Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXV | Terraria

Dio's POV

I've had hopes for this mission...

HAD.

My feet are sore and my hands are burning. Sobrang hapdi ng balat ko dahil asido ata ang hangin sa lugar na'to. Hindi ko na rin kailangang lingunin ang mga kasama ko para malamang hindi lang ako ang naghihirap dito.

I tried my best to pretend I'm doing fine but walking on the streets of a whole territory situated under the earth is not something to endure for so long.

Kararating lang namin dito. Halos dalawang araw din naming hinanap ang eksaktong lokasyon nito, and as it turned out, nasa ilalim ito ng isang malawak na kagubatan.

Habang naglalakad sa lubak-lubak na daan, inilikom ko ang pagkayamot sa lugar.

This place is anything but pleasant. Mula sa kabahayan na gawa sa maiitim na bato, hanggang sa mga nilalang na naninirahan dito at kasalukuyang sinusundan kami ng tingin. In addition to this, wala rin silang source of natural light. They only have torches and burning pyres randomly put everywhere, with bones scattered around them.

In the case of the mortals, sigurado akong unang tapak palang nila dito, tumba kaagad sila. They'll suffocate for a few minutes before dying a slow and painful death.

"Grabe mga bro. Pwedeng labas muna ako? Mas lalong tumataas yung temperatura dahil sa presensya ko eh."

Akala ko wala nang ikalalala ang sitwasyon namin. Meron pa pala. Inaatake na naman kasi ng topak itong si Chase.

Yet, I envy him... pagka't mahangin pa rin siya, even in a place with acidic air, which is kind of impressive.

Napahinto kami dahil sa muling pagyanig ng lupa. It's as if this place is crumbling to pieces and if we don't hurry, it'll bring us down with it.

"How long have we been walking?" tanong ni Trev.

"For almost two hours now." sagot ko.

"Then let's walk faster." utos niya kaya bumilis ang bawat hakbang namin papunta sa malaking palasyo na natatanaw na namin sa malayo.

My awareness drifted to a woman cradling a baby, then to the two toddlers playing with torches and needles behind her. Hindi sila pangkaraniwang tao, and it shows how different they are from ordinary humans just by how they look. They all have red skin with overwhelming body piercings and tattoos. Their bright yellow eyes don't have corners at all. Sa halip, pinalibutan ang kanilang mga mata ng naglalangib na balat. Pati na rin ang kanilang mga ilong at bibig. And their clothes, were just pieces of brown fabric with skeleton teeth hanging from the edges.

Bumagal ang paglalakad namin nang lumitaw sa unahan ang isang grupo ng mga lalaking terrarians na may dalang mahahabang sibat.

"Sa tingin mo bro, makakausap kaya natin ang mga 'yan?" Pinatong ni Chase ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Sa tingin ko..." Bigla silang sumugod sa direksyon namin. "Sa tingin ko hindi." Tinapik ko ang kamay niya kaya inalis niya ito mula sa balikat ko.

"Gano'n naman pala. EH DI TAKBO NA TAYO MGA TSONG!" sigaw niya saka kami umikot at kumaripas ng takbo.

Lumabas mula sa bawat sulok ng kabahayan ang mas marami pang mga terrarians kaya habang tumatagal, dumarami silang naghahabol sa'min.

Nag-uunahan kaming tatlo sa pagtakbo. Tatlo nalang kami dahil iniwan kami ng napakaloyal naming kaibigan na anak ni Hermes.

I should have pulled that demigod in place before he escaped on his own. Kung saan na siguro nagtatago ang kumag na 'yon dahil tuluyan na nga siyang hindi nagpakita sa'min nang magsihintuan na kami.

Nakatukod ang dalawa kong kamay sa mga nangangatog kong tuhod habang humihingal. "Running... is... useless." Humuhugot ako ng hangin sa pagitan ng bawat salita.

Malapit na kaming dumugin ng mga terrarians kaya inayos ko na yung sarili ko. But in the end, instead of attacking, they immediately stopped moving. They only threw several glares at us and I wondered why... until I felt the sting of a needle on my neck.

• • •

Nakaupo ako sa sahig, nakapatong ang isang siko sa nakayupi kong tuhod at nakaharap sa demigod na hinihintay naming magising.

Nang magising na siya, "Oh? Ba't ka nandito? Akala ko ba iniwan mo na kami?" Sinadya kong ipaalam sa kanya na hindi katuwa-tuwa ang makasarili niyang pagtakas sa sandaling iminulat niya ang kanyang mga mata. "Pag nakita ko 'yang pagmumukha mo sa oras na makalabas tayo sa cell na'to, binabalaan na kita Chase, na ako na mismo ang sisipa sa'yo papalabas ng Terraria."

"Bro naman. Wag ka na ngang magtampo." umuubo-ubo niyang sabi. Nakalupasay siya sa sahig, malalim ang bawat hininga. "Gusto mo kiss nalang kita?"

Nagtitiim ang aking mga bagang habang nakatitig sa kanya. "I'm warning you, Chase."

Dahan-dahan siyang umupo at isinandal ang kanyang likod sa pader. Binigyan niya ako ng thumbs up saka napahawak sa kanyang tagiliran at napangiwi. "Buwisit na giants yun ah."

Tumayo si Trev kaya't napatingin kami sa kanya. Lumapit siya sa rehas na gawa sa maiitim na kristal at nakapamulsa nang silipin ang magkabilang dulo ng hallway sa labas ng selda na kinaroroonan namin. "There are two passages connected by this single hallway. Each with four giants guarding them." Nilingon niya kami. "They took all our belongings including weapons, and this cell is spellbound. We can't use our abilities, not until we set foot outside."

I sighed out of desperation, and then calmed myself. Wala pa kaming napag-usapang plano para makalabas dito, and I don't know how I should feel about it. And to make matters worse, hindi pa rin natatanggal ang epekto ng pampatulog na sapilitang in-inject nila sa leeg ko.

My mind is full-blown chaotic right now, just like this awful place.

"Someone's coming." batid ng anak ni Hades na nasa tapat ko.

Just by the chiming of keys that I'm hearing, nalaman ko kaagad kung sino ito. It's the watcher, one of the guards whose job is to routinely check on us, and he has come to visit us again.

Sabay kaming napatayo ni Cal.

"Look who's back." I sneered at the ugly giant in front of us. Sa sobrang laki niya, mas lalong nandilim sa loob ng cell dahil sa kanyang anino. His brown face was deformed, and his thick layers of fats tended to slap around each other every time he moves. His fingers, curled around a large bat made out of wood with sharp black crystals emerging from the rounded edge.

Bumaba ang aking tingin sa mga susi na naka-kadena sa kanyang leeg at malayang nakasampay sa kanyang dibdib.

We could hear his low grumbles when he noticed Chase, fully awake, and staring back at him. Ang tanging lumalabas na tunog mula sa bibig niya ay yung ingay na binubuga ng mga dinosaurs sa mga pelikula, but a pitch lower.

Tumatango-tango ang giant habang kinakausap ang sarili niya. Isa-isa niya kaming tinignan, tila nagbibilang kung kompleto pa ba kaming mga nakakulong dito. Pagkatapos, akmang maglalakad na siya pabalik sa post niya nang biglang magsalita si Chase.

"Pwede bang mag CR muna? Kahit saglit lang?"

Umiling ang halimaw bilang sagot. Kumunot naman ang aking noo dulot ng pagtataka sa pinagsasabi nitong isa kong kasama.

"Oh kung ayaw mo..." Tumayo si Chase. "Pwes dito nalang." Yumuko siya at narinig namin ang pagbukas ng kanyang zipper.

Agad na tinanggal ng halimaw ang isa sa mga susi at galit na ipinasok sa lock. I can hear his annoyed grunts while attempting to open the only passage we have to freedom... kaya naging alerto ako.

A grin slowly formed on my lips.

Chase, you cunning idiot.

Palihim na inabot sa'kin ni Cal ang isang matulis na bagay. Dinamdam ko ito saglit at napagtantong isa ito sa mga darts na ginamit nila kanina para maknock-out kami, temporarily.

I finally heard the last click of the lock, just a second before Trev's remark.

"Now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro