XXX | Back In School
Cesia's POV
"Riaaa! RIAAAA!" May kasamang tili ang sigaw ni Art.
Nasa likuran siya nakaupo dahil nagpalit sila ng pwesto ni Ria kanina. Nung una nagtaka kami kung bakit niya gustong palitan si Art sa pagmamaneho, eh malapit na kami sa Academy. Pero 'yon pala, iba ang pakay niya.
"T-teka lang Ria-" naiiyak kong pakiusap sa kanya. "Aaaaahhh!" Napasigaw na nga ako nang hindi pa siya nakuntento sa makapigil-hiningang takbo ng kotse at idiniin ang kanyang paa sa pedal.
"Hold tight, girls. I'm drifting."
Kasunod na sumabay sa mga tili namin ni Art ang tunog ng biglang pagpreno ng mga gulong. Nahampas ako sa pinto kahit sobrang higpit na ng pagkakapit ng mga kamay ko sa hawakan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napapikit nang maramdaman ang aking sarili na umaangat mula sa upuan dahil sa padaskul-daskol na pagpihit ng sasakyan.
Mahina akong nauntog sa bintana sa sandaling inihinto na ni Ria yung kalbaryo.
Narinig ko ang pagbukas ng mga pinto kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nahihilo ako. Naiwan akong hindi makakilos at nakatulala habang nakayakap sa sarili nang may humablot sa kamay ko para ramdamin ang aking pulso.
Gods... umiikot yung paningin ko.
"Ano Trev? Buhay pa ba 'yan?" Narinig kong tanong ni Chase sa kanya.
"Surprisingly." pabulong niyang sabi saka pabigla-bigla akong hinatak papalabas kaya mas lumala yung pakiramdam ko pagkatayo ko. Ngunit imbes na tumama ang likod ko sa sasakyan, nagulat ako dahil naramdaman ko ang braso niya sa aking likuran.
"U-uhh." Agad akong lumayo sa kanya dahilan na mawalan ulit ako ng balanse.
"Idiot." Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Stay still."
Inilihis ko ang aking tingin mula sa kanya na direktang nakaharap sa'kin. Ilang segundo ang lumipas ay kinibit ko na ang mga balikat ko. "Okay na ako."
Tinanggal niya naman ang kanyang mga kamay matapos kong sabihin 'yon.
Nakita ko si Art na walang malay at karga-karga ni Cal. "Art..." Tumakbo ako sa direksyon nila.
"Magiging okay lang ba siya?" Tanong ko kay Kara na nakasunod sa dalawa. Hindi ko inakalang mahihimatay pala si Art. Pero hindi ko naman siya sinisisi kasi first-hand kong naranasan ang naranasan niya at pati ako ay muntik nang malagutan ng hininga.
"She's gonna be fine." kalmado niyang sagot. "This already happened once."
"Wag kang mag-alala Cesia." Tinabihan ako ni Ria sa paglalakad. "She's just having another cardiac arrest." sabi niya dahilan na manlaki ang aking mga mata.
"Ano?!" Cardiac arrest?! JUST?!
"We're still half-mortals remember?" Natawa siya. "It is possible that we experience some symptoms of mortality. But only for a while dahil hindi tayo natatalaban nang ganun-ganon lang. Unless of course, it is caused by mystical forces."
"Ria, you speak of mortality as if it is an illness." ani Kara.
Hindi ito pinansin ni Ria. "Anyways, ayon na nga. Our deaths get postponed somehow."
Tumango ako. Fair din naman siguro 'yon knowing, na lagi nalang kaming nasa bingit ng kamatayan. Yung tinutukoy ko ay ang klase ng mga misyon na binibigay ng Academy sa'min... at ang pagmamaneho ni Ria.
Lalong-lalo na ang pagmamaneho ni Ria.
"Sa'n na pusta mo?" Lumitaw si Chase sa harap namin. Naglalakad siya nang patalikod, bale nakaharap siya sa'min, habang nakapamulsa. "Utang na naman ba?"
"Tsk. Excuse me? I lost because I intentionally slowed down para kay Art." depensa ni Ria sa pagkatalo niya. "Naawa rin ako kay Cesia, okay?"
Nakasuot si Chase ng pilyong ngiti. "Hindi ka pa rin nagbabago, Ria. Ginagamit mo pa rin 'yang pagiging concerned mo bilang excuse. Tanggapin mo nalang kasi na talo ka na naman."
"What I said isn't an excuse." Halatang napipikon na si Ria. "Because it's the truth."
Huminto si Chase at sinuri ang babaeng namumula ang mukha dahil sa inis. Mula ulo hanggang paa, malaya niyang ipinatakbo ang kanyang tingin dito bago paningkitan si Ria. "Ang cute mong tignan pag naiirita ka. Alam mo ba yun?"
"Oo, matagal na." mariing sagot ni Ria.
"Ah. Buti naman at alam mong para kang naglalakad na kamatis."
Pinalibutan ng apoy ang kanang palad ni Ria at unti-unting bumuo ng espada na nagliliyab ang talim. "Fucking die already!" Pinahilig niya ito kay Chase na nagawa pang mag-make face bago mawala sa kanyang kinatatayuan. Nawala na rin si Ria sa tabi ko para habulin ang demigod na nakatayo na sa may entrance ng Academy at kumakaway-kaway pa sa'min.
Hmm. Matanong ko lang, ganyan ba talaga ang paraan ng pagbati nila sa isa't-isa? Paano kung may mga mortals na makakakita sa kanila?
Sa pagkakaalam ko, may mist naman na tinatago o binabago ang hitsura ng mga bagay, lugar at pangyayari na dapat ay lingid sa paningin ng mga ordinaryong nilalang. Trabaho ng mist ang limitahan ang nakikita ng mga mortal, kaya hanggang ngayon, wala silang kamuang-muang sa isa pang aspeto ng realidad kung saan nage-exist ang mythological realms.
So, pag nag-summon si Ria ng espada, pwedeng laruan na light saber ang makikita ng mortals, o di kaya'y isang sword balloon.
Huh. Nakakatawa sigurong tignan pag may actual sword fight na nangyayari sa gitna ng kalsada, ano? Nai-imagine ko, dalawang tao na naglalaro ng pekeng light sabers o balloons na hugis espada at balot na balot sa dugo't pawis, na para sa iba ay special effects lang ng theatrical presentation nila.
"Kara..." May biglang pumasok sa isip ko. "Dati kasi, nung nakatira pa ako sa mortal realms, wala akong nakikitang... supernatural kumbaga. Akala ko ba ineffective ang mist pagdating sa mga katulad natin? Eh di sana noon pa ako nakakakita ng kakaibang mga-" nag-isip ako ng salitang pwedeng gamitin. "...bagay-bagay."
"It's how the mist protects us, creatures who fall between the mortal and mythological realms." aniya. "As a way of playing it safe, the mist chooses whose eyes to touch, and whose eyes to untouch. It only changes your perception when there is confirmation, and an example of confirmation is getting claimed by your deity."
"So posibleng may iba pang demigods na nasa mortal realms ngayon pero hindi pa na-claim kaya di nila alam na demigods sila?" karagdagan kong tanong nang makapasok na kami sa Academy.
"Cesia. They're either dead, getting killed right now, or a corpse in the near future."
Napahinto ako sa sinabi niya. Iniwan niya ako at nagpatuloy sa paglalakad, balewala ang naging reaksyon ko.
Sinasabi niya bang dapat patay na ako?
"Let me guess, she said something that made you worry, didn't she?" tanong ni Dio na tumigil sa harap ko nang mapansin ako. "Ano na naman ba ang sinabi ni Kara at naiwan kang nakatulala diyan?"
"Kung bakit ngayon ko lang nadiskubre ang lahat ng 'to..." Napangiti ako. Isang malungkot na ngiti. "Kung bakit nagtagal ako sa mortal realms na walang kaalam-alam sa katotohanan..." bulong ko.
Pagkatapos, huminga ako ng malalim saka umiling-iling. "Ano ba 'tong pinagsasabi ko." Dinaan ko nalang sa pagtawa ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi para mapagaan yung loob ko, kundi para hindi ako kaawaan ng kausap ko.
Sanay na naman ako eh. Sanay na akong mapag-isa sa tuwing may bumabagabag sa'kin.
"Cesia?" Nanunuri ang mga mata ni Dio na nakatuon sa'kin. "Are you... okay?"
"Mmm!" Tumango ako.
"Good dahil magre-report pa tayo sa office mamaya tungkol sa missions natin. I'm just telling you this in advance para makapaghanda ka."
"Gano'n ba? Sige. Thank you."
Nang makalayo na siya, saka ko tinanggal ang suot kong ngiti. Inilibot ko ang aking tingin sa entrance hall ng Academy. Sa totoo lang, masaya ako kasi nandito na, nakalantad na sa'kin ang katotohonan ng buong pagkatao ko at ramdam ko talaga na kabilang ako dito.
Pero bakit parang... habang tumatagal, mas dumarami ang mga katanungan ko?
• • •
Bumukas ang pinto ng office at lumabas yung principal. "Excuse me, Alphas, but the office is currently occupied right now." Nginitian niya kami. "I believe you need some rest? Please do so and I shall summon you for reporting later."
Napahikab si Chase. "Ge." aniya, bago maglaho.
"Nice." puna naman ni Dio at umalis na kasabay si Trev. Hindi nila kasama si Cal dahil dumiretso siya sa clinic para doon ipalagay si Art.
Sumunod lang ako kina Ria at Kara. Naramdaman kong hinatid kami ng tingin nung principal kaya bahagya akong napalingon.
Pumasok siya sa kanyang opisina at sa maikling panahon na nakabukas yung pinto, nasilayan ko ang isang babaeng nakaupo sa loob, nakasayad sa paanan ang paningin.
Kaye?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro