XXIII | Village Witches
Chase's POV
Tumutunog ang sahig sa bawat hakbang ko.
"Chase, did you find any footprints?" narinig kong tanong ni Dio mula sa ibaba.
Nandito na kami sa bahay ng nasabing witch na makakatulong daw sa'min. Hinati-hati pa namin ang pagi-imbestiga sa buong lugar pagkatapos naming napag-alaman na walang tao.
Inikot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto na nasa pangalawang palapag. Naglibot-libot lang ako at minsa'y napapahinto para suriin nang husto ang mga bagay na nakakakuha ng atensyon ko. Katulad nalang nung ashtray na nasa may dako ng bintana.
Lumapit ako dito at pinulot ang sigarilyo na bahagyang natatabunan ng abo.
Nabitawan ko ito nang makarinig ako ng kasa ng baril mula sa likuran ko. Itinaas ko ang aking mga kamay at dahan-dahang umikot.
Sinalubong ako ng hindi pamilyar na tinig. "Sino ka?" Nakatutok sa'kin ang baril na hawak-hawak ng matandang babae. Gusot-gusot ang kanyang damit na hanggang talampakan ang haba. Maitim ang kulay nito pero hindi kasing-itim ng suot niyang baro.
"Uhh..." Nag-isip ako ng katanggap-tanggap na sagot. Yung legit pakinggan. "Namamanhikan? May apo ka diba?"
Teka. Meron nga ba?
Gagamitin ko na sana yung ability ko para kunin ang baril na nasa kamay niya pero hindi natuloy ang balak ko nang magsalita siya. "Don't even think about it, son of Hermes." Binaba niya ang kanyang kamay pagkatapos maglaho ng baril. Bahagya siyang napalingon sa likod niya atsaka bumulong-bulong sa sarili. "One... two... three..." Panandaliang lumiwanag ang kanyang mga mata nang ibalik niya ang kanyang tingin sa'kin. "Four descendants of the Olympians are in my territory. How come?"
"Eh kasi-" Kusang tumikom yung bibig ko. Pilit kong binubuksan ito pero nabigo lang ako.
"Save that when you introduce me to your friends." Sinenyasan niya ako na lumabas.
Pababa ako ng hagdan nang mapansin kong naigagalaw ko na yung bibig ko. Minasahe ko pa nga yung panga ko dahil sa lubusang panginginig nito dala ng galit sa matandang bruha na nakasunod sa'kin.
"Be careful who you curse, demigod." narinig kong sabi niya.
"Edi ikaw na nakakabasa ng utak ko." nayayamot kong turan.
"Tumahimik ka kung ayaw mong tahiin ko 'yang bunganga mo."
Hindi na ako nagsalita. Baka kasi ulitin na naman niya yung ginawa niyang pambabara sa'kin... pero hindi ibig sabihin nito tumigil na ako sa pambu-buwisit sa kanya gamit ang utak ko.
Natagpuan ko yung tatlo na nasa sala. Si Dio ang unang nakapansin sa'kin. Halatang nagtataka siya kaya't napalingon na rin sina Trev at Cal sa gawi ko.
"Sit."
Kumunot ang kanilang mga noo matapos kaming utusan nung gurang. Saka ko sila pinadalhan ng tingin na nagsasabing sumunod nalang sa kanya.
"What's your reason for trespassing?" tanong niya sa'min nang maupo na kami. "Tell it to me directly. Wag niyong pag-aksayahan ang oras ko."
"We're on a mission." sagot ni Dio. "May nawawalang Gamma student at inatasan kaming hanapin siya. She's an oracle of Apollo, to be exact. We were hoping that you'd help us look for her."
"If it's an abduction, then I can't help you... however." Isinara niya ang kanyang palad at sa kanyang pagbukas nito, nakita namin ang isang rolyo ng sinulid. "Give this to the woman whose house is not that far from here."
Kararating lang namin dito tapos papaalisin niya kaagad kami? Wow na wow ah.
Nag-summon din siya ng odigos para madali naming mahanap yung tinutukoy niya. "And please don't step on any of my plants on your way out." Huli niyang paalala.
Nagsimula nang gumalaw yung odigos kaya agad naming sinundan ito. Pero bago pa kami tuluyang makalabas ng bahay, nahagilap ng mga mata ko ang nakakakilabot na ngiti nung matanda.
Amputek. Pag nalaman ko talagang pinagtitripan lang pala kami ng matandang 'yon!
Naglaho ang odigos sa harap ng isa pang bahay na kasinglaki ng naunang bahay na pinuntahan namin.
Pumasok kami at isang matandang babae na naman ang sumalubong sa'min. "Anong kailangan niyo?" tanong niya.
Ibinigay ni Dio yung sinulid sa kanya atsaka nagpaliwanag kung bakit kami napadpad dito. Hindi sila magkamukha nung gurang na kakakilala lang namin kanina pero... friendship goals hanggang sa pagtanda ata yung trip nilang dalawa dahil iisa lang naman ang vibes nila.
"I cannot help you with your journey as well but..." Inabot niya kay Dio ang tungkod na hawak-hawak niya. "It's a measuring rod. Give that to another neighbor of mine. Should she accept it, then she will help you."
Nagtinginan kaming apat.
Ngunit sa huli, lumabas kami ng bahay bitbit yung ibinigay niya.
Walang nagsasalita sa'min habang nakasunod sa odigos. Tanging mga tunog lang ng pagtapak namin sa maputik na lupa ang maririnig na ingay.
Sa tingin ko talaga pareho kami ng iniisip eh.
Thread.. measuring rod... aba gago.
Baka mananahi lang pala 'tong mga witches na'to at ginawa kaming free transport ng mga gamit nila.
Nagdadalawang-isip kami na pumasok sa pangatlong bahay. Tinanguan kami ni Trev pero kitang-kita ko sa kanyang mukha na pati siya, ay hindi na natutuwa sa katarantaduhang pinanggagawa namin para sa mga gurang na'yon.
"What do you want?" gandang bungad ng hindi gaanong kagandahan na bit- este witch.
Napabuntong-hininga si Dio. Ibinigay niya ang measuring rod sa matanda at sa ikatlong pagkakataon, ay muling nagpaliwanag kung bakit kami naparito.
"So you say that there is a possibility that she is stuck in a trance?" Kinuha niya ang gunting na nasa tabing mesa. "Well..." sabay abot niya nito kay Dio. "I know someone-"
"Teka nga." sabat ko. "Para sa'n na naman yang gunting?!"
"Watch your tone, child... I do not like it."
"You know what? Chase is right." ani Dio. "Pinaglalaruan niyo lang kami."
"Because that's exactly what we do." Kasunod nito ay ang unti-unting pag-iba ng kanyang anyo. Tila nabawasan ng ilang taon ang hitsura at boses niya nang ngitian niya kami. "Am I right, sisters?" Lumiwanag rin ang mahaba niyang damit hanggang sa maging puti ito.
Lumitaw ang dalawa pang babae sa kanyang tabi na katulad niya, ay nakasuot din ng white robes. "Of course, sister." sabay nilang sabi.
Ang mga Moirai.
Damn. Sino bang mag-aakala na nasa punto na pala ako ng buhay ko kung saan kaharap ko na ang tatlong Fates?
Sila lang naman kasi ang incarnations ng destiny. Sila rin ang may hawak ng tinatawag na thread of life ng mga mortal.
Tinignan ko ang babaeng nakatayo sa gawing kaliwa. Base sa mga hibla ng gintong sinulid na nakatali sa bawat dulo ng mga daliri niya, siya si Clotho, na siyang nag-iikid ng sinulid ng buhay, gamit ang kanyang distaff at spindle.
Nasa kanan naman si Lachesis na nakahawak sa kanyang measuring rod at mahinang tinapik-tapik ang dulo nito sa kabila niyang palad. Sa pagkakatanda ko, kaya ito ang dala-dala niya kasi siya yung nagsusukat at nagtatakda sa haba ng buhay.
At panghuli...
Napatingin ako sa babaeng nasa gitna. Si Atropos, ang taga-putol ng sinulid. Siya ang may kapakana kung ano ang paraan ng pagkamatay ng isang tao kapag dumating na ang panahon para dito.
Wala sa sarili akong napangisi. Ngayon ko lang kasi napagtantong nabiyayaan din pala ako ng angking talino kahit wala akong ibang ginagawa kundi ang matulog tuwing discussions.
Tss. Ako pa.
"We still cannot help you, gentlemen." saad ni Clotho. "For your destiny is not ours to behold."
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Dio.
"It means..." Dagliang sinulyapan ni Lachesis si Trev. "Your journey is yours, and yours alone." sagot niya. "It is what is needed for what awaits you."
Hmm. "Oy bokya naman pala tayo eh. Makauwi na nga." Akmang aalis na ako nang magsalita si Atropos.
"But."
Nilingon ko siya. "Pwet?"
"BUT." Nilakasan niya ang kanyang boses. Tapos bigla nalang nawala yung alik-mata niya kaya nagmukha siyang sinapian. "You need to go to an Arcady where the earth is not at ease. Find a lady that's never pleased, and give her... some of these."
Biglang bumigat yung kamay ko kaya't napatingin ako dito. Namalayan ko nalang ang sarili ko na bitbit ang isang supot na puno ng gintong barya.
"Woah." Inangat ko ang ulo ko at nakitang naglaho na yung tatlong fates.
"The earth is not at ease? A lady that's never pleased?" Humarap si Dio sa'min. "Aren't those the complete opposite of Arcady?"
"Oo nga." Sang-ayon ako sa sinabi niya. Ang Arcady ay isang mapayapang paraiso. Hindi na Arcady ang tawag dito kapag hindi rin matiwasay ang pamumuhay ng mga nilalang na nakatira sa lugar na 'yon.
"Then we're looking for another place." ani Trev.
"I know one." sambit ni Cal kaya nabaling ang aming atensyon sa kanya. "A place opposite of Arcadia... and it's called Terraria."
"Wow naman bro." Syempre, napakomento ako. "Nagra-rhyme ka na rin pala?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro