Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXII | The Search

Cesia's POV

"Well, who am I to argue with a daughter of Athena?" natawa nang marahan si Prof.

Ibinahagi kasi ni Kara sa kanya ang napag-usapan namin kagabi. Wala naman daw kasing nakikitang connection si Kara sa quote at sa laman ng libro, maliban nalang nung punongkahoy na nasa cover nito. Ayon din sa kanya, malaki ang posibilidad na isa ito sa mga puno na matatagpuan sa Garden ng Hesperides, mga nymphs na tagapangalaga ng orchard ni Hera, kung saan naroon ang isang grove ng apple trees na nagbubunga ng golden apples.

"Do you know where we can find it?" tanong ni Ria.

"Let me see..." Yumuko si Prof para kunin mula sa pinakailalim na sulok ng antigong istante ang isang scroll na yari sa papyrus.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng pamamahay niya at nahinuha na mahilig siguro siya sa mga antiques? Pati na rin yung pamamaraan ng pagdamit niya eh, hindi maipagkakailang old-fashioned. Wala ba siyang planong baguhin- Teka nga. Ba't nangingialam na ako sa interior design ng bahay na'to at sa clothing choices ni Prof?

Hindi naman ako ganito kadaling ma-distract ah...

"This is a map of the world." Binuksan ni Prof yung scroll at inilapag sa mesa. "But as you can see, hindi ito ordinaryong mapa."

Tama nga ang sinabi niya dahil nung una, hindi ko aakalaing mapa pala ito ng mundo dahil aside sa seven continents, may iba pang mga isla o lugar na nakaguhit dito pero hindi ko naman nare-recognize.

"Ibibigay ko ito sa inyo... in exchange of the book you borrowed." sabi niya sa'min. "I can't give you more than one of my father's properties because they're very precious to me."

Inilabas ni Kara yung libro mula sa bag niya at isinauli ito kay Prof. Inirolyo naman ni Prof yung scroll. "Wag niyo hayaang maipasakamay 'yan ng iba." sabay abot niya nito kay Kara.

"By the way, what are you gonna do with it?" nanunuring tanong ni Prof.

"Find the Garden of Hesperides." Si Ria ang sumagot sa kanya.

"And?"

"And pay a visit."

Hindi ko alam kung anong meron sa nasabi ni Ria na nagdulot ng pagtawa ni Prof. Bakas ang pagtataka sa mga mata naming nanonood sa reaksyon niya.

Tumigil lang siya nang mapagtantong seryoso kami. "You're... you're not joking?" Tuluyan na ngang nagdilim ang kanyang mukha matapos kaming umiling.

"What?!"

Napaurong ako nang bigla niya kaming sinigawan.

"Are you trying to kill yourselves? That place is dangerous! Hindi niyo ba alam kung ano ang sasalubong sa'nyo pagka-apak niyo palang doon?!" bulyaw niya. "Kamatayan!"

So totoo nga ang sinabi sa'min ni Kara, na sigurado daw siyang hindi sasang-ayon si Prof sa plano namin at papagalitan niya lang kami.

Legend says na ang magtatangkang pumunta sa Garden of Hesperides, ay makakatanggap ng galit ni Hera... at sino nga ba naman ang gustong mapahamak sa kamay ng queen of the gods?

"We will still do it." deklara ni Kara. "It's still part of our mission."

"No.. no..." Umiling-iling si Prof. "You're young. You don't know what you're doing. Mabuti pa't maghanap muna kayo ng ibang clues na makakatulong sa misyon ninyo."

"This is a clue, Professor." sagot ni Ria. "And right now, ito lang ang meron kami. Buhay ng isa sa mga estudyante ng Academy ang nakataya dito so obviously, we have no time to waste."

"At handa kayong itaya ang sarili niyong buhay para lang sa estudyante na'yan?"

Bigla akong napatda sa sinabi niya.

Itataya ang buhay namin... para sa isang estudyante...

"Kung gano'n..." Dinuro-duro kami ni Prof. "Wag niyong banggitin ang pangalan ko kung sakaling si Hera na mismo ang haharap sa'nyo!"

"Lumayas na kayo dahil hindi ko kayo kilala at mas lalong hindi ko kayo pinapasok sa pamamahay ko." Galit na galit niyang tugon. "Umalis na kayo dito! Ngayon na!"

Hinablot ni Ria ang mga kamay namin ni Art at kinaladkad kami papalabas ng bahay. Narinig namin ang malakas na pagsara ng pinto sa aming likuran bago niya kami binitawan. "Get inside the car."

Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan. Ini-andar na rin ni Art yung kotse pero napansin naming hindi pa niya ito pinapatakbo.

Napalingon ako sa kanya at nakita siyang mahigpit na nakakapit sa manibela habang nagpipigil ng mga luha. "S-Sorry..."

Pagkatapos, tuluyan na nga siyang napaiyak nang makaabot na kami sa highway. "Sorry." Tinuyo niya ang kanyang mga luha pero walang tigil pa rin ang pagbagsak nito kaya patuloy siyang napapapunas sa kanyang mga pisngi habang paulit-ulit na nagso-sorry sa'min.

"Hey... Wag ka nang umiyak." pagpapatahan ni Ria sa kanya. "Baka manlabo yung paningin mo at mabangga tayo..."

"A-ang bad niya ih..."

"No Art, isa lang siya sa mga taong hindi nakakaintindi sa'tin."

Dahan-dahang gumilid saka bumaba ang aking tingin nang sabihin 'yon ni Ria.

May nakapagsabi na kaya sa kanila? na hindi magiging kumpleto ang realidad kung wala ang mga taong hindi makakaintindi sa'tin?

Art's POV

"Sabi ng internet, it's located somewhere west. Do you think it's here?"

"Maybe... but it could be here."

Nakabukas yung pinto ng kwarto kaya rinig na rinig ko ang mga boses nina Ria at Kara mula sa sala. Nagge-guessing game sila kung nasa'n yung Garden of Hesperides kasi mas malabo pa sa lovelife ni Mojo Jojo yung handwriting ni Theosese!

Psh. Sigurado akong nag-aanyong Chinese na naman yung dalawang 'yun habang nakatitig sa map.

Napatingin ako kina Bubbles at Blossom na komportableng nakahiga. Magkatabi silang natutulog at share pa sila ng kumot. At dahil ayoko silang ma-istorbo, si Buttercup nalang yung kinuha ko kasi siya lang din naman ang nakaupo katulad ko.

"Buttercup..." Inilipat ko siya sa harap ko.

Hmm... ba't kaya Buttercup yung pangalan niya ih hindi naman kulay green yung cooking butter? Hindi rin naman green yung buttercup flowers ah...

Ba't hindi blackboard tawag sa kanya?

Wait! Ba't blackboard yung tawag sa blackboard kung color green naman ito?! Bakit hindi greenboard?!

Pinaningkitan ko ng mata si Buttercup na naka-smile sa'kin. "Wag kang mag smile-smile d'yan uy!" Niyuyugyog ko siya. "Ano ba Blackboard- este Buttercup! Hindi mo ba alam? Inaway ako ni Professor!"

Tinawag niya pang dangerous yung garden ng mga Hesperides. Luh! Hindi kaya! Ang ganda-ganda nga nung garden ih!

Okie lang naman kung pagsabihan niya kami na mag-ingat... ganun... pero sigawan ba naman kami?!

"Aaahh!" Mas nilakasan ko pa ang pag shake-shake kay Buttercup. "Ay patay! Sorry-" Agad akong napatigil nang ma-realize ko yung ginagawa ko. Saka ko siya niyakap. "Kasi naman ih... parang gusto ko tuloy uminom ng Chemical X!"

Syempre. May halong joke yun. Hehehehe.

Papa, kung nakikinig ka man... joke lang po yun. Huwag niyo po muna akong padalhan ng ibang uri ng liwanag. Si Princess Sara nalang po kunin niyo. Tutal, taga-balat lang naman yun ng patatas. Malay natin ipagluluto pa kayo ng frenchy fries n'un.

Nilapitan ako ni Cesia na nakalimutan kong nandito rin pala. "Alam mo ba, kapag uminom ka ng Chemical X, magkakaroon ka ng clone na pusa... o di kaya ikaw yung magiging pusa." Umupo siya sa tapat ko at ipinatong sa higaan yung mga damit kong siyang nagtupi.

"Huh? Hindi ba ako magiging powerpuff girl nun?"

"Naalala mo yung sinabi ko sa'yo na nangyari kina Pluto at Goofy?"

Napasinghap ako at- dundundun~

Napapalibutan ako ng kadiliman at naririnig ko mula sa malayo ang boses ni Kara na tinatawag ako. 'Art! Huhuhu! Where are you?'

'Art!!! Nasaan ka na kasi?' Umiiyak din si Ria. 'Please come home!'

Omo! Pinaghahanap nila ako?!

'Ngiyaw! Ngiyawoo- ngiyaw?' Hala! Ba't di ako makapagsalita ng maayos?!

Mic check. One, two, three. 'Ngee-yaw. Ngyaw-ngyaw-ngyaw.'

Huwaahhh!!! Ba't ganun?!

Biglang nagkaroon ng spotlight sa harapan ko. 'Halika na Art...' sabi nung babaeng nakatayo sa ilalim nito. Bahagya pa akong napapikit dahil sa matinding reflection ng liwanag sa malapad niyang noo. 'May dalang cat food si Miss Minchin...'

"Cesia naman ih!" Pinaghahampas ko si Cesia gamit si Buttercup. "Ayy-hala sorry ulit!" Hinimas-himas ko ang buhok ni Buttercup at sinamaan ng tingin ang anak ni Aphrodite na tuwang-tuwa sa pinanggagawa niya sa'kin.

"Nga pala, samahan na natin yung dalawa sa labas." pag-aaya niya. "Baka kasi sapak ni Ria ang maaabutan natin kung magtatagal pa tayo dito."

"Fine." Tumayo na ako at lumabas ng kwarto kasama siya... at si Buttercup.

"Art! Tulungan mo nga kami dito." ani Ria nang makita ako. Lumapit naman ako sa kanila at sinilip yung mapa na nakalatag sa mesa.

Hmm... wala pa ring nagbago. Sobrang labo pa rin nung handwriting ni Theosese.

"Kinakausap mo na naman ba 'yang mga unan mo?" tanong ni Ria sa'kin.

Napasinghap na naman ako. Oh my grace of Olympus! Paano niya nalaman na kausap ko si Buttercup kanina?!

Tinignan ko si Buttercup na hawak-hawak ko. Hmp!

Miss Buttercup, you are under investigation. How dare you share critical information-

"Art? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Cesia.

"Mm!" masigla kong sagot.

Pag nalaman kong nakikipag-sabwatan 'tong sina Blossom, Bubbles at Buttercup kay Ria at ibinulgar nila lahat ng secrets ko sa kanya, wala na akong ibang magagawa kundi...

Ipa-adopt sila kay Cal.

"Back to where we were." Gamit ang kanyang daliri, naglagay ng imaginary circle si Kara sa mapa. "We should focus on this side of the map."

Napahikab ako. "Umm... hellooo?" Sinubukan kong kunin yung atensyon nila. "Guys?"

"Not now, Art." Hindi man lang ako binalingan ni Ria. At dahil dito, sinusundot-sundot ko yung tagiliran niya. "Pansinin niyo ko wuy!"

Ba't ba kasi kailangan pa nilang maghanap? Kung magtanong nalang kaya sila sa may alam?

"What is it?!"

"Luh. Nahawa ka ba kay Professor, Ria?" tanong ko dahilan na makatanggap ako ng nakakamatay na tingin mula sa kanya bilang sagot.

"Gusto ko lang naman malaman kung ba't pa kayo naghihirap d'yan, eh alam ko naman kung nasa'n yung garden ih..."

Sabay-sabay na nandilat ang kanilang mga mata.

"Ano?!" So ayun na nga, kinareer na ni Ria yung panggagaya niya kay Professor kaya bigla-bigla nalang siyang napasigaw.

"Yeps." Tinignan ko yung map sabay duro sa isa sa mga lugar na malapit sa Iberian Peninsula. "Dito pa nga yun ih..."

Ang totoo n'yan, mabibilang lang talaga yung childhood memories na meron ako, pero hinding-hindi ko makakalimutan yung mga panahon na dinadala ako ni Apollo sa garden para bisitahin yung Hesperides.

Tumatak ito sa isipan ko kasi...

Ito lang ang mga natitirang ala-ala ko kung saan kasama ko siya.

Napansin ko ang kakaibang tingin ni Cesia sa'kin. Nginitian ko muna siya bago lingunin yung dalawa na idinidiin ang pagkadikit ng kanilang mga noo sa mesa.

"Wuy! Okie lang kayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro