Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XLII | God of Connections

Chase's POV

"The council plans for a movement." narinig kong sambit ni Sir Glen nang pihitin ko ang knob para tuluyan na nga kaming makalabas ng opisinaniya.

"Una na ako bro..." paalam ko kay Cal at dumiretso sa dorm.

Ilang segundo lang ang kinailangan ko para makarating sa dorm. Natagpuan ko ang ibang Alphas- maliban kina Art at Cesia, sa sala at tila seryoso ang pinag-uusapan kaya tumabi ako kay Dio para sumali sa kanila.

Napatigil naman sila nang mapansin ako. Nanatili silang nakatitig sa'kin, naghihintay ng balita galing sa... kataastaasan.

"Guess what." Ipinatong ko ang aking mga paa sa mesa.

"Spill it Chase. Nakakainis na talaga 'yang 'Guess what' mo." naiiritang sabi ni Ria.

"Nga pala, asan sina Art at Cesia? Wala pa rin?"

"Tsk. Di mo alam?"

Sinamaan ko ng tingin si Ria. Sagutin pa naman ako ng tanong? "Ria, magtatanong ba ako kung alam ko?"

"We don't want them to know yet." ani Kara.

"Ah..." Pinatakbo ko ang aking palad sa buhok ko sabay tawa. Grabe. "We have less than a month at wala pa rin kayong plano na sabihan sila sa mangyayari? Galing ah." Sinigurado kong mapapansin nila ang panunuya sa boses ko.

May karapatan naman kasi silang malaman lahat ng nalalaman namin. Alphas din naman sila diba?

Napabuntong-hininga si Dio. "Chase, you know we shouldn't-"

"Shouldn't what?" Umangat ang kilay ko. "Shouldn't stress them out?"

Walang nagsalita sa kanila kaya't natagpuan ko ang aking sarili na namamangha sa katahimikan.

"Bakit ba kasi wala kayong tiwala sa kanila? Alam niyo naman siguro kung anong magiging reaksyon nila pag nalaman nilang may tinatago tayo sa kanila diba?" Sunod-sunod ang mga katanungan ko. "Kara? Trev? Ano na?"

"Bakit pakiramdam ko ako lang ata ang nag-iisip dito?" Natutuwa kong sabi. "Baka totoo nga yung sinabi ni Art na nakahithit kayo ng ambrosia-"

"Chase. You know full well what's gonna happen when we let them join us." Nambabanta ang tinig ni Kara pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting kaba.

"Walang kwenta kung hindi natin sila isasali." sambit ko. "Malalaman at malalaman pa rin nila ang magaganap sa Academy."

"May plano na kami para mailayo sila mula rito." Humugot ng hangin si Ria. "A school trip." Ipinagdaop niya ang kanyang palad. "Or a mission, just for the two of them."

Kumibit-balikat ako. "Kayo bahala."

Ayokong makipagdebate sa kanila. Pagod na akong mag-alala. Ilang gabi na akong walang tulog. Kailangan ko ng break. Kailangan ko ng handsome sleep. Kailangan ko ng inuman!

"May pinapahanap ang council na blueprints. Blueprints ng isang machine." Ibinahagi ko sa kanila ang pinag-usapan namin sa meeting kanina. "Yun rin daw kasi ang hinahanap ng mga kalaban. Kaya dapat mapasakamay kaagad natin 'to."

"Isa ata sa mga machines ni Theosese ang tinutukoy nila. Wala na akong ibang maisip eh." Kumibit-balikat ako. "Yung may kakayahang mag-imitate ng abilities."

"So, they already know about the machines' existence." ani Dio. "And now they want us to look for one of them."

"Inulit mo lang ang sinabi ko, bro." nababagot kong sabi.

Sinummon ko ang weapon ko at pinalutang ito sa ibabaw ng palad ko. Tinignan ko ang kapangyarihan sa pagitan nito at ng aking balat. Wala naman akong nakikitang tali o liwanag. Sa halip, nakikita ko ang repleksyon ng enerhiya na matatagpuan sa isang barrier.

Naalala ko ang sinabi ni Hermes sa'kin dati...

Ayon sa kanya, makapangyarihan ang isang tao na may kakayahang bumuo at manatili ng anumang koneksyon, katulad nalang ng koneksyon sa pagitan ko at ng weapon ko... pati na rin ang koneksyon ko sa mga kaibigan ko, sa Alphas.

Dahil bilang god of trades, roads, at travelers, naniniwala siyang konektado ang lahat.

Tinignan ko ang dahan-dahang pagbaba ng weapon sa'king kamay. Pagkatapos, kinuyom ko ito.

Naniniwala si Dad na may kakayahang gumawa ng malakas na buhawi ang isang munting paru-paro.

Ibinaba ko ang aking mga paa mula sa mesa. "Nga pala..." Umayos ako sa pagkakaupo. "Nakakausap niyo pa ba yung deities n'yo? Sobrang tahimik ata nila ngayon eh."

Sa simula, napaka-active nila. Napaaga nga yung claiming ceremony namin eh. Tapos ngayon, wala na akong mensahe na natatanggap mula kay Hermes. Ni hindi ko na gaanong naririnig ang boses niya, di katulad ng dati.

Hmm... nagloloko na naman ba ang kalangitan?

"We've noticed that too, Chase." pagsang-ayon ni Kara.

"But to hell with them." dagdag naman ni Ria. "Kung ano mang problema nila, sa kanila na 'yon. We have our own problems to face. We don't need them, just as they don't need us."

"Kaya siguro nagkakaproblema tayo dahil sa walang-tigil mong pang-iinsulto sa deities, Ria." Pinasadahan ko siya ng tinatamad na tingin. "Para naman kasing machine gun 'yang bunganga mo pag sila na yung pinag-uusapan."

Hinanda ko ang sarili ko na lumayas sa pwesto habang hindi pa lumilitaw ang isang espada sa kamay niya.

"O di kaya, napuno na sila sa katarantaduhan mong gago ka-"

"Or possibly, naingayan sila sa'nyong dalawa." sabat ni Dio. "Can you guys stop with the constant arguing? Ano ba talagang meron at bakit kumukulo ang dugo niyo sa isa't-isa? Can't we have a serious meeting? Just for once?"

Nagpalitan kami ni Ria ng matatalim na tingin.

"He's the one who started it."

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ko nalang yung sarili ko at piniling manahimik.

Pasalamat yang Ria na 'yan at pinalaki akong humble. Tch. Sobrang humble ko kaya ibibigay ko nalang sa kanya ang huling linya sa round na'to.

Atsaka, ramdam ko rin yung galit ng anak ni Zeus dito sa kinauupuan ko kaya pass muna ako mga tsong.

"Pero ano ba talaga ang hahanapin natin? As far as I can remember, there's two machines, right? The Elite and Seht?" Madaling naibalik ni Ria sa dating topic ang pag-uusap. "So alin ba sa dalawa?"

"Either one." sagot ni Kara. "Both of them are primarily made up of the same stuff. The only difference is that the Seht is an enhanced version of the Elite."

"Chase, did you go to his house in the mortal realms?" tanong ni Trev.

Tumango ako. "Wala akong nahanap na kakaiba. It was just as you described it. Alikabok lang ang sumalubong sa'kin."

Ginawa ko na lahat. Pina-analyze ko bawat libro na nasa bookshelves, nagpadala ako ng samples sa mga seers at oracles dito sa Academy at wala silang nakita. Lahat ng ito'y nagawa ko nang palihim.

Mabuti nalang talaga at walang cctv sa bahay nila.

Kebabata ko pa para makulong. Pero sa totoo lang, hindi naman ako makukulong kasi may resback naman ako, ang Academy.

"Chase, can you sneak inside the faculty and look for records from the council-"

Hindi pa nga tapos si Kara sa pagsasalita ay nawala na ako sa kanilang harapan at nakalabas na ng dorm. Dumiretso ako sa faculty at kinuha ang mga susi na nakatago sa isang hidden cabinet. Kabisado ko na lahat ng mga susi dito, pati na rin ang mga nakatagong compartments. Sino bang hindi eh trabaho ko ang magnakaw- este manghiram ng impormasyon na hindi binibigay ng faculty sa mga Alphas.

Pagkatapos kunin ang mga records, ibinalik ko ang susi sa kinalalagyan nito atsaka tumungo na sa dorm.

Nadatnan ko pa sina Art at Cesia sa corridors na may dalang shopping bags. Lalagpasan ko na sana sila nang mapahinto ako dahil narinig ko ang pangalan ko.

"Chase."

Imposible.

Dahan-dahan akong umikot para harapin yung dalawa. Dumiretso ang aking mga mata sa anak ni Aphrodite.

Boses niya ang tumawag sa'kin.

"Hala! Andyan nga si Chase! Yehey!" Tumatalon-talon si Art.

"Andito nga ako..." Kumunot ang aking noo. "Paano mo'ko nakita?" nagtataka kong tanong kay Cesia.

"Hindi kita nakita." Suot niya ang isang malambot na ngiti. "Naramdaman ko lang ang presensya mo na papalapit sa'min."

"Talaga?" Sobrang chill ko lang tignan pero deep inside...

What the hell men?! May isa na pala sa kanila na makakadetect sa'kin?! Kahit di ako nagpapakita?! Naramdaman niya ang presensya ko eh ang layo-layo ko pa? Tapos nagawa niya pang sambitin yung pangalan ko? Meron palang gano'n?

Palihim akong napasinghap.

Kumukupas na ba yung abilities ko?

Hindi maaari!

"Magpapatulong sana kami sa mga bitbit namin eh pero mukhang ang dami mo ring dala- umm... ano nga pala 'yan?" Umatras ako nang magtangkang lumapit si Art.

"Inutusan ako ng faculty na maglipat ng files." Umikot ako para hindi nila makita ang nakasulat sa mga papeles. "Teka lang. Babalikan ko kayo."

Bumalik ako sa dorm at sa pagpasok ko, agad kong binagsak sa mesa ang tumpok ng files na pinakuha nila mula sa faculty.

"Papunta na dito sina Art." pagbibigay-alam ko.

Nagsitayuan silang lahat maliban kay Kara na sa kasalukuya'y isa-isang kinokolekta ang mga documents. "The search will start now." Tumayo siya bitbit ang mga ito. "We have searched every place related to Theosese... all but one. The Academy."

"Chase, you're going with Ria and Kara to the right wing. The rest, left." tagubilin ni Trev bago umalis kasama sina Cal at Dio.

"Mauna na kayo." Sinenyasan ko yung dalawa na mauna. "Tutulungan ko lang sina Art sa mga dala nila."

Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng dorm. Pagkatapos, ilang segundo akong naiwang nakatulala habang nakatitig sa nakasaradong pinto.

'Hindi kita nakita. Naramdaman ko lang ang presensya mo na papalapit sa'min.'

Binuksan ko ito atsaka lumabas.

Ipinasok ko ang aking mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Napagdesisyunan kong maglakad nalang imbes na gamitin ang ability ko.

'Hindi kita nakita. Naramdaman ko lang ang presensya mo na papalapit sa'min.'

Pabalik-balik ang sinabi ni Cesia sa utak ko, tila naghahanap ng koneksyon sa mga ala-ala ko... at meron nga.

'Connection, my son, is what makes the world breathe. Everything is connected, no matter which realm, time... and space.'

Tandang-tanda ko pa ang boses ng sarili kong ama...

'So be careful of people who could see you when you didn't want to be seen. For they're the ones whose connections are strongest. And those with the strongest connections...'

"...are those with the power to control." bulong ko.

'Always remember, Chase, that even the smallest butterfly, can create the strongest winds.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro