XXXI | Unsolved
Art's POV
"Huwah!" sabay stretch ko sa kama. Woah! Ang sarap ng tulog ko! Para lang din akong natuluyan sa panaginip ko. Napanaginipan ko kasi yung sarili ko na nakahimlay sa backseat ng isang sasakyan, tas di na humihinga. Luh. Sobrang wewew-weird lang?
Pero amazing with a zee! Dahil present din sina Blossom sa panaginip ko. Nag-sorry na sila sa'kin. Pinangako nilang hindi na ulit nila ishi-share sa iba yung secrets ko. Ayaw ata nilang magpa-adopt kay Cal ih. Lalong-lalo na kay Princess Sara.
At dahil sobrang happy ko ngayon, magbe-bake ako ng strawberry cake!
Narinig kong may umubo kaya binuksan ko ang aking mga mata para tignan kung kanino yun galing.
"Cal? Anong ginagawa mo dito-wait a minute!" Napagtanto kong nasa clinic ako. Napasingkit ako habang nag-iisip ng mga posibleng dahilan kung bakit ako nandito at paano ako napunta dito.
Hmm... kidnap? carnap? hold-up? homicide? suicide? naka-apak ako ng banana peel kaya na-slide ako?
Napasinghap ako. Don't tell me ginawa akong patatas ni Princess Sara at binalatan ako nang buhay?!
"Heart attack." Narinig kong sabi ni Cal.
Nasinghap ulit ako. Meaning, may inilagay si Princess Sara na balat ng patatas sa mga coronary arteries ko kaya na-interrupt yung blood flow?!
"Because of Ria's driving."
Napasinghap na naman ako. So napilitan si Princess Sara na lagyan ng balat ng patatas yung coronary arteries ko kasi na-threaten siya sa kasindak-sindak na driving ni Ria?!
"No. I'm sorry. Let me correct myself. You had a cardiac arrest... again."
"Again? Ha? Ay teka!" May na-realize na naman ako. "Ibig sabihin, totoo yung panaginip ko na namamatay ako du'n sa sasakyan kasi di ako makahinga?" Tanong ko na tinanguan niya.
Tumayo siya at kinuha ang isang basong tubig na nakalapag sa mesa. Umupo ako at sinundan siya ng tingin. "Nasa'n nga pala yung iba?"
"Dorm. Resting." Inabot niya sa'kin ito.
Ininom ko ito habang nakatitig sa kanya. Sobrang sungit niya pa ring tignan. Hmp. Someday Cal... papasuotin talaga kita ng flower crown tapos kukuhanan kita ng picture. Tapos ie-edit ko mga mata mo. Gagawin kong sparkly eyes!
Balang araw Cal... balang araw... MWAHAHAHA!
"Stop grinning." seryoso niyang sabi kaya napalitan ng simangot yung ngiti ko. Napabuntong-hininga siya nang kunin ang baso mula sa kamay ko at ibinalik ito sa mesa. "I'm heading back to our dorm-"
"Ako rin! Sama ako!"
• • •
Oh my Greece! Kami ay mga multo.
Kinawayan ko ang mga Beta at Gamma na nakakasalubong namin sa corridors. "Hello hehehe..." Pero walang ni isa sa kanila ang nakapansin sa'min.
See?!
Kinapa-kapa ko ang ulo ko. Hindi ko naman suot yung Helm of Hades ah. Tsaka, paano naman mapupunta sa'kin yun eh kay Hades yun ih! Pag nasa'kin yun siguradong papagalitan ako ng daddy ni Cal! Or worse. Kakaladkarin niya ako patungong Underworld at ikukulong du'n-
Napahinto ako nang biglang kumirot yung ulo ko.
"Art?"
"Oh my Gee! Siguro ako lang yung multo kasi nagcardiac arrest ako- Cal!" Kumapit ako sa braso niya. "Huhuhu! Makikita ko na ang liwanag. Mami-miss kita. Tandaan mo 'yan. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa'kin." Daglian akong natahimik para makapag-isip. "Actually, kasalanan mo rin naman yun kasi di mo pinigilan si Ria..."
Binigyan niya lang ako ng kanyang usual poker face. Kahit nung nag-slide ako pababa sa kanyang tagiliran hanggang sa nagmistula akong isang koala na nakayakap sa binti niya. "Cal! Wag mong i-blame yung self mo, okie? Slight lang."
Hinilamos niya yung palad niya. Tapos yumuko siya para tignan ako. "What in the deepest lair are you talking about?"
"Tanggapin mo na Cal. Kaya siguro nandito pa ako kasi di mo pa ako sini-set free!" Naiiyak ako. Hoo! Hoo!
"You're not going to stand up, are you?"
Nakakapit pa rin ako sa kanya nang magtipon-tipon sa kanyang paanan ang mga anino na nakapaligid sa'min at muling kumalat para takpan kami. Nandilim yung paningin ko at sa sumunod na segundo, namalayan ko nalang na nasa harap na kami ng dorm.
Itinukod niya ang kanyang kamay sa pinto. Nakapikit siya at nakakunot ang noo, halatang kinikimkim ang sakit na consequence nung pag-gamit ng ability niya.
Tumayo ako. Lumiwanag ang aking palad nang hawakan ko ang pisngi niya. "Sorry..." mahina kong sabi. "Di na po mauulit... kaya wag mong ulitin yun para sa'kin ha?"
"Wag mong pahirapan yung sarili mo para sa'kin. I-promise mo 'yan."
Binaba niya ang kamay ko. "No."
"Cal naman iihhh!!!"
Bumukas yung pinto kaya sabay kaming napalingon at nakita sa Ria na naka-ismid. "Good. You're already here. Pasok na kayo."
Pumasok kami at natagpuan silang lahat sa gitna ng sala. Tumabi ako kay Cesia. "Hi Cesia!" pabulong kong bati sa kanya na ginantihan niya ng ngiti. Nang ma-settle na kaming lahat, ay napansin kong sobrang tahimik lang nila kaya mahina kong siniko si Cesia para maki-cheesymis. "May... may nangyari ba?"
"Si Kaye..." sagot niya. "Nandito siya sa Academy ngayon."
"HA?!" sigaw ko, dahilan na mabaling sa'kin yung atensyon ng iba. "H-hehe... Sorry." Nag peace sign ako sa kanila.
"Ano daw? Sure ka ba?" Bulong ko kay Cesia. "Pa'no niyo nalaman?"
Tumango siya. "Narinig naming usap-usapan ng mga Gamma students. Atsaka, ako na mismo ang nakakita sa kanya sa office."
Good news pala 'yan ih. Pero bakit ang seryoso nilang lahat? Hindi ba sila masaya kasi nakabalik nang buhay si Kaye? "May welcome party ba?" Baka kasi makulangan kami ng cake ih. Isang strawberry cake lang naman ang balak kong i-bake. Okay na rin siguro kung dadagdagan ko nalang ng isa pa? Magpapagawa na rin ba ako ng banner na palalagyan ko ng 'Welcome Back sa Academy Kaye!' at may kasama pang colorful balloons?
Kasunod kaming nakarinig ng mga katok. Tumayo naman si Ria at binuksan ang pinto.
Tumambad sa'min ang isang aurai, yung assistant ni Madam Principal. Sinilip niya kami na nasa likuran ni Ria. "The Alphas are being summoned."
Wala pa ring nagsasalita sa'min nang makalabas na kami ng dorm. Seryoso silang nakatuon sa harap, eh di ganu'n din ginawa ko. Kunwari nagtatanim din ako ng galit sa alikabok na palutang-lutang sa harapan namin kaya kinunot ko ang aking noo habang nakatitig dito.
Nakakainis talaga ang mga alikabok na'yan!
Wait... yung alikabok ba talaga ang pinoproblema nila? O iba?
Pumasok kami sa office at masasabi kong na-disappoint ako kasi umasa ako na nasa office yung party. Sabi nga ni Cesia diba, na nakita niya si Kaye sa office? Malay natin mahilig din pala siya sa party-party!
Pero sadly... mukhang hindi.
Announcement of Missions. Report. Case Discussion. Insights. 'Yan lang ang ibig sabihin kapag pinapunta kami dito sa office. Kaya gusto kong maiba naman! Like isang party nga!
Tinignan ko si Kaye na nakaupo sa nakahiwalay na upuan.
Ginamit ko ang aking ability para malaman kung may dinaramdam ba siya, at wala akong nakita. Which means, one hundred percent healthy siya. Walang injuries o kung anu-ano pa...
Mabuti naman at ligtas siya. Kumpleto rin kaming in-assign na hanapin siya. Walang napugutan ng ulo sa'min o di kaya'y nagtamo ng super seryosong injury...
So... party?
Nakaupo yung principal sa likod ng desk niya. Ipinatong niya ang magkaparehong braso sa ibabaw nito at ipinagdaop ang kanyang mga palad. "Sit."
"This is going to be a one-time report. Meaning, I'll only be needing two students. One from the girls and one from the boys. And please make it short, because I have another meeting to attend to." aniya, nang makaupo na kami. "Kara. Would you?" tawag niya.
Hmm. Ba't kaya hindi na ako tinatawag ni principal sa tuwing may one-time report? Ang saya-saya ko kaya nung last time na ako yung napili. Kasi naibahagi ko sa kanila ang aking kaalaman tungkol sa possible physical properties at chemical composition ng Chemical X!
Mayamaya, natapos na ni Kara ang pag-report at sumunod sa kanya si Trev.
Lumipat ang aking tingin kay Cal nang maasiwa ako sa binanggit ni Trev na nangyari sa kanila sa Terraria. Tinignan niya rin ako kaya't nginitian ko siya.
Humilig ako sa sandalan. Napansin ko ang palad kong nakakuyom kaya binuksan ko ito at mahinahong ipinatong sa hita ko. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko kaya muli kong inayos ang aking pagkakaupo.
Rainbows. Glitters. Stickers. Pinilit ko ang sarili ko na mag-isip ng happy thoughts. Pero lumalamang pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Trev.
Nai-imagine ko sila na nakakulong sa ilalim ng lupa, duguan, at kapos na kapos sa hininga. Pa'no nalang kung di na sila nakalabas du'n? Pa'no kung- umiling ako. Ayoko. Ayokong makaramdam ng ganito.
Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito dahil hindi rin ako handa sa susunod na mangyayari kapag nagpadala ako sa matinding pag-aalala ko.
Nagawa kong pakalmahin yung sarili ko nang maisip kong, ba't nga ba ako nag-aalala ih nagawa naman nilang makaalis sa lugar na yun? Buhay pa sila. Oo, buhay pa sila kaya dapat wala akong ikaka-alala.
Sa pangalawang pagkakataon, nagkasalubong ang tingin namin ni Cal. Pero hindi ko nagawang ngitian ulit siya.
Tapos na si Trev kaya turn na ni Madam Principal na magsalita. "I know what you all are thinking so I'm going to tell you first, that the council took it upon themselves to look for her." Sinulyapan niya si Kaye. "She was found in the middle of the swamp, surrounded by unknown creatures."
"The council said that a lot of oracle these days are being kidnapped or murdered due to their shallow belief that they could be used to control the future." dagdag niya. "It's a common thing and I guess Kaye fell as one of those victims."
"You guess?" ani Ria. "So you're unsure?"
"Even she, herself doesn't know why they lured her there. The important thing is, the council helped us look for our oracle and she is here, well and alive."
"Sa anong halaga?" tanong ni Chase.
"Hiningi lang nila na magpadala ang Academy ng additional students para sumailalim sa kanilang apprenticeship. It's not that expensive, considering that a lot of our student keepers, seers and oracles would love that."
• • •
"That was it?!" galit na turan ni Ria.
Nakikinig lang ako sa mga reklamo nila habang kumakain kaming walo dito sa cafeteria.
Nakumpirma ko ring di ako multo nang tanungin ko si aleng na nagtitinda sa cafeteria kung okay lang ba kumain ang mga kaluluwa o kung may partikular na diet ba kaming dapat sundin. Sinabi niya rin sa'kin na kung makita ko raw si Thanatos, ang God of Death, ngayong gabi, tumakbo nalang daw ako kasi ibig sabihin n'yan, totoo ngang patay na ako.
Kaya napagdesisyunan kong matulog sa CR mamaya. Dahil sino bang tao na nasa matinong pag-iisip ang magsasabing, 'Hala! Wala siya sa higaan niya. Makapunta nga sa CR. Baka du'n siya natutulog.' diba?
Hindi niya maiisip yun kasi hindi yan yung function ng comfort room ih!
"Sabi ko na nga ba. Walang point yung misyon natin." Naiinis na inilapag ni Chase ang kanyang tray sa mesa atsaka umupo.
"Kumalma muna tayo." sambit ni Dio. "We already did what we did."
Mabuti pa si Cesia, patuloy lang sa pag kain. Kaming dalawa lang ata ang totoong kalma dito ih. Yung iba, sobrang tahimik nga pero hello?! ramdam ko kaya yung tensyon na binubuga nila! Katulad nalang nitong katabi ko na nakatitig lang sa plato at mahigpit na ikinuyom ang kutsara na nasa kamay niya kaya unti-unti itong nababali.
"Wuy Cal! Magkamay ka nalang. Di ka na makakakain n'yan." sabi ko sa kanya.
"At least we got to a start." Pinulot ni Kara ang chopsticks at ginamit ito para ihalo ang mga toppings na nakapatong sa sabaw ng in-order niyang ramen. "Soon, before we know it, another problem will stir us up again."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro