XLIV | Nightmares
Cesia's POV
"Wag mong isarado yung windows, please." pabulong na tugon ni Art sa'kin. Nakahiga siya sa kama ko, naka-pajama, at yakap-yakap ang tatlong powerpuff girls niya.
Iniwan kong nakabukas ang mga bintana bago tumabi sa kanya.
"Goodnight, Cesia." Napahikab siya bago idiin ang kanyang mukha sa mga plushies niya. "Love kita, alam mo 'yan."
"Alam ko..." Nakasandal ang aking likuran sa headboard habang hinahaplos ang buhok niya. "Goodnight, Art."
Lumipas ang isang minuto nang marinig ko ang mahihina niyang hilik. At sa likod ng tunog, may iba pa akong ingay na narinig.
Kanina ko pa ito napansin, pero ngayon ko lang pinagtuunan ng atensyon.
Dug dug. . . .
Ilang segundo akong tumitig sa harapan, sa kawalan, habang pinapakinggan ito na lumalakas sa pandinig ko.
Dug dug. . . .
Naunang dumako ang aking mga mata sa direksyon ng pinto, bago dahan-dahang lumingon ang aking ulo rito.
Dug dug. . . .
Inayos ko ang kumot na nakapatong kay Art at saka tumayo at tumungo sa pinto para buksan ito.
"Tulog na siya." Pagbibigay-alam ko kay Cal na siyang nagmamay-ari ng heartbeats na naririnig ko mula sa kabilang dako ng pinto. "Kanina ka pa diyan. Wala ka ba talagang balak na kumatok man lang?"
"Can I see her?"
Tumango ako at pinatuloy siya sa loob.
Dumiretso naman siya kay Art at doon umupo sa tabi niya.
"Madali naman siyang pakalmahin." Lumapit ako kay Cal na tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na anak ni Apollo. "Magiging okay rin siya." Baka nga bukas na bukas, bumalik na siya sa pagiging energetic niya, dahil 'yan ang Art na kilala namin.
"How did she know?"
Kumibit-balikat ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no niya nalaman lahat."
Ewan ko ba pero nakakapanibago para sa'kin ang makita siyang... emosyonal. Nawala na ang malamig na hangin na parating nakapalibot sa kanya dahil pinalitan ito ng pag-aalala, at kaunting kalungkutan.
"Cal, kaano-ano mo ba si Art?" Hindi ko napigilang magtanong. Iba kasi eh... Ibang-iba ang samahan nilang dalawa, na para bang-
"My wife."
Sasabihin ko sanang para silang mag-jowa... "A-Ano?" Pero mag-asawa?! Mag-asawa talaga?! Hindi ko inasahan 'yon!
"Paano?" Kasal sila?! Like husband and wife?! For better or for worse???
"Married in the Underworld with my father's... blessing."
Napansin ko ang paglalim ng boses niya nang pakawalan ang huling salita.
"There's really not much to know except that she was forced to. We're legally married in both realms but what happened to us... I can't call it the right way to get married."
Nangangalit ang kanyang bagang nang ilihis niya ang kanyang tingin mula kay Art. "No one deserves such marriage... especially her."
"Pasensya ka na kung naitanong ko 'yon. Hindi ko alam..."
"I'm just glad she's fine." Napabuntong-hininga siya. "You'll take care of her, right?"
Tumango ako.
"So umm... yung blueprints, nahanap niyo na ba?" Alam na namin ni Art ang tungkol sa misyon nilang hanapin ang blueprints ng Seht at kapag hindi, may mangyayaring gulo. Ito ang mensaheng iniwan ng mga nilalang na dumakip kay Kaye. Malaki kasi ang posibilidad na nakatago sa Academy yung blueprints at balak ng mga kalaban na lumusob para mahanap ito. Kinumpirma naman ito ng ibang oracles, pagka't lahat sa kanila'y nagkaroon ng parehong vision.
Vision ng isang digmaan.
"Not yet... and the estimated time for the attack is a couple of weeks from now."
"Tutulong kami." anunsyo ko.
Tumayo siya. "You can, but not during the war. You're not allowed to step inside the battlefield."
Kumunot ang aking noo. "Bakit? Sapat na yung ilang linggo para mag-training ako. Sisiguraduhin kong magiging handa rin ako."
"You don't understand, Cesia."
"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw niyo kaming isama?"
"Consequences." matipid niyang sagot bago umalis.
Pinigilan ko ang sarili ko na tawagin siya dahil baka magising si Art. Sa huli, naiwan akong nakatitig sa pinto na sinarado niya.
Buong akala ko na pagkatapos ng nangyari, pagkatapos ng sinabi ni Art sa kanila, mapapanatag ang loob ko dahil inasahan kong isasali na nila kami sa kung ano mang plano nila. Umasa akong sila na mismo ang lalapit sa'min para pagsabihan kami sa mga nangyayari, at mangyayari.
Pero bakit gano'n?
Nagpakawala ako ng buntong-hininga atsaka humiga. Tumagilid ako kaya't kaharap ko na ngayon ang nakabukas na bintana.
Hindi umabot sa aking pananaw ang buwan, ngunit ang dala nitong liwanag sa loob ng aking kwarto ang nagsilbing patunay na ang gabing ito'y isa sa mga gabi kung saan pinakamaliwanag ang kalangitan.
Ipinikit ko ang aking mga mata...
At nagsimulang magdasal sa itaas na biyayaan ako ng kaunting liwanag, nang maliwanagan ako sa sinabi ni Cal.
Muntikan na akong madala ng antok nang makarinig ako ng ingay. Namulat ako sa tunog ng malakas na pagtama ng hangin sa bintana, na ipinagtataka ko dahil ang pagkakatanda ko'y iniwan ko itong nakabukas.
Pero mukhang nagkamali na naman ako ng akala.
Nakita ko kasing nakasarado ang bintana kaya't lumapit ako dito para buksan ito.
Dahan-dahan kong pinihit pababa ang hawakan ng bintana, ngunit hindi ako ang may kapakana ng pagbukas nito dahil sa halip, isang malakas na hampas ng hangin ang biglang sumugod at itinulak ako sa paanan ng higaan.
Kinailangan pa ako ng kalahating minuto bago bumalik nang buo ang aking diwa.
Sumasayaw man ang kapaligiran sa'king paningin, pinagsikapan kong tumayo. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang gisingin si Art.
"A-Art..." Niyuyugyog ko ang balikat niya. "Art! Gising!"
'The sun shall set, and never rise again.'
"A-Art... Gumising ka..." Hindi ko alam kung kaninong boses yung narinig ko at kung saan ito nanggaling pero nagdulot ito ng matinding takot sa'kin. "Gumising ka... please..." Tinampal-tampal ko ang pisngi niya ngunit wala pa ring nangyayari.
'This war is just a stepping stone. No more than a piece of a puzzle.'
"Shoot!" Nagmamadali akong tumungo sa pinto. Sinubukan ko itong buksan, para lang malaman na naka-lock ito at ayaw gumalaw. "Ria! K-Kara!" Sa kabila nito, kumapit pa rin ako sa seradura sabay hampas sa pinto, sa pag-asang may makakarinig sa'kin na Alpha.
'You shall bow down to a new era of kings and queens...'
Tumayo ang balahibo sa leeg ko dahil sa lapit nung boses sa aking tenga. "Tulong!" Umiiyak ako habang pinipilit na makalabas. Sigaw ako nang sigaw, ngunit sa kasamaang palad, walang nakarinig sa'kin.
Napatili ako nang may humatak sa'kin papalayo sa pinto.
Kasunod akong bumagsak sa basang lupa, at hindi sa baldosang sahig ng aking kwarto.
'You shall bow down to a new era of the supremes...'
Sa aking harapan, nakita ko ang isang dosenang katao na nakasuot ng mahahabang damit na yari sa ginto at nabalot ng mga brilyante na iba-iba ang kulay. 'Yon nga lang, punit-punit ang kasuotan nila.
Nakahalay sila sa tapat ng isang babae na gawa sa makapal na usok ang damit. Nakasuot din siya ng korona na kasing-itim ng nakatiklop niyang pakpak. Hindi ko gaanong makita ang hitsura niya dahil nakatagilid siya, ngunit naging malinaw para sa'kin ang taglay niyang kapangyarihan.
Bumukas ang kanyang bibig upang magbitaw ng isang utos. "Kneel before me."
Dahil dito, napag-alaman kong boses niya ang naririnig ko, simula kanina...
Tumayo ako at sa muling pag-angat ng aking ulo, nadiskubre kong hindi na sila gumagalaw, tila nakakulong sa sandaling 'yon.
Otomatikong humakbang ang aking mga paa papalapit sa kanila, at tumigil lamang nang makita ko ang isa sa mga nakaluhod.
Gulong-gulo ang kanyang buhok, at nawala na ang dating liwanag ng kanyang mga mata. Katulad ng kanyang damit, napuno ng dungis ang maputi niyang balat. At sa duguan niyang kamay, nakapaloob ang isang bracelet... na kung susuriin nang maigi, ay katulad nung akin.
"Aphrodite?"
Napabalikwas ako ng bangon sa higaan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro