XLIII | Divided
Cesia's POV
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa gilid ng sofa.
Walang bitawan!
"Sige na Cesia! Please! Last na talaga 'to!" Kung gaano kalakas ang boses ni Art, gayundin ang tibay ng sikmura niya.
Hinahatak niya lang naman ako para bumalik sa ice cream shop na 'yon, at hindi isa, hindi dalawa, hindi rin tatlo, kundi anim. Anim na beses ko siyang sinamahan, at anim na beses akong napilitan na kumain ng ice cream dahil ayon pa sa kanya, pag di ko raw naubos ang isang cup, di na niya ako papansinin for the whole school year.
Noong unang rounds, nakaya ko. Tapos, kinaya ko. Ngayon, di ko na kaya!
Yakap-yakap ni Art ang kabilang braso ko habang hinihila ako papalabas ng dorm at tanging ang sofa lang ang hinuhugutan ko ng puwersa para pigilan ang sarili ko na tuluyan niyang madala sa mall.
Nanlaki ang aking mga mata nang gumalaw ang sofa.
Kaya nga dito ako kumapit kasi ang laki-laki nito eh! Tapos malalaman ko nalang na pwede pala itong masama sa ice cream shop dahil sa lakas ni Art? Gaano ba kalakas ang babaeng 'to?!
"Art..." Naiiyak na ako. "Kanina pa humihilab yung tiyan ko." Ano pa bang gusto niya? Kumain lang kami nang kumain hanggang sa maging yelo yung mga dila namin?
"Ih hindi pa natin natikman lahat ng flavors ih!"
"Oh Gods." Tila nagkaroon ako ng surge of energy pagkatapos marinig ang sinabi niya kaya't malakas kong hinatak ang aking braso mula sa kanya at sumampa sa sofa. Bago pa niya mahablot ang kamay ko, ay pumatong ako sa gilid at niyakap ito na parang isang koala.
"Aaaah!" Napatili ako nang hawakan ni Art yung paa ko.
"Ano ka ba, Cesia! Hindi ka naman mamamatay! Demigod tayo, remember?" May kasamang hagikgik ang pagkasabi niya.
"Stay strong ka lang please." bulong ko sa upuan.
Ewan ko nalang talaga kung anong sasabihin ng iba pag naabutan nila akong ganito-
"We're still students. Who are we to go against them?"
Tuluyan na nga akong napabitaw at kumawala matapos marinig ang boses ni Ria. Nauntog pa ang noo ko sa sahig dahil nakataob ako nang salubungin ako nito.
Binitawan na rin ni Art yung paa ko.
"Luh! Sa'n na naman kayo galing? Huh?" Narinig kong tanong ni Art.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa likuran nina Ria at Kara para magtago. Kinalabit ako ni Chase kaya napalingon ako sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin para bulungan ako.
"Dumudugo yung noo mo."
Agad kong hinawakan yung noo ko at napangiwi sa hapdi.
"Give it a few minutes and that'll heal." ani Kara. "And as for you, Art. Give her some rest, will you?"
Ilang segundong nakatayo si Art, halatang nagdadalawang-isip kung susundin niya ba ang sinabi ni Kara, pero sa huli, napabuntong-hininga nalang siya atsaka tumungo sa kanyang kwarto nang mahaba ang nguso.
Binigyan ko ng isang ngiti si Kara bilang pasasalamat. Tinanguan niya naman ako bago ako talikuran.
Hindi na ako pinansin nung iba hanggang sa tuluyan na nila akong iwan mag-isa sa sala at kung kailan, dahan-dahang tumuwid ang nakakurba kong labi. Napatingin ako sa direksyon ng mga nakasaradong pinto. Mayamaya'y umupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko sa sandalan. Huminga ako ng malalim... saka bumuga ng hangin. Paulit-ulit kong ginawa ito para pabagalin ang tibok ng puso ko. At pagkatapos kumalma, lumabas ako sa balkonahe.
Biglang dumaan ang malamig na hangin dahilan na mapayakap ako sa sarili.
Habang dinadama yung kapaligiran, napaisip ako, na siguro magiging kontento ako kapag isang buong balcony nalang yung dorm, kung saan palagi naming matatanaw yung kalangitan... kung saan hindi na namin kailangan ng mga bintana...
Bahagya akong napalingon sa direksyon ng mga demigods na nagpapahinga sa kani-kanilang mga kwarto.
Kung saan walang mga pader na naghihiwa-hiwalay sa'min...
• • •
Kinapa-kapa ko ang higaan habang nakapikit para maghanap ng unan, pantakip sa tenga, dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto.
Mga sigaw ni Ria ang gumising sa'kin, at habang tumatagal, unti-unti kong naririnig ang mahihinang hikbi ni Art.
"Alam mong importante sa'kin 'yan, Art! Bakit... BAKIT PINAKIALAMAN MO?! HA?! BA'T MO GINAWA 'YON?!"
Gumulong-gulong ako sa higaan.
Ang ingay-ingay!
"Ria! Calm down!" Narinig ko ang boses ni Kara kaya't napatigil ako.
Tama ba 'tong naririnig ko? Nag-aaway sila?
Agad akong naalimpungatan at nagmamadaling lumabas ng kwarto, kung saan nadatnan ko si Ria na namumula sa galit, at si Art na umiiyak sa likuran ni Kara na dinidipensahan siya.
Mahigpit na nakatapis ang aking mga braso sa dibdib ko nang makalapit ako sa kanila. Hindi naman kasi ako nakapagsuot ng bra sa sobrang pag-aalala. Lalong-lalo na kay Ria. Nasaksihan ko kung paano siya magalit... at ayokong mangyari ulit 'yon.
"Anong nangyayari?"
Nagulat ako nang biglang lumitaw si Chase sa harapan ko. "Cesia." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Mabuti nalang at gising ka na. Ikaw yung kailangan namin dito."
Sinilip ko sina Trev, Dio at Cal na nakapaligid sa tatlong girls at nakalingon sa direksyon ko. Pagkatapos, bumaba ang aking tingin sa isang set ng military uniform na nakasampay sa sofa, basang-basa.
"Kanino 'yan?" tanong ko kay Chase.
"Art... m-mahalaga sa'kin 'yan eh." Dinuro-duro ni Ria yung uniporme. "Nilagay ko pa 'yan sa frame- fucking shit Art! BAKIT?! BAKIT PINAKIALAMAN MO?!"
"S-Sorry Ria-"
"That's bullshit!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Ria. "That's bullshit and you know that!"
"Ria. Stop it." Matigas na tugon ni Kara.
"That's the last thing she touched before she was gone, Kara. That uniform held her longer than she was able to hold me." Kinagat ni Ria ang likod ng palad niya habang umiiling-iling.
"Sorry p-please..." Walang hinto ang panghihingi ni Art ng tawad.
"Ria, you left the door wide open." mahinahong sambit ni Kara. "And we know Art..."
"Oh I know Art." Tinuyo ni Ria ang mga luha niya. "She's immature, irresponsible and everything I hate in a daughter of Apollo." Ginulo niya ang kanyang buhok. "Fucking Apollo! The God of Knowledge! Are you fucking kidding me?! How could he have a descendant so dumb and stupid-"
"Ria." Bago pa lumala ang pinagsasabi niya, sumingit na ako. "Naririnig mo ba yung sarili mo?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Tignan mo kami." utos ko. "Tignan mo kaming nakapalibot sa'yo, nakikinig."
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan, mga segundong nakalaan para mailibot ni Ri ng kanyang paningin.
Narinig namin ang mahinang tawa ni Art kaya sabay kaming napalingon sa kanya. "Dumb and stupid..." bulong niya. "Pakisali na rin yung pagiging walang kwenta ko." Inangat niya ang kanyang ulo at nginitian kami. "Dahil in the first place, wala kayong sinabi sa'kin tungkol sa mga plano niyo. Wala kayong sinabi sa'kin na may mangyayaring digmaan sa Academy kapag hindi niyo nahanap yung blueprints."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
'Isang linggo na rin tayong magkasama... yung tayong dalawa lang.' Nakapalagay ang kanyang mga kamay sa likuran niya. 'Ewan ko ba sa mga demigods na 'yun. Parang kinalimutan na tayo... Pansin mo rin, ano? Kaya sinamahan mo akong bumili ng ingredients. Yieeee!' Siniko-siko niya ako.
Ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin ako makapagsalita. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Noon pa ako napapaisip kung bakit... bakit ramdam ko ang distansyang namumuo sa pagitan ko at ng ibang Alphas. At bilang resulta, parati nalang akong napapatanong sa sarili ko kung may nasabi ba akong mali o may nagawa ba ako na hindi nila ikinagusto... o sadyang hindi pa talaga nila ako kayang pagkatiwalaan.
'Cesia, gusto mo bang malaman kung ano yung nalaman ko? Hihihi!'
"Kung ganu'n nalang pala ako ka-useless sa pamilyang- sa grupong 'to, eh di aalis nalang ako!" Humikbi siya bago tumakbo papalabas ng dorm.
Binigyan ko yung iba ng nag-aalalang tingin bago umalis para habulin si Art ngunit huli na ako dahil ni anino niya hindi ko nahagilap pagkalabas ko.
"Art!" Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya. "Art! Sa'n ka na-" Bigla akong napahinto sa gitna ng corridor. Binilang ko kasi ang mga paborito niyang lugar sa Academy. Kung gusto niyang magpahangin, o di kaya'y mapag-isa, ibig sabihin...
"Sa park!" Hindi ako nag-aksaya ng segundo at kumaripas na ng takbo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro