Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXXVI | Anxious

Ria's POV

"May paparating... makapangyarihan." Nanginginig ang dalawang kamay ni Kaye na nakahawak sa tasang nakatapat sa kanyang bibig. "H-Hindi ko alam kung sino pero alam kong patungo na sila dito."

Tinignan niya ako. "Galit sila sa mga deities. Galit na galit."

Nagkasalubong ang aking kilay. "Do you know why?"

Umiling siya.

I sighed. "So you're telling us, there are a lot of creatures on their way here? And they're responsible of the attack that happened?"

Binaba niya ang tasa habang tumatango-tango.

Nagtinginan kami ni Kara.

"How much time do you think we have left?" tanong niya kay Kaye na nakaupo sa katapat naming upuan. Pumagitna sa'min ang isang kuwadradong dining table, na kayang mag-accommodate ng dalawa hanggang apat na katao lang.

Mas maliit kasi ang dorm rooms ng mga Gamma at Beta pagka't dalawa lang silang nakalaan sa iisang room. Well, except the chief wardens. They have their own quarters, like the Alphas', located inside the sacred grounds. By sacred grounds, I mean the part of the Academy, just behind the campus park, where the temples of the gods and goddesses are found. Sila ang nangunguna sa pagpapangalaga ng mga templo kaya karapat-dapat lang na manirahan sila malapit dito. It's also their responsibility to make sure that the Academy is in good terms with the deities by ensuring daily offerings, prayers, and stuffs like that.

"Before the month ends." sagot ni Kaye.

"Shit." I mumbled under my breath. "Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?"

"I could tell just by looking at the rays of the sun, Ria." aniya. "Pero kung gusto mo talagang malaman kung totoo nga yung vision ko, pwede naman tayong maghintay na magkatotoo ito."

"Maghintay? Na may mangyaring masama sa'tin?" I scoffed. "No way."

"Excuse us." Tumayo si Kara. "The others might have sensed our absence already."

Tumayo na rin ako at tinanguan si Kaye bilang paalam.

Lumabas na kami at tumungo pabalik sa dorm namin.

What Kaye told us wasn't a warning. It was a prediction of what's going to happen before this month ends.

"What do you think?" tanong ko kay Kara habang naglalakad kami sa corridors. "Something's telling me that the council already knows about this. 'Yon nga lang, hindi pa sila kumikilos."

"I don't know."

What she replied caught me off guard. Madalas ko nang naririnig ang mga 'I don't know's niya. Wala naman akong problema dito, but it's just not something that you always hear from her.

"The school..." Bakas sa kanyang boses ang pangangamba dahilan na mapahinto na nga ako. "The students... the staff... we can't protect all of them."

Tama ba itong naririnig ko? Na kinatatakutan niya ang mangyayari?

"Why would a person like you get nervous?" Sa totoo lang, pati ako ay kinakabahan na rin dahil sa pinagsasabi niya. "Kara, malalampasan natin ang kung ano mang paparating."

"How'd you know that?" She said, while wearing a stern look. "Kaye didn't say something about the aftermath of her vision."

Nanlambot ang aking tingin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag masyadong mag-alala. Mayroon pa naman kaming panahon para makapaghanda. "Kara-"

"If those creatures already proclaimed war, then they're going to start one."

"Pakinggan mo nga ako-"

"No one's stopping them. We will try but it will take more than just the eight of us."

Hindi na ako nagsalita pa. Sinulyapan niya ako bago magpatuloy sa paglalakad. Iniwan niya akong mag-isang nakatayo sa gitna ng malawak na pasilyo. Pinalibutan ako ng mga estudyante pero sa sandaling 'yon, wala na akong nararamdaman na presensya.

Except mine, of course.

I snickered.

Kasi gano'n naman talaga 'yon eh. Kahit nung hindi pa ako napadpad dito, mag-isa lang naman ako... kaya bakit ba ako magugulat kung basta-basta nalang ako iniiwan ng iba, diba? Bakit ba ako masasaktan kung ayaw nila akong pakinggan?

Sarili ko ngang pamilya, iniwan ako. Sarili ko ngang ama, hindi ako pinapakinggan.

Kaya wala akong karapatang umasa na may makakaintindi sa'kin. I'm nothing but a hopeless case. I might as well stop existing.

But I'm too weak to hurt myself... and I'm too sca-

Pinigilan ko ang sarili ko na isipin ang salitang 'yon. Gods. I won't even attempt to say it in my mind, how much more say it out loud using my own mouth?

"Tsk!" Kinuyom ko ang aking mga palad.

• • •

Hinablot ko ang vase na nasa mesa at hinagis ito mula sa balcony. "This is bullshit!" Napasigaw ako para mailabas ang galit na dala ng mga masasakit na ala-ala.

"Fuck!" Bumabalik lang lahat ng pait! Ang hinanakit ko!

Napasabunot ako at muling napaiyak nang malakas.

Bakit ba kasi ang hirap?! Ang hirap lumingon sa nakaraan nang hindi ako nasasaktan?! Gano'n nalang ba ako kahina?! HA?!

Malalim at mabigat ang bawat hininga ko habang pinag-uukulan ng tingin ang mesa. Padabog akong lumapit dito at pinulot ito. "I HATE THIS LIFE!" Tinapon ko ito pababa ng balcony. Narinig ko pa ang pagkasira nito pagkarating sa lupa dahil sa lakas ng bagsak nito.

Kanina pa sumasakit yung ulo ko.

But who cares right?!

Ang gusto ko lang naman ay malaman kung bakit. Bakit pinapahirapan pa kami kahit hindi naman ito ang buhay na pinili namin.

It's not our fault that we were born to be responsible over something we have no control over. Like fuck! Sino bang may gusto ng buhay na'to ha?! Araw-araw nalang, may namumuong problema. And just when you think that it couldn't get any worse, saka darating ang mas masamang balita, ang mas mabigat na responsibilidad.

"P-Pagod na ako..." Tinuyo ko ang mga luha sa pisngi ko. "Pagod na ako!" sigaw ko sa kalangitan. "We've been putting up with your shit ever since we were born!"

Walang-tigil ang pag-agos ng mga luha ko. "I'm not afraid to curse y-you..." Umiling-iling ako habang nakatingala sa itaas. "Because you deserve it. Every single one of you deserves to know the pain we go through because we were born as your children."

My eyes slowly drifted to the ground. "Kaya kahit ngayon lang, tignan niyo naman kami bilang mga anak n'yo..." bulong ko. "-at hindi lang mga sunod-sunuran..."

Dahil napapagod din kami. May sarili kaming pag-iisip. May sarili kaming mga pangarap. Hindi pwedeng ganito nalang kami palagi.

"We're already struggling to maintain the peace in your domains." dugtong ko. "But why though? Why can't you appreciate all that we've done for you?"

With my head still lowered, I managed to stop my tears from flowing. "Instead, you send us this... war." A faint laugh escaped my lips. "If any place deserves to be a battlefield, it is not the Academy."

"It's your thrones."

Itinukod ko ang aking mga kamay sa railing ng balkonahe at napapikit. Mas lalong lumalala ang pananakit ng ulo ko dahil sa pinanggagawa ko.

Napasinghap ako nang bigla akong nanghina dahilan na maitukod ko yung siko ko. "Shit." I murmured before pulling myself up again.

'You're scared, Arianne.'

My lips formed a grin upon hearing his voice inside my head. "Ako? Takot? Pathetic."

'Arianne.'

"Ikaw ba talaga ang God of War? O hanggang pangalan ka lang-" Napatigil ako nang may di-nakikitang puwersa na tinulak ako paatras kaya't bumagsak ako sa nanlalamig na sahig. "Does it really hurt your pride that much? To be insulted by your own blood?" Dahan-dahan akong tumayo.

"Nakakahiya ka." saad ko. "Kinakahiya kita bilang ama ko-" Dinamdam ko ang dugo na tumutulo mula sa ilong ko.

Shit. Am I reaching my limit already?

Napatingin ako sa espada na nasa kamay ko.

Oh no. I don't remember summoning a sword.

Quickly, I wiped the blood off my nose and dispersed the weapon. Inayos ko rin yung uniform ko atsaka ang sarili ko.

Umikot ako at napahinto nang makita yung iba na nasa loob ng dorm. Lahat sila'y nakatingin sa'kin.

Akmang lalapitan ako ni Cesia pero hinarangan siya ni Kara.

I cleared my throat before going inside.

"Sorry." Agad akong nag-apologize sa kanila pagkapasok ko sa loob. Nginitian ko nalang si Cesia na halatang nagtataka.

"That was close, Ria." Narinig kong tugon ni Dio.

"But did I hurt anyone?" tanong ko sa kanya.

"No." he answered, with voice as deep as an ocean. "But last time, you did."

Mula sa harap, lumipat ang aking tingin kay Art na nagtatago sa likod ni Cal. She blinked several times before avoiding my gaze.

Muli akong napapikit dahil sumakit na naman yung ulo ko. At sa aking pagmulat, sumalubong sa'kin ang nandidilim na mukha ng anak ni Zeus.

"Rest." utos niya.

I nodded and proceeded to my room, kung saan bumagsak kaagad ako sa higaan.

For a few minutes, I didn't dare to move a muscle. Staring at the ceiling while listening to my own heart beating somehow made me feel at ease. Nang mapagaan na ang loob ko, pinikit ko ang aking mga mata... at inalala ang nangyari...

Di bale nang masaktan ako, dahil ito lang din naman ang huling ala-ala ng dating ako.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang matangkad na lalaki. Nakatayo lang siya sa pintuan at suot niya yung uniform na katulad nung kay mama. Ibig sabihin, magkasama sila sa trabaho?

'A letter from the commander-in-chief.' May inabot siya na isang puting envelope kay Lola. 'We would like to send our condolences... Ma'am.' Tinanggal niya yung kulay green na hat niya at tinapat ito sa kanyang dibdib sabay yuko.

Tinignan niya ako kaya't napasinghap ako at dali-daling niyakap si lola. Binaon ko yung mukha ko sa tagiliran niya para di makita nung lalaki yung mukha ko.

'Ria, mag-hi ka sa mga kaibigan ng mama mo...' ani lola habang hinahaplos-haplos yung buhok ko.

Napatingin ako sa mga kasama nung lalaki na nakatayo sa likuran niya. 'Ayoko.' Wala namang sinabi sa'kin si mama na kaibigan niya sila. Kay mama lang ako maniniwala.

Sumilip ulit ako sa labas.

Asa'n nga ba yung mama ko?

Umupo ako sa dulo ng higaan at napatingin sa military uniform na naka-frame at nakasabit sa pader. "You have always looked good in that uniform, ma."

Tumayo ako at maingat na binaba ito. Binuksan ko yung frame at mula dito, ay maayos kong inilatag ang uniform sa higaan.

I still remember the second I heard the news...

'Ria, hija, hindi na makakabalik si mama.'

I still remember the moment I came to understand what was written in the letter...

'P-Pero ang sabi niya babalik siya. Ang sabi niya, babalikan niya po ako...'

'Arianne, may nangyari daw sa isa sa mga camps nila sa Afghanistan, t-tapos si mama mo... isa siya sa-'

And I remember my grandmother choking on her own words before falling on the ground, with her hand clutching the letter on top of her unbeating heart.

Hinayaan ko ang mga luha ko na makatakas. "I-Iniwan niyo pa rin ako." nanghihina kong sabi. "I-Isang araw lang. Isang araw lang 'yon, m-mama, l-lola..." Pinunasan ko ang namamasa kong pisngi. "Isang araw lang ang kinailangan niyo para iwan a-ako nang g-ganun-ganon lang..."

"S-Sobrang unfair ninyo..." Tinabunan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at tahimik na humagulgol ng iyak. "H-Hindi niyo'ko binigyan ng pagkakataon na tuparin yung mga pangako ko para sa inyo... para sa'tin..."

Iyak lang ako nang iyak, sa harap ng uniporme na sana'y susuotin ng mama ko, kung hindi lang siya maagang kinuha mula sa'kin.

'You're scared, Arianne.'

Narinig ko na naman ang boses niya sa aking isipan. How come he's listening to me now? When I'm at the weakest? Akala ko ba, ayaw niya sa mahihina?

'You are scared, and that is okay.'

His voice echoed in my ears. Maybe because it gave me the same feeling every time my mom would ask me to stop crying.

'Because it means you are alive.'

It sounded... fatherly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro