakan ko ang mga kamay niya at marahan siyang itinulak. "Ba't kayo ata yung mas excited kesa sa'kin?"

Pagkaharap ko, sumalubong sa'kin ang isang bouquet of roses at isang box ng chocolate. "U-Uhh..." Napaatras ako nang isang hakbang dulot ng pagkabigla.

"Mabuti nalang at nakita kita." Malapad ang ngiting suot ni West. "I've been busy these days but I assure you, I don't break my promises... like giving you these."

"Thank you." Tinanggap ko ang mga ito. "P-Pero West..."

"Yes?" Nananabik niyang tanong. "Is there something you want to tell me?"

"Meron... kaso..." Napatingin ako sa mga students na nakatingin din sa'min. "Pwede bang ano... umm... yung tayong dalawa lang ang mag-usap?" hingin ko na ipinagtaka niya.

"Why? If you wanna confess that you like me back-"

"I don't." Inunahan ko na siya. "I don't like you back." Binalewala ko ang reaksyon ng mga estudyante na sa kasalukuya'y pinapanood kami. "But I appreciate your effort. 'Yon lang sana ang gusto kong sabihin."

"What?" aniya, na may kasamang naaasiwang tawa. "C-Can I ask why?"

"Kasi..." Shoot! Ano nga ba yung dahilan? "Kasi ayoko munang mag-entertain sa ngayon. Bago pa ako rito at gusto ko munang i-dedicate lahat ng time ko sa pag-adjust."

"Hmm." Tumatango-tango si Ria. "She does have a point, you know?"

Napansin ko ang pagdilim ng mukha ni West nang marinig 'yon. "Are you sure about your decision?"

Tumango ako. "Kung gusto mo, babayaran nalang kita kung magkano yung nagastos mo sa mga-"

Nagulat ako nang bigla niya kaming tinalikuran at taas-noong humakbang papalayo sa'min. Direkta lang siyang naglakad paharap at ni isang beses ay hindi kami nilingon.

Bahagyang napabukas ang aking bibig, hindi makapaniwala sa inasta niya.

May sinabi ba akong mali?

"D-Did..." Nakapameywang si Ria nang harapin kami. "DID HE JUST ROLL HIS EYES AT US?!"

"I pity his pride." puna ni Kara.

"Tara na nga." Mabilis kong pinakawalan ang bumabagabag sa'king kalooban, at yun ay ang nangyari lang. May bahagi naman kasi sa'kin na naiintindihan kung bakit gano'n yung reaksyon ni West. Alam ko na masakit ma-reject lalo na kung may naibuhos ka nang effort para sa isang tao, at tanging panahon lang ang makakahilom n'on.

"Hayaan na natin 'yon." saad ko.

Tinakpan ni Art ang kanyang bibig at humagikgik. "Ang cute n'un! Nung inisnaban niya tayo. Para siyang isang mean girl sa movies! Mas malala pa siya kay Mojojojo!"

"Bahala na nga siya sa buhay niya." tugon ni Ria. "Let's go eat already."

Akala ko, tuluyan na ngang nakaalis si West... pero mayamaya pa'y, habang nag-oorder ng pagkain sa cafeteria, ay muli ko siyang nasulyapan. Nakatayo siya sa tabi ng pinakadulong food stall, at may kausap siyang babae na nakatalikod sa'kin.

Si Kaye.

Kumunot ang aking noo.

Hmm. Close pala sila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro