XVI | Power Limit
Cesia's POV
Iminulat ko ang aking mga mata. Napasingkit pa ako nung una dahil sa ilaw na nakatapat sa'kin.
Nasa'n ba ako?
Sinubukan kong umangat mula sa pagkakahiga pero ang natatanging nagalaw ko lang ay yung ulo ko. Pilit kong tinignan ang katawan kong ayaw makipag-cooperate sa'kin, pero bumigay na rin ako at marahang ibinagsak ang aking ulo sa unan. Napangiwi pa nga ako nang sumakit ito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Stop stressing yourself out, hon." Kasunod nito ay ang boses ni Doc Liv. May pinindot siya sa gilid ng higaan at naramdaman ko nalang ang aking likod na dahan-dahang umangat.
Saka ko siya nakitang tinatanggal ang bandage na nakapulupot sa binti ko. "Trev brought you here yesterday morning and explained what happened..."
Yesterday morning... so isang araw akong walang malay?!
"Your skin has fully covered your wounds." Mayroong silver na trolley sa tabi ng higaan kung saan nakapatong ang isang tray. Lumapit siya dito at inilagay ang bandage. May kinuha rin siyang isang baso ng tubig at dalawang puting tablets.
Inabot niya ang mga ito sa'kin. "Take these. It'll help you." Sinunod ko ang sinabi niya at ibinalik sa kanya ang baso matapos ubusin ang laman nitong tubig. Inilapag niya ito sa mesa na katabi ng hinihigaan ko.
Gumaan yung pakiramdam ko at naalala ko na ang nangyari sa'kin... Nasa training room ako n'on nung nawalan ako ng malay...
"Cesia, yung ginawa mo kahapon, it was dangerous." Umupo siya sa gilid ng higaan. "You see, every ability has a limit... we call it Power Limit." Kasunod niyang ipinaliwanag ang nangyari sa'kin. "It happens when you pressure your ability. As a defensive reaction, your mind locks itself to be able to regenerate."
"Bago ka pa lang sa realm na'to, and to think that you immediately experienced power limit just through training is something to be worried about." dagdag niya. "It's just not something that happens as quick as yours'... so control yourself next time, okay?"
Tumango ako.
Power limit... may ganyan pala...
"I have collected your blood for further evaluation." Tumayo na siya. "I'm also releasing you so you can leave the clinic whenever you want. You'll live. Wag mo lang kalimutan ang mga paalala ko sa'yo... and please, take time to rest as well. Your mortal body deserves it." huli niyang paalala sa'kin bago tuluyang lumisan.
Naiwan akong nakatulala at nakatitig sa aking binti. Wala itong bakas ng malalim na sugat, maliban nalang sa kaunting dugo na natuyo sa balat ko, pero yun lang 'yon...
• • •
Sumandal ako sa railings ng balcony at hinayaan ang hangin na tangayin ang aking kamalayan.
'Bago ka pa lang sa realm na'to, and to think that you immediately experienced power limit just through training is something to be worried about...'
Napabuntong-hininga ako.
Naramdaman ko ang presensya ng tatlong katao na kapapasok lang kaya napalingon ako sa kanila. Pumasok na rin ako sa loob ng dorm. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Art pagkatapos akong makita. "Cesia!" sigaw niya sabay takbo sa'kin. "Iiiihhh!!!" Niyakap niya ako.
"Thank the Gods you're already awake!" ani Ria. "I was worried to death. I swear." Lumapit siya sa'kin kasama si Kara.
"Okay ka na ba? You need anything?" Hinatak ni Ria si Art mula sa pagkakayap nito sa'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Any pain or-" Sinusuri-suri niya yung katawan ko.
"Ria!" nabigla si Art sa ginawa niya. "Huhuhu! Aray ko naman ih!"
Agad akong binitawan ni Ria para matignan si Art. "Oh Gods sorry-asan yung masakit?"
"Ayoko na sa'yo." Nagtatampong sabi nito sa kanya. "Hmp!"
"Halika. Iki-kiss ko yung shoulder mo." sambit ni Ria dahilan na mapangiti si Art. "Talaga?" lumapit ito sa kanya.
Imbes na gawin yung sinabi niya, pinitik ni Ria si Art sa noo. "Baka nakalimutan mo Art, na isa kang anak ni Apollo. You don't feel pain with just a slight tug."
Hinimas-himas naman ni Art ang kanyang noo. "Aray kupu~" Napakamot siya dito. "Hindi ba pwedeng nagulat lang ako?"
Natawa ako sa inaasta nung dalawa. "Kayo? Okay lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila. "Atsaka... bakit kayo lang ang nandito?"
"Oh. We're fine." sagot ni Ria. "Nasa treasury hall yung boys. Pupunta naman sila sa accounting office mamaya para tumulong sa pag-finalize ng expenses ng Alphas last year."
"Pero wag kang mag-alala Cesia, kasi may lakad din naman tayo ih...wink!" kinindatan ako ni Art. "Hulaan mo kung ano..."
"Ano?"
"Magsho-shopping tayo!" anunsyo niya.
Saka ko nalaman mula kay Kara na tinakasan pala nila yung boys at napasama lang siya dahil sa pagpupumilit nung dalawa.
• • •
Bitbit ang pinamili naming mga damit at sapatos, bumaba kami sa basement ng mall para mag-dinner. Nagtaka ako dahil nilagpasan lang namin yung mga counters at tables... Lumiko kami sa huling food stall na nasa pinakalikurang bahagi ng canteen at pumasok sa isang madilim na hallway.
"Umm... sa'n pala tayo kakain?" tanong ko.
Tumigil kami sa dulo ng hallway. Magkasabay na lumiwanag yung pins namin saka kami nakarinig ng kaparehong boses nung dorm. "Identities Detected." May tumakbo na linya ng liwanag mula sa ibaba. Tumungo ito paitaas at lumiko pakaliwa saka pababa ulit, para bumuo ng outline ng pinto.
Ewan pero na-trigger ata yung pagiging fangirl ko sa mga sci-fi na pelikula at mga libro.
Dahil ibig sabihin nito, kakain kami sa isang-"supersecret-underground-restaurant-thingy?!?!" Para akong bata na napatili dahilan na magulat yung mga kasama ko.
Isa kasi sa mga childhood dream ko ang magbihis ala-james bond female version at kumain sa mga ganitong restaurant! Yung papasok ako nang nakasuot ng fitting na dress at may mahabang slit tapos meron din akong secret earpiece, at may boses sa kabilang linya na inuutusan akong i-assassinate ang isa sa mga kinatatakutang mafia boss- huminto ako sa pag-iisip pagkatapos kong mapansin yung tatlo na nagpipigil ng tawa.
Yumuko ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi. Kasunod na nanginit ang aking magkabilang pisngi nang mapagtanto kong kapani-panibago pala para sa kanila ang side kong ito. Yung bigla-bigla nalang sumisigaw at tumitili na parang takas sa mental.
Napasinghot ako. Kung pwede lang kainin na ako ng lupa ngayon...
Tinulak ni Kara yung pinto at pumasok na kami. Isang room lang siya na puro mirrors yung dingding. Naka-red carpet ang buong sahig at sa gitna, ay may malaking circular table kung saan nakalapag ang katakam-takam na mga pagkain. Nakabitin din sa itaas ang gintong chandelier na nagagayakan ng mga kristal. Saka bumaba ang aking tingin kina Dio, Chase, Trev at Cal na naka-settle na sa kanilang mga upuan.
Tahimik kaming napaupo at kapansin-pansin ang tensyon na namumuo sa pagitan ko at sa tatlong girls. Padalhan ba naman ako ng nanunuksong tingin?!
Nakita ko ang namumula kong mukha sa salamin kaya't imbes na ibaba yung shopping bags, pinatong ko ang mga ito sa aking hita at sinubsob ang mukha ko dito.
"Girls?" tinignan kami ni Dio. "Did something happen-" hindi niya natuloy ang kanyang tanong dahil bumulalas ng tawa sina Art at Ria.
"BWAHAHAHAHA!" sinapak-sapak ni Art ang kanyang mga kamao sa mesa. "Hangkyut ni Cesia! Iiihh!!"
"HAHAHAHA!" Tumingala si Ria sabay hawak ng tiyan niya. "Narinig nyo yung ano-HAHAHA! yung sinabi niya? Yung ano ulit 'yon?! HAHAHAHA!"
Naghalakhakan sila sa tuwa, tas si Kara naman, nakangiti habang nakatitig sa gitna ng mesa.
"Sige lang..." Napanguso ako at dumausdos pababa ng upuan. "Pagtawanan niyo lang ako." Mas lalong umingay yung dalawa dahil sa sinabi ko. Nakatanggap din ako ng nangungusisang mga tingin mula sa mga lalaki kaya bahagya kong itinaas yung shopping bags at tinakpan ang mukha ko.
Pagkalipas ng isang minuto, tumigil na yung dalawa. Umayos na ako sa pagkakaupo at binaba ang mga shopping bags.
Tumikhim si Ria. "Is there a problem, gentlemen?" Kinuha niya ang atensyon ng boys mula sa'kin.
"Pardon us." tugon ni Dio. "We're not bothered at all." Humugot siya ng hangin at nginitian kami. "By the way, how was your day? Knowing that you left us with all the work, I'm sure nag-enjoy kayo sa araw na'to."
Kumakain kami nang pag-usapan nila ang tungkol sa inilahad na annual budget ng school para sa maintenance ng mga classroom at amenities. Kasali na rin ang amount na ibabawas nila mula sa accounts ng mga estudyante.
Namalayan ko nalang ang aking sarili na ngumingiti-ngiti habang minamasdan sila.
Para lang kasi silang mga ordinaryong tao kung tignan sa anggulong 'to... kahit hindi naman talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro