Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXXII | Alarms

Art's POV

'Dearest Art, gather your light for now...'

Nagising ako sa boses ni papa. Gather your light? Ano naman meaning n'un? More training or more energy? Bakit? At para saan?

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Tumayo na ako at humakbang papalabas ng bathtub atsaka kinuha ang mga kumot at unan na dinala ko dito kagabi.

Nandito pa ako. Ibig sabihin, success yung plano kung magtago para di ako mahanap ni Thanatos kung sakaling multo na nga ako.

Muahahaha! Congratulations to Art!

Ibinato ko sa kama yung mga kumot at unan bago tumungo sa bintana. Binuksan ko ito atsaka napangiti nang maramdaman ko ang init mula sa araw na dumapo sa aking balat. Pagkaraan ng ilang minuto, napatingin ako sa braso kong lumiliwanag kaya't napagtanto kong sapat na ang nakolektang enerhiya ng sistema ko.

Sinarado ko yung bintana.

Bilang isang anak ni Apollo, may kakayahan akong mag-absorb ng energy mula sa sun. Pero hindi ibig sabihin n'un, super dependent na ako d'un. Bale, bonus lang yung nakukuha naming light at heat energy bilang pandagdag ng enerhiya na meron na kami. Pwede rin naming i-store ito sa katawan namin for future purposes!

"Hmm..." Tinitigan ko ang tatlong fuzzy slippers na nasa tabi ng pinto. Lumapit ako dito at isa-isang tinignan ang mga ito. "Kahapon ko ata last sinuot yung blue ih... or green ba yun?"

Sa huli, napagdesisyunan kong suotin yung red slippers na may mukha ni Blossom. Alam kong hindi ito bagay sa suot ko ngayon na Bubbles onesie ko pero, dapat akong maging fair sa kanila. Take turns lang. Ganu'n.

Naalala ko nung nagtampo silang tatlo sa'kin kasi hindi ako nagpaalam na ipapa-laundry ko sila. Ang hirap kaya!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag breakfast. Mula sa ref, inilabas ko yung puting food bowl na may lamang macaroni fruit salad. Naghanda rin ako ng cereal bilang pares nito.

Pagkatapos, umupo na ako. Pinagkukuskos ko ang aking mga palad habang nakaharap sa pagkain.

Alright! Ms. Tummy meet Mr. Breakfast!

Habang kumakain, isang kamay mula sa aking likuran ang naglapag ng tissue malapit sa'kin. Ngumingiti-ngiti ako nang matignan siya. "Good morning, Cal!"

Napansin ko si Trev na kalalabas ng kwarto niya. "Good morning, Trev!" bati ko, at katulad ni Cal, wala akong natamong sagot mula sa kanya kundi isang bored na tingin.

Hmp! Bahala na nga sila. Wag lang nila akong damayin sa pagiging bitter nila sa life.

"Good Morning!" bati ko kay Chase na bigla-bigla nalang lumitaw sa harapan namin.

"Morning, Kara!" Tinanguan naman ako ni Kara.

"Good morning, Ria!" Hindi niya ako pinansin, ganun din si Dio na siyang sumunod.

Panghuling lumabas si Cesia. "Good morning, Cesia!"

Nandilat ang kanyang mga mata nang tignan ako na para bang nagulat. Pero saglit lang dahil kasunod na namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Good morning, Art." sagot niya.

"Napaaga ka ata ah?" tanong ko sa kanya. Palagi kasing late nagigising 'tong si Cesia ih kaya isang malaking miracle ang pag gising niya nang ganitong oras! Amazing with a zeeee!

"Ah..." aniya, sabay kamot ng ulo. "Nakalimutan ko kasing i-off yung alarm."

Hala. Ba't kaya ganu'n? Gulong-gulo yung buhok niya pero... ang ganda niya pa rin. Omo! Feeling ko kahit papasuotin siya ng bin bag, hindi pa rin mababawasan ang kagandahan niya.

Nakaka-jelly! Huhuhu!

Habang kumakain, napaisip ako sa nangyari kahapon.

Di ako nakagawa ng cake!

Huh! Labag man sa aking loob, wala na akong ibang option kundi tanggapin yung past... at ipostpone ang aking bake-bake-bake program! Yay! Tatlong 'bake' kasi tatatluhin ko rin yung cakes! Strawberry, chocolate at mocha!

Nag-scoop ako ng isang spoonful ng cereal. Bago ko pa ito masubo, napahinto ako dahil sa malakas na kulog na nanggagaling sa labas.

Nilingon namin si Trev.

"Bro. Nag-aalmusal pa tayo. Chillax, okay? Mamaya ka nalang ma-bad trip." ani Chase.

Hindi niya tinangkang itago ang matalim niyang pagsulyap sa'min. "I did not do that." Bahagyang gumilid ang kanyang mukha. Bumaba ang kanyang tingin sa sahig at ilang sandali pa'y, "Get under the table." kunot-noo niyang sabi.

Dumungaw ako sa gawi ng balcony nang maramdaman ko ang mabigat na enerhiya mula sa labas. Sobrang weird pa nga... dahil matulin ang takbo nito papalapit sa'min- wait! papalapit ito sa'min?!

"Now!"

Mas mabilis pa sa isang kisap-mata ang pagpasok ng kidlat sa loob ng dorm na agarang humampas sa mesa na kinakainan namin.

"Huwaaahh!" Napaigtad ako dahil sa nakakabulag at nakakabinging pagsabog na nangyari sa mismong harapan ko. Nagsiliparan din ang mga kubyertos na nakalatag sa hapagkainan kasama yung mga pagkain namin.

"Wuy! Yung salad di ko pa naubos-" Bigla akong hinatak ni Cal pailalim sa mesa.

Umalingawngaw ang sunod-sunod na mga pagsabog mula sa iba't-ibang direksyon. Pinalibutan kami ng usok na nangangamoy sunog, at bakas dito ang pabalik-balik na pagguhit ng liwanag na dala ng mga kidlat na tumatama sa kung saan-saan.

Napatingin ako sa mangkok na bumagsak malapit sa'kin.

Woah. Hindi ito nabasag! Amazing with a zee!

"Nevermind guys! Safe yung macaroni salad!" Kinuha ko ito at nakita yung kutsara na naiwan sa loob nito. "Nice." bulong ko at bumalik sa pag-kain.

"Trev!" tawag ni Kara. "What's happening?!"

"I can merely control it!" pabalik na sigaw ni Trev.

"Putang ina naman oh!" Napamura si Chase. "Utang na loob! Ang aga-aga pa para dito!"

"Can someone do something already?! Para makalabas na tayo!" reklamo naman ni Ria.

Taimtim lang akong kumakain habang nakikinig sa pagsisigawan nila sa likod ng mga tunog ng pagsabog.

"Art!"

Bigla akong nahirinan sa kinakain ko nang tawagin ako ni Dio. Umubo-ubo muna ako bago nakapagsalita nang maayos. "Po?"

"Are you- ARE YOU STILL EATING?!" galit niyang tanong.

"Luh!" Hinagis ko yung bowl na may lamang macaroni salad. "Sinong may sabi? Tini-trace ko kaya yung source ng lightning!"

Wuy?! Ba't ko tinapon yung pagkain?! Huhuhu! Uubusin ko sana yun ih!

Napailing ako at naalalang nasa isang dangerous situation nga pala kami, kaya dapat muna akong mag-focus.

Tama, tama. Focus, Artemia. Focus.

Nakapunta na ba sina Blossom sa moon?

"Art! Bilisan mo nga 'yang ginagawa mo!" ani Chase.

"Eto na nga ih!" Madali kong na-locate ang pathways ng incoming lightnings dahil sa lakas ng enerhiya na taglay ng mga ito. Kaya kong i-predict kung saan at kailan tatama ang mga ito kasi isa sa mga abilities ko ang maka-detect ng energy sources o di kaya'y sources of light. As in light ng lightning.

Hihihi. Ang galing ko talaga.

"Okie." sabi ko. "Pwede na tayong umalis dito in five..."

"Ayusin mo 'yang countdown mo Art!" pikon na pikon na si Ria. "Ayokong maging human barbecue!"

Human barbecue? Nakakain ba ang isang human being pagkatapos matamaan ng kidlat? So nagiging ketchup yung dugo kung sakali? Huh? After seizure ba nangyayari ang process na yun? At ano namang tawag d'un? Ketchupification of the blood ganu'n? "Ria? Paano ka magiging human barbecue eh-"

"ART!" sigaw nilang lahat.

"Sabi ko nga! Tara na!"

Sabay-sabay kaming umalis mula sa ilalim ng mesa at tumakbo papalayo dito. Napatigil kami sa sala dahil nakita naming nabalot na sa apoy ang pader kung saan naroon yung pinto.

"Cesia!" Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Cesia at hinatak siya papalapit sa'kin nang maramdaman ko ang isang kidlat na patungo sa kinatatayuan niya. Tumama ito sa carpet kaya't madaling nagliyab ang bahaging ito ng sahig.

Nilingon ko ang balcony at nakitang wasak-wasak na yung glass panels. Hindi kami pwedeng manatili dito sa gitna. Exposed kami dito sa attacks ahhh! "Du'n tayo!" Tinuro ko ang corridor na naghahati nung rooms namin.

"Phew!" Isinandal ko ang aking likod sa pader nang makatago kami sa corridor. Tinignan ko yung iba ko pang mga kasama na katulad ko, ay naliligo sa pawis at kinakapos sa hangin.

"Open the door, Chase." utos ni Trev.

"Bro naman!" angal ni Chase dahilan na makatanggap siya ng nakakamatay na tingin mula sa anak ni Zeus.

Hindi ko naman masisisi si Chase kasi mabilis nga siya, pero mas mabilis pa rin ang takbo ng liwanag. Alam kong mahihirapan din siya sa pag-iwas ng mga lightnings ano?!

Narinig ko ang pagsabog ng mga pipes mula sa kusina. Nagsilabasan ang tubig na agarang tumakbo sa sala at tinakpan ang mga bahagi ng sahig at pader na kinakain ng apoy.

Nilingon ko si Dio na nakaangat ang mga palad at seryosong nakatuon sa pagpapagalaw ng tubig.

"Gago ka ba Dio?! Lalo akong makukuryente dahil sa tubig na 'yan eh!" Napaatras si Chase. "Siguraduhin mo lang 'tol na ilayo sa'kin 'yan kung gusto niyong mabuksan ko yung pinto ah? Buwisit!" Saka siya naglaho sa paningin namin.

Nagulat ako nang dumami ang mga kidlat na pumasok sa dorm. Panandalian akong nabingi dahil sa ingay ng pagsabog sa sala. Sa sobrang lakas nito, yumanig ang buong building.

Natagpuan ko si Chase na nakatukod ang isang kamay sa sandalan ng sofa. Napunit ang likurang bahagi ng damit niya kaya kitang-kita ang mga marka ng kidlat na tumama sa kanyang likod. Nagsilabasan ang ugat sa kanyang braso na nakalaylay sa gilid niya.

Tinignan ko ang pinto na nangingitim dahil sa apoy at nakakalat na bakas ng kidlat. Namumula yung door knob, siguro dahil sa matinding init na tumama dito.

Pero ang mahalaga talaga, ay nakabukas na ito.

Naramdaman ko ang napakabigat na enerhiya na papalapit kay Chase.

"Chaseee!" Akmang tatakbo ako papunta sa kanya nang pinigilan ako ni Cal. Tinignan ko siya at inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa'kin. "Pero si Chase-" Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos muling nagkaroon ng napakalakas na pagsabog.

Hilong-hilo ako sa magkasabay na pagkasira ng paningin at pandinig ko. Saka lang bumalik ang aking diwa nang maalala ko si Chase na mag-isang nakatayo sa sala. Umikot ako at sa laking gulat ko, hindi pala siya nag-iisa.

Marahang iniunat ni Trev ang kanyang leeg habang nakatayo sa gitna, at nakaharap sa balkonahe. Lumiliwanag ang buong katawan niya dahil sa daloy ng kuryente na palitaw-litaw sa kanyang balat.

Nagtitiim ang kanyang mga bagang nang tignan kami. "Go. Now."

Narinig namin ang malakas na kulog. Agad itong sinundan ng pagpasok ng iilang streaks of lightning galing sa labas. Ang kaibahan nga lang ngayon, kusang tumatama ang mga ito kay Trev. At sa bawat kidlat na tumatama sa kanya, kumakapal ang kuryente na nakapalibot sa kanyang katawan.

"Alis na daw tayo dito! Kitakits sa labas ah?! Huwaaah!" Tumakbo ako papalabas ng dorm. Napalundag ako dahil nakarinig na naman ako ng malakas na pagsabog sa likuran ko. Ngunit hindi na ako nag-alinlangan pang huminto para makiusisa sa mga nangyayari sa sala dahil desidido na talaga akong makatakas!

Pagkalabas ko, sinalubong ako ng naka-activate na alarms ng Academy. "All emergency stations report to the Alphas' dormitory." paulit-ulit na announcement sa speakers.

Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya hinayaan ko nalang yung sarili ko na maupo sa sahig. Sobrang cloudy pa nung senses ko ih. Umuugong pa yung tenga ko at medyo blurred pa yung vision ko. Mas makakabuti siguro kung steady muna ako dito...

Humilata ako sa sahig.

Ganitong steady.

"Art? Tumayo ka na diyan." sambit ni Ria pagkaraan ng ilang minuto. "The boys brought Chase to the clinic." pagbibigay-alam niya.

Tinulungan niya akong tumayo. Tapos, nakita ko si Kara na kausap sina Sir Glen at Sir Rio. Namalayan ko ring wala na akong naririnig na explosions o kung anong kaguluhan sa loob ng dorm.

Tumigil ang aking mga mata kay Cesia na nakatayo lang sa gitna ng mga aurai at staffs na nagtitipon-tipon sa harap ng dorm. Palinga-linga siya, halatang walang kamuang-muang sa nangyayari.

Kumunot ang noo ko nang malamang may mga sugat siya sa katawan niya. Lumapit ako sa kanya. "Cesia? Okay ka lang?"

Tinanguan niya ako. "K-kayo? Okay lang ba kayo?" Nanginginig yung boses niya.

Tinitigan ko siya nang matagal-tagal. Pagkatapos, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko nang yakapin ko siya. "Sorry ah? Sorry kasi bago ka pa lang dito pero ganito na ang nangyayari sa'yo..." bulong ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Okay lang ako Art..."

"Hindi." Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi ka okay." Nagsimula na siyang mamutla. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang hawak-hawak niya.

"Ria?" Tinawag ko si Ria. "Si Chase lang ba ang ipinadala sa clinic?"

"Yes, why?" Nagtaka siya sa tanong ko.

Pinilit kong tanggalin ang braso ni Cesia na nakatakip sa malaking sugat niya para ipakita kay Ria ang dumudugong damit nito.

"Agh-" Muling napahawak si Cesia sa tiyan niya.

Bahagya kong hinawi ang kanyang damit at nakita ang naiwang sugat ng mga salamin na sumubsob sa balikat niya. Nakatingin pa rin ako sa kanya nang i-angat ko yung paa ko at mahinang sinagi ang binti niya dahilan na mapaiyak siya sa sakit at mawalan ng balanse.

Tinapunan ko si Ria ng tamad na tingin. "May nakalimutan kayong isa ih."

"Oh, I see." Saka siya lumingon sa direksyon ng ibang staffs. "PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT KAPAG WALANG MAKAKAHATID NG BABAENG 'TO SA CLINIC NGAYON NA!"

Napangiti ako nang makita silang lahat na nagpapanic habang naghahanap ng pwedeng maipaglalagyan ni Cesia. Dalawa sa mga aurais ang lumipad at bumalik na may dalang stretcher. Dahan-dahan nilang inilipat si Cesia dito atsaka nila ito binuhat at inilipad patungong clinic.

"Did they find out the source of the attack?" tanong ni Ria kay Kara. Papunta na rin kami sa clinic para sumunod sa iba.

"They're working on it."

Nagbuga ako ng hangin. "Hay! Hindi ko naubos yung salad ko-" Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang pumasok sa isipan ko.

"Oh no." Napatakip ako sa aking bibig. "Hindi ito maaari!" Umikot ako at tumakbo pabalik sa dorm. "Iiihhh!!"

Sina Blossom!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro