Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XLVI | The Alpha Way

Cesia's POV

Umupo ako saka pinatay ang nag-iingay kong alarm clock.

Hindi na ako nakatulog pagkatapos akong magising mula sa bangungot na 'yon. Nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa kisame.

Tumatak sa aking isipan ang pagmumukha ng deity ko. Sobrang layo niya sa goddess na nakilala ko noong claiming ceremony.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na panaginip lang lahat ng 'yon, at mas lalo nang hindi si Aphrodite yung nakita ko. Hindi ko nga siya namumukhaan nung una eh, kasi alam kong hindi siya 'yon. Pero may bahagi sa'kin na nagsasabing totoo 'yon... na yung panaginip ko, kung hindi ito mangyayari, ay ibig sabihin, nangyari na... na mas lalong ikinagulo ng utak ko!

"Aish!" Napasabunot ako.

Para kasing nakabaon ito sa mga ala-ala ko, eh wala naman akong ala-ala n'on!

"Nababaliw na ako." Nandidilat ang aking mga mata habang nakatingin sa harapan. "Gods. Nababaliw na ba ako?"

Tumayo ako at inayos yung sarili ko. "Hindi ako pwedeng mabaliw."

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Cal na kumakain sa kusina. Nakatayo naman sa isang sulok si Art, naka-ekis ang mga braso sa dibdib, at nakaharap sa pader. Kulang nalang talaga halikan niya yung dingding.

Saktong lumabas rin si Chase mula sa kwarto niya. Ilang segundo niyang tinitigan si Art bago kumibit-balikat at tumungo sa kusina.

Sumunod na rin ako sa kanya.

Habang kumakain kasama sina Chase at Cal, kapansin-pansin ang panay na paglingon ni Art sa gawi namin. May binubulong-bulong rin siyang di ko masyadong naririnig maliban nalang sa salitang 'ice cream' na paulit-ulit niyang binibigkas.

"Huwag kang mag-alala." bulong sa'kin ni Chase. "Ganyan na ganyan din si Ria kapag ipinagkait sa ice cream."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ewan ko sa'yo, Chase."

Pagkatapos kumain, bumalik ako sa kwarto para magpalit ng damit. Wala naman kaming naka-schedule na klase sa araw na'to, maliban sa'kin kasi may long test pa ako mamaya sa subject ni Madam Viola. Kailangan kong bumawi sa dalawang quizzes na hindi ko na-take dahil absent ako sa mga araw na 'yon. Ito yung kalalabas ko palang sa clinic at nagre-recover pa ako mula sa trauma ng pang-aabusong ginawa ng Trev na 'yon.

Tapos mamayang hapon, tutulong kami ni Art sa paghahanap ng blueprints.

Lumabas ako ng kwarto nang nakasuot ng kaswal na damit. Nasa kusina pa rin sina Chase at Cal, pero tapos na silang kumain at sina Dio at Trev na naman ang kasalakuyang kumakain ng almusal.

Si Art? Gano'n pa rin.

Kinuha ko ang remote mula sa media cabinet bago umupo sa sofa para manood ng TV.

Napailing ako dahil unang lumabas sa screen si Bubbles, isa sa Powerpuff Girls. Ililipat ko na sana ito nang makarinig ako ng mga yabag ng paa. Wala pang limang segundo bago bumagsak si Art sa tabi ko.

"Hehehe. Ililipat mo?"

Napalunok ako sa suot niyang ekspresyon. Malapad kasi yung ngiti niya, pero ito yung ngiti na nakakakilabot dahilan na manginig ako sa takot.

"H-Hindi ah..." Nauutal kong sagot.

"Yay!" Pumapalakpak siya. "Thank you, Cesia!"

Mental note. Huwag i-on yung TV kapag nasa presensya ni Art. Delikado.

Tumayo na ako.

Hindi rin naman ako makakapanood nang maayos kaya mas mabuti pa't gawin ko nalang yung Plan B ko: ang lumabas sa balcony at mag-relax.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape na dadalhin ko sa labas.

Nginitian ko lang yung boys nang mapadaan ako sa dining table. Hinayaan ko ang aking mga kamay na gawin ang mga dapat gawin hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nilalanghap ang isang tasa ng kape. Lumabas ako sa balcony bitbit ito.

Pagkalabas ko, umupo ako sa upuan, kaharap ang malawak na tanawin ng kagubatan at kabundukan sa hangganan ng lupain na abot-tanaw ko.

Tama. Ito ang kailangan ko, dahil ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ko yung napanaginipan ko.

Hinipan ko yung kape bago inumin ito.

Habang dinaramdam ang hangin, hindi ko maiwasang mag-alala para sa sarili ko. Wala na akong maiintindihan sa nangyayari sa'kin at sa kapaligiran ko. Paiba-iba nalang ang daloy ng panahon. Parang kahapon lang, unang araw ko pa dito sa Academy, tapos ngayon, kung anu-ano nang mga kaguluhan ang nangyayari.

'This war is just a stepping stone. No more than a piece of a puzzle.'

At ang malaking katanungan ko, ay kung hanggang dito nga lang ba yung gulo... o simula pa lang ito?

• • •

Narinig ko ang pagbukas ng glass panels dahilan na maalimpungatan ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nakita si Dio.

"It's gonna rain. Just in case di mo alam." aniya.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. "S-Sorry. Nakatulog ako."

"And your coffee is already cold." dagdag niya.

Dumako ang aking tingin sa kape sa aking harapan na hindi ko naubos. Kinuha ko ito, at tama nga si Dio, dahil kasing lamig na ng hangin yung tasa.

Tumikhim siya. "So, kailangan ko pa bang mag-apologize sa nangyaring bulgaran?"

Napangiti ako saka umiling. "Bago pa ako dito kaya naiintindihan ko rin kung bakit ayaw niyo akong isama sa mga plano niyo-"

"You're underestimating yourself, Cesia. Just because you're new doesn't mean you're weak." Itinukod niya ang kanyang magkabilang palad sa railing ng balcony. "Kung nakikita mo lang yung sarili mo sa trainings natin, then you'd believe me."

Tumayo ako. "Okay then, ano nga ba ang dahilan?" Lumapit ako sa kanya. "Bakit ayaw niyo kaming isali ni Art sa digmaan?"

"To protect you, Cesia." sagot niya. "To protect you and Art, as well as the people around you."

Ewan ko ba kung bakit bigla akong natawa sa sinabi niya. "Sinabi mo 'yon na parang ang laking panganib namin ni Art sa iba."

Tinignan niya lang ako. "Art is the fragile one, isn't she? And we wouldn't want our new member getting hurt, would we?"

Dahan-dahang naglaho ang aking ngiti. "'Yan lang ba ang dahilan kung bakit kaming dalawa lang ang kailangan niyong protektahan?"

Tumakbo ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang paa. "Let's just say, you two are different." Saka niya pinatong ang kanyang kamay sa balikat ko. "Sapat na ba yung mga sagot ko? Did I satisfy your curiosity?" Nginitian niya ako.

"Kulang pa eh." Napabuntong-hininga ako. "Pero okay na siguro..."

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago niya guluhin yung buhok ko. "Less answers are better than none."

Hmm. Siguro nga...

"We should go inside." aniya. "Inutusan lang ako na gisingin ka dahil may pag-uusapan pa tayo kasama yung iba."

Bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ng dorm, tinawag ko siya.

Huminto siya paglalakad. "Bakit?"

"Salamat." sambit ko. "Salamat kasi balak niyo akong protektahan kahit hindi ko pa rin gaanong nauunawaan kung bakit."

"Huwag mo'kong pasalamatan." sagot niya nang hindi ako nililingon. "Do'n ka sa lalaking kanina pa nakatitig sa'tin habang nag-uusap tayo."

Sinundan ko si Dio at sa aking pagpasok, binati ako ng nakakamatay na tingin ni Trev na kasalukuyang nakaupo sa silyon. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang mga daliri sa dulo ng magkabilang patungan ng braso nito. Komportable ngang tignan yung pagkakaupo niya, pero wala akong nababasa na komportable sa mukha niya.

At ano na naman ang kasalanan ko sa kanya, aber?

Tumabi ako kay Art na naka-indian sit sa sofa.

"Took you long enough to get inside." ani Trev.

"We were taking our time." sagot naman ni Dio bago maupo sa tabi ni Chase. "What's so urgent about this meeting, anyway?"

"Huwah!" Humilig si Art papalapit sa'kin para bulungan ako. "Nakaka-excite kasi kasama na tayo! Amazing with a zee!"

"Nakaka-excite nga..." pagsang-ayon ko.

Nagdulot ng gaan ng loob ang sinabi ni Art. At least, for now, andito na kami, kasama na sa diskusyon nila. Kontento na rin ako sa ganito kahit nang pagsabihan na ako nina Cal at Dio na ayaw nilang mapasama kami ni Art sa aktwal na bakbakan.

"We have it." anunsyo ni Trev. "Ria and Kara were the ones who found it."

Mabilis kong nahinuha na yung blueprints ang tinutukoy niya. 'Yon lang din naman ang kinakailangan naming hanapin para sa misyon namin eh.

"Sa'n n'yo nakita?" tanong ni Art.

"Oh. We just stumbled upon it..." Nginitian kami ni Ria. "Accidentally."

"By accident, we meant it was unexpected." dagdag ni Kara, at sa kamay niya naroon ang isang libro na agad kong nakilala dahil sa mga katagang nakalimbag sa tagiliran nito. "We will tell you where we found it later. It was not in the library." Inabot niya ito kay Trev. "As for now, we need to discuss what we're going to do with it."

Nagkasalubong ang aking kilay.

Ano pa bang kailangan naming pag-usapan? Hindi ba't dapat na namin 'yang ipadala sa council para sila na ang bahala?

Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa gagawin nila sa libro. Litong-lito pa nga ako dahil sobrang layo ng mga balak nila sa ibinilin na instruksiyon ng Academy. Sa huli, wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik at makinig nalang sa kanila.

"You know we can always tell the council na wala pa tayong nahahanap, diba?" suhestyon ni Ria.

"Napakagandang ideya nga n'yan." ani Chase. "Lalo na't lahat sa kanila'y mga oracles na madaling nakakabasa ng kasinungalingan."

Binuklat ni Trev ang libro at gamit ang kanyang hintuturo, mabagal niyang tinrace ang bawat sulok ng pahinang nabuksan niya. "We can postpone giving it until one of them finds out that it's already in our hands." Isinara niya ito at tinignan ako. "Because eventually, they will."

Kinutuban akong napansin niya ang pagtataka ko kaya sumuko na ako sa pagiging tahimik. "Paano kung isa sa kanila ang nagkaroon na ng vision na mapapasakamay natin ang pinapahanap nila at wala tayong balak na ibigay ito?"

Bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "Then they'll have to take it from us by force."

"Susuwayin n'yo yung council?" Natatawa kong turan.

Madaling napawi ang ngiti ko nang makita yung iba na tumatango.

Hindi ba talaga sila takot sa magiging kaparusahan kapag itatago nila yung blueprints mula sa council?

"Cesia."

Nilingon ko si Ria.

"We found it so we will keep it until we gather enough information from it. Gagawin natin ito kahit ibig sabihin nito na maaari tayong kalabanin ng council dahil dito."

Hindi ko maiwasang mag-alala. "Kahit ang parusa nito ay kamatayan?"

"Kahit kamatayan." Ngumiti siya saka kinindatan ako.

Biglang lumitaw si Chase sa tabi ko at inakbayan ako. "Huwag kang mag-alala, Cesia. Masasanay ka rin sa masasamang asal namin bilang emissaries ng Olympus Academy."

"Ang mahalaga may tiwala ka sa'min." dagdag ni Dio. "You trust us with your life, don't you?"

Hindi ko alam kung bakit malakas ang tama ng tanong niya sa'kin. Siguro dahil ito ang unang beses na may nagtanong sa'kin n'yan.

Trust them with my life...

Kusa akong napangiti.

Hinihingi nilang ipagkatiwala ko ang buhay ko sa kanila, na para bang hindi itong isang mabigat na responsibilidad.

"Cesia? Do you trust us?" muling tanong ni Dio.

Tumango ako.

"Good." sambit niya. "Then you will have to trust how we deal with things around here. It's the Alpha way."

Narinig ko ang mahihinang hagikgik ni Art. Naglaho na rin si Chase sa tabi ko para bumalik sa kinauupuan niya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kami. Napagdesisyunan nilang magpahinga sa kani-kanilang mga kwarto kaya naiwan akong mag-isa sa sala. Pinalibutan ako ng nakakagaan na katahimikan kahit seryoso at delikado yung pinag-uusapan namin, para sa'kin at least. Malay ko ba sa mga demigods na 'yon at pati council ay hindi sila takot na kalabanin.

Ang Council of Elders lang naman ang itinakdang oracles na tagapangasiwa ng realms na kinabibilangan namin. Pinapanatili nila ang balanse sa mortal realms dahil sila ang may kapangyarihan na magsimula ng damage control sa tuwing may kaguluhang nangyayari sa mythological realms. Ginagawa nila ito bago pa man magsimula ang gulo para protektahan ang mga mortal na nilalang.

At kung sila ang tagapagpasiya, kami naman ang tagakilos. Kami ang sumasabak sa aksyon para tuparin ang pinapagawa nila sa'min.

Hindi matanggal ang aking tingin mula sa labas ng balcony.

Naalala ko kasi ang pag-uusap namin ni Dio kanina at ngayon ko lang napansin ang huli niyang sinabi bilang sagot.

'Let's just say, you two are different.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro