XXXV | Maps
Cesia's POV
Tinusok ni Ria ang isang piraso ng pork chop sa plato niya. "Excuse me. Kailan pa naging wild ang mga probinsyana?"
Kinuwento ni Chase ang nangyari sa mission nila, at hindi niya kinalimutang ibahagi sa'min ang pagkadismaya niya dahil wala siyang nakitang chix. Mga forest nymphs lang daw ang nakasalubong nila. Ayaw niya rin naman sa mga Terrarians at Arcadians dahil hindi niya tipo ang mga nilalang na mukhang... alien.
Siya na mismo ang nakapagsabi n'on ah.
"Eh diba Ria... galing ka rin naman sa probinsya?" tanong ni Art.
"Well yeah." sagot ni Ria. "But like, iba ako eh. I'm a daughter of Ares-" Sandali siyang natahimik. "Art? Sinasabi mo bang wild ako?"
Nanlaki ang mga mata ni Art. Kumurap-kurap siya atsaka nilingon si Cal na mapayapang kumakain sa tabi niya. "Ano yun Cal? Gusto mong bumili ng dessert? Amazing with a zee!" Hinatak niya si Cal patayo.
Hiningi muna ni Art ang ID ni Chase bago kinaladkad si Cal papaalis sa circular bench na kinakainan namin. Ideya rin naman niya na kumain kami dito sa campus park dahil bihira lang daw silang pumupunta dito.
Kaya heto kami ngayon, nagkukuwentuhan.
Hindi ko pinapahalata, pero yung puso ko, tuwang-tuwa dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Yung may mga kasama akong lumabas para kumain, o di kaya'y gumala. Gusto kong tumalon-talon sa saya pero pinipigilan ko lang yung sarili ko.
Nung sinabi ko kasing wala akong mga kaibigan, totoo 'yon. Dahil lahat sila, hindi nagtatagal. Maaga akong namulat sa katotohanang hindi lahat ng mga taong gustong makasama ka, ay gusto ring makita kang masaya.
Nakakagaan lang sa loob, na pagkatapos ng ilang taon ng panggagamit ng mga itinuring kong kaibigan dati, sa wakas, ay nandito na ako, kasama ang mga taong tunay at walang bahid ng masamang hangarin para sa'kin.
Nakakapanibago...
Napangiti ako habang tinutulak-tulak ang kanin sa plato ko.
Nakakapanibago, pero gusto ko naman ang pagbabagong 'to. Masaya ako.
Naramdaman ko ang isang pares ng mga mata na nakatuon sa'kin. Inangat ko ang aking ulo para tignan si Trev na siyang nagmamay-ari nito.
Nakapatong ang kanyang siko sa mesa at magaang nakadampi sa kanyang bibig ang gilid ng disposable cup na hawak-hawak niya. Nang mapansin ako, ay ibinaba niya ito at muli akong tinignan. This time, kusang-loob niya akong tinitigan, na para bang hinahamon ako sa isang staring contest.
Nanunudyo na may kasamang pagkamangha ang uri ng tingin na pinapadala niya sa'kin.
Ako naman, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
"Cesia?"
Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang tawagin ako ni Kara. "Ha? B-Bakit?"
"Art is asking you if you want a slice of the cheesecake."
Saka ko lang namalayan na nakabalik na pala sina Art.
"Umm... sure." Nginitian ko si Art na ginantihan din ako ng isang ngiti. "Okie!" nananabik niyang sabi atsaka nilagyan ng isang slice ang plato ko. "Isa sa abilities ko ang pumili ng desserts. Hihihi. Wag kang mag-alala, masarap 'yan."
"Back to the topic. What did Ariethrusa say?" usisa ni Kara.
"She said not to trust anyone." Si Dio ang sumagot. "And apparently, her brothers and sisters are waking up. We still don't know what that means."
"Eh kayo?" ani Chase. "Yung quote na sinasabi n'yo? Yung tungkol sa kahoy ba yun?"
Nakatingin si Kara sa malayo nang sagutin ito. "We still don't have any idea about it either."
"Guys." Kinuha ni Art ang kanilang atensyon. "Isa lang ang ibig sabihin n'yan."
"Na ano? Mga bobo tayo?" sabat ni Chase.
"Luh. Ikaw lang kaya." Binelatan siya ni Art. "Ah basta! Ang ibig sabihin n'yan ay kailangan pa nating mag-investigate!"
Tumakam si Dio sa cheesecake bago magsalita. "I still can't believe you went to Spain without us." Napailing siya.
"Yeah but you were able to meet the fates." Nakaangat ang kilay ni Ria. "Hanggang sa imagination ko nga lang sila nakikita."
"Tsk. Biniyayaan kayong makita ang Garden ng Hesperides. Nakaharap niyo pa yung tatlong nymphs!" Pinaglaban talaga ni Chase na mas maswerte kami sa misyon namin. "Aba. Inaakit nila ang mga lalaki hanggang sa matigok sila."
"So? Anong meron?" kunot-noong tanong ni Ria.
"First-class chix sila!"
Isang batok mula kay Ria ang natanggap ni Chase.
At d'on na nagsimula ang pagtatalo nung dalawa na nagsilbing background music namin buong maghapon.
• • •
Lumabas ako ng kwarto at nakita si Kara na nakaharap sa coffee table kung saan naroon nakalatag ang mapa ni Theosese. Nakapangalumbaba siya sa silyon at panay ang pagsingkit ng kanyang mga mata habang nakatingin dito, halatang naguguluhan.
"Alam mo, nakakatuwang makita ang isang anak ni Athena na may ganyang ekspresyon sa mukha." Lumapit ako sa kanya at tumayo sa kanyang tabi.
"The map of the world." Narinig kong bulong niya. "The world is a very big place to find the unknown."
"Hmm." Ipinaling ko ang aking ulo para makitingin. "Kanina ka pa ba diyan? Kung magpahinga ka kaya? Kawawa yung utak mo. Asset mo pa naman 'yan." payo ko sa kanya. "Mas lalo ka lang mahihirapan kung pipilitin mo yung sarili mo eh."
Tumingala siya para salubungin ang aking tingin. "You sound like a mom." Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi.
Ngunit imbes na mapangiti, ay gumuhit ang kalungkutan sa aking mukha.
"Kara..." Sinabi niya kasi 'yon, na parang matagal-tagal na siyang hindi nakaranas na may nag-aalala sa kanya. "Magpahinga ka muna."
"I will." aniya, bago tumayo.
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kanyang kwarto. Ako yung pumalit sa kanya sa upuan. Bumagsak ako rito atsaka pinikit ang aking mga mata.
Alam niya kayang ginamitan ko siya ng ability?
Isa pang katanungan ang lumabas sa aking isipan. "Hindi kaya konektado yung missions namin sa nangyaring attack last week?" Napatanong ako sa sarili ko.
Wala lang. Yun lang talaga ang naiisip ko. Hindi naman kasi pwedeng ituring na mere coincidence lang ang nangyari. Idagdag mo pa yung pagkasira ng barrier, at pagkawala ni Kaye. Sunod-sunod eh.
"Maybe... or maybe not."
Nandidilat ang aking mga mata habang nakatingin sa mapa.
Ewan ko kung tama ba yung narinig ko, na nagsasalita ito. Pero hindi naman siguro imposible na may nagsasalitang map sa realm na'to, kaya umusog ako papalapit dito. "Uhh... bakit mo nasabi 'yon?"
Idiniin ko ang aking pagmumukha dito. Tinapik-tapik ko ito gamit ang hintuturo ko. "Map? A-Andyan ka pa ba? Hello?"
Ilang segundo pa ang lumipas nang marinig ko ulit ang boses nito.
"Hi."
Napag-alaman kong sa ibang direksyon nanggagaling yung tinig kaya napalingon ako sa pinanggagalingan nito, at nakita si Trev na nakaupo sa patungan ng kamay nung sofa.
Patagilid siyang nakasampa sa sandalan at nakapatong sa ibabaw nito ang kamay niyang kasulukuya'y hinihiligan ng kanyang ulo.
Nagsimula na akong magdasal kay Aphrodite. Na sana'y ilipad niya ako mula dito at nang hindi makita ng lalaking 'to ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
"Just continue what you were doing. I'm listening."
Teka. Ito na ba yung cue na tatakbo na'ko? Sige. Tatakbo na ako.
"Why are you staring? I said continue."
Nang sabihin niya 'yon, ay madaling napalitan ng inis ang hiya na nararamdaman ko. Naalala ko rin kasi, na muntik na niya akong patayin. Inirapan ko siya saka tumayo. Magmamartsa na sana ako papunta sa kwarto ko nang biglang namanhid yung mga paa ko kaya't hindi ko ito maigalaw. Dumako ang aking mga mata sa kuryente na nagtitipon-tipon sa paanan ko.
Kinuyom ko ang aking mga palad at sinamaan ng tingin ang anak ni Zeus, na nawala na sa kinapu-pwestuhan niya.
Napasinghap ako nang bigla siyang lumitaw sa harap ko.
"No one is allowed to walk out on me." pagbabanta niya.
Sinusubukan talaga ako nito ah?
"Ang ama mo lang ang hari dito." mariin kong sagot. "Hindi ikaw."
Malaya niyang pinatakbo ang kanyang tingin sa bawat sulok ng mukha ko. "Is that so?" Sobrang liit lang nung espasyo sa pagitan namin, at mas binawasan niya pa ito.
Napalunok ako.
Ba't ko ba sinabi 'yon?!
"Tch." Lumayo siya sa'kin. Tinanggal niya rin ang kuryente na nakapalibot sa mga paa ko.
Nakaurong pa ako nang gawin niya 'yon kaya natumba ako at bumagsak sa upuan. "Aray..." hinimas-himas ko yung balakang ko.
Bago pa siya makapasok sa kwarto niya, sinigawan ko siya.
"Sira!"
Hinawakan niya ang doorknob. "Unlike you..." Pinihit niya ito. "Hindi ako nakikipag-usap sa mga mapa."
Malamig nga yung pagkasabi niya, pero nahagilap ko naman ang pilyo niyang ngiti bago nagsara yung pinto.
Alam kong hindi ako madaling magalit dahil pinalaki ako ni Auntie na mapagkumbaba. Parati niyang pinapaalala sa'kin na huwag magtanim ng sama ng loob sa ibang tao.
Kumibot-kibot ang labi ko dulot ng labis na inis.
"Sorry in advance, Auntie."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro