XX | Finding Theo
Cesia's POV
Nakatitig pa rin si Art sa mapa hanggang ngayon. Nakasingkit ang kanyang mga mata at nakakunot ang kanyang noo. Ilang minuto na rin kaming nakaparada sa tabi ng kalye. Sabi niya kanina, madali lang daw ma-locate yung pupuntahan namin kasi may dala siyang map pero mukhang binabawi na niya ang sinabi niya base sa ekspresyon na suot niya.
"Art? What's taking you so long? Kanina ka pa nakatitig diyan." Nakitingin na rin si Ria.
"May alam ba kayong Raglem Street? Wala naman kasing Raglem Street sabi dito ih." sambit ni Art sabay abot niya ng mapa kay Kara.
"Do you think it's a hidden street?" ani Kara nang matanggap niya ito.
"Cesia? How about you?" tanong ni Ria sa'kin. "You've been here a long time. May alam ka ba na Raglem Street?"
Raglem Street? "Sorry pero ngayon ko lang ata narinig 'yan eh." Wala naman talaga akong naaalala na Raglem St. dito. Kung meron man, edi sana alam ko nasaan 'yan since ang unique din naman ng pangalan.
"Then we don't have any choice but to turn to every corner we see." Ibinalik ni Kara kay Art yung map at sumandal sa backseat.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Art bago muling i-andar yung makina.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon at nagmasid sa labas ng bintana. Nahawa na rin ata ako sa pagkadismaya ni Art. Nagui-guilty ako sa sarili ko... kasi kung tutuusin, ako dapat yung malaki ang maitutulong dito dahil dito pa naman ako lumaki.
Huminto ang sinasakyan naming kotse sa gitna ng kalsada nang mag-red yung stoplight. Agad ko namang napansin sa side view mirror ang isang jeep dahil sa matitingkad na kulay nito.
'tS. ragleM'
"Teka!" bigla akong napasigaw dahilan na mapatingin silang tatlo sa'kin.
Tinignan ko yung salamin at sa pangalawang pagkakataon, binasa ko ang nakapinta sa gilid nung jeep para masiguradong tama nga ang kutob ko.
"Uhh... wala akong alam na Raglem St. pero may alam akong Melgar St.?" sabi ko sa kanila.
Pagkaraan ng ilang segundo ng katahimikan, sabay silang napatango. Mukhang naintindihan na nga nila yung ibig kong iparating.
"That actually makes sense." puna ni Kara. "There are certain areas in the mortal realms that are counted as part of the other realms. However, their names are a bit altered so mythological creatures can easily distinguish those places."
Part of the other realms? So ibig sabihin n'on... hindi mga ordinaryong tao ang naninirahan sa lugar na 'yon?
"Yay! Nasa'n ba yan?" nanumbalik ang malapad na ngiti ni Art.
Sinabi ko sa kanila na lagpas na kami kaya kailangan muna naming mag u-turn. Nang magawa nga 'yon ni Art, saka ko tinuro sa kanya kung saang kanto dapat kami lumiko.
"Nga pala, Raglem Street lang ang sinabi ni principal. Pa'no ba natin mahahanap yung exact location ng Theosese na 'yun?" tanong niya.
"Actually..." napangiti ako nang makarating kami sa nasabing lugar. "May kilala akong nakatira dito."
Sunod-sunod na bumalik ang mga ala-ala ko sa lugar na'to.
Dito kasi nakatira yung isa sa mga professors ko dati. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang sabay-sabay na reklamo namin sa tuwing nagbibigay siya ng mga napakakomplikadong projects tapos the day after na yung submissions.
'I will not accept late submissions while I'm in school. You can attempt to pass your projects but expect that you will find it in the trash bin afterwards.'
At dahil maparaan kami, nakahanap kaagad kami ng loophole sa palagi niyang pinapaalala sa'min.
Naka-specify kasi na hindi siya tumatanggap ng late submissions while in school. Eh wala naman siyang sinabi na hindi niya tatanggapin yung projects namin outside of the school.
Kaya sa huli, by group kaming pumupunta sa bahay niya para magpasa nang wala sa oras.
Lumabas na kami ng kotse at tumungo sa harapan ng naturing bahay. "Prof? Si Ce- Abigail. Si Abigail Young po ito." sambit ko habang kinakatok yung pinto.
Napaatras ako nang marinig ko ang tunog ng pag-unlock nito. Kasunod na bumungad sa'min ang lalaking siyang inasahan kong magbubukas ng pinto.
"Good morning, Prof." nakangisi kong bati sa kanya.
"Abigail?" Halatang nagtataka siya kung bakit ako naparito. "What are you doing here? You're supposed to be in Olympus Academy."
Nabura ang ngiti sa labi ko pagkatapos kong marinig yung sinabi niya. "P-pa'no niyo nalaman?"
Napabuntong-hininga siya at sinulyapan ang mga kasama ko. "Come in." Tuluyan na nga niya kaming pinagbuksan ng pinto. "Make yourself comfortable."
Pumasok kaming apat at umupo sa sofa.
"Anong kailangan niyo?" tanong niya nang maupo rin siya sa tapat namin. Pero mabilis na natapos ang pagpapatay-malisya niya sa binabato kong tingin sa kanya, kaya wala na siyang ibang nagawa kundi kausapin ako tungkol sa nasabi niya kanina.
"Abigail look... pasensya ka na kung ngayon ko lang sinabi sa'yo." mahinahon niyang sabi. "I was the one who notified the Academy about your presence in this realm."
"Pa'no... pa'no mo nalaman na isa akong demigod?" tanong ko.
"Remember my favorite pen? The one with the gold intricate patterns?" aniya. "The only pen that I use to check your assignments? Notes? Projects?"
Tumango ako.
Ang tinutukoy niya... ay yung mamahaling pen na ang sabi niya sa'min, ay nagpapadala ng low electric shocks kapag hindi handprint ng may-ari ang nade-detect sa surface nito. Ito lang ang ballpen na ginagamit niya sa checkings dahil kilala niya ang ink nito at para walang magtangkang i-correct yung scores namin nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Naniwala naman kami kasi may isa sa'min na pabirong kinuha yung pen niya pero agad napabitaw dahil ayon sa kanya, bigla daw siyang na-ground.
"That pen was designed in a way that only creatures with blood originating from the other realms could hold it because it uses the mist as its ink... ibig sabihin, kailanma'y hindi ito mauubusan ng tinta." dugtong niya. "Kaya laking gulat ko nalang no'ng pinulot mo ito at inabot sa'kin nang hindi naaapektuhan."
'Two minutes left before the bell rings.'
Nanginginig ang kamay kong nakapatong sa questionnaire na sinasagutan ko. Fifty-five out of seventy items pa lang yung natapos ko tapos two minutes nalang?!
'Teka lang Prof!' narinig kong tugon ng kaklase ko. 'Number forty pa ako eh!'
Napailing nalang ako at binilisan ang pagsagot. Pagkalipas ng dalawang minuto, tumunog na yung bell kaya sabay kaming napatayo at nag-unahan sa pag-pass. Sapilitan akong napunta sa hulihan ng linya dahil may iba na marahas akong tinutulak paatras.
Saktong nasa harapan na ako ni Prof nung inanunsyo niyang invalid na yung score ko at kung sino man ang hindi pa nakakapasa.
'Gano'n po ba...' sumayad ang aking tingin sa ballpen niya na nasa paanan ng teacher's table.
'Yes. Now go back to your seat.' utos niya sa'kin.
Tumango ako pero bago pa ako makabalik sa aking upuan, pinulot ko yung ballpen niya at inabot ito sa kanya. 'Nahulog ho...'
Nagtaka ako dahil matagal-tagal niyang tinitigan yung ballpen na nasa kamay ko. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay para kunin ito mula sa'kin, at ginawa niya ito habang binibigyan ako ng nanunuring tingin. 'What's your full name again?'
Nginitian ko siya. 'Abigail Young po.'
'Abigail Young...' nangungusisa ang tono ng boses niya. 'Hand me your paper and go back to your seat.'
Humugot ako ng malalim na hininga at- "Salamat..." malumanay kong sabi. "...maraming salamat."
Panandalian siyang nagulat sa naging reaksyon pero agad naman itong tinakpan ng maamo niyang ngiti. "It's alright." Binaling ni Prof ang paningin niya kina Kara. "So, how can I help you?"
"We're here to find a man named Theosese."
"Pardon?" Naging seryoso ang mukha ni Prof matapos siyang sagutin ni Kara. "Tama ba yung narinig kong pangalan? Theosese?"
Tumango kami.
Bigla siyang natawa nang marahan. "Sigurado ba kayo?" tanong niya sa'min.
"What do you mean Professurrr?" nagtatakang turan ni Art. Ewan ko kung ako lang ba yung nakapansin sa kakaibang pronunciation niya ng 'professor' na para bang may ginagaya siya.
"I know him." sagot ni Prof. "And he's already dead."
Nagtinginan kaming apat.
"Imposible." giit ni Ria. "Paano mo nalaman?"
"He's my deceased father."
Kung gano'n, paano naman kami matutulungan ng isang patay sa paghahanap kay Kaye? Kailangan pa ba naming mangonsulta ng medium para makausap namin yung kaluluwa ni Theosese?
"We were ordered to look for him." pagbibigay-alam ni Kara. "He was supposed to help us with our mission."
"Matagal na siyang patay." ani Prof. "So there's no way he could be of help."
• • •
"Do you think he was lying?" tanong ni Ria.
Nakabalik na kami sa hotel. Kasulukuyan kaming nasa sala para pag-usapan yung nalaman namin kanina.
"He wasn't." maikling sagot ni Kara.
"Eh?" Nakahiga si Art sa sofa. "So ano? Hahanap na ba tayo ng ghost whisperer?"
Nakapangalumbaba naman ako sa dulo ng upuan habang pinapakinggan yung tatlo. Nagdadalawang-isip na ako sa kahahantungan ng misyon namin.
Maipagpapatuloy pa kaya namin 'to?
Biglang tumunog yung telepono kaya napatayo ako para sagutin ito.
"Ma'am, you have a pending call from another landline. Do you wish to accept?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya.
"Yes please."
Ilang sandali pa'y narinig ko ang pamilyar niyang tinig. "Hello?"
"Prof?"
"Kung pwede, bumalik kayo dito mamayang hapon. I forgot to mention something." Yun lang ang sinabi niya bago ako babaan ng telepono.
Binaba ko na rin yung akin at napalingon sa gawi nung tatlo. "Girls..." tawag ko sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro