XXXIV | Polyphemus
Cesia's POV
Tumagilid ako ng higa at ginamit ang unan na yakap-yakap ko para itakip ito sa aking tenga. Nagising na naman kasi ako sa ingay ng alarm clock. Halos isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos kaming atakihin ng mga kidlat na hanggang ngayon, ay wala pa ring may alam kung saan o kanino nanggaling.
"Aish." Hindi ba pwedeng matulog muna? Kahit five minutes lang?
Bumangon ako at pinatay yung alarm.
Wag na nga. Isang oras ang katumbas ng extra five minutes ng tulog, kaya parati akong late eh. May pa-extend pa akong nalalaman. Sa huli, pakiramdam ko umidlip lang ako nang ilang minuto pero sa totoong buhay, naka-ilang oras na pala ako.
Napahikab ako pagkapasok ko sa banyo.
Ang sabi ni Doc, dapat one week and two days daw akong magpahinga. Ayaw niya kasing madagdagan ang pressure sa katawan ko, at baka maulit yung power limit. Nakinig naman ako sa kanya lalo na't alam ko na ngayon na pwede kong ikamatay ang power limit na 'yan... kaso, nakakabagot kapag ako lang mag-isa sa dorm habang yung iba naman, nasa klase. Naubos ko nang panoorin yung season one at two ng kina-aadikan na cartoons ni Art. Pati na rin yung mga DVDs na nasa media cabinet.
Tinimpla ko muna ang temperatura ng shower bago pumailalim dito nang hubo't-hubad.
Pinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang tubig na tumatakbo pababa sa katawan ko, hanggang sa hindi ko na nga ito maramdaman dahil tuluyan na akong natangay ng mga ala-ala ng pangyayaring 'yon.
Binalot ng tunog ng dumadagundong na kulog ang aking isipan, na tila naririnig ko pa rin ang nangyaring kaguluhan mula sa malayo.
Hindi ko namalayang nakatukod pala ang isang kamay ko sa dingding na kaharap ko, kaya laking gulat ko nalang nang dumulas ito at dumamba ako sa pader. "Ah!" Dumausdos ako sa tiles at paupong bumagsak sa sahig.
Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong-hininga, atsaka tumayo at mabilis na tinapos ang pagligo ko.
Pagkatapos maligo at magsipilyo, ay nagbihis kaagad ako ng uniform. Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Nakakamangha dahil isang buong araw lang ang ginulgol ng staff para ibalik yung dorm sa dating anyo nito. Ayon kay Art, kaya madali nila itong nagawa kasi yung sala at kusina lang ang nagkaroon ng damage. Fortunately, walang naiwang pinsala sa mga kwarto namin.
"Papasok ka?" tanong sa'kin ni Art nang makita niya akong nakasuot ng uniform. Kalalabas lang niya mula sa kanyang kwarto at nakabihis na rin siya para sa klase. "Akala ko ba di pa tapos yung rest days mo?"
"Okay na ako."
"Hmm..." Pinaningkitan niya ako. "Okie. If you say so." Saka siya nagkibit-balikat. "Kain ka nalang ng breakfast habang hindi pa tapos sa paghahanda yung dalawa."
Sabay kaming nagtungo sa kusina.
"Maagang umalis yung boys. Nasa office kasi sila ngayon kasama yung faculty para pag-usapan na naman yung nangyari." rinig kong sabi niya.
"Ba't hindi kayo sumama?"
"Ayaw naming bumangon nang madaling-araw ih. Kapagod."
Natawa ako. "Ako rin."
• • •
"All creatures each have their own weaknesses. Sometimes it's obvious, sometimes it's not." As usual, matatagpuan na naman si Sir Rio sa gitna ng training room. "Ever heard of the story of Odysseus and Polyphemus?" Tumigil ang kanyang mga mata sa'kin kaya tumango ako.
Sa pagkakaalam ko, si Odysseus ay isang Greek king of Ithaca at ang hero ng epic poem ni Homer na pinamagatang the 'Odyssey'. Galing sila sa Trojan War n'on, nang mapadako sila sa isla ng mga Cyclops. Kasama yung crew niya, pumasok sila sa kweba ni Polyphemus, isang cyclops na kinutya ang ideya ng hospitality sa pamamagitan ng pag-kain ng dalawang kasamahan ni Odysseus. Ikinulong sila ni Polyphemus sa kweba bago lumabas para asikasuhin ang kanyang mga tupa. At sa pagbalik ng cyclops sa gabi, ay kumain na naman siya ng dalawang katao.
Nag-offer si Odysseus ng wine at nilasing si Polyphemus. Ngunit bago pa ito makatulog, ay tinanong ng cyclops kung ano ang pangalan niya at nangakong kakainin niya ito sa huli. Nagpakilala si Odysseus bilang si 'Nobody' kaya nung sinaksak niya ang mata ng cyclops gamit ang isang wooden stake, ang tanging iyak ni Polyphemus sa fellow giants niya ay sinaktan daw siya ni Nobody.
Akala naman nung mga kapwa cyclopes niya na divine powers yung dumapo sa kanya kaya nag-suggest sila na magdasal nalang siya.
Sa huli, nakatakas si Odysseus, pati na rin ang mga natira niyang sundalo. Samantalang si Polyphemus, ay walang ibang nagawa kundi ang masanay na pangalagaan ang kanyang kawan ng mga hayop nang walang mata.
"You'll be doing that today." sabi ni Sir at ipinakita sa'min ang remote na nasa kamay niya. "So prepare yourselves. I just installed a new visual in the room. I'm sure you'll enjoy."
Pumunta siya sa dako namin. "Boys first. Before girls."
"Hehehe." Humagikgik si Art.
"Alright." Nauna si Chase sa gitna. Nakaangat ang kanyang palad at sa ibabaw nito, lumulutang ang weapon niya. Sumunod naman yung iba sa kanya.
Nakaharap silang apat sa kabilang dulo ng training room.
Bahagya akong sumilip at minasdan ang unti-unting paglitaw ng apat na malalaking anino. Nagkaroon ito ng anyo, apat na mga higante, at bawat isa sa kanila'y may dalang pamalo. Para lang silang mga maskuladong tao na nasobrahan nga sa tangkad, pero kinulangan naman ng isang mata.
Cyclopes.
Napalunok ako.
Ba't nga ulit ako pumasok?
• • •
Itinaas ko ang aking palad sa direksyon ng dambuhalang kamay nung cyclops. Nanginginig ang kamay at braso ko habang pinipigilan na tumama sa'kin yung sandata niyang isang makapal na wooden staff, na may mga tinik na yari sa bronse sa bandang dulo.
"Agh!" Hindi ko nakayanan ang bigat ng nagpupumilit niyang lakas kaya ibinaba ko na ang kamay ko at agarang yumuko. Gumulong ako papalayo sa kanya bago tumayo.
Napatingin ako sa cyclops na kaharap ni Art. Akmang ipapahilig niya ang kanyang sandata paharap pero hindi ito nangyari dahil gamit ang weapon ko, hinatak ko ito mula sa pagkakahawak niya at pinalipad ito sa ulo ng cyclops na kalaban ko.
Tumama nga ito sa gilid ng kanyang ulo dahilan na mabangga siya sa giant na pinakamalapit sa kanya at pareho silang natumba.
Lumapit si Ria sa kanila. Lumitaw sa kanyang kamay ang kanyang weapon na matuling bumulusok sa mata nung isang cyclops. Marahas niya itong hinatak. Napangisi pa siya nang makita ang buliga ng mata na nakadikit sa dulo ng blade.
Lumingon siya sa gawi ko pagkatapos magsummon ng isang spear. Kinindatan niya ako atsaka itinapon ito pataas. At kasabay ng pagliwanag ng bato sa bracelet ko, ay ang pag-ikot ng spear sa ere bago bumagsak sa mata ng cyclops na dispigurado ang ulo.
"I'm starting to think I should've given you two cyclopes each." ani Sir. "I may have forgotten your deities are the Olympians, for the gods' sake." Umiling-iling siya.
Yumuko ako para tignan ang kamay kong nanginginig pa rin hanggang ngayon. Parang may tumutusok na mga karayom sa pulso ko dahil kumikirot ito. Dumagdag din ang braso kong sa kasalukuyan ay namamanhid.
Palihim kong inilagay ang aking kamay sa likod ko nang lapitan ako nina Ria.
Binaba ni Kara ang shield niya at inayos ang kanyang vest. "It smells of sweat and blood here." Pinagpag niya yung skirt niya.
"Yo girls!" Tinawag kami ni Chase kaya sabay kaming napalingon sa kanila. "May lakad pa ba kayo?"
Nagtinginan kaming apat.
"Meron ba?" tanong ni Art.
"Para ano?" pabalik na sigaw ni Ria. "Para kami yung uutusan niyong bumili ng pagkain? Hell no. Bahala kayo sa buhay n'yo."
"Sinusumpong ka na naman ng pagiging assuming mo, Ria." ani Chase. "Manglilibre lang naman ako. Kung ayaw mo, eh di huwag."
"Oh ba't hindi mo kami in-inform kaagad?" Nakapameywang si Ria. "Pa-thrill lang? Gano'n?"
"Tch. May pagalit-galit ka pa diyan eh sasama ka rin naman." Nakapamulsa si Chase at sinenyasan kami na sumunod sa kanila. "Tara na nga. Nagugutom na'ko. Pag di tumahimik 'yang isa sa'nyo, baka gawin kong ulam 'yan."
Narinig namin ang mahinang tawa ni Sir Rio na nakikinig pala sa pagbabangayan nung dalawa.
"What the fu- CHASE!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro